05
Dear Hot Headed Class President,
Masaya ako na naging okay ka na pagkaraan lang ng ilang araw. Madalas na namang uminit ang ulo mo kapag maingay ang klase kaya masasabi ko talagang nagbalik ka na sa dati.
Nakakatuwa rin na nagawa mo akong pasalamatan na walang pagkailang matapos mong gamitin ang ipinahiram ko sa'yong unan. Hindi mo lang alam na pigil na pigil kong ipakita ang kilig ko dahil may mga matang chismosa sa paligid natin.
Paniguradong mang-aasar na naman ang mga baliw kapag nakita nila ang kilig sa mukha ko. Walang mga lovelife kaya nakiki-isyoso sa lovelife nating dalawa. Luhh ang feeling ko do'n ah?HAHAHAH. Hayaan mo na at imagination lang naman.
Masaya ako para sa'yo dahil napili kang ilaban ng mga teachers para sa quiz bee. Hindi na rin nakakapagtaka dahil ikaw ang nangunguna sa klase. Dalawa kayong napili at isa na ron si Shane. Babae siya na matalino rin at maganda.
Nakakainis nga dahil maraming nagsasabi na para daw kayong couple kung mag-usap. Mga bobo ba sila? Ano ang pagiging couple sa pag-uusap na about sa mga formula sa mathematics? Lokohan lang gano'n?! Walang couple-couple!
Dahil nga sa pagiging contestant mo, madalang na lang kitang makita sa classroom kaya ang Vice President natin na isa ring chismosa ang nalagay sa dating pwesto mo. Grabe lang dahil ang ingay palagi ng classroom at napapagalitan palagi kami ng mga teachers dahil wala ka.
Nakakaloka naman kase si Vice na mas inuna pa ang pagiging chismosang froglet kesa gampanan ang pagiging officer niya. Hayst!
Wala pa mang tatlong araw pero nakakasakit na sa ulo ang mga kaklase nating maiingay!
"Manahimik nga kayo! Nakaka-inis na kadaldalan niyo ah? Respeto naman oh!"sigaw ko kaya panandaliang nanahimik ang iilan.
"Luh! Bida-bida ka? Officer ka ba, Zane?"sigaw ng kaklase kong lalaki kaya naman nagtawanan din ang iba kong kaklase.
"Manahimik ka diyan dahil baka isungalngal ko sa bibig mo itong upuan ko!Oo, bida-bida ako! Para happy 'diba?!Mga letse! Tahimik!"
"Akdog"sinamaan ko siya ng tingin maging ang iilan pa. Wala ako sa mood ngayon dahil wala dito si Hot Headed Class President na pinalitan ko na yata ng pwesto.
"Manahimik kang bwiset ka dahil baka hindi ako makapagtimpi at masungalngal ko talaga sa'yo 'tong upuan"nagtawanan na lang sila sa naging asta ko.
Epal...
Hayst! Miss ko na ang presensiya ng Hot Headed Class President ko.
BINABASA MO ANG
Classroom Catostrophe (Completed)
Kısa Hikaye'Mainitin ang ulo niya. Kunot palagi ang mga noo niya. Masama kung tumitig kapag nag-ingay ka. Susuwayin ka kapag sumobra ka na. Sino siya? Siya lang naman ang Hot Headed Class President na aking pantasiya! Gusto mo bang malaman ang aming istorya? P...