Chapter 15

591 39 5
                                    

          NAALIMPUNGATAN si Karin sa dampi ng labi ni Aven sa kanyang labi. Dahan-dahan siyang dumilat saka luminga sa paligid.

"Nasaan na tayo?" tanong niya.

"We're here," sagot ni Aven.

Muli siyang napapikit saka huminga ng malalim. Doon niya naalala na nasa Tagaytay na pala sila. Doon siya dinala ng binata matapos ang naudlot nilang date dati, at plano nilang manatili doon hanggang kinabuksan. Dinaanan siya nito sa Ji Hye International University, at habang nasa biyahe, hindi namalayan ng dalaga na nakatulog pala siya. Wala kasi siyang tulog halos dahil sa paggawa ng thesis niya.

"Sorry, tinulugan kita," natatawag sabi niya.

"It's okay, I understand. Kaya nga rin kita dito dinala para makapag-relax ka bago ang finals."

May humaplos sa puso ni Karin, iba pa rin talaga ang saya at sarap sa pakiramdam kapag may nag-aalaga sa kanya. Ilang araw pa lang ang nakakalipas simula ng maging opisyal ang relasyon nila. Pero ngayon pa lang ay halos lunurin siya ni Aven sa pagmamahal at pag-aalagang binibigay nito sa kanya. Minsan nga, hindi pa rin siya makapaniwala na nasa ganoon estado na sila. Buong akala ni Karin ay hindi na madudugtungan ang naudlot na pagmamahalan nila. Sino nga ba ang mag-aakala na matagal na pala siyang lihim na minamahal ng binata?

"Let's go, kumain na tayo," yaya sa kanya ng nobyo.

"Okay."

Sa isang private resort na may swimming pool at spa siya dinala ni Aven. Mayroon din restaurant doon kung saan overlooking ang magandang tanawin ng taal volcano. Mayroon din spa kung saan maaari siyang makapag-relax.

Bago kumain ay dinala muna nila ang mga gamit sa kanya-kanyang silid.

Nagpalit na rin ng casual summer dress si Karin, bago lumabas.

"What do you want to eat?" tanong sa kanya ni Aven pagdating nila sa restaurant.

Nanunulis ang nguso niya habang pinapasadahan ng tingin ang menu.

"Ah, roasted chicken, then, your stir-fry veggies," sagot niya.

"Appetizer and dessert?" tanong ni Aven.

"Bahala ka na," sagot niya.

Matapos umorder ng binata ay hinarap naman siya nito. Umakbay ito sa kanya kaya hiniga niya ang ulo sa balikat nito. Napangiti si Karin ng maramdaman niyang hinalikan ni Aven ang ulo niya.

"Thank you," aniya.

"Para saan?"

"Sa pagdala mo sa akin dito."

"Matagal ko na nga dapat ginawa ito para sa'yo. But I guess, perfect timing na rin. Kung dinala kita dito ng hindi pa kita girlfriend, kahit magkaibigan tayo baka maging awkward tayo sa isa't isa, tapos napapaligiran tayo ng mga mag-asawa o mag-boyfriend."

Marahan siyang natawa.

"You're right."

"Gusto mo mag-night swimming mamaya?" tanong pa nito.

"Sige, kaso hindi ba masyadong malamig? Ngayon pa nga lang giniginaw na ako."

"May heater iyong isang pool nila."

"Okay."

"Sandali, magsi-CR lang ako," paalam ni Aven.

Habang wala ang binata at naghihintay sa pagkain. Napatingin si Karin ng biglang umilaw ang phone niya. Napakunot-noo siya matapos matanggap ang isang notification mula sa Messenger niya.

Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon