| Giyera sa Gitna ng Amihan |

16 6 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Bumuhos ang milyong salita at karahasan sa digmaan sa gitna ng Amihan kung saan ang kalaban ay kahirapan. Si Juan ay nakahiga sa gitna ng unos hawak ang kaniyang sandata at may mga uwak na nakapalibot sa kaniya. Tila nababasa ang lungkot sa kaniyang mukha at kaniyang katawan ay parang dinala sa isang kawalan.Lumipas ang umaga, tuluyan pa ring nagaganap ang giyera at hawak-hawak pa rin niya ang kaniyang sandata. Bumuhos ang pawis dahil sa paghihingalong sigaw ng kaniyang kalamnan subalit wala siyang pakialam dahil ginagawa niya ang kaniyang nais.


Maraming dugo at pangungulilang dumanak sa kaniyang paligid, siya ay nananatiling matapang kahit nakakadena siya sa kaniyang kinalalagyan. Maihahalintulad sa higit isang libong multong kapangyarihan at isa lang ang kaniyang panangga.Kasabay sa paglitaw ng buwan, binalot na siya ng kaniyang pagod at kahinaan. Alam na niya na ito ang magiging bunga subalit sa wakas natapos na ang kaniyang layunin.Sandata niya'y papel at lapis, mawala man siya sa mundo ngunit sa araw ring iyon ay isinilang at natapos ang kaniyang isinulat upang mamulat ang mga mamamayan sa asing ibinibigay ng may-kaya at upang hindi malimutan ang naranasang "giyera sa gitna ng Amihan."

Haiku and IWhere stories live. Discover now