Chapter 6

10 3 0
                                        

Chapter 6



Nasa sala ako ngayon naglilinis ng bahay namin dahil mabait ako ngayon.E,sa trip ko na maglinis.Paghatid sa akin ni Mylne kahapon ay raket kaagad.Walang sawang raket.Bahala na kung mapagod ako ng sobra basta’t para sa pamilya ko.Okay na ako pag may nakakain kami araw-araw.


“’Nak,nandito si Claude,”sabi ni papa.

Agad akong napahawak sa aking puso,kay bilis niya,para akong galing sa takbo.Wala naman siyang sinabi na may lakad kami ngayon.Should I go out and ask him why?Walang pagdadalawang isip ay tinugon ko na ang mga paa ko papunta sa kanya.


“Bakit ka nandito,Claude?”tanong ko dahil hindi ‘yan pupunta rito kung hindi importante.

“Hindi mo ba ako namiss,Satrina?Pinapalis mo na ako,"sabi niya at nagpuot.

Loko ‘tong lalaking ‘to.


“Sira!”

Pinalipad ko ang trapo namin sa mukha niya.Nag-peace sign ako at sumimagot  siya.


“Magbihis  ka na roon,’Nak.Nagpaalam na si Claude sa akin.Mamaya ka pa niya iuuwi basta hindi aabot nang gabi,’di ba,Claude?”kunot-noo na sabi ni papa kay Claude.


“Yes naman,Tito,"aniya at tumantango-tango pa.Nakangiti ang dalawa.

Aba,nagkakasundo ang mga ‘to.


“’Nak,maligo ka na roon,"utos ni papa.

Wala pang minuto ay tumakbo ako sa aking kwarto at nagtungo sa sarili kong banyo at naligo,nakakahiya.Pinagbibigay ako ng sarili kong ama.Para akong hindi anak no’n.Nagbihis lang ako ng pantalon at polo na crop top na white at sling bag ko na bigay ni Mylne.


“Ready?”tanong ni Claude at tumayo sa upuan.Tumango naman ako.

“Sige po Tito and Tita.Iuuwi ko po ‘to on time,"paalam ni Claude sa magulang ko.

Kunot-noo naman akong bumaling sa kanya ngunit ang loko kinindatan lang ako.

“Saan tayo?”

Sinuyod ko ang aking mata sa mansyon na puti na nasa harapan namin ngayon.May kutob na ako ngunit ayaw ko lang magkamali at pagtawanan pa ako ng aking nobyo.Sabihin na ang assuming ko naman.Halos maluwa ang mata ko sa ganda ng exterior nila.Paano pa kaya sa loob ‘di ba?Purple roof and I guess this house floor is running into half-hectares.Pagpasok mo pa lang mula sa gate ay bubungad sa iyo ang hardin nila na klase-klaseng bulaklak.


"Secret,go with the flow.”

Kinidatan niya ako.Ewan ko sa lalaking ‘to kinakabahan tuloy ako.Pumarada kami sa tapat ng main door nila.Laglag panga akong nakatingin sa bahay nila.


“Good morning,Sir,”bungad sa amin ng mga alalay nila.

Nakasuot sila ng uniform na pang-maid.Hinawakan ni Claude ang kamay ko pagkatapos niyang lumibot.Ramdam na siguro niya na matulin ang takbo ng aking puso.


“Are you ready to face my parents?”

Nahampas ko siya nang mahina sa balikat niya.So,I was right?I will face his parents now?How can I handle this?There are many things flashing in my mind.


“Sira ka ba? Hindi nga ako inform na rito pala tayo pupunta,”sabi ko at nakayuko na hindi ko alam ano’ng nakain niya at nandito kami ngayon sa bahay niya.Bumaba na ako pagkatapos.

Ang saya ko dahil ipapakilala niya ako sa kanyang ina at ama,pero may parte na baka?Baka hindi ako tanggap ng magulang niya.Baka hindi sila boto sa  akin.Mahinhin akong tumapak sa kanilang sala.Jusko!Ano ba ‘tong napasok ko?

“Son,nandito ka na pala,"galing sa  taas na tinig.Mabilis kong nakita ang babaeng may edad na,pero ang ganda pa rin niya.“So,she is your girlfriend?”tanong ng ginang at tumango naman si Claude.

Hindi ko nakuha pang pagmasdan ang interior nila.Puti naman ang bubungad sa’yo and a white couch.Diniin ni Claude ang pagkahawak sa akin.Napabaling naman kaagad ako pabalik sa ginang.I must say that Claude got the nose and skin from his mother.

What should I do?Pakiramdam ko lahat ng pawis ko ay ngayon lang lumabas.Jusko!Magmumukha akong haggard nito.


“Yes,Mom.Satrina,my mom,"pakilala ni Claude sa kanyang ina.


“Hello po,"nahihiya kong sabi habang pababa na siya sa gintong hagdan nila.

Inangat ko pa ang aking paningin at mabilis kong nakita ang mukha niya na kay pamilyar sa akin.Kunot-noo kong sinuyod siya.Saan ba kita nakita?


“Ang ganda mo Hija,bagay kayo.”Ngumiti siya sa akin at niyakap ako."Welcome to the family.Baka gusto niyong mag-agahan dito?”


“Naku,wag na po nakakahiya at tapos na po kaming kumain,”sagot ko.Nakakahiya naman talaga.


“Come and join us.Nasa dining area ang dad mo,Claude.”

Umuna na siya ng punta sa tinutukoy niya.Wala kaming nagawa kundi sumunod nalang.Natatanaw ko ang lalaking nakatalikod at pamilyar ang likod nito.Hindi ako nagkakamali.


“Dear,nandito na sila Claude,"sabi ng ina ng jowa ko at tumingin ito sa amin.


“Come and sit,Satrina.Welcome,“sabi ng papa ni Claude.

Siya talaga ang matandang version ni Claude.Ang gwapo din kahit may edad.Walang kupas ang kagwapohan nito.


“Wag kang mahiya,Hija,”ngiting sabi ni Mrs.Soriano at binigyan niya ako ng Bacon pagka-upo ko pa lang.


Marami silang handa ay este pagkain.Mukha lang naghanda o may party dahil sa dami.Hindi ko na ma-isa-isa pa.


“Alam mo ba,Hija.Kararating lang namin kanina at nalaman namin na may girlfriend na ang anak namin.So,we decided to invite you.Ayaw pa sana ni Claude,e.Kasi baka mabigla ka pero mapilit ako kaya napapayag ‘yang anak ko."

Tiningnan pa ng mama ni Claude ang anak niya at tiningnan ko si Claude.Nakayuko na siya.Ang sweet.Alam niya talaga na matatakot ako sa pamilya niya.


“Hija,mas bet kita kaysa kay Hanzel.Si Hanzel kasi ay ewan,hindi ko ma-explain—"


“Clarice,stop that,"saway ng asawa niya.


“Oh,sorry Dear.I will keep silent..na lang,"inosenteng sagot niya at napayuko na lang sa kahoy na lamesa.


“You should,"utos ng asawa niya sa kanya.

Under rin naman si Tita kay Tito.Natawa nalang ako sa kanila.


“Pagpasensyahan mo na si Mommy,ha,"bulong ni Claude sa akin.

Para akong nakikiliti sa kanyang ginagawa at ewan ko kung parang akong tanga na kinikilig sa ginagawa niya ngayon sa akin.Hinawakan niya ang kamay ko na nasa hita ko.


Matapos  kaming kumain ay nagkwentuhan lang kami ni Tita.Kung anong favorite food ni Claude na marami naman pala.Which is,isa na roon ay ‘yong naluto ko sa palawan sa rest house nila.Nakakagaan kausap si Tita.Akala ko nang una ay hindi niya ako tanggap,hindi nila ako tanggap dahil sa sitwasyon ko.How I wish to time travel.Para naman nasagip ko si papa no’n.Sana hindi siya naghihirap ngayon.Ako tanggap ko naman.Bata pa lang ako no’n pero sina ni mama na sanay sa gano’n ay mag-a-adjust talaga sila.


“Thank you po,Tita and Tito sa pag-welcome,"sabi ko at yumuko biglang respeto,bow.


“Walang anuman ‘yon,Hija.Balik ka ha,"sabi ng mama ni Claude.Tumango naman ako bilang sagot.

“Lets go,”aya ni Claude.

“Hacienda ‘to?”Natatawa ako sa sinasabi ni Claude kanina.Sa Hacienda raw nila.Hacienda raw na maliit.Weird.

Naglapag siya ng tela para roon kami umupo at nagpahanda siya ng mga pagkain.Syempre,kilala ni’yo na ang mga magpipinsan na ‘to.Ang hilig sa mga pagkain.Bago pala akong kain para dahil maraming pinakain ang mama ni Claude sa akin.So,bilang respeto ay kinain ko na ito.Nakakahiya naman,’di ba?Baka ‘di pa ako tanggapin nito.

“Sige na Satrina,kain na,oh."Lahad ni Claude ng Piattos sa akin.

‘Yan na naman ang takaw po nila.Hindi ko alam ano’ng meron sa kanila.

“Claude,maraming pinakain si mama mo.Nakakahiya kung hindi ko inubos ‘no,"sabi ko at tumingin na sa langit.

Ang ganda nito.Namalayan ko na may nakatingin na isang pares ng mata sa  akin.Hindi ako nag-aksayang  tumingin dito.

“Sino ba kasing nagsabi sa’yo na ubusin mo ‘yon lahat?"asik na sabi niya.Bumaling na ako sa kanya at nakapuot na siya.

“Ako lang,baka hindi pa ako tanggapin ng mga magulang mo….kung tumangi  ako,"ako habang nakatingin sa mga mata niya.Umiwas siya ng tingin sa akin.Weird.

“Sige na,kain na kasi,”pilit  niya pa.Ang kulit talaga ng lalaking ‘to.

“Claude,pagsinabi kong ayaw ko,ayaw ko na,”sabi ko sa kanya at nakapuot siyang tumalikod sa akin.

Parang babaeng,nagtatampo.Well,sino bang babae sa amin at sinong lalaki?Nakakalito.

“Sorry na,Claude,”sabi ko at lumapit sa kanya at niyakap siya patalikod.”Sorry na,oh,"dagdag ko sabay sandig ng ulo ko sa balikat niya.

Sinulit ko naman ang moment na ito.Minsan lang kaming maging ganito.Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako mamahalin ng lalaking ‘to pero habang nandiyan pa sige lang kaya kong sumugal basta para sa kanya.Gano’n ko siya kamahal.

Humarap na si Claude sa akin.Nagulat ako sa ginawa niya.Isang dangkal nalang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa.Kinabahan ako.Baka hahalikan ako.Kaya pumikit ako.Mayamaya may narinig na lang akong tawa.Kaya minulat ko ang mga mata ko.

“Tsk!Asa ka pa,Satrina."

Nagpuot ako sa sinabi ni Claude at tumingin na lang sa nasa basket baka may magustuhan akong pagkain dito.Kumuha ako ng Chippy na color red.Trip ko ‘to ngayon at juice na pinadala niya.Hindi ko na pinansin  pa si Claude.

“Ang epic no’n,Satrina.Kung nakita mo lang mukha mo pati ikaw matatawa,“aniya sabay hawak niya sa tiyan niya.

Loko ‘tong lalaking ‘to pero imbes na makinig pa sa kanya,kumain nalang ako ng Chippy,mas masarap pa ‘to sa kanya.Ay,shit,bad.Pinaasa ako ng tao.Walang hiya.Lagot ‘to sa akin.Hindi ko nalang ito I-kwe-kwento kay Mylne baka pagtawanan pa ako,katulad ng kanyang pinsan.Parang mga sira.Wala na akong narinig na tawa dahil naramdaman siguro niya na hindi na ako natutuwa.

“Mahal ko lang ng totoo ang hahalikan ko,"bumulong ni Claude pero hindi ko ito narinig dahil nagpatugtog na ako.

Nagulat nalang ako na may kusang pumaharap sa akin at inistorbo ako sa ginagawa ko.Nagulat ako ng maglapat ang labi ko sa labi niya.What the?First kiss ko.

Ang first kiss ko…..pero wag O.A,Satrina.Boyfriend mo ‘yan.

Smack lang ang ginawa namin at lumayo nang mukha namin sa isa’t isa.Ngumiti siya sa akin. Shit,natutunaw ako.Jusko!

Nandito kami ni Claude sa library.Humahanap ako ng meaning sa assignment na ito.Syempre may wifi naman or data na pwedeng Ipa-load pero mas gusto ko ito kay dinala ko si Claude para tulungan ako.Ay mali,siya pala ang kusang sumama sa akin para ko ‘tong bodyguard.Relationship like this.Joke.

“Ito oh,alam ko nariyan ang hinahanap mo,”aniya sabay abot ng libro sa akin.

Kinuha ko naman ito at umupo na siya.Kanina pa ako may binubuklat  na libro sa harapan ko.Kasi naman.Ang hirap pala ng ganito noong unang panahon.Gusto ko lang ng knowledge rin sa akin.Additional at meron ding siyang hawak na libro.Ewan ko ano ito.

“Ano ba ‘yan.Kulang pa.”Nasabunutan ko ang aking buhok.
Kasi naman kailangan daw ng one thousand  words na I-present namin sa harapan at dapat kabisado mo Ito.Nagulat ako ng may libro na nasa harapan ko.Sinilip ko kung sino ito at si Claude lang pala.

“Dagdag,kaalaman,“seryosong sabi niya.Habang nakatingin sa akin.Kinuha ko naman ito at binasa.

“Hala,ito na.Tama na ito.Thank you,”magiliw kong sabi.

“Walang anuman.Basta,ikaw,”bulong niya sabay kindat.

Ang puso ko!

“Gutom na talaga ako,Satrina.Hindi ko na kaya.”

Pst,ang takaw talaga.May natanaw ako sa daanan na maraming pagkain.Mukhang challenge ‘to ha.

“Dito,"ako sabay turo sa streets na maraming pagkain na nakahelera.

“Streetfood?!”gulat na sabi niya.Tumango ako.

“Bakit masama bang kumain ng streetfood?Masarap naman ‘yan,"sabi ko at bubuksan ko na sana ang pinto ng sumigaw na na naman si Claude.

“Satrina!Baliw ka ba?Hintayin mo na I-park ko bago ka bumaba."

Oo,nga pala wala kami sa tamang park kung doon lang kami.Kaya humanap naman ng magandang area si Claude.Kung saan okay na okay ng bumaba.Galing ko ‘no.Pumayag din ang loko.

Nakapark na kami.Yey!

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan.Ang saya ko,ang sarap kaya niyan.Naramdaman ko na wala palang Claude na nakasunod sa akin at bumalik ako roon.Kumatok ako.Binuksan niya naman ang bintana.

“Sige na,try mo,”pa-cute kong sabi.

“Oo na,ikaw na.I will try it for you,"aniya at bumaba nang sasakyan.

Nakaramadam ako ng excitement sa katawan ko.Sa wakas naman ‘no.Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nagtungo sa mga vendors.

“Mura lang dito,Claude,plus busog ka na ‘yan ang gusto namin."

Akalain niyo hindi pala ‘to kumakain,sabagay mga mulat sa mamahaling pagkain.Natatawa ako habang binabalingan ko siya.Imagine,gagawin niya ang lahat para sa akin.

“What?”inis niyang sabi ng hindi ko maalis ang mata ko sa kanya.Umiling ako.

“Wala,ang cute mong kumain,”bulas ko.

“Ate,dalawa po.”Pagtuturo ko sa isaw at binigay naman sa akin ito.Five pesos lang taga isa.So,ten pesos lang gastos ko.“Ayan oh,tikman  mo.”Patikim ko kay Claude.

Kinuha niya naman ito at alam ko nasarapan siya.Ang galing ko ‘no.

“Ang sarap pala,”bulas niya at nakangiti sa akin.”Manang,dagdagan mo pa ng lima."Tumango naman ang babae at binigay  naman ito sa kanya.

“Oh,wag munang pa busog.Marami pa,oh."Tumawa naman siya.

Aliw na aliw talaga akong nanonood sa kanya.He likes what I suggested.

“Don’t worry.Kaya ng tiyan ko ‘yan,”pagmamalaki niya at kumagat na sa isang stick.Ubos niya na!

“Both,pig and chicken intestines,and with suka at katapat niyan.”Sumunod naman siya.

Dinala ko na naman siya sa kwek-kwek stool.Bumili naman siya at umupo kami sa lamesa na para sa customer.

“Kwek-kwek are quail eggs coated in an orange colored batter and deep fried.Suka at asin ang dapat mong ilagay hindi ketchup.”

Binitawan niya naman ang ketchup.“Sorry,”aniya sabay kaming napatawa sa ginagawa namin.

“Ang cute mong kumain,”puri ko sa kanya.

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa gwapo niyang itsura.Hindi naman ako magduda kung marami akong kaagaw.Sa gwapo ba naman nito.Ang hirap pag may gwapo kang jowa.Kailangan mong itago para hindi makita nang iba.Ang magagawa ko na lang ay pabayaan siya at bantayan.Rinig na rinig ko ang puri ng iba habang dumadaan sila sa aming harapan.Palagi nilang tinatanaw si Claude.

“Ang gwapo.”Napairap naman ako sa nagsabi no’n.

Sumiksik ako kay Claude.Selosa na kung selosa.Ayaw ko lang na maagaw ang akin,’no.

“Ano ‘yan?”curious siya sa paa ng manok.

“Adidas tawag diyan,chicken feet.”

Akala ko hindi niya kakainin pero kinuha niya.Kumakain ako ngayon ng mango shrimp paste.Favorite ko ‘to pang naumay ako sa mga pagkain.Ang nakain pa at Fishball,Palabok,Sotanghon,Buko,Ice Cream, Taho,Halo-Halo,Balut,Kutsinta,Banana Que at Turon.

Masaya kami habang kumakain dala kwentuhan.Ang sarap niyang kausap.Nang matapos na kami sa pagkain ng kahit anong klase.Hindi maiwasan ng mga tindera na tingnan siya kaya naman nag-aya na ako na umalis doon.Habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan niya ay hindi ko maiwasan na ibuka na ang bibig ko.Halos kinikilig ako sa paghawak niya sa kamay ko.Namumula na ako.

“Namumula ka.”Halakhak niya.

Tinutukso pa ako ng isang ‘to.Bakit kailangan pang sabihin?Hinampas ko naman siya.

“Ano naman ngayon kung namumula ako?Ang swerte ko kase sa’yo,”nahihiya kong sabi,pero nagsikap ako na hindi mawala sa mga mata ko ang mukha niya.

Kinurot niya ang pisngi ko.Hinalikan niya ako sa noo.Ramdam ko ang init ng katawan niya ng yakapin niya ako.Para akong naiiyak.Totoo ba ‘to?Kung panaginip lang ‘to ayaw ko ng magising.Pangarap ko lang ito noon.Akala ko pa noon hindi ko na siya maabot.

“Ang swerte ko naman sa’yo.Napakabait mo,”bulong niya.

Bawat salita niya ay nakakaliti sa aking sistema.Ang gwapo niya talaga ng matamaan siya ng ilaw mula sa poste.Nahapunan na kami.Napasarap sa pagkain.Masaya ako na dinala ko siya rito.

“Ikaw talaga,Claude,”pabebeng sabi ko.

Napapatawa naman siya.Hinila niya na ako sa sasakyan niya at sumakay.

“Thank you,Satrina,"aniya sabay pisil ng pisngi ko.Akalain ni’yo na pakain ko at nasarapan pa.

“Walang anuman,Claude,"sabi ko at hinalikan niya ako sa noo.

“Tara na?”aya niya.Ngumuti at tumango ako.

“Good morning,world!”Nakangisi pa ako.

Alam kong maiingayan si mama sa akin ngayon.Ang ganda ng gising ko dahil nakadate ko si Claude kahit pagod ang katawan ko kagabi,dahil panay raket ako ay worth it naman lahat pag si Claude na.Mahal na mahal ko ‘yon.Siya kaya?

Dahil maaga pa ay may panahon pa ako ako para mag-daydream.Ang saya ko na naging akin si Claude.Ang dami niya ng nagawa na mabuti sa akin.Mabuti bilang boyfriend.Hatid at sundo.Papogi points kina mama.Natawa nalang ako.Kaya naman ay bumango na ako baka ma-late pa ako.

Jusko!Ayaw ko ng punishment.Pakanta-kanta ako habang nagpreprepare.

“Aba!Ang ganda ng gising ng anak namin,ah."Ngiti ni papa.

“Syempre naman,Pa,."ako habang nagluluto ng scrabble egg.

“Mag-ingat ka,’Nak.Baka ikaw din ang masasaktan sa huli,"paalala ni mama.Galing siya sa kwarto naglilinis yata.

“Yes Ma,"ako at nagtawanan kami.

Sabay kaming kumain ngayon dahil baka ten o’clock pa sila darating dahil overtime raw sila.Kaya naman raket din ako mamaya.Para sa pamilya ko.Para sa pamilya ko lahat ng gagawin ko.Hindi para sa sarili ko.

Pumasok na ako sa school at baka ma-late pa ako.Hindi ako na sundo ni Claude ngayon.Siguro busy kaya  pagpasensyahan na lang.Lumipas ang oras at dismissal na.Mamaya pa sina Mylne dahil late ang dismissal nila at hindi naman masyadong maraming tao pa mamaya kasi sikat sila…kaya lang nila ‘yan makisingit pero hindi ginagawa ni Mylne.Ganyan siya kabait.

Kaya naman pumila naaako at nag-order ng one Rice,Coke,may tubig naman ako sa bag,may ulam na Egg at okay na ito sa akin.Busog na ako nito.Humanap na ako ng lamesa.Nakita ko si Vanessa at ngumiti naman siya sa akin kaya binalik  ko naman ang ngiti na pinag-aksayahan niya oras.Ang ganda niya.Bumait na si Vanessa sa akin.

“Dito ka na Satrina,may bakante pa."

“Sige thank you,Vanessa ha,pero alone time muna gusto ko.”

Ngumiti sa kanya.“Gano’n ba?Sige,enjoy eating."Kumaway pa siya.

“Ikaw rin,”sabi ko at umupo na ako sa malayong lamesa na ‘di ako makikita pa.

Nagsimula na akong kumain.Before that,pray muna pasalamat sa Diyos.Nagulat ako ng may tumabi sa akin.Ay,nasa harapan pala.

“Hanzel?!”gulat na sabi ko.Kinakabahan ako sa biglang pagsulpot niya.

“Ahm,hi."At nag-order din siya ng pagkain niya may tray na siya ngayon,e,pero mas mahal lang sa kanya.“Baka gusto mo?"aniya sabay lahad ni Hanzel ng pagkain na Beef Steak sa akin.Naalala ko tuloy si Claude na matakaw.”Ow,you know…this is one of the favorite food of Claude.Here.”

Humilaw ang ngiti ko sa kanya.“Wag na nakakahiya."

“No,i insist.“Tinanggap ko na ito at baka magbago pa ang isip niya.

“Ano’ng kailangan mo,Hanzel.”

“May sasabihin sana ako pero pwede sa field na lang,pagkatapos natin na kumain.”Pilit siyang ngumiti.Habang nakatingin sa mga mata ko.

“Ah,sige.One hour pa ang break ko pagkatapos ng lunch,"ako at nagpatuloy ng kumain.

“Ako rin,one hour pa kaya may time pa,"aniya.

Natapos na kaming kumain at dinala niya ako sa field.Umupo siya sa may upuan.Naalala ko yung time na inaway ako ni Vanessa rito pero nagbago na ‘yon.Nakita ko ang improvement niya.Parang sira.Umiling-iling nal ang ako sa aking naalala.But that time was the time I know the truth.That time was my devastating moment.

Akala ko dahil boto sina Mylne sa akin ay okay na.Wala ng kaso ang ex niya sa akin,but the truth that this will be the cause for our separation is very devastating.I’m destitute.

Nasa labas ako ng campus.Pagala-gala.Hindi ko na alam kung ano’ng nangyari sa akin.Umuwi na ako.Ang lahat ay nagbago na.Wala ng Claude.Wala ng lalaking minahal ko dahil niloko ako.Pinaniwala ako na mahal niya ako.Sana,sinabi niya na lang ang totoo.Sana..hindi na ako umaasa na may siya at ako sa huli kasi kung sinabi niya hahayaan ko naman siya na lumayo na sa akin.

Ayaw ko na mapilitan siya na makasama ako.Buti nga at sinabi ni Hanzel sa akin.Para magising naman ako sa katotohanan na hindi talaga kami bagay.Tama nga ang lahat ng naririnig ko tungkol sa akin.Mahirap ako ngayon tapos mayaman sila.Ano’ng laban ko?

Naninikip ang dibdib ko at basang-basa pa ako sa ulan.Hindi na ako naka-attend ng mga klase ko.Sabi naman ng iba suspended daw.Kaya may panahon akong mag-emote.Naramdaman ko na naman ang mga luha ko.

Shit!Tama na,Satrina.

Ako lang pala ang nakakasakit sa aking damdamin.Ang tanga ko.Hindi ko naramdaman na nasa tapat na ako ng bahay.Pumasok ako.Nararamdam ko ang simoy ng hangin na dumadapo sa aking katawan.Wala na si Claude.Wala ng hatid at sundo at kailangan ko na itong isanay.Hindi ko na mababalik ang mga sandali na nakikita at nakakasama ko siyang ngumingiti.Lahat pala ‘yon,awa.Sinabunutan ko ang sarili ko.Ang tanga ko.Ang tanga-tanga ko.Nagpaloko ako.

Napaupo ako sa kwarto ko at niyakap ang sarili.Sana sinabi niya na lang noon.Na hindi niya kayang suklian ang pag mamahal ko.Bumalik lahat ng ala-ala namin ni Claude at heto ako ngayon.Mas lalong lumalakas ang hikbi ko.Hindi ko magawang tawagan si Mylne at baka alam niya rin ang nangyari sa akin. Baka kasabwat siya.Si Phoenix ang sinabihan ni Claude.Ang sakit.Ang sakit-sakit,nagtiwala ako.

Sa gabing iyon.Wala akong raket.Hindi ako makatulog nang mahimbing.Nasasaktan ako.Naawa lang ang naramdaman ng tao sa akin.Sana,hindi na lang ako umamin,nagsisi ako.Sana hindi ko na lang siya nakilala.Sana masaya pa ang buhay ko pero wala.Mapaglaro ang tadhana.Tinamaan ako pero hindi siya. Tinamaan siya sa ex niya pa at hanggang ngayon hindi pa siya nakaka-move on.Ang bilis ko maniwala.Pinakilala pa niya ako sa magulang niya pero ito lang pala ang lahat….mahahatong sa ganito.

Kinaumagahan maaga akong bumangon.Hindi ko na magawang ipilit na ipikit ang mga mata ko.Handa na akong pumunta sa school.Wala ng Claude.Wala na.Hanggang ngayon umaasa pa rin ako.Kaya nagpaalam ako at dahan-dahan na tinahak ang paaralan namin.Konting tiis nalang makakatrabaho na ako nang maayos.At kailangan kong alalahanin ang magulang ko.Wala pa masyadong tao.Kaya pumunta na ako sa room ko.

Lumipas ang mga oras at uwian na.Kailangan ko ng umuwi pero hindi ko pa kayang harapin ang katotohanan.Habang tinatahak ko ang daan patungo sa field ay may naramdaman akong kamay.Pinaharap ako nito.

“Satrina,lets talk."Ang gwapo niya pero wala na ang bilis ng puso ko.

Parang napalitan ito ng kung ano-ano na wala ng pag ibig pa na nararamdaman.Hindi ko alam kung bakit.Walang emosyon ang binaling ko sa kanya.Habang nakikita ko siya naalaala ko ang lahat ng paniniwala niyang mga salit na naka pagpabihag sa akin.Yayakapin niya sana ako ng lumipad ang aking palad sa pisngi niya at ngayon ay pulang-pula na.

“Shit!”mura ni Phoenix.Binalingan ko siya.
Lalapitan niya sana si Claude dahil muntik na ‘tong matumba sa malakas  kong sampal.

“Para ‘yan sa paniniwala mo sa akin na mahal mo ako!"sigaw ko.Malamig ang tingin ko sa kanya. Napahawak siya sa kanyang pisngi.Humakbang pa siya.

“Stop!Ayaw kong lumapit ang mga manloloko sa akin."Pagtataas ko ng kamay at yumuko ako.

Marihin kong pinikit ang mga mata ko.Ilang sandali at okay na akong magsalita ay dinilat  ko na ang mata ko.

“Please,Satrina.Let me explain,"aniya habang ang mukha niya ay nag mamakaawa.

Well,sorry Claude.

“Sorry Claude,pero wala  na yang epekto sa akin,ang pag mamakaawa mo.Minsan mo na akong naloko,magpapaloko pa ba ako,ulit?“taas kilay kong sabi.”Rinig na rinig ko ang salita na naawa ka lang sa akin,Claude.Naawa ka lang!Sana naman sinabi mo noon.Nag-confess lang naman ako pero hindi ibig sabihin no’n na gusto kong mahalin mo rin ako pabalik.Siguro masaya na mahalin pabalik,pero kung totoo na pagmamahal.Kasi kung awa lang din ‘to.Hindi na ‘yan pagmamahal,Claude.Kung naawa ka sa akin dahil para akong mukhang tanga…na umaasa sa’yo.Sana hindi mo na lang pinatulan,”ako sabay trapo ng aking luha na lumalabas na.

“Claude,mahal na mahal kita pero wag mo namang ipagmukha akong tanga.Mas gusto ko pang magising sa katotohanan na walang ikaw at ako sa dulo.Sana sinabi mo noon pa dahil kaya ko namang masaktan dahil natural lang ‘yan sa mga nagmamahal.Ang sakit Claude.Ang sakit-sakit,”ako sabay turo sa puso ko."Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko.Nagsisi ako sa mga ginawa ko.Nagpadala ako sa patibong mo,"dagdag ko at tumingin na sa labas.Hindi ko na kaya pang makita siya mas lalo akong nasasaktan.

“Alam ko na ang totoo,Claude,”sabi ko at ang mukha niya ay gulat na gulat.”Noong una hindi ko gustong maniwala….pero ng marinig ko talaga ang boses mo at ni Phoenix."Sabay turo ko rito.”Doon pa ako naniwala.Ang galing mo,Claude.Nadala mo ako.”Pinipigilan ko ang mga luha ko na lumabas  pa.

Please,Claude,sabihin mong hindi ‘yon totoo.

“I-I’m so sorry,Satrina,"paghihingi niya ng tawad na siyang gumuho ang mundo ko.“Hindi ko sinasadya.Alam ko na kasi ang pakiramdaman na maging ganyan."

“Gago ka pala,eh!Alam mo naman pala ang nararamdaman ko at bakit ngayon pa na mas na pamahal na ako sa iyo?!Ngayon ko pa nalaman na niloloko mo lang ako.Wala ka ng problema ngayon dahil papakawalan na kita.Sana maging masaya ka.“Ngiti ko at alam kong pilit lang ito.

Humakbang na ako palayo sa kanila.Narinig nila lahat ‘yon pati si Mylne naroon at masisiguro kong wala siyang kinalaman dito dahil sa reaksyon niya.Akala ko may susunod sa akin pero ng makalabas ako ng campus ay wala talaga.

Meaning,I'm free.Malaya na ako ngayon.Malaya na akong masaktan at lalayo na ako sa kanila.














Select among the ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon