Chapter 5

451 40 2
                                    

PARANG sasabog ang puso ni Karin habang nasa loob ng kotse at halos paliparin iyon ni Aven makarating lang sa ospital.

"Move! Damn it!" galit na sigaw ng binata habang panay ang busina.

"Aven, huminahon ka," umiiyak na saway niya.

"Paano ako hihinahon? Nag-aagaw buhay ang anak natin sa ospital!" he answered in frustration, habang walang patid din ang pag-agos ng luha nito.

Kapwa sila nababalot ng takot ng mga sandaling iyon, at ang tanging laman ng kanilang puso ay ang makaligtas sa panangib si Hani at Jasmine. Ayon kay Vanni, malapit na sa restaurant ni Jasmine ang dalawa ng banggain ang humahagibis na pick-up truck ang kotse na sinasakyan ng mga ito ng isang pick-up truck. Inatake daw sa puso ang lalaking driver habang nagmamaneho at nagkataon na wala itong kasama.

Agad kumilos ang mga taong malapit sa pinangyarihan ng aksidente at agad nadala sa ospital si Hani at Jasmine, maging ang driver ng pick-up truck. Sa lakas ng impact ng pagkakabangga, nabasag ang salamin ng kotse ni Jasmine, dahilan para tumalsik ang mga iyon kay Hani. Samantala, ang kapatid ni Aven naman ay nagtamo ng tama sa ulo dahil sa pagkakauntog nito sa bintana ng kotse.

Nang makarating sila sa ospital ay agad silang tumakbo papunta sa operating room. Naabutan nila sa labas niyon si Vanni at ang Kuya ni Aven. Kasama ng mga ito ang kanyang ina, si Myca at ang iba nilang kaibigan.

"Mommy, kumusta na si Hani?" umiiyak na tanong niya agad.

"Nasa loob na ang Daddy mo at ino-operahan na si Hani," sagot ni Myca.

"Dad, baka kung anong mangyari sa anak ko," umiiyak naman na sabi ni Aven.

"Hijo, calm down. She'll be fine. Have faith, anak. Ginagawa ng Tito Ken mo ang lahat," sagot ni Vanni pagkatapos ay niyakap ito.

"Si Ate Jasmine, kumusta na siya?" tanong ulit ni Aven.

"Okay na siya, nagpapahinga na sa kuwarto," sagot ni Basil.

Nang makatinginan sila ni Aven at makita siya nitong umiiyak. Lumapit ito sa kanya at pinunasan ang luha sa pisngi niya. Walang narinig na kahit na ano si Karin mula sa binata. Nang yakapin siya nito ng mahigpit ay hindi na siya tumanggi. She needed that. Ang lakas at suporta na kailangan nilang ibigay sa isa't isa.

Alam ng dalaga na kung nababalot ng takot ang kanyang puso ngayon, mas doble ang takot ni Aven. Ngunit sa ngayon, ang kailangan nilang gawin ay manalig sa Diyos at patuloy na magdasal at maghintay.



"I'M SORRY, Hindi ko iningatan si Hani," umiiyak na sabi ni Jasmine.

Hinalikan ni Aven sa noo ang kapatid saka ngumiti at marahan umiling.

"Ate, wala kang kasalanan. Walang may kasalanan, aksidente ang nangyari. Alam ko kung gaano mo kamahal ang anak ko," sagot niya.

"Kumusta na siya?"

"Tapos na siyang operahan, nasa recovery room na daw siya sabi ni Tito Ken."

Napalingon silang dalawa ng pumasok ang Mommy niya.

"Aven, gusto kang makausap ng Tito Ken mo," anito, kasunod ng ina ay ang matalik na kaibigan ng Daddy nila.

"Tito," bati niya, tumabi sa kanya si Karin.

Napatingin ang dalaga sa kanya ng kunin niya ang kamay nito ay mahigpit na hinawakan. Kapwa bakas sa mukha nila ang kaba at takot.

"Ano na po ang lagay ni Hani?" kabadong tanong niya.

"Bukod sa mga sugat niya sa ibang parte ng katawan and other injuries. Your daughter suffered from what we call Blunt Cardiac Injury with Coronary Artery Injury, ibig sabihin ay may isang bubog na tumama sa artery niya at naging resulta iyon ng bleeding sa puso niya. But we already stopped the bleeding, at napalitan na ang dugong nawala sa kanya. Sa ngayon ay nasa recovery room na siya at later kung hindi pa rin siya ma-stable, ita-transfer na namin siya sa ICU. Let's all hope and pray that Hani will response positively in the next days. Kapag nagkaroon ng improvement sa kanya, mag-stabilize ang vital signs niya at magising siya, doon pa lang natin siya maaaring ilabas sa ICU."

Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon