Chapter 6

518 41 4
                                    

PINARADA lang ni Karin ang kotse niya sa tapat ng bahay nila saka bumaba at nagmamadaling pumasok sa loob. Sinalubong siya ng Mommy niya.

"Oh anak, nandito ka na pala. Ang aga mo yata ngayon."

Humalik siya sa pisngi ng ina paglapit niya sa dining area.

"Nag-cancel po ng klase 'yong professor ng last two subjects namin, may biglaan teacher's meeting yata. Magbibihis lang ako tapos punta na po ako ng ospital," sagot niya.

Malungkot na ngumiti si Myca sa anak. Alam nito kung gaano kabigat ang pinagdadaanan ngayon ni Karin.

"How is she?" tanong nito.

Malalim siyang napahugot ng hininga, pagkatapos ay naupo sa iang bakanteng upuan.

"Hindi pa rin siya nagigising, Mom. It's been two days, hindi po ba dapat gising na siya?" nag-aalalang sagot niya.

"Anak, alam ko kung gaano mo kamahal si Hani. But don't you think you are getting too attached to her? Paano kung bumalik si Mary Beth at kunin niya ang bata? Paano ka na?"

"Hindi ko ibibigay si Hani, at alam ko na iyon din ang magiging sagot ni Aven. Si Mary Beth lang ang nagpanganak sa bata, pero ako, kami ni Aven ang nagpalaki kay Hani. Wala siyang karapatan bumalik, pagkatapos niyang talikuran basta ang responsibilidad niya," matigas niyang sagot.

Ang totoo, iyon ang isa sa kinatatakutan ni Karin. Ang biglang bumalik ang dating kaibigan at kunin si Hani sa kanya. Bumuntong-hininga si Myca.

"Pero kahit anong gawin o sabihin mo, hindi pa rin natin maitatanggi na siya pa rin ang ina."

Nawalan ng kibo si Karin. Masakit ngunit iyon ang katotohanan, isang bagay na hindi niya kayang baguhin. Bigla ay naalala niya ang sinabi sa kanya ni Aven noong nakaraan gabi.

"Sana ikaw na lang ang naging totoong Mommy ni Hani. Sana ikaw na lang ang minahal ko."

"Sana nga," bulong niya sa sarili.

"O siya, sige na, magbihis ka na kung pupunta ka doon sa ospital," sabi ng ina.

Pinilit niyang ngumiti saka tumango. Paakyat na siya ng hagdan papunta ng kuwarto niya ng muling siyang tawagin ng ina.

"Ingatan mo rin ang puso mo, baka mamaya umasa at masaktan ka na naman ulit," makahulugang sabi ni Myca.

Napangiti si Karin. "I will, Mom."

Matapos makipag-usap sa ina ay tumuloy na siya sa kuwarto niya.



SUOT ang gown at face mask, pumasok si Karin sa loob ng ICU. Parang dinudurog ang kanyang puso na makitang walang malay ang batang dati ay puno ng sigla. Ang batang pinapaulanan siya ng halik at pagmamahal. Hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa bibig niyang may takip pagkatapos ay kinintalan ng halik.

"Hey baby love, Tita Mama is here," sabi niya.

Napalingon siya sa nurse ng lumapit ito.

"Kumusta siya, nurse? May improvement ba sa vital signs niya?" tanong ni Karin.

"Unti-unti na pong nagiging stable ang vital signs niya, Ma'am. Tibayan n'yo lang po ang loob ninyo, magigising din po siya," sagot nito.

Bumuntong-hininga siya saka marahan tumango.

"Salamat," aniya.

"Nagpunta na rin pala dito iyong asawa ninyo kanina," sabi pa ng Nurse.

Love Confessions Society Series Book 8: Lavender Cruz (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon