04

126 53 5
                                    

04

Dear Hot Headed Class President

Dumaan ang mga araw na naging matamlay ka lalo. Hindi ka na nga tumatayo kapag may kailangang suwayin sa kaklase, sa halip ay sinasamaan mo na lang sila ng tingin.

Napansin rin iyon ng ibang mga teachers at ilang beses kang tinanong kung may problema ka ba ngunit ang tanging sagot mo ay ang pag-iling. Ibig bang sabihin noon ay wala o ayaw mo lang sabihin?

Recess time at hindi ka man lang lumabas upang bumili ng makakain sa canteen. Wala kang gana na umupo sa pinakadulong upan sa silid kung saan katabi ang bintana.

Emote-emote lang pag may time ang peg mo noong mga oras na iyon ngunit hindi ko na nagawang mag-biro pa ng makita kitang iniyuko ang ulo at ginamit ang dalawa mong braso bilang unan.

Sa mga oras na 'yon ay alam kong may problema ka na talaga. Aminin mo man o hindi ay alam ko na. Sino ba naman ako, hindi ba? Ako lang naman ang number one fan mo simula noong unang nag-aral ka dito. Aba! Dapat lang din na alam ko ang lagay ng future ko!

Bumili ako sa Canteen ng makakain mo. Isang C2 at isang tinapay. Inaasar na naman nga ako ng mga kaklase natin dahil sa inasta ko pero isinawalang bahala ko na lang ang mga bagay na iyon dahil para sa'yo naman ang ginawa ko. Akalain mo 'yon? Hindi ako nag-atubiling ibili ka kahit na kapos din kami.

Shet! Ganito ba talaga kapag in love? Hayst...

"Kumain ka na muna." sabay lapag ng binili ko sa harap mo.

"Ayoko"

"Kumain ka na nga kase bago magsimula ang klase."

"Ayoko"

"Isa pang ayoko, babatukan na talaga kita."banta ko.

"Ayoko"

"Ayy epal ka talaga. Alam mong hindi ko magagawa kaya sinabi mo talaga eh, 'no?"hindi ka sumagot kaya naman bahagya kong hinawakan ang noo mo pero nagulat lang ako ng maramdaman ang init ng katawan mo. Ang ibig kong sabihin ay nilalagnat ka pala kaya ka matamlay.

"Samahan kitang pumunta sa clinic. Kailangan mong uminom ng gamot."

"Ayoko"

"Ang tigas ng ulo mo, Xion. Kung ayaw mong pumunta ng clinic, dadalhan na lang kita ng gamot dito pero kailangan mong kainin iyang binili ko. Okay?" hindi ka sumagot kaya naman mahina ko kitang tinapik sa balikat.

"Okay?" ulit ko at sa kabutihang palad ay tumango ka naman .

"Kulit mo." mahina na lang akong natawa dahil sa sinabi mo.

"Talaga lang"umalis na ako at kumuha ng gamot. Pagbalik ko ay nakita kong ubos na ang binili ko sa'yo  kaya naman ibinigay ko na sa'yo ang gamot.

Ininom mo naman ang gamot at muling yumuko. Kita ko na medyo nahihirapan ka sa pwesto mo kaya naman kinuha ko ang neck pillow sa bag ko at inabot sa'yo. Meron talaga akong gano'n dahil antukin talaga ako.

"Thanks." ngumiti na lang ako bilang tugon at bumalik na sa upuan ko.

May lagnat pala ang hot headed class president kaya matamlay. Sana gumaling ka na  agad dahil nakakamiss ang tingin mong masama sa klase kapag may maingay.

By the way, cute mo pala kapag tulog....

Classroom Catostrophe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon