Chapter 2

6 3 0
                                    

Chapter 2


Mabilis akong kumilos upang maabutan si Claude.Hindi ko alam kung bakit gano’n ang kanyang reaksyon.Marami ang mga tanong na nasa akin.Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawa.Isang tanong ang nasa isipan ko na hindi mawala-wala:sino ang tumawag sa kanya?

"Claude,saan ka pupunta?"

Binilisan ko pa ang aking kilos.Halos hindi ko masundan ang bawat hakbang niya sa sobrang tulin.Lumingon ako sa likod,naaninag ko ang mukha ni Mylne na tila’y nalilito.Katulad ko,hindi alam kung ano ang nangyayari.


"Claude,pwede bang huminahon ka!"si Fill.

Hindi pa kami tapos kumain no’n at bigla nalang ‘to umalis sa kinaroronan niya.Mukhang importante ito.Para akong tanga na humahabol sa kanya sa gitna ng mga kahoy.Nakahinga ako nang malalim ng lumiko na siya.Bubuka na sana ang aking bibig ng napagtanto ko na nasa lobby na kami.Tinitingnan siya ng mga tao,syempre gwapo.May natanaw ako sa malayo na dalawang tao.Ang saya ng babae sa lalaki.

Teka?Parang nakita ko na sila noon.Siya ba ang ex ni Claude?Pero hindi ko alam kung ano’ng pangalan niya.

Naka-akbay ang lalaki sa balikat ng babae.Ang ganda niya.Nakasuot siya ng dress na floral na color pink at ang lalaki ay nakasuot ng polo na maraming mga bulaklak na nakaukit dito.

Kitang-kita ko ang pag-awang ng labi ng babae sa pagtagpo ng kanilang mata nila ni Claude.Nahuhulaan ko na ngayon kung sino siya at bakit ganito ang reaksyon niya.Hahawakan ko na sana si Claude nang mabilis siyang humakbang palayo sa akin at agad na lumipad ang kamao niya sa mukha ng lalaki.Agad naman itong bumagsak sa sahig at dali-daling inalalayan ng babae.Nagsigawan ang lahat ng mga nakakita.Ang iba ay tumatawag na ng mga bantay upang maawat si Claude.


"Claude?"tawag ng babae sa kanya.Puno ito ng autoridad.

Ngayon ay nabigyan ako ng pagkakataon na pagmasdan siya ng mabuti.Hanzel has an intimidating eyes,porcelain skin,thick brows and lips,stocky height,long nose and black short curly hair.

"Really,Hanzel?!Siya talaga ang pinalit mo sa akin.Ano ba’ng kulang sa akin,ha?!”

Napagulantang naman ako sa sigaw niya.Naaninag ko ang mata niya na sasabog na.Hinawakan ko siya sa kamay at tumingin si Hanzel sa ginawa ko,ngunit pilit binibitawan ni Claude ang kamay ko sa kamay niya.Kumirot naman ang puso ko sa kanyang inaasal.May kung anong konklusyon na tumatakbo sa akin:ayaw niya na magselos ang ex niya sa akin.

Agad na inawat nila Phoenix ito."Dude,wag kang mag-iskandalo rito.Nakakahiya.Malalaman ‘to ni Tita Clarice,"si Fill.

"Malanding babae ka!Pinagkatiwala kita sa pinsan ko!"si Mylne.Hinila niya ang buhok ni Hanzel.Pinabayaan siya ni Hanzel.Siguro alam niya kung ano ang mali niya."Kabre-break ni’yo lang,may iba ka na.May reserver ‘te?!"galit na sambit ni Mylne.May dumadating ng mga guard."At ang kapal ng mukha mong magpakita rito!"Nagulat ako ng lumipad ang palad ni Mylne sa pisngi ni Hanzel."Malandi ka!"Turo ni Mylne sa kanya.

Namataan ko ang mga taong nanonood sa amin.Halos ako nalang ang mahiya sa ginagawa nila ngayon.Jusko!Bakit dito pa kasi?

Nalagay nalang ni Fill ang kamay sa noo.Naiinis dahil parang magkakagulo talaga ngayon.Kaya naman si Mylne na naman ang inaawat namin.Bumaling ako kay Claude:umiiyak na siya.Hinawakan niya si Mylne at pumagitna siya sa kanilang dalawa.

"Seriously,Pinsan?!Sinaktan ka na nga.May gana ka pa na ipagtanggol ‘yan!"Hindi na mamukhaan ang mukha ni Mylne."Kitang-kita sa mga mata niya na hindi na ikaw ang mahal nito.Unbelievable Claude,Unbelievable!"

Namumuo na rin ang luha sa mga mata ni Mylne.Mahal na mahal niya talaga ang pinsan niya.

"Dude,niloko ka na nga sa kanya ka pa rin.Mimili ka,sa pinsan mo na walang sawang minamahal ka o sa ex mo na niloko ka na nga kakampihan mo pa rin?"Phoenix said.

Umiling ako at malutong na mura ang pinakawalan ko.

"Mamili ka na,Claude!"sigaw ni Mylne.

Gusto ko mang sumingit pero natulala ako sa eksena ngayon.I don’t really know what will I do.

"Move on ka na kasi.’Yan ang hirap sa’yo,”paos na sambit ni Fill.

Napaawang nalang ang bibig ko ng makita ko na nasa harapan na namin ang boyfriend ni Hanzel.

"Naiintindihan kita,Dude,"ani ng boyfriend ni Hanzel na moreno,manipis na labi,cleancut na buhok,makapal na kilay,maamong mga mata at mas tangkad kay Hanzel.

"Tumahimik ka!"sita ni Claude rito.

Nagulat ako ng lumapit si Hanzel kay Claude at lumuhod ito sa kanya.

"I'm sorry,Claude.Hindi ko sinasadya na magsinungaling sa iyo.Mahal naman kita ngunit bilang kaibigan lang ‘yon.Minahal kita pabalik dahil deserve mo ‘yon.Pinilit naman kita mahalin nang higit sa kaibigan,e,pero hanggang doon nalang ‘yon.Sorry…..kung pinaasa kita.Sorry,dahil nagkulang ako.Maybe,iba talaga ang naka-tadhana sa iyo."Napabaling si Hanzel sa akin."Napilitan lang ang lahat,Claude.Naawa ako sa’yo dahil tapat ang pagmamahal mo sa akin.Kaya sinagot kita at awa lang ‘yon."Diretso ang tingin ni Hanzel sa ex niya.

"Sana hindi mo nalang ako sinagot.Sana ngayon,masaya na ako sa totoong nagmamahal sa akin!"

Jusko!

Ang sakit noon:awa lang ang lahat.My heart felt a sympanthy for Claude.If I’m in his place,my heart will really collapse.

"Sorry,sinisisi ko ang sarili ko.Maniwala ka,sana noon palang hindi na kita binigyan ng motibo para umasa.Alam ko nagkamali ako.Boto kasi sila Tita Clarice sa akin,but please tell them that I am really sorry for hurting you."Hinimas-himas ni Hanzel ang kamay ni Claude."Wishing you all the best,Claude.Sana makahanap ka ng babaeng mamahalin mo at susuklian ang pagmamahal mo kahit hindi mo man sabihan.Hayaan mo na rin ako maging masaya,Claude,"aniya sabay yakap kay Claude at hinawakan ang kamay ng nobyo niya at nilisan ang lobby.

Nagulat ako ng lumuhod si Claude at umiiyak.Hahabulin sana ni Mylne ang dalawa ng pigilan nila Phoenix.

"Tama na!"awat ni Phoenix sa parang tigre na mukha ni Mylne.

"Kasi gaga!"inis na sagot ni Mylne.

Hinawakan nila sa balikat si Claude at pilit na pinapatayo.Wala akong magawa sa aking nasaksihan.Hindi ko alam kung ano’ng gagawin.Ang sakit siguro kong ako ang nasa posisyon ni Claude.Ganyan din ang reaksyon ko.Naramdaman ko na may namumuong luha sa aking mata.I close my eyes and I let my tears fell into apart.


Nasa restaurant na kami upang kumain.Katabi ko ngayon si Claude.Tahimik ang lahat;walang gustong magsalita.Tumahimik na rin ako wala dahil naman akong karapatan upang magsalita.Hindi ako parte sa pamilya nila.Hindi ako kadugo nila.Kaya tahimik nalang tayo.

Okay,no,makulit ngayon.

"Nag-order na ako….kanina pa,”bungad ni Phoenix.

"Buti naman,Bro,upang kain na tayo ng diretso,”sang-ayon na sabi ni Fill.


Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang pagkain na inorder nila.Tuwang-tuwa ang mukha ni Mylne.Napasinghap nalang ako.

Kita mo ‘to.Kanina ang mukha niyang halos hindi maitsura.Ngayon?Jusko!Pagkain lang pala ang katapat nito.

"Wow food!"hiyaw ni Mylne."Thank you,Phoenix,favorite ko ‘to lahat,"aniya sabay yakap kay Phoenix.Napasinghap nalang ito.

"Pag mga pagkain,favorite mo naman lahat,”aniya.Nagsitawanan kaming lahat.

Ewan ko sa kanila.

Maraming nakahanda sa aming harapan.Sa sobrang dami ay halos hindi ko na magalaw ang aking kamay.Kukuha na sana si Mylne ng sinita siya ni Phoenix.Halos mapapuot si Mylne pero tinapik lang ang bibig nito.

"Pray first,"si Phoenix.

Nang matapos ng magdasal ay agad akong kumilos upang makakain na.Kukunin ko sana ang serving spoon ng Beef Steak ng may humawak din nito.Bumilis ang tibok ng puso ko.Nandito na naman ang ganitong pakiramdam.Nagkatinginan kami at binitawan ko ang serving spoon.

"Sige,ikaw na ang mauna,”ani ko.

"Ikaw na,”simpleng sagot ni Claude.

"Hindi,ikaw na,”nahihiya kong sambit.

"Ako nang kukuha sa inyong dalawa.Mahiya naman kayo,”pagprepresenta ni Mylne.

Tinitigan ko siya.

Aba!Naka ngisi nang loka.

Nagkatitigan kami ng ilang minuto ni Claude.Nang may marinig kaming mga tinig.

"Ayiee."Sabay yakap nang tatlo.

Umiling-iling at napatawa naman ako sa inaasal nila.

Nakauwi na kami galing sa resort.Lunes na bukas at kailangan ko nang magpahinga.Nakaraket na ako galing at nagkapera din naman.Kakaligo ko lang at narito ako sa dresser ko.Nag-aayos sa sarili;walang magawa.Alam namin na masakit ang nangyari sa kanya kaya inintindi nalang namin.Nag-ready na ako ng gamit ko para bukas.Mabuti naman at walang takdang-aralin at kung tutuusin nag-enjoy naman ako sa pagdala ni Mylne sa akin doon.Tumingin ako sa dingding at mag-aalas dyes na.Kaya nilubog ko na ang aking katawan sa kama at pinikit ang aking mga mata.

Narito ako ngayon sa cafeteria namin.Nag-order ng burger,ang mahal.Para sa akin mahal na ‘yon.Lalo na’t ako nagbu-budget sa aking mga bibilhin.Tinitipid ko ito dahil mahirap na maraming project at wala ako kagamitan masyado:kulang.Nagulat nalang ako ng may bumagsak na tray.Pagtingin ko sa nagdala.Bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko maintindihan ang nararamdam ko.

Sana hindi niya marinig.Nakakahiya at baka tuksuhin ako nito

“’Yan lang pagkain mo?Oh,sa’yo na ‘yan.”Lahad niya ng mamahalin na pagkain.

“Claude!“Nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot.

“Gulat ka na naman.Para kang nakakita ng multo.Gwapo ba,ang multo?"siya sabay lagay ng kamay sa bibig.

I choked because of what he said.He’s so full of confidence.That’s why,I don’t blame his cousin for hurting him,physically.

“Bakit,wala sila?”

“Mamaya pa ‘yon,“si Claude sabay upo niya.Tumango-tango nalang ako.

“Tinitipid mo na naman sarili mo,Satrina!”Napayuko nalang ako.

“Hindi naman.“Pagbabaling sa aking binili na halos kahalati na.

“Talaga?”Tumawa pa siya.

Hanggang sa kinuha na niya ang tray na para sa kanya at iba rin sa akin.Kumain na siya nang tahimik at hindi ko na siya inabala pa.Ilang minuto ang nakalipas at nagsalita siya.

“Kainin mo na kasi,Satrina."

Tiningnan ko lang siya at ang pagkain.Nakakahiya kasi,e.Ang mahal niyan.Lunch ngayon pero kailangan kong magtipid hindi ako nakahanda ng baon dahil mala-late na ako.

“Oo na po,Sir Claude."

Sabay kuha ng pagkain at agad kong nilagay lahat sa bibig ko.Gutom ako masyado.Tumingin ako kay Claude,bakas ang lungkot sa kanya habang may tinitingnan sa malayo.

Aba!Anong meron?

Tiningnan ko rin ang tinutukoy ng mga mata niya.

Oh my God!

Sila Hanzel at ewan ko anong pangalan ng boyfriend niya.Ang saya-saya nila habang kumakain,nagsusubuan pa.Tumingin ako sa mga tao at nakatutok pala ang lahat kina Claude at Hanzel. Sikat na sikat na siguro sila noon dito.Para kasi sa mata ng tao ay niloko ito ni Hanzel si Claude pero naawa ako sa kasama ko.

Parang pinipiga ang aking puso sa aking nakita.Umiwas nalang ng tingin si Claude.Ngumiti siya sa akin pero ang ngiti na ‘yon ay may halong pait at sakit.Awa,ang mukha na hinarap ko sa kanya.

Nasaan ba kasi sina Phoenix?Lagot ‘yon sa akin.

“Uhm,baka gusto mo na sa may field nalang tayo kumain,”offer ko.Ngumiti ako sa kanya.

Siya rin ay tumingin sa akin.Ngumiti at tumango siya.Dahan-dahan kong niligpit ang pagkain at kinuha ang aking bag,ngunit nagulat ako ng kinuha niya ito.

“Akin na,Claude.Okay lang ako,"pagtatangi ko.

“Sige na…please."With matching puppy eyes.

Natawa nalang ako nang mahina at tumango.

Dahan-dahan namin nilisan ang cafeteria.Nang makarating kami sa field na may puno ay tinuro ko kung saan ang pwesto.

“Dito tayo,Claude.”Turo ko pa sa lapag.

“Sige."May kinuha siya sa bag niya.

“Ano ‘yan?“

“Towel.”

Talaga ba?

Nilagay niya na ang towel sa damuhan at nag-arrange siya ng pagkain.Maaga pa naman dahil maaga kami na pinakawalan at mamaya pang one o’clock ang balik namin sa room.

Sana dumating na kayo,Mylne.

We decided to continue our lunch.

“Alam mo.Wala akong karapatan upang dektahan ka pero wag mo nang isipin pa si Hanzel.Alam kong ang lalim ng samahan ni’yo pero ito lang akin,ha.Wag mong iyakan at maghinayang sa taong ikaw mismo ang sinayang,“seryoso kong sabi na akala mo may experience na.

“Ibinigay ko naman lahat,pero iniwan pa rin ako.Sinaktan pa rin akong taong mahal ko."

Napaiwas siya ng tingin sa akin pero hindi nakaligtas sa akin ang luha na lumalabas sa kanyang mga mata.

”Ako dapat ang nasa posisyon ni Clark ngayon.Ako sana.“

“So,Clark pala pangalan noon?“Tumango naman siya.

“Ako dapat ang nagpapasaya sa kanya.Ako dapat ang nagsusubo sa kanya.Hindi ba ako dapat mahalin?“

Ramdam mo ang sakit sa bawat salita niya.Para akong tinutusok na nakikita siyang nasasaktan ng dahil lang sa maling tao.

“Kamahal-mahal ka,Claude.’Yan ang lagi mong tandaan.Siguro ngayon hindi pa nila makita ang sinayang nila,pero darating ang araw na gigising sila na huli na ang lahat.”

“Bakit ang unfair?“

Tumingin ako sa kanya ng buong awa.Umiwas siya ng tingin at bumaling sa langit.

Ang lalim ng sugat na iniwan ni Hanzel sa kanya.Sana Claude,ako nalang ang minahal mo.Sana,hindi ka masasaktan nang ganito.Sana ako nalang ang nasa posisyon mo.Hindi ko kayang makita ka na nasasaktan ng ganito.Kasi para akong sinusugatan din.Handa akong masaktan basta’t hindi lang ikaw.

Nagulat ako sa ginawa ko.Pinaharap ko siya at pinunasan ang luha niya.

“Nandito lang ako,”napaputol ako sa aking salita at halos hindi ako makalunok nang maayos.“Nandito lang kami."

Sabay yakap ko sa kanya at panay paghikbi na ang naririnig ko.

Pinabayaan ko na siya.Wala siguro siya na mapaglalabasan masyado ng mga problema.

Kumalas siya sa pagkakayakap.“Salamat at nasa tabi kita ngayon,Satrina."

Ngumiti lamang ako.“Walang anuman."

Isang dangkal nalang ang layo ng mukha namin.

“Dali na at kumain na tayo."Natawa naman siya at bumalik na sa pagkain.

Ang swerte ni Hanzel,iniyakan siya ng taong hindi karapat-dapat masaktan.

May mga tao na minahal mo ng totoo pero sa huli ikaw ang niloko.

Narito ako ngayon sa cafeteria dahil nilibre ako ni Claude kanina ay ako naman.

Saan kaya sabot forthy pesos ko?

Habang pumipila ako ay may narinig ako na mga bulung-bulungan.Mga tao talaga,issue nang issue hindi naman alam ano talaga ang totoong nangyari.Wala talaga tayong magagawa sa kanila.Immature,e.Kaya wag ng patulan pa.

Ang lalakas ng mga tinig.Minsan na papaisip nalang ako na si Claude na nasa kanya na ang lahat,niloko pa.Ano nalang kaya kaming mga pangit?Chos.

Natanaw ko na ako na ang susunod.Agad akong nag-order ng tubig.Siguro okay na ito at may sobra pa at binili ko ng junkfood.Umalis na ako sa counter at dahan-dahan na lumalakad at dinaanan ang mga ma-i-issue na tao.

“Panakip-butas ka lang niyan,”patatama nila sa akin.

Nag-apir naman ang babae sa nagsabi noon.
“Oo nga,Girl.Hintayin lang natin.Luluha rin ‘yan.”Halakhak niya.“I’m sure naawa lang si Claude sa kanya.Mahirap,e.Umaasa sa scholar.Ew!”

Mahigpit ko na hinawakan ang dala ko na mga pagkain at baka mabuhos ko pa sa kanila,paghindi ko na kinaya ang mga lalabas sa kanilang bibig.Mabilis akong umalis sa pwesto nila.Ayaw ko ng may kaaway.Huminga ako nang malalim.Kaya naman pinabayaan ko nalang lahat ng sinasabi nila.At least,ako alam ko kung ano ang totoo.Ano naman ngayon kung mahirap ako?Gumagawa naman ako ng paraan para magkapera.Eh,sila…may karapatan pa silang manlait.Tapos,’yong marka nila?

I sighed.

No comment nalang tayo.May sarili naman silang opinyon pero sana naman bago sila magsalita,’yon hindi makakasakit ng iba o pwede na sa kanila nalang ‘yon.

Lumabas na ako sa cafeteria at nagtungo sa field.Tanaw na tanaw ko si Claude na busy katitingin sa langit.Pinagmasdan ko pa siya nang konti bago lumapit sa kanya.Inabot ko sa kanya ang tubig.

“Tubig?"ako sabay upo sa tabi niya.Bumaling siya sa akin.“Bakit,may dumi ba sa mukha ko?”

My heart is running so fast because of his eyes are staring at me.

“Wala naman.”

Binuksan ko ang junkfood at kumain.“Gusto mo?”offer ko sa kanya.

Sino ba ako para magdamot?

Natawa siya at kumuha.“Sorry,dahil naging masama ako sa iyo.”

Biruin mo,marunong palang mag-sorry ‘to?

“Okay lang ‘yon.Kalimutan na natin ‘yon."Pag-iiwas ko ng tingin.

“Sorry talaga.”Napatawa naman ako.

“Okay lang kasi.Ang kulit,"sabi ko habang nginunguya ko nang maayos ang pagkain na nasa bibig ko.

“So,friends?”Lahad niya ng kamay.

Tinanggap ko naman ito.“Friends."

Para kaming ewan na nagtatawanan sa nangyari ngayon.Bumalik ‘yon araw na halos murahin niya ako.Hinatid niya ako sa room namin dahil iba ang subject niya ngayon.

“Salamat.”Nakatingin ako ngayon sa sahig.

Nahihiya ako,kasi marami na naman ang mga tanong sa akin.

“Walang anuman,”sabi niya.“Sige at mauna na ako.Mala-late na ako.Satrina,see you around,"aniya sabay kaway-kaway sa akin at naglalakad na palayo.

Ang swerte ko dahil hinatid niya ako,pero hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa akin.Gwapo naman si Claude pero ayaw kong mahulog sa kanya.

Tama,hindi ka dapat ma-in love sa kanya.

Pumasok na ako sa room namin.Buti naman walang issue dahil bahala sila.Wala akong pake.

“Satrina!”

Sa gitna ng aking pagmumuni-muni.Napagulantang ako sa babaeng ‘to.Nahampas ko siya.Sino ba namang ‘di magugulat doon?Buti wala pa ang guro namin.

“Ginulat mo naman ako,Mylne."

Ngumiti siya.

Aba!Anong dahilan ng mga ngiti niya?

“Halata naman."Halakhak niya.Hindi na talaga na pigilan ng buang.

“Bakit ngayon ka lang?”taas kilay kong tanong.

“Miss mo ako agad,"si Mylne habang nag-a-alcohol.

“Syempre.”Habang tinitingnan ang tinahak namin ni Claude kanina.

“Ayieeee!"napasigaw siya kaya lahat ng classmate naming,naagaw niya ang atensyon nila.

“So,kumusta ang pinsan ko,Satrina.Maamo na ba?”

Kunot-noo ko siyang nilingon.“Okay lang naman.Medyo hindi pa nakamove on,”bulaslas ko.

“Makakamove on din ‘yon.Hintayin mo," aniya sabay kindat.Napailing nalang ako.

Dumating na ang guro namin at nagsimula na ang discussion. 

“Pakapoya,Sis,"si Mylne sa kalagitnaan ng quiz.

Pinakita ko naman ang papel ko,patago.

“Ano ba ‘yan!Hindi naman naiintindihan,”pagrereklamo niya.

Sinita ko naman siya at baka marinig kami.“Talagang ikaw pa ang may ganang mag-reklamo,Mylne ha?"

Umiling-iling at suminghap nalang at lihim na natawa ako.Baka mahalata kami.Alam na,baka zero tayo niyan.Pasahan na at checking na.Perfect ako.Si Mylne may dalawang mali.At least,hindi kami mahahalata na nagpakopya ako sa kanya.

Tapos na ang klase namin.Nagdismiss na si ma’am.Last namin ay aralin panlipunan.

“Raket ka ngayon?”tanong ni Mylne.

Nakaupo pa siya.Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko para makauwi na.Tumango ako.

“Sad!Sige.Una na ako,Satrina.See you tomorrow.“Hinalikan pa ako sa pisngi.

Parang tomboy.Natawa nalang ako.

Simula ng naging magkaibigan kami ni Claude.Palagi kaming nagbo-bonding with or without her/his cousin,because they’re busy,sometimes.Inaamin ko ang sayang kasama ni Claude at dahan-dahan na akong nahuhulog sa kanya.

Katatapos ko lang sa raket ko.Naka-ipon na naman ako para sa project at tuition.Maaga ako na matutulog ngayon dahil maagang natapos.Buti nalang at wala kaming gagawin masyado ngayon.Nagbihis na ako ng pangtulog at nilubog at aking katawan sa kama.Mahaba-haba rin ang tulog ko ngayon.Pinikit ko na ang aking mga mata.Nang maalaala ko ang bawat ngiti niya.Suminghap ako.

Hindi ko na kailangan pang-I-deny pero nahuhulog na talaga ang loob ko sa kanya.Sana hindi niya mahalata.Ang hirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.

Umaga na at kailangan kong maghanda.Panibagong araw,panibagong stress na naman.

Bumaba na ako sa kama ko at umupo muna sa sahig.Gumapang ako ng konti para maabot ko ang bag ko.Tsinek ko kung tama na ba at baka may nakalimutan ako.Nang na sigurado ko na ay kinuha ko ang towel ko.

“Kaya ko ‘to,”pagche-cheer ko sa sarili.

Lunch time na at lumabas na ako ng room namin pero bago ang lahat check muna kung may naiwan sa upuan ko,late na kami pinakawalan.

Jusko!Saan ako kakain ngayon kung puno na ang cafeteria?

Friday ngayon at Sabado na naman bukas.Raket time.Dahan-dahan akong nagtungo papunta sa cafeteria.Binilang ko ang pera ko at baka bibili ako ng tubig nalang.Nagulat ako ng may humila sa akin papunta sa CR ng babae.

“Mylne?”Gulat ang mukha ko parang nakakita ng multo.

“As always,Satrina.Gulat ka na naman.Ang ganda ko kaya na multo.”

Napangiwi ako.I didn’t know that she just staring at me.I lower down my eyes.

”By the way,pupunta ka ba sa cafeteria?”tanong niya habang nakaharap na sa salamin at nag-aayos na sa sarili.

“Oo...sana,”sabi ko habang tinitingnan siya sa kanyang ginagawa na naglagay ng liptint sa lips niya at pisngi.

“Good,sama ka sa amin.”

Tinitingnan niya pa kung may reaskyon ako,ngunit blanko naman ito at pinasok na ang ginamit sa bag niya.

”Tara?”aniya sabay hila sa akin.

Saan ba ako ipupunta ng lokong ito?

Nasa parking lot niya ako dinala.Sumakay naman ako sa sasakyan niya.Malayo-layo rin ang byahe papunta sa pupuntahan namin.Bahala siya kung saan niya ako dadalhin.

Pumasok na kami sa mall at nagtungo sa restaurant.Kumaway si Mylne.

Teka!May kasama kami ngayon?

Dahan-dahan kong natatanaw ang kinakawayan niya.Nagbeso-beso siya sa mga ito.Habang titig na titig ang isa.Ang awkward.Katabi ko ngayon si Claude.Nasa harap namin ang tatlo.As always,si Mylne nasa gitna.

“Naka-order na ako,”bungad ni Phoenix.

“Good!Para kain nalang kami,”palakpak pa na sabi ni Mylne.

“Kain na naman,”si Fill.

“Basta pagkain,okay na ako,”ngising sabi ni Mylne.

“Ewan ko sa’yo,Mylne.”

Habang binababa ni Claude ang cellphone niya.Gusto ko naman na makisilip kung ang ginagawa  niya,ngunit hindi ako pinagbigyan ng tadhana.

“Oy!Pinsan,akala ko busy ka kay Satrina?”Sinamaan ko naman ng tingin si Mylne.“Ayan na pala ang mga order natin.”Turo at binasa ni Mylne ang kanyang labi.

“Assuming ka naman,”sambit ni Fill.

Nang ihatid ito ng waiter sa katabi naming table.Natawa kami at sinamaan ng tingin ni Mylne.Mukha talagang pagkain.Ang payat-payat naman.Medyo tama lang ang katawan niya pero okay lang.

“So,bakit niyo ako sinama?”tanong ko dahil mausisa ako.

“Bakit ayaw mo?”pagsisingit ni Claude.

Kinakabahan na naman ako.

Ano ba ang meron sa lalaking ito at ganito ang nararamdaman ko?

“G-Gusto naman,”sagot ko.May kung ano sa akin na sana hindi niya napansin ang salita ko.

“Oh!Anong problema roon?”Sinusuri na ako nina Fill.

“Wala naman,Fill.Nakakahiya kasi,”ako sabay tingin sa baba.

“Wag kang mahiya,Satrina,”boses ni Fill.

“Oo nga,napamahal ka na sa amin.”Nag-angat ako ng tingin sa sinabi ni Phoenix.Ngumiti siya,gano’n din ako.

“Crush mo si Claude,’no?”

Napaawang ang labi ko.Bumuntong-hininga ako at umiling kay Phoenix.

Halata na ba ako?

Hindi naman,ah,at kahapon ko lang nalaman na mahal ko si Claude.Hindi na crush kundi mahal na.Kaya dapat hindi ako ganito ngayon.Dapat hindi ko ipapahalata pa dahil alam kong hindi ako magugustuhan nito.

Kaya keep calm,Satrina.Dapat chill lang.

“Hindi,”tipid kong sabi.

Dapat hindi halata.Jusko!Dahil buking ka nito.Itatak mo sa isip mo na hindi ka pwedeng magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.Hindi pa siya nakamove on.Kaya wag assuming!Wag,please.Ayokong magmukhang tanga.

“Wag mong ganyanin si Satrina,Phoenix.Baka hindi na ‘yan sasama minsan sa atin.”Humalakhak si Claude.

Tumingin ako sa kanya.Buti hindi ako halata.Tumingin lang naman ako nang patago sa kanya.Ang gwapo niya.Para hindi na ako mabuking pa dahil maaga pa.Tumingin nalang ako sa baba.

“Sana ‘yan na ‘yong pagkain.Gutom na ako.”

You saved me,Mylne.Kaibigan talaga kita.

May papalapit na kasi na waiter.Sana ‘yan na nga.Nang may nilapag nang pagkain sa lamesa ay sign nang sa amin na nga.Ang daming pina-order ng mga lalaki.

“Ang damin naman,”sambit ko habang nakatingin sa iniisa-isang nilapag ng waiter sa harap namin.

“Masanay ka nalang,”may bumulong at si Claude ito.

Nagulat naman ako sa inaasta niya.Ngumiti nalang ako sa kanya.

“Kainan na!”sIgaw ni Mylne.

“Love na love mo ang food kaysa sa amin,Pinsan.”Inakbayan ni Phoenix si Mylne.

“Syempre,love ko kayo.”

Hindi na magawang tingnan ni Mylne sila dahil nasa plato na ang mata niya.Hindi na ako nagulat ng  kumuha na siya ng tinidor.

“Palusot ka lang.”Natawa nalang si Fill.

“Mylne,hindi pa tapos ang pagbibigay,”pagpipigil ni Phoenix dito.

“Pake mo.”Ngumuso ito sa amin.

Spoiled talaga.

Tiningnan ko lahat ng nasa lamesa.Nakaawang nalang ang bibig ko.Ang dami,sobrang dami.Akala ko tama lang kanina,pero,jusko nalang talaga at kumain na kami pagkatapos ng dasal.

“I love you…

Hinihintay namin kung ano’ng kasunod at gulat kami lahat sa sinabi niya.Kinakabahan ako kung ano ang susunod na lalabas sa kanyang mga bibig.

Sino si Hanzel?Mahal niya pa ito,alam ko.Kaya wag ng umasa na mamahalin ka,Satrina.

…food,”dagdag niya.

Kinabahan ako roon,ah.

“Ah!Akala ko hindi ka pa nakamove on,”pang-aayon ni Phoenix.

Sinuntok ito ni Claude.Halos mapamura si Claude sa sinabi ng pinsan.Natawa nalang ako sa inaasal nila.

Sana ako nalang ang tinutukoy niya.Sana.

Kakauwi ko lang galing sa raket ko.Linggo ngayon at panay raket lang ang inaatupag ko.Lunes na naman bukas at kailangan kong maghanda.Nakaipon din ako at bumili nang makakain namin ngayon.

Friday naman ay bumalik din kami ng eskwelahan pagkatapos na kumain at habang tumatagal mas nahuhulog ako kay Claude.Hindi ko alam kung bakit?Paano?Kailan?Ako umibig sa kanya.First time ko ‘to.Ganito kalala ako nahulog ngayon.Problema lang kung kaya nitong suklian ang pagmamahal ko sa kanya,pero hindi nalang tayo aasa dahil tayo lang din ang wawasak sa puso natin.

Lumabas ako ng kwarto ko upang magluto.Six nang gabi at kailangan ko ng magluto.Nasa trabaho pa sina mama.Kaya pag-uwi nila ay diretso na kain sila at ayaw ko silang mapagod pa.Ganyan ko sila kamahal.’Di bali na ako ang masaktan o mapagod basta hindi lang sila.

Pumunta ako sa kusina namin at kinuha ang kaldero namin.Magsasaing ako.Kumuha ako ng bigas sa sako.Nagulat ako ng may tumawag.

"Hello?"sagot ko.Habang nagtatankal ng bigas namin."Napatawag ka,Mylne?”dagdag ko dahil wala akong ibang marinig sa cellphone.Tahimik lang ito.

Nilagay ko sa lababo ang cellphone ko at nilaud-ispiker para marami na akong matrabaho.

"Nagluluto ka,Satrina?"tanong niya sa kabilang linya.

"Oo,”sagot ko sa kanya at kinuha ang cellphone ko."Bakit?"

"Pwede ba ako riyan pumunta?"

"Any time,Mylne,welcome ka sa amin,"sagot ko habang nakasandal sa lababo.

"Sige!Pagbuksan mo na ako,"magiliw na sabi ng kaibigan ko.

Ano raw?Wag mong sabihin na.

"Nasa labas ako ng bahay ni’yo,Satrina.Buksan mo naman kami."

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa sala namin.Sinisigurado ko sa bintana na may tao ba at baka  nagloloko lang ‘to.

"Nasa labas nga kami."Ramdam niya siguro na hindi ako naniniwala.

Binuksan ko ito.Nagtama ang mga mata namin ng lalaking nasa harapan ko ngayon.Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung papasukin ko pa ba sila o nakanganga na lang palagi.Bumibilis ang tibok ng puso ko,sobrang bilis,hindi ko alam ang gagawin.Eh,kasi naman,e.Ang pangit ko tapos pumunta sila rito.Nakakahiya.

"Uhm,pasok kayo.”

Nilawakan pa ang bukas ng pinto.Pumasok naman sila ay umupo sa sala namin na maliit.

"Pagpasensyahan ni’yo ang bahay namin."

Pumunta na ako sa kusina.Buti nalang talaga maayos ang bahay namin ngayon.

"Ang ganda rito,Satrina.”Nilibot nila ang tingin sa bahay.

Kinakabahan ako sa Iju-judge nila sa bahay namin.

"Maliit pero okay na at malapit lang sa school natin,”pagpupuri ni Fill.

Tumayo ito at tinuro ang school namin.Tanaw na tanaw ang mga building nito at ang guard na nasa labas.

"Magluluto muna ako ng ulam,"paalam ko sa kanila at pumunta na ako sa ref banda.

"Tutulungan ka namin,Satrina,”offer ni Mylne.

Ngumiti ako sa kanila.Habang isa-isa kong sinusuri ang mga sangkap.

"Wag na,ako na.Kaya ko naman.Diyan muna kayo at mabilis lang ‘to,"sabi ko habang busy na sa pagsla-slice.

"Pwede rito nalang ako,Satrina,"makaawa ni Mylne."Please,tiningnan lang kita na magluto.Nag-order naman kami ng makakain.Nang maisipan ko na rito kami magpapalipas ng oras.Ayaw ka naming maabala,Satrina.Kaso miss ka namin,e.Alam namin nagraket ka."At tumitingin sa bawat kilos ko.

Kinuha ko ang malinis na kawali namin.Ngumiti ako sa kanya at dinalian ko nang pagluto.

"Mamaya na tayo mag-usap.Magluluto na ako para makakain na tayo.Alam ko naman na gutom ka na,"tawa kong sambit.

"Kaya love na love ka namin,Satrina.Chef ka namin.You saved me again.Huhuhu…. gutom na ako pero gusto ko makatikim ng pagkain na luto mo."Natawa nalang ako sa mga sinasabi niya.

"Ang sarap mong magluto,Satrina,"pagpupuri ni Phoenix sa akin.

Binalingan niya pa si Claude na tahimik na katabi ko.Habang naglalagay ng panibagong Pancit.

"Salamat sa pag-entertain,”si Fill.

"Salamat,Satrina,ha.”Ngumiti ako at siya rin.Kinakabahan ako.

Ano’ng ginawa mo sa akin Claude?

Yumakap si Mylne sa akin at nagpaalam na.Kumaway ako sa kanila.Hinintay na tumulak ang sasakyan nila paalis.

Sana maalis na sa puso mo si Hanzel,Claude.





Select among the ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon