11
Dear Hot Headed Class President,
Masaya akong malaman na pinsan mo si Shane at walang namamagitan sa inyong dalawa. Anong karapatan kong maging masaya? Wala! Pero basta! Pagkatapos lang ng ilang araw matapos kong malaman ang bagay na iyon ay kumalat din iyon sa school para mabuwag ang kung ano mang kuro-kuro na naiisip nila. Wala na ang love team na tinagurian nila sapagkat kayo pala ay magpinsan.
"Okay, class, may sasabihin ako sa inyong importante so kindly go back on your proper seat."nagsibalikan naman ang karamihan sa mga kaklase kong hindi maipirmi ang pwet sa sariling mga upuan. "So alam niyo naman siguro na ito ang month kung saan nagaganap ang prom night, hindi ba?" nagsigawan bigla ang karamihan hanggang sa hindi na ulit makapag-salita pa ang teacher kaya naman inutusan niya na si Xion para suwayin sila.
"We would never know the information if you keep making noises. Please lessen your noises and make the teacher finish her announcement first. Is that clear?" nagsitahimikan naman silang lahat dahil sa sinabi ni Xion.
Argh! Kahit muntik ng magdugo ang ilong ko sa sinabi niya ay cool parin siya sa paningin ko! Ang astig lang dahil napatahimik niya ang lahat dahil sa naga-apoy niyang tingin.Grabe!
"Okay na lang kahit hindi ko gets. Napa-english na si pres. dzaii! Medyo nakakadugo ng utak."nangangamot pa ng ulo na sabi sa akin ni Jessa.
"Ayos lang 'yan. At least napatunayan mong may utak ka pala."
"Luh! Papansin ka?"natawa na lang kaming dalawa pagkatapos.
"Thank you, mr. president. Sa'yo lang talaga nakikinig ang mga kaklase mo. So as I was saying, we'll be having a prom night this coming ashjshsjn"hindi na ako nakinig at pinagtuunan na lang ng atensyon ang notebook ko. Kung ano-ano na namang walang kwenta ang naisusulat ko .
Wala naman kase talaga akong interest sa mga ganiyang prom night. Last year nga ay pumunta ako para sa pagkain lang. Ang dull ng prom ko last time dahil hindi ko pa kilala si Xion noon. Ngayong year lang kase siya nagtransfer eh kaya ngayon lang din ako humarot ng ganito.
"For boys, pwede niyo ng ayain ang kaklase niyo na gusto niyong maka-date. Pwede rin naman na taga ibang section pero kung nandito ang taong yayayain niyo, then ask them now or later. Class dismiss. "
Xion Lee...grabe!Ang gwapo ng pangalan niya. Parang isang actor lang, ah? Naalala ko tuloy ang mga korean oppa ko! Iniisip ko pa lang, kinikilig na ang bawat himaymay ng sistema ko. Haneppp!
"Zane?"nilingon ko ang tumawag sa akin at kamuntik muntikan na akong mabuwal sa kinauupuan ko ng makita si Xion sa harap. Maagap ko rin na isinara agad ang notebook na pinagsusulatan ko ng pangalan niya.
"Are you okay?"tanong niya kaya tumango na lang ako.
"Bakit ka nandito?"nilingon ko ang paligid ko at doon ko lang napansin na nakatingin pala halos sila sa aming dalawa ng may ngiti sa labi. Tapos na ang klase at ang iilan ay lumabas na para mag miryenda muna. Ang pinagtataka ko lang ay bakit nakatingin ang karamihan sa'min?
Hala! Bakit?
"Anong meron?" nagtataka kong tanong.
"I just want to ask if...."putol na sabi niya.
"If???"
"Can you be my prom date?"
"Ano?!"napatayo pa ako at pabagsak na nailagay ang kamay sa armchair. Natakasan yata ako ng bait sa narinig! Inaaya niya ako?Legit ba yan o naglolokohan lang kami?
Napaatras pa si Xion dahil sa naging ekspresyon at kalaunan ay napakamot ng ulo.
"Ayaw mo bang maging date ko?"may naririnig na akong tawa sa mga kaklase ko pero isinawalang bahala ko na lang.
"Anong ayaw?! Syempre gusto! Nagulat lang ako pero siyempre gusto ko!" hinawi ko pa ang iilang hibla na nakatabing sa mukha ko at nagfinger heart pa sa kaniya. Gago kahiya pero solid dahil napangiti ko naman siya.
"I thought hindi mo gusto."
"Ako ba pinagloloko mo, Xion? Syempre gusto kita!" nakita kitang namula kaya solid na naman ang katangahan kong asta.
"YOWNNNNNN!"
Pereng tenge ke nemen kese eh! Pilipit na naman dila mo noh?
Magyayaya ka na nga lang, sa harap pa ng mga chismoso at malisyosong froglets na classmates natin pero sinong nagsabi na ayaw ko ang prom night? Aba! Simula sa araw na ito, gustong gusto ko na ang salitang iyon.
"HAHAHAHAHHAHA Epic amp!"
"SAKIT NG TIYAN KO SA'YO, ZANE AHAHHAHAHAHA YAWA KA!"
"LUHH! AHHAHAHAHA ANG SOLID HAHAHA"
"AWIT! ZANE LANG SAKALAM!"
"SANA ALL TALAGA NAKAKAAMIN SA CRUSH!"
"SA MAY GUSTO NGA PALA SA AKIN DIYAN, GALAW-GALAW! TAYO'Y NAPAG-IIWANAN NA HAHAHAHHA"
Pinapakilig mo ang mga bulate ko sa tiyan ny Hot Headed Class President kahit na nagmukha akong katatawanan sa buong klase. Kinikilig parin ako hihihihi!
BINABASA MO ANG
Classroom Catostrophe (Completed)
Conto'Mainitin ang ulo niya. Kunot palagi ang mga noo niya. Masama kung tumitig kapag nag-ingay ka. Susuwayin ka kapag sumobra ka na. Sino siya? Siya lang naman ang Hot Headed Class President na aking pantasiya! Gusto mo bang malaman ang aming istorya? P...