Chapter 10

445 33 5
                                    

ONE WEEK later, sa wakas ay nakalabas na rin ng ospital si Hani. Isang welcome back party ang hinanda ni Madi at Vanni para sa pagbabalik ng apo. Tila may humaplos sa puso ni Karin ng makita ang emosyonal na pagkikita ni Jasmine at Hani. Parang nagmistula isang Children's Birthday Party ang nangyari, ang lahat ay masaya sa pagbabalik ng buhay at ligtas ng kaisa-isang Prinsesa ni Aven. Ngunit kung mayroon man mas higit na masaya sa mga sandaling iyon, walang iba kung hindi silang dalawa ng binata.

Hindi pa rin pinayagan pumasok sa school si Hani, sa ngayon ay magho-home school muna ito. Samantala si Karin, back to normal ang buhay... iyon ang kanyang akala. Until Hani asked a favor, isang bagay na hindi nila alam kung paano pahi-hindian.

Natulala silang lahat matapos marinig ang sinabi ng bata.

"Baby, ano ulit ang sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Basil.

"Gusto ko po mag-sleep kasama ni Tita Mama at Daddy sa isang room. Gusto ko silang katabi," sagot nito.

"Ah Hani, kasi ano, hindi puwe—"

"Sure Princess, doon tayo matulog nila Tita Mama sa room ni Daddy!" putol ni Aven sa sinasabi niya.

"Yehey!" masayang bulalas nito.

Napamulagat silang lahat sa gulat matapos marinig ang naging sagot nito sa anak. Palihim niyang kinalabit si Aven.

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Mako-compromise tayo niyan sa bata eh," mariin bulong niya.

Tumawa lang si Aven saka tinapik siya sa braso.

"Akong bahala," sagot nito.

Pagtingin ni Karin kay Nigella ay nagkibit balikat lang ito pero may nanunudyong tingin.

"Ang mabuti pa, sumama ka na kay Yaya tapos kain na ng dinner, okay?" sabi ni Aven sa anak.

"Yes Daddy!" masiglang sagot ni Hani.

Agad itong sumama sa Yaya nito at pumunta sa dining area.

"Aray!" biglang hiyaw ni Aven matapos itong kurutin ng ina sa braso.

"Ano ba iyong sinabi mo sa bata? May sariling buhay din itong si Karin! Graduating pa 'yan kaya maraming ginagawa sa school! Saka ano na lang ang sasabihin ng Tito Ken at Tita Myca mo? Kadalagang tao ng anak nila tapos matutulog kayo sa isang kuwarto! Baka mamaya kung anong gawin mo! Hindi mo muna kami kino-konsulta sa desisyon mo!" sermon ni Madi sa anak.

Natatawa pa na hinimas ni Aven ang parte ng braso na kinurot ng ina.

"Mommy naman, sakit mong mangurot, saka grabe ka naman sa akin?" daing nito.

"Hambalos gusto mo pa? Kaya nga nabuo si Hani, di ba?"

"Mommy talaga oh, pakinggan n'yo po muna ako!"

Tumikhim ito.

"Hindi naman matutulog si Karin sa kuwarto ko, hindi rin kami magtatabi. Nasa gitna namin si Hani, hihintayin lang namin makatulog ang bata pagkatapos lalabas na rin siya," paliwanag ni Aven.

Bumuntong-hininga si Madi.

"Siguraduhin mo lang ah!"

"Oo nga po, My!" natatawang sagot ni Aven.

"My god hija, pasensiya ka na, ha? Masyado ka ng naabala ng mag-ama na ito," sabi sa kanya ni Madi.

"Naku Tita Mads, wala pong problema, naiintindihan ko naman po," sagot niya.

Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon