Chapter 7

442 33 1
                                    

          TATLONG araw. Tatlong araw ng nasa ICU si Hani, habang si Jasmine ay nakalabas na ng ospital at kasalukuyang nagpapagaling sa bahay. Iyon na yata ang pinakamatagal na tatlong araw ng buhay ni Aven at Karin. Sa bawat oras ng pagbisita nila sa ICU, umaasa sila na sasalubungin ng magandang balita na gising na ang bata. Sa sitwasyon nila ngayon, ang paghihintay ang pinakamahirap gawin.

Karin wants to see Hani's eyes open with that sweet smile on her face. She misses that, and she's longing to see that again.

"Lord, wake her up. Huwag Mo muna siyang kunin sa amin, not now. I am not ready, hindi man siya galing sa akin, pero mahal na mahal ko siya," she prays.

"Ma'am, Ma'am? Heto na po ang sukli n'yo."

Doon biglang natauhan ang dalaga. Bumalik ang tingin niya sa cashier saka agad na ngumiti.

"Ah, sorry," aniya, saka kinuha ang sukli.

Pumunta si Karin doon sa convenience store, sa labas ng ospital matapos makaramdam ng gutom pagkatapos gumawa ng tambak na assignments at research. Nakatulog si Aven sa kama kaya hindi na niya ginising ito at siya na lang ang lumabas. Bago iyon, dumaan muna ang dalaga sa ICU at sinilip si Hani. Muli ay lugmok siyang umalis.

"Karin?"

Napalingon siya at bumungad ang mukha ng dating nobyo.

"Oh, Brent! Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya.

"Dinalaw ko 'yong pinsan ko, naka-confine dito. Na-operahan sa appendix," sagot nito.

"Ah," usal niya.

"Ikaw? Nagta-trabaho ka na ba dito?" tanong naman nito.

Napangiti siya saka umiling. "Ah no, naka-confine din kasi si Hani," sagot niya.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Na-aksidente sila ng Ate ni Aven, nasa ICU siya ngayon. Hinihintay nga namin magising eh."

"I'm sorry to hear that."

Nahaluan ng lungkot ang kanyang ngiti, pagkatapos ay marahan tumango.

"Sandali, may bibilhin lang ako. Sabay na tayong pumasok."

Matapos bayaran ang binili ay sabay silang bumalik sa loob ng ospital.

"Kumusta ka naman?" tanong ni Brent.

"I'm okay, actually, not really. Ganito siguro 'yong nararamdaman ng mga nanay kapag may sakit ang anak nila. Hindi mo masasabing okay ka hangga't hindi mo nakikitang maayos ang anak mo."

"Ilang beses ko ng nakasama si Hani, remember? When we are still together? Sinasama mo siya minsan kapag may lakad tayo, noon pa lang nakita ko na kung gaano kalakas ang personality niya. Kaya huwag kang mag-alala, makakaligtas siya. Magigising din siya."

Napangiti si Karin, aaminin niya na nakatulong ang mga sinabi nito para kahit paano ay gumaan ang kanyang loob. Huminto siya sa paglalakad ng makarating sila sa lobby ng ospital.

"Thank you, Brent. That really helps a lot," aniya.

"I'm glad," sagot nito.

"Sige, una na ako," paalam niya.

"Karin, wait!"

"Bakit?"

"Kapag umayos na ang problema ninyo kay Hani. When everything is okay, I hope we can go out sometimes," sagot ni Brent.

Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon