Chapter 9

520 36 4
                                    

          BIGLANG napabalikwas ng bangon sa kama si Karin, habang si Aven naman ay napatayo nangg humahangos na pumasok ang isang nurse.

"Ma'am, Sir, si Hani po!" sabi nito habang hinihingal pa.

Agad kumabog ang dibdib niya pagkarinig ng pangalan ng bata. Halos tumalon si Karin pababa ng kama at muling tinakbo ang daan papunta sa ICU kasama si Aven. Pagdating doon ay agad silang pumasok para lang magulat sa kanilang naabutan.

Mabilis na umagos ang luha mula sa mga mata nila ni Aven. They have been praying for this moment since the night the accident happened. Pero ngayon nasa harapan na nila iyon, tila hindi pa rin sila makapaniwala.

"Anak," narinig niyang wika ni Aven.

"Daddy..."

"Hani!"

Six hours later, matapos mag-flat ang linya ng life line ni Hani. Bumungad sa kanilang dalawa ni Aven ang mulat na mata ng bata. Sa wakas, sinagot na rin ng Diyos ang dasal nila. Gising na si Hani.

"I missed you, my princess. I love you," sabi ni Aven sa anak.

Hindi nag-aksaya ng panahon na lumapit sila sa kama at agad na kinintalan niya ng halik sa noo ang bata. Hindi maawat ang pagluha nilang dalawa ni Aven dahil sa sobrang saya. Walang ginawa si Karin kung hindi ang halikan ang kamay nito at mukha ni Hani.

Nang lumingon sa kanya ang bata ay ngumiti siya dito.

"Did you sleep well?" umiiyak pa rin na tanong niya.

Marahan tumango ito.

"I missed you, baby love," sabi niya.

And she goes, at last, Hani flashed her beautiful smile at her. Nang magkatinginan sila ni Aven, agad itong lumapit sa kanya at niyakap nila ang isa't isa.

"Gising na siya, Karin. Gising na ang anak natin," sabi ni Aven sa kanya habang patuloy itong umiiyak dahil sa sobrang katuwaan.

Anak natin. Kaysarap pakinggan ng salitang iyon, natin. Pakiramdam ni Karin ay parang siya na nga talaga ang nanay ni Hani. Noong mga araw na wala pang malay si Hani, si Aven ang kanyang naging sandigan niya, her source of strength. Ang dahilan kung bakit tumatag ang paniniwala niya sa Diyos na sasagutin Niya ang kanilang panalangin.



SUMUGOD ang pamilya nilang dalawa ni Aven maging ang mga kaibigan matapos nilang sabihin ang magandang balita. Everyone is happy to see Hani awake. Mula sa ICU matapos suriin muli ng ama ni Karin na si Doctor Ken Pederico ang bata, makalipas lang ng ilang oras ay sa wakas ay nailipat na nila si Hani sa kuwartong inupahan nila.

"Siguro naman anak, makakatulog ka na ng maayos niyan," sabi ng Daddy niya.

Yumakap si Karin sa beywang ng ama. "Yes, sobra Dad. Thank you for helping her," sagot niya.

Umakbay sa kanya ang ama at ngumiti pagkatapos ay hinalikan siya sa noo.

"Tito, kailan po puwedeng ilabas si Hani?" tanong ni Aven matapos lumapit sa kanila.

"In a few days, hayaan muna natin na magpalakas siya dito ng kaunti pa," sagot ni Doc Ken.

"Thank you so much, Tito."

"You're welcome."

Matapos ang visiting hours ay muli silang naiwan dalawa bilang bantay ni Hani.

Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon