Chapter 6
Nandito ako sa kwarto ko namimili ng susuotin para mamaya. Nag-aya kasi si Jade na gumala. Ito pa yung bukang bibig niya nung isang Linggo ngayon lang natuloy.
I decided to wear a plain old rose puff sleeve midi dress and a pair of white low heels. I just let my hair down, and I put light makeup on. I booked a car, so It won't be a hassle. I'll probably take driving lessons after this school year.
I'm pretty sure I'll have my own condo when I get to college.
Halos twenty minutes ang byahe at tumigil na rin ang kotse sa harap ng restaurant. Agad naman akong nag bayad at bumaba na ng kotse. Hindi na ako nahirapan na hanapin sila dahil narinig ko agad ang tawa ni Jade.
"Gandaa!" sabi ni Jade dahilan para napayuko ako dahil sa hiya. Nagtinginan kasi sa akin ang mga tao.
Sinamaan ko siya ng tingin at umupo sa tabi ni Matt. Magkatabi sila ni Reece sa at nakaupo sila sa upuan na nasa harap namin ni Matt. It's an Italian restaurant. Nag-usap pa kaming apat saglit at umorder na ng kakainin namin.
"My treat, order all the food you want," said Jade.
"Ganon ba?" tanong ni Matt, ngumisi ito ng umoo si Jade, "Sige magpapa take-out ako." sabi niya.
Tumawa si Reece, "Ako rin. Kaya mamaya sabihin niyo salamat, Jade." dagdag pa niya.
Si Jade naman agad na inirapan silang dalawa, "Buti pa si Ash 'di nang-aasar no?"
"Huh?" I laughed, "Magta-take-out rin kaya ako. Sabi mo e." I teased.
Inismiran lang niya kami kaya nagtatawanan kami habang umo-order. Matthew called the waiter so he could state to them our order. While Jade was taking pictures.
"She looks so pretty right? Unfortunately, she's taken." sabi ni Jade habang nakatutok sa akin ang camera. "May magseselos," tumatawang sabi ni Reece.
I sneered. Parang nakalimutan namin na nandito kami kumain dahil biglang nagsabi si Matt na may nililigawan raw siya. Matagal pa naman ang pagkain namin kaya chika muna. Importante 'to.
"I feel kinda sorry for her though," said Jade.
His brows immediately furrowed, "What? Why?"
She sighed dramatically, "I mean, wala siyang taste." she sneered.
Natawa kami ni Reece dahil 'kala namin seryoso siya, inirapan naman siya agad ni Matt, "Buti na lang sinabi mo na libre mo 'to." he squinted his eyes at her. "Eh, ikaw?" nagulat ako ng tumingin siya sa akin at tinanong ako.
"What about me?" I asked back.
He smiled teasingly, "Kamusta na yung 'mi amor' mo?" he wiggled his eyebrows that annoyed me.
BINABASA MO ANG
Identifying Our Trope (Metanoia Series #1)
RomansaMETANOIA SERIES #1 People say that your childhood is your happiest stage in life so you have to enjoy it, but Natasha's was different. She experienced the exact opposite. Her childhood was wrecked by those people whom she considered as her closest a...