![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image. Tila hindi maipaliwanag ng siyensya
kung bakit nahulog sayo ng bigla-bigla
at ano nga bang ahensya
ang makatutulong para mapalapit tayo sa isa't isa
sino ba ang dapat magpasya?
Ang pusong sinasabing 'crush kita'
o isipang laging sinisigaw ngalan mo sinta
mabuti pa ang bituin at araw, lagi kang natatanaw
pero aking sarili, sa iyong mga ngiti ay uhaw na uhaw
ikaw ang natatanging buwan sa aking buhay
nag-iisa, malinaw, kaakit-akit, at tunay
dahil sayo hindi ako natatakot pumikit
pagkat imbes bangongot, ikaw ang naiisip
bawat sandali nais kang mahagkan
subalit sinisigaw ng damdamin, ako lang nakaaalam
sabi nga nila 'nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa'
si ama na ang bahala kung tayo ba talaga'y itinadhana
ngunit ito ang iyong pagkatandaan
sa aking mga ala-ala, hindi ka mapapalitan ninuman
Para kay Juan Panda
Isinulat ko noong Grade 9 pa lamang akoy, 16 na taong gulang para sa una ko'ng naging crush sa high school .

YOU ARE READING
Haiku and I
Poesíaoriginal Haiku, poems, stories and more hope it reach you deeper than words.