13

90 43 4
                                    

13

Dear Hot Headed Class President,

Masaya ako sa paglapit nating dalawa. Madalas nga ay napapangiti na lang akong mag-isa sa tuwing naaalala kita. Muntik na rin akong mabatukan ni mama nang minsan na ako ay nagsasandok ng kanin at todo ngiti. Feeling ko kase ikaw ung kanin na sinasandok ko eh, ung todo smile pa?Nababaliw na ako sa'yo! Grabe, ha?

Natutuwa rin ako na maisip na madalas mo na akong kausapin, hindi tulad noon na naiilang ka kapag tinutukso kita. Nakakatuwa na ang dating masungit na class president ay biglang bumait. Tumalab nga yata ang unang subok ko na gayumahin ka! Meroon kase akong napanood sa youtube na ang pamagat ay 'paano mapaibig si crush'  malaking tulong ang ibinahagi ng creator sa aming desperada na i-crush back ng hinahangaan nila.

"Zane! Pinabibigay ni pres. sa'yo, oh"sabay abot ng kaklase ko sa isang tinapay at isang bottled water.

"Sana all!" napa-iling na lang ako sa tinuran nila.

Madalas na rin tayong tuksuhin ng mga chismosa nating mga kaklase kung kelan daw umano ang monthsary natin. Paepal sila, 'no? Pero bet ko rin malaman kung meron nga ba talaga tayong monthsary. Nakakaloka lang din kase na parang tayo pero hindi.

Gets mo ba ako? Madalas kang maging sweet sa akin pero hindi ko alam kung gano'n ka lang ba talaga o iba na ang pakikitungo mo sa akin. Assumera lang ba talaga ako o sadyang may gusto ka sa akin?

Naguguluhan ako dahil wala ka namang sinabi na 'tayo'. Ang tanging alam ko lang ay may ikaw at ako sa mundong puno ng chismosa at chismoso.

"Gusto kang makilala ni ate, pwede ba raw?" nilingon kita nang marinig kitang magsalita. Nasa field tayo at nasa lilim ng puno, katulad noong kinausap ako ni Shane at ibinalitang nag-alala ka para sa kalagayan ko.

"Hala! Bakit raw?" kaba ang lumukob sa akin ng mga oras na iyon dahil unang una, hindi ko kilala ang ate mo at pangalawa, bakit gusto niya akong makilala?

"She's wondering because you are always the subject of my stories. Ikaw bukambibig ko, eh, nagtaka na siguro." madalas talaga ay nakakadugo ka ng utak kaya kailangan ko ring panatiliing may sapat na enerhiya ang utak ko para naman makasabay sa talino mo.

"Bakit mo naman ako kinokwento sa kaniya?" naka-ngiting tanong ko para mapag-takpan ang kaba sa maaari mong itugon.

"Because you are special to me." may ilang na sabi mo at umiwas ng tingin. Ano ako?Rebisco?'May pasobrang isa dahil speacial ka' kinwento mo ako dahil special ako at iyon ang kinaibahan ko sa iba, gano'n ba?

"Special..."umiwas ka ng tingin sa akin matapos kong sabihin ang katagang iyon.

"Ano ang pinagkaiba ko sa iba nating kaklase para maging espesyal?" hindi ka naka-sagot kaya napababa ako ng tingin. Hirap na hirap ka bang sagutin ang tanong ko? Bakit parang bumigat ang dibdib ko?

Sana pala hindi ako umaasa agad sa mga actions, 'no? Ang hirap pa lang mangapa kung hindi ka sigurado sa tinatapakan mo.

"Xion, I hope you don't mind me asking this, but, what are we? Ano ba talaga tayo?" nalilito na rin talaga ako kay kailangan ko ng confirmation. Kita ko ang gulat sa mga mata mo matapos kong itanong iyon ng deretso at walang pagkailang.

"We are not friend but we are more than that..." lalong nangunot ang noo ko sa sinabi mo. Nakakalito.

"So it means, we are bestfriends? Tama ba?"ganito ba talaga ang malapit na mag-kaibigan? May patagong nararamdaman sa isa pero hindi magawang maamin dahil baka masira ang pagkakaibigan? Iyon ba ang sitwasyon natin ngayon, Xion?

Bestfriends?

"Zane.. no." tawag pansin mo sa akin.May sinabi ka pa pero hindi ko na narinig dahil parang bulong na lang.

"Ha? B-Bakit?" nagtatakang tanong ko. Akma mong ibubuka ang bibig mo ngunit hindi mo upang magsalita ngunit hindi mo ito itinuloy, sa halip ay umiling ka na lang sa akin.

"Nothing..."tumango na lang ako ng bahagya.

"P-Pasok na ako sa classroom, pres. baka nandiyan na ung next teacher..."sabay ngiti ng maikli at iniwan ka roon na naguguluhan sa naging asta ko. Ako rin naman naguguluhan.

Sa totoo lang, aware naman ako sa situation na 'mutual understanding' at ang posibleng meron kaming dalawa. Ang gusto ko lang naman ay iconfirm ito mula sa kaniya. Na gusto niya rin ako. Ang hirap kaseng umasa lalo na sa mga pinapakita niya ngayon. What if, magkaibigan lang talaga kami? What if, wala lang talaga ang mga bagay na pinapakita niya? Gusto ko ng direct answers. Mahirap bang ibigay 'yon?

Bakit gano'n class president?

Classroom Catostrophe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon