02

107 19 5
                                    

Chapter 2


"Anong sinabi ni Ms. Salazar sa inyo kahapon? Pinatawag kayo diba?" tanong ni Reece habang kumakain kami.


Nandito kami sa classroom kumakain ng early lunch namin. Nasa table namin sila kumakain at hinarap na lang ang upuan sa amin para maayos ang pwesto nila.


Si Lucas rin ay nandito. Ewan ko ba, siguro ay dahil wala pa rin siya masyadong ka kilala sa mga kaklase naming lalaki. By group yung activity namin kanina, pero sabi nung facilitator namin ay ngayon daw choice namin kung sino ka grupo namin.


Five members each. May presentation raw kami next meeting. Si Xyrus yung isang ka-grupo namin. Sa amin siya naki grupo dahil kahit naman last year ay close kami, actually di naman totally close pero kapag sa groupings sa amin siya minsan nila Jade.


"She asked Ash if she could tour me all over the campus." si Lucas na ang sumagot para sa akin dahil busy ako sa pagkain ko.


Jade squinted her eyes at me, smiling, teasingly. "Sana all, may spokesperson."


Lucas chuckled, "She's enjoying her food, Don't disturb her." sagot pa niya.


Kapag si Jade talaga nagtatanong ang active niya sumagot 'no?


Jade frowned at him, "Bro, I'm literally just asking. Sasagot lang siya." she told him.


"But still, let her," he said.


"Nako... ano na Nate." si Reece. "Di namin na se-sense promise." dagdag pa niya.


Then the three of them started laughing.


"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanila at saka kumagat sa manok na kinakain ko.


"Gusto mo nuggets?" tanong ni Reece sa akin na ikinataka ko naman. "Here, babe. Para ma nuggets mo." sabi niya at nilagay sa pinggan ko ang dalawang heart shape na nuggets.


They were laughing.


"Heart talaga?" komento ko.


She laughed, "Yes, babe. Para mag ka puso ka." pang-aasar niya.


I smiled at her sarcastically, "Pasalamat ka kumakain tayo."


"Babe, eat more." sabi ni Jade.


I frowned at them. "Bakit ba puro 'babe' ha?"


They both smiled mischievously, "Kasi bebe ka namin."


I frowned more, at tumingin naman ako kay Lucas na nakatingin lang rin sa akin. Ngumiti siya nang nagkatinginan kami.


"Ikaw? May sasabihin ka rin? Mukhang goals talaga kayong tatlo e." I rolled my eyes.


Identifying Our Trope (Metanoia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon