Chapter 11
Song: Sanctuary by Joji
"Kayo na ba?" tanong ni Matt sa amin.
Muntik ko nang mabuga ang kinakain ko dahil sa tanong niya.
"Huh? Sino nagsabi?" pabalik na tanong ko. Nasa harap ko siya at sa tabi niya si Xyrus. Which is katabi ni Lucas.
He grinned, "Wala, ang lapit niyo sa isa't-isa oh. Ayaw nyo ba naglayo ng konti?" pang-aasar niya.
"Baka M.U lang pre, label na lang kulang." si Xyrus.
I rolled my eyes, "Baka inggit ka lang," ganti ko.
Nanlaki ang mga mata ni Xyrus, habang nakangiti. Para bang may kagaguhan na naman siyang naiisip.
"Ah, so m.u na kayo..." He teased, squinting his eyes at me.
"'Di ka sure," I faked a smile.
I felt Lucas chuckled. Wow, ha. Edi wow. Napa-irap lang ako at tinuloy ang pagkain. Nag-uusap usap lang naman kami tungkol sa college at sa mga bagay na walang kwenta.
Makalipas ang kalahating oras ay puro na lang kami kwentuhan. Nagpapahinga dahil busog pa raw sila.
"May pogi oh," bulong ni Xy na kami lang sa table namin nakarinig.
Agad naman kaming napalingon nila Jade. Binalik namin ang tingin sa kanya at nag tanong kung saan tapos bigla siyang tumawa ng malakas.
"Nyeta, kapag pogi bilis lumingon ah." pang-aasar niya sa amin.
Sinamaan siya ng tingin ni Jade, "Syempre, 'di mo ba napapansin 'di kami lumilingon kapag ikaw tumatawag sa amin." she even faked a smile at him.
"Edi wow,"
Nang mag alas tres ay lumabas na kami ng restaurant. May dalang kotse si Jade kaya sabi nila Matt sa kanila raw sila sasabay. Nag commute lang pala sila kanina. Sumimangot ako nang makasakay na sila sa kotse ni Jade.
I frowed, "Paano ako?"
"Nat, let's go?" tawag sa akin ni Lucas.
Bigla kong na realize na aalis nga pala kami. Nag paalam na lang ako kanila Jade at sinundan ko si Lucas para pumunta sa kotse niya.
"This is yours?" I asked.
"Yep," he smiled, as he opened the door on the shotgun seat for me.
Umupo na ako at siya naman ay inantay ko na lang na makapasok. Kanina ko pa iniisip kung saan kami pupunta.
BINABASA MO ANG
Identifying Our Trope (Metanoia Series #1)
Любовные романыMETANOIA SERIES #1 People say that your childhood is your happiest stage in life so you have to enjoy it, but Natasha's was different. She experienced the exact opposite. Her childhood was wrecked by those people whom she considered as her closest a...