02

191 53 7
                                    

02

Dear Hot Headed Class President,

Ano ba ang pakiramdam na maging class president? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Lagi ka na lang kaseng inuutusan ng nga teachers tapos isama mo pa ang nga nakaka-stress nating mga kaklase na walang pakundangan kung mag-ingay.

Gusto man kitang tulungan, ayaw mo naman. Palagi mong sinasabi na kaya mo na kahit hindi naman. Minsan nakakainis ka na nga eh dahil ikaw na ang tinutulungan, ikaw pa ang maarte pero syempre gusto pa rin kita hihihihi!

Pero alam mo? Hindi masamang humingi ng tulong, ah? Hindi mo kailangang solohin ang mga bagay na dapat ginagawa ng magkakasama. Alam ko namang kaya mo pero mas mapapagaan ang trabaho kung mapasaiyo ako - este, magkakasama nating gawin ang mga ito.

Naa-amaze talaga ako sa'yo kapag ginagawa mo ang mga bagay na nakakapag-pabilib sa akin. Uutusan ka ng mga teachers at wala pa mang ilang oras, tapos ka na agad sa isang gawain. Nakakabilib!

Sobrang talino mo rin na ultimo ang utak kong maliit ay nahiya sa talino mo. Grabe!Saan mo ba nakukuha 'yang kakayahan mo? Sobra-sobra na kase talaga lalo na kapag isinama pa ung mala-Adonis mong mukha!

Hindi lang iyon ah? Ang cute mo rin kase lalo na kapag tumatawa ka! Naglilitawan ang dalawang dimple mo sa magkabilang pisngi kaya nga hindi na nakakagulat na maging ang ilang kaklase natin o kamag-aral ay nahahalina sa taglay mong personalidad at itsura.

Kanina nga lang habang naggugupit tayo ng mga construction  paper para gawing confetti, ang cool mo na. Muntik ko pa ngang magupit ang daliri ko dahil sa kakatitig sa'yo, mabuti na lang talaga at hindi nangyari ang katangahan kong iyon sa harap mo.

"Okay ka lang?"napansin mo yata noon na nakatulala lang ako sa'yo kaya nagtanong ka na.

"Oo..."

"Ano ang tinitingin-tingin mo diyan?"kunot na sabi mo pa nga dahil hindi ko talaga nilubayan ang mukha mo.

"Tinitignan ko ang pinakamagandang obra na nasa harap ko."hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga katagang iyon at nasabi ko talaga sa mismong harap mo.

"Yownnnn!!!!"muntik na akong mahulog sa upuan ng marinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko. Tangina lang dahil nakatingin pala sila sa atin at narinig ang sinabi ko.

"P-Para naman kayong tanga!"

"Utal-utalan? Yieeeee XION! SAGUTIN MO NA KASE!AHHAHAHAHA"

Kahiya! Pero sulit dahil nakita kitang namula. Nakita kong namula ang Hot Headed Class President namin

"Quiet, Guys." naiilang na sabi mo pa nga.

Gwapo mo, 'no? Kailangan mo kaya mapapansin ang isang tulad ko? Mapansin ang gandang meron ako at ang posibilidad na maging tayo. Sana soon!

Classroom Catostrophe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon