IT'S A secret door. Ang pader na bumukas at aksidente niyang natuklasan ay isa palang pinto papasok sa loob ng sikretong lugar na iyon. Ang Love Confessions Society, isang sikretong organisasyon kung saan miyembro ang kapatid niyang si Makaio, pati si Aven ang iba pang kababata niyang lalaki. And it turns out that Nigella and Regine are aware of this group.
"Bakit hindi n'yo sinabi sa akin 'to?" tanong niya.
"Wala dapat ibang makakaalam nito, pero by accident lang din naman ni Nigella at Regine," sagot ni Ren.
Lumingon si Karin sa loob ng medyo malawak na silid na iyon.
"Ano ba ang ginagawa n'yo dito?" tanong niya.
"We're helping people who wants to confess their true feelings to the one they love," sagot ni Makaio.
"Ang mga taong tinutulungan namin, sila iyong mga taong walang lakas ng loob na magsalita at aminin ang totoong nararamdaman. We talk to the one who wants to confess, ina-assess namin kung seryoso ba sila sa nararamdaman nila. At ini-imbestigahan namin ang nagugustuhan ng magko-confess, kung sa tingin namin na may pag-asa siya. We encourage them to confess, pero kapag wala, sinasabi namin ang totoo dahil ayaw ng LCS na umasa sila sa wala. Pero kung gusto pa rin niya ituloy ang confession, pinagbibigyan namin. At dito sa lugar na ito, dito madalas ginaganap ng confession. If the confessor wants to make it special, kami rin mismo ang nag-aayos nitong lugar na ito. Kami ang naglalagay ng mga designs," dagdag ni Channe.
Tumango-tango siya habang tinitingnan isa-isa ang mga photos ng iba't ibang couples na nakasabit sa dingding.
"And I assume sila iyong mga natulungan n'yo?" aniya.
"Yup," sagot ni Aven.
"But why do you have to keep it a secret? Hindi ba mas marami kayong
matutulungan kapag pinaalam n'yo sa publiko?" pag-uusisa pa niya.
"Dahil hindi lahat ng confession ay totoo. Ang iba ay bugso lang ng damdamin, ang iba naman, nadadala sa pisikal na ganda ng isang tao. Si Tita Panyang ang founder ng Love Confessions Society, at sinuportahan ito ng parents natin, ayaw ni Tita Panyang na magmukhang match-making agency ang LCS kaya nag-desisyon siyang gawin secret organization ito. Naging saksi ang kalye ng Tanangco sa mga love confessions ng mga magulang namin noon. And that experience leads her to establish LCS. Ang mga sulat na nakasabit naman sa malaking heart sa harap ng flower shop niya, ang akala ng mga tao ay strategy ni Tita Panyang 'yon para sa flower shop niya. Pero doon kami kumukuha ng mission namin every month. Pinapasulat ni Tita ang contact number at pangalan ng mga customers nya na nagsasabit ng confession letters. Sinasabi niya na para iyon ma-text sila kapag may promo ang flower shop. Pero ang totoong purpose noon ay para matawagan sila kung perfect sila para sa LCS mission," paliwanag ni Aven.
"Sabagay, tama si Tita doon," komento niya.
Tumingin-tingin pa siya sa loob ng silid. May isang stage sa tapat mismo ng mahabang mesa na may labindalawang upuan, at sa ibabaw ng stage na iyon ay may isa pang mini-stage sa gitna. Sa bandang likod niyon ay may malaking hearts, at kapag tumingala ka naman, puro mga lobo na pastel colors ang bubungad sa iyong mga mata. All in all, the place is a very much romantic place. Perfect for a real confession.
Napailing siya. "Hindi ko akalain na may hindi pa pala ako alam sa'yo, Kuya!"
"Aba, pasensiya, kailangan ko 'tong itago eh," sagot ni Makaio.
"Teka, may tanong ako ulit. Kung secret organization ito, buti hindi kayo binubuking ng mga nag-confess na dito?"
"Hindi nila direktang alam ang lugar na ito," sagot ni Hajime.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"You fill that empty spot in our lives, you complete me, and I can't help myself but to fall in love with you." Teaser: A Substitute Mother's Confession Five years ago, I was only seventeen years old who suddenly became a substitute Mother to a cut...