"OH, KARIN, kumusta ka na?" bungad sa kanya ni Madi.
"Okay na po. Tita, pasensiya na rin po kayo sa nangyari kahapon," sabi niya.
Ngumiti ito at saka siya niyakap.
"You know I understand," sagot nito.
"Thanks, Tita."
"Mag-uusap ba kayo ni Aven? Naroon siya sa likod, kausap si Mary Beth ang mabuti pa puntahan mo na sila para magkaayos na kayong tatlo."
"Sige po."
"Wala ng away ah?"
"Opo. Sorry po ulit sa nangyari."
Humugot ng malalim na hininga si Karin bago tumuloy sa likod-bahay. Naabutan niyang nakaupo sa mahabang wooden bench ang dalawa at kapwa seryoso. Nakatalikod ang mga ito mula sa pwesto niya kaya hindi siya napansin ng mga ito. Palapit pa lang siya sa dalawa ng mapahinto matapos marinig ang sumunod na sinabi ni Mary Beth.
"Paaral ako ng amo ko, Aven," sabi ni Mary Beth.
Paglingon ng binata sa dating nobya, nakita ni Karin na bumakas ang gulat sa mukha ng binata.
"Amo?"
"I'm sorry, hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Pero isa lang akong kasambahay noong Senior Highschool tayo, lumaki ako sa Mindoro, lumuwas sa Maynila para mamasukan dahil hindi na ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko. Mataas ang ambisyon ko sa buhay, maging abogado at desidido akong matupad iyon. Nang makapasok ako kay Misis Madrigal, isang abogada at biyuda na may isang anak na babae. Nabuhayan ako ng loob nang sabihin niya sa akin na gusto niya akong pag-aralin. Dahil sa kanya nakapasok ako sa Ji Hye International University. Junior High ng nakilala ko si Karin. Wala akong pinagsabihan ng totoong estado ko sa buhay. Dahil hatid-sundo ako ng driver ni Misis Madrigal, maraming nag-akala na kamag-anak ako ni Misis Madrigal. Dahil mataas ang ambisyon ko, hindi ko tinama iyon. Gaya ng amo ko, pangarap ko rin na maging abogado, siya ang inidolo ko. Nangako siya sa akin na makakapagtapos ako ng pag-aaral at gaya niya, magiging abogado din ako. Sa akin niya binuhos ang pangarap niya para sa anak na maagang nag-asawa at hindi naging abogado. Pinag-aral, binihisan, namuhay akong parang isang mayaman. Simula noon, nangako ako sa sarili ko na hindi na ako babalik sa hirap."
"Lalo akong nagpursige ng makilala kita, Aven. Gusto kong pumantay sa lahat ng mayroon ka, sa inyo ni Karin. Kaya hindi ko sinabi noon kung ano talaga ako. Pero pag-uwi ko sa bahay, naglilinis ako, nagluluto, naglalaba. Kaya hindi ako basta pumapayag na mag-date tayo noon dahil hindi alam ni Misis Madrigal ang tungkol sa'yo. Nang mabuntis ako, nagalit ng husto sa akin ang amo ko at binawi ang pinangako niyang suporta sa pag-aaral ko. Pero nakiusap ako, sinabi kong gagawin ko lahat ng gusto niya huwag lang niyang bawiin ang suporta sa akin. Pumayag siya, pero ang kapalit, kailangan ko kayong iwan at talikuran at doon sa America isasama niya ako. At tinupad niya iyon, nakapasok ako sa Harvard University. Ang akala ko, magiging masaya ako, pero nagkamali ako. Gusto kitang tawagan noon, pero naunahan ako ng hiya, wala na akong mukhang maiharap sa'yo dahil sa ginawa ko."
"Mahal kita, Aven. Minahal kita ng totoo at buong puso ko, pero natalo ako ng ambisyon ko. Hindi madali ang buhay ko sa Mindoro, halos wala kaming makain na magkakapatid, may sakit ang nanay at tatay ko. Gusto ko silang maiahon sa hirap, kaya kahit masakit sa akin. Pumayag ako sa kondisyon ni Misis Madrigal. Pero hindi mo alam kung paano ako nagtiis nang tumalikod ako sa inyo. Gusto kong yakapin ang anak ko, pero kailangan ipakita ko na wala akong pakialam. Kailangan maging matigas ang puso ko. Noong umiiyak ka para lang bumalik ako, gustong-gusto ko, Aven! Pero hindi na ako maaaring umatras sa usapan namin. Nalaman ni Misis Madrigal na nag-uusap pa rin tayo noong nasa America na ako, nagalit siya at bantay-sarado niya ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Pero maniwala ka, hindi ko nakalimutan ang pangako ko sa'yo na babalikan ko kayo."
