ALAS-nuwebe y medya na ng gabi, pero halos ilang minuto pa lang na nakakatulog si Hani. Wala siya dapat pasok tuwing Sabado, pero nagkaroon ng konting pagbabago sa schedule nila at simula bukas ay may pasok na sila, pero mabuti na lang at tanghali pa ang pasok niya at minor lang ang mga subject na papasukan ng dalaga, kaya hindi niya kailangan magmadali. Napangiti siya ng makita ang maliit na pillow na may mukha ng favorite member ni Hani ng Kpop group na Blue Light. Yakap iyon ng bata habang mahimbing na natutulog.
Ilang linggo na rin na doon sa sariling kuwarto natutulog si Hani, pero pareho pa rin ng set up. Mas gusto nitong silang dalawa ni Aven ang napapatulog sa kanya. Sa araw na iyon ay siya muna, ayon kay Jasmine ay nag-overtime sa Restaurant nito ang binata kaya late na makakauwi. Habang ang iba naman miyembro ng Pamilya Cruz ay nasa sarili na nitong mga silid. Nag-prisinta na rin si Karin na siya na ang maghihintay sa pag-uwi ni Aven, isang bagay na kanyang pinagsisisihan.
Ang totoo, dalawang araw nang sadyang iniwasan at hindi nagpakita si Karin sa binata. Mabuti na lang at tyempo rin na dalawang magkasunod na gabi nang umuuwi ng late si Aven, kaya hindi sila nagpapang-abot nito. Hanggang sa mga sandaling iyon ay iniisip pa rin niya ang naging komprontasyon nila nito dito mismo sa bahay ni Aven. And worst, sa harap pa ng mga magulang nito.
His embraced, the touch of his skin to her, ang naramdaman niyang paghalik nito sa kanyang ulo, ang imahe ng pawisan ngunit guwapong mukha ng binata. Those memories are still fresh on her mind, and they make her heart beat like crazy. Biglang napapitlag si Karin ng bumukas ang pinto, at bumungad doon ang lalaking laman ng kanyang isipan. Napako ang mga mata nito sa kanya, he stared at her for few seconds, bago ito tuluyan pumasok. Hinalikan ni Aven sa noo si Hani, at marahan hinaplos ang buhok. Agad napansin ni Karin na bakas ang labis na pagod sa mukha nito, bukod doon ay pawis na pawis ito, parang mula sa kitchen ay deretso uwi agad ang binata.
"Kanina pa siya tulog?" tanong nito.
"Mga mag-fifteen minutes na," sagot niya.
"Bakit late na yata?"
"Hinintay ka niya dahil gusto n'ya ipakita sa'yo itong pillow na may mukha ng
favorite singer niya, bigay ni Nigella sa kanya," sagot ulit ni Karin.
"Maraming tao sa restaurant, medyo kulang ako sa Chef kaya kailangan mag-take over ako," paliwanag nito.
"Sinabi ko na kay Hani 'yan," aniya.
"No, I'm saying this to you."
Natigilan siya at napatingin kay Aven. Muli, nag-umpisang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib.
"Hindi mo kailangan sabihin sa akin 'yan."
"Alam ko, pero gusto ko. Baka sakaling iniisip mo ako at nag-aalala ka sa akin ng dalawang araw na hindi tayo nakita."
Marahan siyang tumikhim saka tumayo.
"Mauna na ako," biglang paalam niya.
"Don't go yet, let's talk."
"Tungkol sa—"
Hindi na naituloy ni Karin ang sasabihin matapos siyang hilahin na lang ng binata palabas ng kuwarto ni Hani. Dinala siya nito doon sa kusina, madilim na halos ang buong kabahayan at tanging ang malamlam na ilaw mula sa maliit na lamp na nakasabit sa pader ang nagsisilbing liwanag. Kumuha muna ito ng tubig sa ref bago humarap sa kanya.
"Ano ba 'yong gusto mong sabihin? May pasok pa ako," ani Karin.
"Huwag mo akong lokohin, tanghali pa pasok mo," sagot nito sabay tingin sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/269527063-288-k801196.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"You fill that empty spot in our lives, you complete me, and I can't help myself but to fall in love with you." Teaser: A Substitute Mother's Confession Five years ago, I was only seventeen years old who suddenly became a substitute Mother to a cut...