Chapter 11

442 36 0
                                    

"KUMUSTA na? Grabe girl, daig mo pa 'yong Professor sa school ah, mas busy ka pa sa kanila. Hindi ka na namin nakikita!"

Iyan ang natanggap na message ni Karin mula kay Regine. Eksakto naman na katatapos lang niya ng mga school works. Alas-otso pa lang ng gabi ay napatulog na rin nila si Hani. Nang tumingin siya sa oras ay pasado alas-diyes na ng gabi. Linggo din naman kinabukasan kaya maaari siyang matulog ng late.

"Nasaan kayo?" reply niya sa text message nito.

"Dito sa garden namin," sagot ni Regine mayamaya.

"Sige, magpapaalam lang ako kay Mommy."

Agad siyang bumaba at naabutan ang mga magulang na nagkakape sa dining area nila.

"Mom, can I go out for a while?"

"Saan ka naman pupunta ng ganitong oras, anak?"

"Don't tell me babalikan mo si Hani, siguradong tulog na 'yon," sabad ng Daddy niya.

"Hindi po, pupunta lang ako kila Regine. Nami-miss na yata nila ako."

"Ay thank God, mabuti naman at naisipan mo mag-relax. Masyado ng umiikot ang mundo mo kay Hani, and I'm not saying it's bad. I understand how much you love her, kaya lang napapansin namin ng Daddy mo na napapabayaan mo na ang

sarili mo."

"Loosen up a bit, anak," sabi naman ng Daddy niya.

Ngumiti siya at niyakap ang mga magulang.

"Okay, I will. Thanks, Dad. Thanks, Mom."

Paglabas ng bahay, agad pinuntahan ni Karin ang mga kaibigan.

"Buhay siya, mga kapatid! Buhay siya!" bilang sigaw ni Regine pagkakita sa kanya.

Kunot-noo siyang napalingon sa likod.

"Ako ba?" nagtatakang tanong pa niya.

"Natural, sino ba dito ang masyadong abala sa buhay may pamilya?"

Natawa siya.

"Maka-buhay may pamilya ka naman, alam n'yo naman 'yong nangyari kay Hani di ba?"

Naupo siya sa tabi ni Nigella.

"Alam mo girl, kahit kapatid ko si Aven, ako na mismo magsasabi sa'yo. Bigyan mo ng time ang sarili mo, hayaan mo 'yang Pengkum ko na kapatid ko minsan. Baka nasasanay na siya masyado na nandiyan ka, paano na lang ang lovelife mo?" wika ng katabi.

"Iyan din ang advice ni Daddy sa akin kanina bago ako lumabas."

"May katwiran naman si Tito Ken," sabi pa ni Nigella.

"Pero gusto ko rin naman na nasa tabi niya."

"Tabi ni... Aven?" tanong na may halong panunudyo na tanong naman ni Regine.

Natawa siya. "Ang ibig kong sabihin, ni Hani! Ano ba? Intrigera ka, Regine!"

"Aba malay ko, si Aven ang sinasabi ni Nigella kanina eh," anito.

"Teka, nabanggit ni Nigella ang love life, bigla kong naalala, nagkasalubong pala kami ni Brent noong isang araw sa campus. Nagpapatulong, kung puwede daw kitang kausapin at kumbinsihin na lumabas kasama siya," sabi ni Regine.

"Sinabi niya 'yon?" gulat pa na tanong niya.

"Oo, nakikipagbalikan ba siya sa'yo?" tanong din ni Nigella.

Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon