| Pelikulang Panaginip |

8 3 0
                                    

Replektibong Sanaysay 

May mga sandaling hindi ko nakalilimutan ang aking napapanaginipan sapagkat para akong dinala sa isang partikular na lugar at sitwasyong maikukumpara sa isang pelikula.

Kadalasan itong nangyayari at kalahati ang porsyentong matatandaan ko ito o hindi kaya isinulat koi to sa aking Wattpad ( isang applikasyong maaari kang magsulat at magbahagi) at humigit 15 pahina na ang aking naisulat patungkol sa aking mga panaginip.

Dagdag pa rito, minsan ito'y romansa, paglalakbay, o horror kaya lang natatakot akong isulat ang horror kong panaginip sapagkat ako mismo kinikilabotan habang sinusulat ko ito.

Halimbawa nito ang isinulat kong maiklling kuwento na Ninth Sunset kung saan ang isang babae ay na-kidnap ng mga cannibal men o mga taong kapwa-tao ang kinakain. Nadama emosyon ng karakter na mula sa aking panaginip, kagustuhan niyang maging malaya pati mga kasamahan niya.

Sa kabilang banda, yong short story rin na The Killer's Desire na hinahabol yong bidang babae at pinapatay lahat ng taong malapit sa kanya. Sa huli, hindi siya kayang patayin ng killer dahil siya mismo ang The Killer's Desire.

Sa pagtatapos, naranasan kong matakot sa pagputok ng araw, takot sa malaking ipo-ipo, malunod dahil naipit sa pinakamalallim na bahagi ng dagat, makakita ng magagandang tanawin na nais kong maging totoo, at makapaglakbay dahil sa malikot na isipang gumagawa ng pelikulang panaginip.

Haiku and IWhere stories live. Discover now