AVEN entered her room, dahan-dahan siyang pumasok at naglakad papunta sa kama. Bago pa man din siya makalapit ay sinalubong na ng binata ng matamis na ngiti ang pinaka-importanteng babae sa kanyang buhay.
Bumangon ito at sinalubong siya ng magandang ngiti pagkatapos ay agad na yumakap at kinintalan siya ng halik sa pisngi.
"Good Morning, Daddy."
Iyon ang bungad nito sa kanya. Hani came into his life unexpectedly, at first, he thought she's a big mistake. But when he held her in his arms the moment she was born. She turned into the biggest blessing Aven could ever have.
"Did you sleep well?" tanong niya sa anak.
Isang marahan tango ang sinagot nito saka hiniga ang ulo sa balikat ni Aven. This tiny and precious jewel in his arms right now, he's willing to protect with his life. Sa batang edad ay natutunan niya kung gaano kabigat ang responsibilidad ng isang magulang. Ngunit kasabay niyon, natutunan niya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Isang damdamin na binibigay ng walang hinihintay na kapalit. Isang damdamin na walang salitang puwedeng ilarawan. Isang damdamin na totoo at walang halagang maaaring maging katumbas.
"ONE salmon and pesto pasta for table number three," sabi ni Aven pag-abot niya ng pinggan sa waitress.
"Caesar Salad, table number seven! Grilled Chicken, table number five!"
Haharapin na sana niya ang susunod na order ng mapatingin siya sa oras.
Muntik ng mapamura si Aven ng bigla niyang maalala ang oras ng uwian ng anak. Sampung minuto na ang nakakalipas simula ng matapos ang oras ng klase ni Hani. Sa dami kasi ng customer doon sa Lavender's Plate ay nalibang na siya ng kakaluto.
"Prue, take over! Susunduin ko lang si Hani," baling niya sa kaibigan at kapwa Chef.
"Yes Chef!"
Agad niyang inalis ang apron at lumabas ng kitchen, patawid na sana siya ng matigilan matapos matanaw si Hani na patawid at nakahawak sa kamay ni Karin, papunta doon sa restaurant niya. Agad lumapad ang ngiti ng anak ng makita siya.
"Daddy!" masayang sigaw nito.
Parang nawala ang pagod ni Aven ng makita ang maganda at maamong mukha ng anak. Tumakbo si Hani palapit sa kanya at agad niyang kinarga.
"Hey sweetheart, how's school?" tanong niya.
"It's fine, Dad," bibong sagot ng bata.
"Nadaanan ko siyang nakatanaw sa bintana ng classroom nila. Sabi ko baka marami kang customer kaya hindi mo pa nasusundo," sabi ni Karin.
"Thank you so much, at tama ka, sobrang dami ng tao sa loob. Lunchtime na kasi kaya dagsa na naman," sagot niya.
"Sige na, pumasok ka na sa loob. Ako ng bahala kay Hani," wika ng dalaga.
"Are you sure?"
Natawa si Karin, saka napailing.
"Ang arte nito, alam mo naman na pagdating dito sa anak mo, okay sa akin!"
Doon siya ngumiti at nag-high five sila ni Karin. "Salamat," aniya, pagkatapos ay tumingin sa anak.
"Anak, sama ka muna kay Tita Mama, kailangan ng mag-work ni Daddy,"
paalam niya.
"Okay po," sagot ni Hani.
Ngumiti siya dito saka hinalikan ito sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"You fill that empty spot in our lives, you complete me, and I can't help myself but to fall in love with you." Teaser: A Substitute Mother's Confession Five years ago, I was only seventeen years old who suddenly became a substitute Mother to a cut...