Natutop ni Karin ang bibig matapos marinig lahat ng iyon. Naging matalik niyang kaibigan ang babae, pero kahit kailan ay hindi nito sinabi ang parteng iyon ng buhay nito.
"Last month, namatay si Misis Madrigal. Doon ako nakakita ng pagkakataon na bumalik sa inyo," sabi pa ni Mary Beth.
Humarap ito kay Aven at ginagap ang mukha ng binata.
"Mahal kita, hanggang ngayon ay mahal pa rin kita. Walang araw na hindi ko hinintay na makasama ka ulit, kayo ng anak natin. Hindi pa huli ang lahat, alam ko, may puwang pa rin ako sa puso mo. Alalahanin mo lahat ng masasayang pinagsamahan natin, alam ko mahal mo pa rin ako."
Pakiramdam ni Karin ay dinurog ng pinong-pino ang kanyang puso matapos masaksihan ang sumunod na eksena. Mary Beth kissed him. Hinintay niyang itulak ito ni Aven, pero sa halip, kumapit pa ito sa balikat ng babae. Sunod-sunod na umagos ang luha mula sa kanyang mga mata. Sa bawat segundo lumilipas na nakikita niyang magkalapat ang labi ng mga ito, tila paulit-ulit siyang sinasaksak at pinapatay.
Tumalikod siya at nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay. Doon niya nakasalubong si Hani.
"Mommy, why are you crying?" nagtatakang tanong ng bata.
Mabilis niyang pinahid ang luha saka pilit na ngumiti.
"H-ha? Naku wala, napuwing lang ako. Nandoon na si Mama Beth sa likod, natatandaan mo ba iyong sinabi ko sa'yo kanina?"
Marahan tumango si Hani.
"Now, go, lumapit ka sa kanya, tapos greet her, okay? Don't forget to call her Mama." garalgal ang tinig na sabi niya.
"Yes Mommy," nakangiting sagot nito.
Tumakbo papunta sa likod-bahay si Hani.
"Mama Beth!" sigaw ng bata.
"Anak!" narinig niyang sagot ni Mary Beth, pagkatapos ay sumunod ang paghagulgol nito.
The moment she closed her eyes, Karin's tears fell straight on her cheeks. Pagkatapos ay nagsimula siyang humakbang palayo. Dumating na sa katapusan ang panaginip niya, ang mumunting palabas na siya mismo ang gumawa. Kailangan na niyang harapin ang totoong buhay. Ang buhay kung saan siya lang mag-isa. Walang Hani. Walang Aven. Dumating na ang sandaling kailangan niyang bumitaw at pakawalan ang mga ito. Kailangan niyang magising sa katotohanan, that they were never hers from the beginning. Ang papel niya bilang substitute na ina kay Hani at substitute na asawa kay Aven ay natapos ng araw na iyon.
"Kuya, let's go, sumunod ka na lang sa akin," yaya ni Karin kay Makaio.
"Ano? Nakapagpaalam ka na kay Aven?"
Hindi siya sumagot. Sa halip basta na lang siya sumakay sa kotse niya at agad iyon pinasibad. Habang nagmamaneho papunta sa penthouse kung saan siya pansamantalang tutuloy. Walang patid ang pag-iyak niya habang ang puso niya ay nababalit ng sakit, ang puso niya ay unti-unting nagkakalamat at tila ano man oras ay tuluyan iyon madudurog. Sa paglayo niya, kasamang lumayo ang puso ni Aven sa kanya. Masakit man, pero alam ni Karin na iyon ang kailangan niyang gawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/269527063-288-k801196.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"You fill that empty spot in our lives, you complete me, and I can't help myself but to fall in love with you." Teaser: A Substitute Mother's Confession Five years ago, I was only seventeen years old who suddenly became a substitute Mother to a cut...