29

34 7 0
                                    

Chapter 29


"It's been a while since we last hung out?" Jade mentioned, while we're roaming around outside their university.


Nagkita kasi kami ni Reece kanina habang pauwi ako— naisipan namin na puntahan si Jade. Buti na nga lang hindi pa rin siya nakakauwi. I miss these girls. It's been a while since we had our last conversation. Buhay na buhay naman lagi gc namin kasama si Matt pero di pa ulit kami nagkikita— ngayon na lang ulit.


Matt and Jade actually go to the same university— here. She just said that Matt is still probably at the football field with his teammates.


"Tignan natin, pwede naman noh?" tanong ni Reece.


Sabay-sabay kaming naglakad, sinusundan si Jade papunta sa football field. Ang laki rin pala ng university nila. Nadatnan namin sila doon na naglalaro. It wasn't a serious game. It looks like they were just playing for fun because they were laughing at each other.


Nasa taas kaming tatlo kung saan usually nakaupo ang mga crowd— nasa pinakaharap kami para mas makita namin siya. There were girls on the other side, they were also looking down, eyeing on the players. Maybe some players were campus crushes.


Nang makita kami ni Matt ay mukhang nagulat na nakita niya kami doon. Tumigil sila at uminom ng kanya kanya nilang tubig at nagpunas ng pawis. Si Matt naman ay kinuha na ang mga gamit at nakita namin na papunta sa direksyon namin.


"My girls! How are y'all doing?" He asked, his tone sounded surprised.


"Let's hangout!" sabi ni Jade.


Nginisian kami ni Matt. "I'll just go change." sabi niya at saka naglakad na ulit palayo sa amin at sabay sabay sila umalis ng mga kalaro niya, mukhang pupunta na sila sa locker room nila.


"Let's wait on the gazebo outside, doon rin naman sila pupunta ng mga tropa niya." sabi ni Jade.


"The guy just winked at me," mahinang sabi ni Reece kaya natawa kami ni Jade, "Kadiri pucha." sabi pa niya, mukhang diring-diri talaga doon sa lalaki.


"Sino doon?" tanong ko pa. "Pogi ba?" tanong naman ni Jade.


She looked at us with full of disgust, "No. Kadiri pucha, kinilabutan ako." sabi niya kaya mas lalo kaming natawa.


Honestly speaking wala namang pangit sa mga naglalaro kanina. Pero since hindi nga siya gusto ni Reece— kaya siguro ganun reaksyon niya.


"Kamusta mga buhay nyo?" tanong ko.


"Buhay pa rin," barumbadong sabi ni Jade kaya mahina kong hinampas ulo niya. "Charot, ayon wala naman masyadong ganap. Tanga pa rin ako."


Sinamaan ko siya ng tingin, at nagsalita si Reece. "Tanga sa maling tao."


Identifying Our Trope (Metanoia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon