Chapter 4
Patapos na ang quarter 1 namin kaya drained lahat dahil sa mga performance tasks. Most of it was group activities. Pero last day naman na ngayon tapos may academic break kami sabay sa holiday kaya may isang Linggo rin kami para magpahinga.
"Ala una pa naman pasahan nung video diba?" tanong ni Reece sa amin habang kumakain kami dito sa room.
Ganun pa rin ang pwesto nila ni Jade nasa table namin ni Lucas mga pagkain nila then nakaharap sila sa amin.
"Yeah, through email raw ha. School Gmail account dapat gamit mo syempre." sagot ko.
"Buti naman, ineedit na lang naman nila then tapos na kami." sagot niya.
"Kami tapos na. Si Chris na nagpasa." sabi ko.
"Ay sabagay, magaling pala mag edit si Chris," sabi ni Jade, umiinom sa water bottle niya, kami na lang pala ni Lucas ang hindi tapos kumain.
Nagpaalam sila na mauuna na sila dahil nga may mga tatapusin pa sila. Ako naman ay tapos na kaya kahit maglibot ako sa buong campus. Wala naman na kaming bantay dahil nga completion week naman ang sinabihan lang kami na tapusin mga missing tasks namin.
Nang matapos kami kumain ni Lucas ay sabay na kaming nagbalik ng pinagkainan sa concessionaire. Ako naman bumalik sa classroom para kunin ang journal ko. Doon ko sinulat ang unang story na ginawa ko.
I went to the school's garden . There's a huge mango tree there. I sat on the grass underneath that tree. Mainit pero mahangin at nasa lilim naman ako.
Nang nakaupo ako ng maayos ay binuklat ko ang journal nagsimulang basahin ang sinulat kong kwento doon.
Nakalimutan ko na rin kasi ang mismong plot nito kaya habang nagbabasa ako ay syempre na re-recall ko na. Sa kalagitnaan ng storya ay tumigil ako sa pagbabasa, medyo na cringy-han ako sa mga nangyayari.
Well, hey! I was in grade 10, puro romance talaga bet ko non. Lahat naman siguro dumaan sa mga jeje era natin.
"There you are, I was looking for you the whole time." rinig kong boses ni Lucas.
Napa-angat ang tingin ko sa kanya. My brows furrowed because of the sunlight.
"Why?" I asked.
He shrugged then he sat beside, then he also leaned his back on the trunk of the tree. "Nothing, I have nothing to do kaya buburaotin na lang kita." sabi niya.
Nagtaka naman ako sa kanya dahil hindi ko alam kung seryoso ba siya dahil di naman siya magmumukhang nagbibiro.
"Seryoso ka?" I asked. He looked at me confused, "Don't I look serious, Natasha?" he said.
BINABASA MO ANG
Identifying Our Trope (Metanoia Series #1)
Любовные романыMETANOIA SERIES #1 People say that your childhood is your happiest stage in life so you have to enjoy it, but Natasha's was different. She experienced the exact opposite. Her childhood was wrecked by those people whom she considered as her closest a...