Chapter 7
[trigger warning: self-harm]
"Congrats!" pagbati ni Jade.
Nagulat kasi kami pag-pasok namin ay na post na ang rankings sa hallway kung saan nakalagay ang bulletin. I ranked second. Lucas ranked first.
Masaya naman ako. May nararamdaman ako na dapat ako yung una. Tahimik ako buong klase, hindi ko rin masyadong nakakausap sila Lucas dahil puro group activity, nung break time ay hindi rin ako sumabay sa kanila. Si Lucas ay tinawag ako nung break time pero sumabay na lang ako kumain sa mga ka grupo ko which is sila Gwen dahil nga may tatapusin kami.
Hindi naman talaga sobrang bigat nang gawain pero mas okay na doon na lang muna kesa si Lucas pa rin ang kasama ko, para rin makihalubilo siya iba.
"So, what's the real score between you and Lucas?" bulong sa akin ni Gwen habang kumakain kami nandito lang naman kami sa loob ng room pero katabi ko siya sa table nila.
Gago talaga, nasa likod lang sila Lucas. Nilingon ko si Lucas para siguraduhin kung narinig ba niya yung usapan namin o hindi. I saw him laughing with the guys then our eyes met. Nagulat ako ng kindatan siya sa akin at hindi nawala ang ngiti sa labi niya. I gave him a confused look then I returned my gaze to Gwen.
"Score? Di naman kami naglalaro." barumbadong sagot ko dahilan para hilahin niya ang buhok ko. "Aray! Masakit shunga," sabi ko at hinampas ang braso niya.
"Oo, sinadya ko talaga yon." she squinted her eyes at me, sarcastically smiling.
"Friends, gaga ka. Ano pa diba wala naman more than doon." sagot ko sa kanya.
"Kayong dalawa ha, ano yan..." rinig kong sabi ni Xyrus sa likod namin ni Gwen.
I turned my gaze to him, "None of your concern." I faked a smile.
He gave me a confused look, "Ay wow? Sige dun ka sa upuan mo mamaya. Kala mo ha." pang-aasar niya. Nakipagpalit kasi ako sa kanya simula kanina kaya 'di ko nakakatabi si Lucas. Sa tingin ko nakakahalata sila sa galaw ko?
Siguro naman. Pero tinetest ko pa rin kasi sarili ko. Ang hirap naman ng ganito! Kapag ba hindi ko siya kinausap ng ilang araw, hahanapin ko kaya siya? Kapag nalaman ko bang may nagugustuhan siyang iba magseselos ba ako?
Ano bang meron sa kanya at kailangan ko pang mag self-reflect? Kung tutuusin pwede ko naman baliwalain na lang ang nararamdaman ko dahil mawawala rin naman yon pero bakit may pumipigil sa akin?
Like something is urging me to dig deeper.
Tulad nga ng sabi ko ay mag-se-self reflect ako. Isang linggo ang nakalipas ay hindi kami nag-uusap. Siguro kapag group activity pero kapag may tanong hindi kami directly sa isa't-isa nagtatanong. Kunwari kay Gwen ako magtatanong tapos si Gwen ang magtatanong sa kanya nung tanong ko.
BINABASA MO ANG
Identifying Our Trope (Metanoia Series #1)
RomanceMETANOIA SERIES #1 People say that your childhood is your happiest stage in life so you have to enjoy it, but Natasha's was different. She experienced the exact opposite. Her childhood was wrecked by those people whom she considered as her closest a...