Sa Purok-1 Anislagan Maco, inihahanda ko tuwing umaga ang aming kakainin kasabay ng paglanghap ko ng sariwang hanging dala ng pananim nina mama at papa. Umiikot ako sa paligid ng aming bahay upang tingnan kung kamusta na ang mga alaga kong Mayana at ngumingiti kapag nakikita silang tumataba.
Kapag tapos na ako sa mga gawaing bahay at modules, gumagawa ako ng tula kung saan tinatawag na haiku at binabahagi ko sa Wattpad para hindi ito mawala kahit malimutan man ito ng aking ala-ala.
Hindi mawawala ang pag eehersisyo ko sa araw araw para magkaroon ng abs kahit two packs lamang sabay ng pag-tulo ng mga pawis ko sa likod.
Isang araw, laking gulat ko na isa-isang nawawala ang mga halaman kong mayanang itinanim sa bakuran namin kaya umiyak ako at sinisisi ang mga manok na laging pumupunta roon.
Pighati at kalungkutan ang naramdaman ko noong nawala ang mga alaga kong mayana sa likod dahil nais ko pa silang makitang lumaki at maging mas matangkad pa sa aking pero maaga silang pinatay ng mga manok ng kapitbahay.
Hindi ko na hinintay pang maubos ang mga alaga kong mayana, may sarili silang mga pangalan katulad na lamang ng Paula, Beauty, John, Troy, at Angel. Nilagyan ko ng net ang amig cyclone para wala nang makapasok kahit isang manok para bigyang banta ang aking mga halaman.
Paglipas ng ilang lingo, tumaba ang mga alaga kong mayana lalo na yong kulay Violet kaya lagi ko itong minamasdan dahil lumaki siyang maayos.
Sa ngayon, hindi lang mayana ang nagustuhan kong itanim pati na rin yong may dilaw na bulaklak na halaman ( hindi ko alam ang eksaktong pangalan pasyenta) na pinangalanan kong Liam parehas sa pangalan ng kapatid ko. At iba pang tanim na kaakit akit kung tignan kaya ito ang mga nangyari sa buhay ko habang may pandemya na pinamagatan kong AKOvid-19.
YOU ARE READING
Haiku and I
Poésieoriginal Haiku, poems, stories and more hope it reach you deeper than words.