08
Dear Hot Headed Class President,Umuulan noong araw na iyon at uwian na. Wala akong nadalang payong dahil sa sarili kong katangahan. Nilagay ko na kase sa bag ko pero nanghiram ng ballpen si mama kaya inalis ko ulit pero hindi ko na naibalik ulit. Sa sobrang kamalasan, umulan pa ng malakas.
Nagsisisuwian na ang mga kaklase ko habang ako ay nasa waiting shed pa at hinahantay na magkamilagro bigla at huminto ang ulan.
Tumatama ang ilang talsik ng tubig sa palda ko kaya umusog pa ako paurong. Mapapagalitan kase ako kay mama kapag nakita na maraming putik sa laylayan ng palda ko. Sasabihin pa no'n na sobrang hirap maglaba ng damit kaya dapat ayusin ko ang pagsusuot.
"Wala kang payong?" nilingon ko ang nagsalita at doon kita nakita na may nagtatakang mukha. Alam mo kase at maging ang iba pa nating kaklase na hinding hindi nawawala ang payong ko sa bag, sadyang minalas ako ngayon dahil naiwan ko pa sa bahay ngayong malakas ang ulan.
"Naiwan ko sa bahay hehe" ang awkward lang dahil inaasar kita ng madalas tapos ngayon ay magkasama tayong dalawa. Nakakahiya kaya 'yon.
"Sabay ka na sakin." aya mo na ikinabigla ko naman. Hindi ko inaasahan na yayain mo ako bigla. Ang maiinitin kaya ng ulo niya, hindi naman siguro kita tataguriang Hot Headed Class President kung mala-anghel ang ugali mo diba?
"Ahmm... magkaiba tayo ng ruta hehe"naiilang talaga ako ngayon!Nawala lahat ng tapang ng loob ko kapag binibiro kita sa loob ng klase.
"Hatid na kita."sabay bukas ng payong niya.Pereng tenge nemen se Presedent! oh bumaliktad ba ang dila mo?
"A-Ano kase--"
"Xy! Nandiyan ka pa pala! Mabuti na lang."nakita ko si Shane na papunta sa gawi natin. Medyo nabasa ang buhok niya dahil tumakbo siya papunta sa waiting shed.
"Shane? Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba sinundo ni Mang Estor?"tanong mo sa kaniya.
"Nasiraan daw siya sa kasagsagan ng ulan. Kaka-text niya pa nga lang sa'kin eh. Ang problema ay kailangan kong umuwi agad dahil aalis pa kami ni mommy mamaya-maya lang." napapabuntong hininga na ani niya na may mukhang problemado pero maganda parin. Nakita ko na medyo nabasa rin ang blusa na suot niya at bahagyang lumilitaw ang bra niya dahil sa basa. Kukunin ko na sana ang panyo ko sa bulsa pero...
"Heto ang panyo.Punasan mo muna ang katawan mo at pagkatapos ay ihahatid kita."parang tumigil ang pandinig ko ng ilang segundo dahil sa sinabi mo.
Nauna mo akong niyaya pero dumating lang si Shane, bigla na lang akong naging pangalawa...
Naasar ako sayo dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinamukha mo sa akin na tagahanga mo lang ako.
"Hatid ko lang siya saglit. Babalikan kita pagkatapos."doon pa lang ako napansin ni Shane noong kausapin ako mo ako.
"Hala! Hi! Hindi kita nakita agad. Wala ka rin bang masakyan? Grabe ang ulan, 'no?" ang bibo niya pala kaya ngumiti na lang ako at hinarap ka.
"Hindi na kailangan. Nagchat na ako kay mama at papunta na raw siya dito para sunduin ako. Hatid mo na lang si Shane dahil mas kailangan ka niya."
"Sigurado ka?"paninigurado mo kaya tumango na lang ako.
"Oo. Mauna na kayo."tumango naman siya.
"Sige. Mauna na kami."alam kong hindi mo sinasadya pero nasaktan talaga ako doon sa ginawa mo President.
Hindi mo man lang ako pinilit dahil sa totoo lang, wala naman talaga akong load para i-chat si mama sa mga oras na 'yon.
Naghintay pa ako ng kalahating oras bago umuwi... inaasam na babalikan mo akong muli pero hindi nangyari... Umuwi ako na sinuoong ang malakas na ulan kasabay ng mabigat kong nararamdaman.
Yawa ka Hot Headed Class President... pinaasa mo akong gago ka.
BINABASA MO ANG
Classroom Catostrophe (Completed)
Kısa Hikaye'Mainitin ang ulo niya. Kunot palagi ang mga noo niya. Masama kung tumitig kapag nag-ingay ka. Susuwayin ka kapag sumobra ka na. Sino siya? Siya lang naman ang Hot Headed Class President na aking pantasiya! Gusto mo bang malaman ang aming istorya? P...