14

98 43 4
                                    

14

Dear Hot Headed Class President,

Hindi kita pinansin ng buong araw ding iyon dahil nalilito kase ako, eh. Naguguluhan ako sa mga nagiging asta mo at iyon ang totoo. Isama mo pa na sinabi mong special ako kaya hindi ko maiwasang ihalintulad ang sarili ko sa Rebisco.

Ilang araw na lang at magaganap na ang Prom night. Busy ka na naman at tumutulong sa mga SSG officers sa pag-aasikaso ng mga gagawin. Kailangan kase na kada officer sa bawat section ay tumulong sa mga SSG officers para mas mapadali ang gawain.

Excuse ka na naman sa araw na ito at hindi nakapasok sa buong klase. Ni anino mo ay hindi ko man lang nagawang makita dahil sa sobrang busy ka nga. As ussual ay maingay na naman ang classroom dahil wala ka. Nakakarindi na nga minsan pero wala akong magawa dahil tinatamad rin akong maging bida-bida.

Inaalala ko rin kase ang mga naganap noong isang araw sa lilim ng punong marami pa lang antik. Bakit hindi ka agad nakasagot sa akin noong tinanong kita kung ano ang kinaibahan ko sa iba?Simpleng maganda ako, okay na sana eh. Alam mo ba na medyo na-hurt ako sa naging asta mong pag-iwas sa akin? Alam kong hindi mo sinasadya pero nakakasakit parin pala ng damdamin.

Ngayon ay nasa mall na kami ni mama at namimili ng damit na maaari kong masuot sa prom night. Marami kaming nakita na mga dresses na may iba't ibang desenyo at ayos pero sa lahat ng iyon ay wala pa akong nagugustuhan.

"Anak, ayaw mo ba neto? Maganda naman, ah?"ipinakita sa akin ni mama ang isang black dress na may slit sa gilid at backless.

"Baka sipunin lang po ako diyan, ma. Parang nagkulang sa tela ang nanahi. Donate kaya tayo?"agad niya akong sinuway dahil sa sinabi ko pero totoo naman kase! Sobrang nipis na nga lang tapos gano'n pa ang disenyo.

"Sus maryosep, anak! Huwag kang maingay dahil nakakahiya."mahina na lang akong natawa sa naging asta ni mama at muling ibinalik ang damit na nakuha niya.

Sinabihan niya akong magtingin-tingin muna sa loob ng store habang naghahanap din siya ng posibleng damit na maisusuot ko. Habang naghahanap ay may nakita akong babae na natapilok na nagdulot upang matumba siya sa sahig. Ang iilang tao ay napatingin sa kaniya at natawa pa kaya alam kong hiyang-hiya na siya ngayon.

Agad naman akong lumapit at tinulungan siya. Alam ko rin kase ang pakiramdam na mapahiya.

"Heto pa po, ate." sabay abot ng paperbag sa kaniya.

"O my gosh! Thank you so much!Nakakahiya pero salamat talaga." puno ng sinseridad na sabi niya.

"Wala po ba kayong kasama na magdadala ne'to?" tanong ko at tinulungan siyang tumayo.

"Nandito ang kapatid ko kanina pero mukhang tinakasan na naman ako. Ang lalaki talagang iyon!"medyo asar na sabi niya pa. Mukhang iniwan siya ng kapatid niya sa store.

"Tulungan ko na po kayo diyan. Saan po ba ilalagay ang mga ito?"tanong ko ngunit bahagya siyang natawa sa paggamit ko ng 'po' sa kaniya gayong ilang taon lang daw ang agwat naming dalawa.

"Ako na lang hahaha. Maraming salamat sa tulong mo, miss. Thank you talaga at nakita mo ako." nginitian ko na lang siya.

"Walang anuman, ate. Sure ka bang hindi mo na kailangan ng tulong ko?"

"Hindi na, nakakahiya na rin kase. Mamaya-maya lang ay makikita ko na rin ang kapatid ko. Salamat ulit!"

Nagpaalam na siya sa akin at umalis na habang ako ay bumalik sa poder ni mama at tinulungan siyang maghanap ng maisusuot ko.

Sa huli ay may nakita kaming gown na swak na swak sa panlasa ko at bagay na bagay sa akin. Isang golden red na gown na may manipis na tirantes at may slit sa left side na magpapakita ng bahagya sa left leg ko.

"Talendi ka, anak. Sabi mo pa kanina ay nakulangan sa tela ung black, ngayon pala ay ganong style rin ang gusto mo."sabay irap niya pa kaya natawa na lang din ako sa kaniya.

"Lakas trip ba, ma? hahaha"

"Gaga ka"

Sabi ni mama ay bagay raw sa akin kaya iyon na ang kinuha namin. Sana nga ay maging bagay lalo na at kapartner pa pala kita. Hindi ko magawang ialis sa isip na magkikita tayo gayong hindi pa tayo nag-uusap nang matino. Kasalanan ko ba 'yon? Sana pala at hindi na ako nagtanong, 'no?

Classroom Catostrophe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon