If this story contains grammatical errors please bare with me.
Chapter 1
Sabi nila na may mga taong dumarating sa atin sa hindi inaasahan na pagkakataon.At sabi pa nila darating daw ito sa atin upang turuan natin sila ng leksyon o sila ang magiging leksyon natin.But for me,I don’t know.Hindi ko pa nararanasan na magmahal ng lalaki.
Agad kong pinindot ang aking despertador na kanina pa ingay nang ingay sa buong kwarto ko.Lunes na at kailangan ko nang magmadali dahil alas syete na.Humikab pa ako.Inaantok pa ako ngunit kailangan ko nang kumilos kaya umahon na ako.
Jusko!Late na naman ako,unang araw pa naman ng klase.
"Satrina,mala-late ka na!First day of school mo pa naman!”si Mama Kaylie.‘Yan siya,palaging nagagalit sa akin dahil ang bagal kong kumilos.
Kasalanan ko ba ‘yan,Ma?
"Opo,kumikilos na po,"agap ko.
Dahan-dahan akong nag-aayos sa aking mga kagamitan para sa eskuwelahan,dahil naghanap buhay pa ako kagabi sa pagtinda,kaya hindi ako naka pag-prepare.Nilagay ko sa isang maliit na backpack ang ballpen ko na itim,notebook na isa,dahil ‘yon lang ang kinaya ko kagabi na bilhin pagkatapos kong magtinda.
Kung tatanungin ni’yo ako,bakit wala akong papel?Manghihingi nalang ako.Buraot naman ako,e.
"’Nak,dalian mo naman na maligo.Anong oras na?!"
Dinalian ko nang maligo at nagbihis na sa aking bagong uniform:white blouse and blue skirt above my knees.Bumabagay sa aking kurba na katawan.Kumain na ako ng luto na gulay ng aking mama at kinuha ang kanyang pinabaon na isda.
"Salamat,Ma.Una na ako.Kita kits,mamaya!"paalam ko sabay halik sa mapupulang pisngi ng aking ina.
Dahan-dahan kong tinahak ang aming paaralan na nasa harap lang namin.Gusto ni Mama Kaylie,incase ma-late ako sa eskuwelahan ay okay lang,dahil malapit lang kami.
Green light,simbolong pwede nang tumawid.Unti-unting natatanaw ng aking mga mata ang malalaking pangalan ng aming paaralan.Pagpasok ko sa malaking tarangkahan na awtomatik,ngunit may bantay pa rin.Laglag panga kong nilibot ang aking paningin sa paligid.Ramdaman ko na hindi talaga ako nababagay rito,in the first place.
"Ang swerte ko dahil naging scholar ako rito."
Napapikit pa ako.Dinadama ko na nakatungtong ako rito.
Jusko!
Linibot ko pa ang aking mata.Parking lot na nasa kanan,buildings na nakapalibot,school fields na nasa gitna.Sa kalangitan ng aking pagkamangha.May natapon na mga libro sa akin.Pinulot ko naman ito isa-isa.
“Ito po,Sir,”ani ko ngunit iba ang kumuha nito.”Ahm,hindi po kayo ang may-ari nito.’Yon po,oh.’Yong umalis na.”
Hinabol ko pa ito.
Wala akong tiwala sa mga ito.Baka magnanakaw pa.
“Hoy!”pagtatawag ko sa nakatalikod na lalaki.Wearing our uniform.
Hindi ko siya maabutan sa dami ng taong kumakapal patungo sa kanya.Napatigil naman ako.Nagkasalubong ang aking kilay.
“Sino ba siya?”tanong ko.
Panay hiyawan ang aking naririnig.Nagulat ako ng sumulpot ang dalawa kanina.
“Teka?Sinusundan ni’yo ako?“
Tumango naman sila.“Ma’am,kase po ‘yang hawak ni’yo ay sa aming boss ‘yan.Hindi po kami magnanakaw.”
Binalingan ko naman ito.Sabay abot sa kanila.
“Ah!Ganoon ba?”Tumango sila.
Well,sana nagsasabi sila ng totoo.
Halos na tawa nalang ako sa mga sigawan ng mga kababaihan.
Seriously people?Ganyan na kayo?
Imbes na maki-usyoso kung sino ito ay lumiko na ako at nagsimulang hanapin ang silid ko.
Mala-late pa ako nito.Ang traffic,ha,kahit hallway.Akala ko sa EDSA lang.
Agad akong pumasok,akala ko late na ako ngunit hindi pa pala.Umupo ako sa likod na bakante at agad na sinuri ang paligid.Maganda ang paligid pero iba pa rin sa nakasanayan mo na lugar.May projector,TV at limanpu lahat ang mga upuan.Kulay puti ang dingding nito,napapalibutan ng mga palamuti na simple ngunit nakakamanghang tingnan.Nasa likod ang teachers table malapit sa banda ko.May lamesa rin sa harapan kung saan uupo ang mga guro namin mamaya.
Nagsitigilan ang lahat ng mga tao sa narinig.Agad dumating ang aming math teacher.Sinuyod ko ng tingin siya.Alam kong parang lola ko na siya,ngunit kahit gano’n pa man ay hindi mawawala ang hubog ng katawan niya.Kung pagmamasdan mo ay para siyang nanalo sa Miss Universe sa kapanahunan niya.Kasing kulay ng abo na nasa ilalim nito kapag nasobraan sa pagluto ang kutis niya.Bumagay sa kanya ang sinuot niya na kulay asul na polo at pantalon.
"Good morning,class.My name is Ally Gil at ako ang magiging guro ni’yo sa taon na ito.Natutuwa akong makita kayo ngayon.So,wala naman tayong masyadong gagawin ngayon,dahil first day of school.Get one-fourth sheet of paper and recall all the topics that you’ve learned last sem."
Panay angal pa ng iba.Well,imbes na makisali.Kahit labag sa aking kalooban ay kumilos na ako.
Nasitawanan ang lahat.May natanaw akong isang lalaking papunta sa aming silid,late na yata.Nakatapak sa mismong pintuan ay nagulat ako sa ginawa niyang pagpasok na walang ’good morning’ man lang or ’I'm sorry’ dahil late siya.
Hindi ba siya inform na tao kami at kailangan i-galang?
Napasinghap nalang ako.
Nagagawa nga ng mga mayaman.
Umupo na siya sa aking tabi.Hindi na ako nag-aksaya ng panahon na silipin siya.Binaling ko ang aking atensyon sa aming guro.
Parang wala lang ito sa kanila.Sino ba ‘to?Bakit wala man silang reaksyon sa inaasal ng lalaking ‘to?
Aangal na sana ako ngunit nakakahiya naman.First day ko pa rito,but my reputation will be mess if I act stupid things.
Lumipas ang oras at puro pakilala lang ang aming ginagawa.Pagkatapos kong tinawag ay wala na akong pake sa mundo.At least,my favorite class is approaching:recess time.Sino bang hindi ‘yon paborito paggutom ka?
Dahan-dahan akong lumabas sa aming silid-aralan at tinahak ang daan papunta sa cafeteria.Nagulat nalang ako ng may babaeng sumulpot sa aking harapan.May kamukha siya pero hindi ko matandaan kung sino at saan ko siya nakita.Halos mapatalon ako at mapamura sa kanyang ginawa.Pinulot niya naman ang mga papel na hawak ko kanina.
“Ay!Sorry.Nagulat ba kita?”tanong niya.
Well,hindi naman.Tsk.Hindi ba halata?
Gusto ko sanang sabihin ngunit baka sabihan tayo ng attitude.
Kalma lang,Satrina.
"Hi,I'm Mylne and I know,you’re new here."
Tumango nalang ako sa kanyang sinabi.
First of all,I’m not feeling close to anyone.Narito ako upang maahon ang aking pamilya sa hirap at ‘yon ang gagawin ko sa pamamagitan ng pag-aaral.
Nilahad niya ang mga nahulog ko na gamit.Tinggap ko naman ito.She is wearing our uniform:white blouse,blue skirt above her knees,shoes with 2 inches heels and a long white socks.
"Parehas lang tayo na bago lang dito,kasi galing ako sa America roon kasi nakatira ang parents ko.May mga pinsan ako kaso busy sa buhay nila.”
Kaya pala naghahanap ng kaibigan dahil busy ang mga kakilala niya.So,option lang ako.Napasinghap ako.Ganyan naman lahat ng tao sa akin palaging second choice lang ang tulad ko.
"Kwento ka naman ng buhay mo."
Nandito na kami sa aming cafeteria na sobrang laki at maraming pagpipilian.May seksyon ng mga afford nang mayaman,at meron din katulad ko na scholar lang dahil tinitipid ang pera.Nilibre ako ni Mylne kahit ayaw ko naman.Pinagtitiningnan kami.Nababalot tuloy ako ng hiya.
I realized that she is a kind person.Nahihiya ako sa kanya dahil mahirap ako at mayaman siya.Langit siya;lupa ako.Saludo ako sa pagiging bukas niya kahit ngayon niya lang ako nakilala,and she was so friendly.Good thing she found someone who will not take advantage of her money.Unlike,someone out there---gold digger.
"Kain ka na,pupunta pa tayo sa field.Total,classmate tayo sa halos lahat ng subject."Ngiti niya pa.
“Ahm,ganito ka ba talaga?No offend,pero hindi ako katulad ng iba na mukhang pera.Ang inaalala ko lang kung iba ang ginaganito mo ay baka pineperahan ka lang.”
I opened up my opinion.Wala namang masama.Tumitig lang siya sa akin.Tila bang sinusiri kung ano ang pinakawalan kong mga salita.
“But,thank you.Ang sobra mo lang kasing bait.Nakakahiya,”puna ko.
Napabaling naman ako sa hugis-parihaba na lamesa.
"Walang anuman.Ganyan talaga ako."
Look up.Ang ganda niya lalo pagpinapakita niya ang kanyang mga ngipin.Sana all!
She is a bit tall but I am taller.White skin,stocky height,thick brows,thin lips,slender body and short wavy black hair.While mine,long black wavy hair,thin lips,cute eyes,flimsy brows,thin body,long nose and morena skin.
Hinayaan ko nalang lahat ng mga naririnig ko.
Hindi ko hawak kung anong sasabihin nila sa akin.Kung akala nila feeling close ako.Okay,feeling close.Hindi nila alam kung sino talaga ako.
Duh!People.
"CR mo na ako,"sabi ko.
Tinuro niya ang daan at sinunod ko naman.Nakalabas na ako sa CR nang may nakita akong lalaki na nakaupo sa damuhan na may umaagos na luha galing sa kanyang mga mata.Kaya may kinuha ako sa aking bulsa at binigay ito sa kanya.
"Heto.Mister,panyo?”Offer ko sa kanya.
Akala ko ay tatanggapin niya.Nagulat ako ng nakipagpantay na siya sa akin.Napatitig naman ako sa mukha niya.Long nose,slender body,thick eye brows and lips,white skin,and mind you,he is tallest than me.
"Hindi ko kailangan niyan!"paninigaw niya sa akin.
Napacrossed arms naman ako.“Hindi kailangan?Talaga lang,ha.”Sinamaan niya lang ako ng tingin."Alam mo kasi move on na paghindi na pwede.”
"Hindi mo kasi alam,kung paano masaktan ng ganito!"sigaw niya habang nagmamartsa palayo sa aking kinaroroonan.
Sinundan ko ng tingin ang kanyang tinatahak.Alam kong wala ako sa posisyon upang magreklamo.I sighed.Aalis na sana ako ng may kulang blue na panyo na na iwan ng lalaki.
Tingnan mo naman nag-effort ako,tapos may panyo pala.Hindi pa nagagamit ang panyo na ito.Mukhang importante sa lalaking ‘yon,ah.
Hahabulin ko sana siya ngunit mahuhuli na ako.Tiningnan ko kung saan siya banda kanina at nakita ko ang mga rosas na kulay pula na dahan-dahan nang napapalitan ng kulay kayumanggi.
Sayang naman nito.Ang mahal-mahal siguro nito.Feeling ko binasted ‘tong lalaking ‘to.Feeling lang naman.
Bumalik ako sa caferteria upang sunduin si Mlyne dahil malapit na mag-bell.
"Ang tagal mo naman,Satrina.Kinakabahan na ako at baka na paano ka na,"paliwanag niya at nasa mukha niya ang pag-aalala.
Kinuha ko sa kanyang lamesa ang mga iniwan ko na gamit.Nagulat ako ng pigilan niya akong umalis.Binalingan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
"’Yong pinsan ko,nag-text.Susunduin niya raw tayo.Kaya maghintay muna tayo."
Hindi ko alam kung sino ang pinsan niya.Gusto ko magtanong ngunit hindi ko kaya.Nakakahiya.Tumango ako at umupo pabalik.Hiyawan ang naririnig ko sa makabilang panig.Taas kilay kong nilingon ang mga naroroon.
Ang ingay!
"Ayan naman pala siya,oh.Ang aga mo na dumating,Pinsan.Akala ko matatagalan ka pa."Beso nito sa kanya.
Nagulat ako dahil mukhang pamilyar siya pero siya nga,’yong lalaki kanina.Halos mapatalon ako sa gulat.Gusto kong magtago ngunit huli na nagtagpo na ang aming mga mata.
"Satrina,meet my Cousin Claude,”masayang pakilala ni Mylne sa aming dalawa.
Bakit siya pa?
Halos hindi pumasok sa aking isip ang kaharap ko ngayon.Ito na,’yong kanina na nakita ko ay pinsan pala nang kakilala ko.Ang liit ng mundo!
"Ahm,Satrina,alam kong gwapo ang pinsan ko at maraming naghuhumaling dito."
Halos masamid ako sa sinabi niya.
Gwapo,really?
"Apir,’Insan!”tuwang sabi pa ni Claude sa pinsan niya.Halos patayin ko siya sa kinakatayuan niya.
"Wow!Aanhin mo ang gwapo kung hambog naman ito."Pang-iiwas ko ng tingin.
"Hinay-hinay lang,Satrina,at baka ma-fall ka.Hindi ka nga makatingin,e.”
Sinalubong ko ang bawat titig niya.
Akala mo,ha!
"Kapal ng mukha mo,ah.Akala mo kung sinong gwapo!”
"Wow!Gwapong-gwapo ka naman.”Halakhak niya.
"Hindi,ah!Wala akong sinabi.”
"May sinabi ka kaya,”panggigiit niya.
"Wala nga sabi!”iritado kong sambit.
"Meron nga.”Sadyang makulit ang nilalang na ito.
"Alam mo,tama na.Ang hangin nang paligid.”
Hindi ko na kaya!
"Mahangin ba?”Palinga-linga niya pa sa paligid.
"Oo!Kasing hangin mo,"sabi ko sabay tayo.
Ugh!Aalis na ako.
"Ahm,guys,malapit nang oras baka gusto ni’yo na pumasok o magbangayan nalang.Total,first day of class pa,excuse pa naman kayo,”si Mylne
"Pagsabihan mo ‘yan kaibigan mo,Mylne."
"Tsk!”
Umiwas ako ng tingin.Pagbaling ko sa bandang kanan ni Mylne ay may dalawang lalaki na hulog ng langit.Mga gwapo!
"Sino sila?"tanong ko.
"Ah,si Fill,pinsan ko."Turo niya sa isang mestisong lalaki na kasing tangkad ko.
E,si Claude ang tangkad hanggang panga lang ako.
"At ito naman si Phoenix."Turo niya sa isang lalaking kasing mukha ni Fill ngunit ang kaibahan nga lang ay moreno ito."Pinsan ko rin,magkapatid sila."
I can tell you,that those brothers are the boy version of Mylne.No wonder why their relatives.
Ilang oras ang nakalipas at uwian na.Tapos na ang masayang araw dahil klase na bukas.As in lesson na.Kasabay kong naglalakad si Mylne ngayon sa hallway patungo sa gate,dahil naroon daw banda ang kanyang sundo.
"Break na raw sila?"tsimis ng isa.
“May iba kase si Hanzel,si Clark.Sinayang niya lang ang gwapo,”pagsasabat ng isa.
“Gwapo naman si Cla----"
"Tama na!"
Nagulat ako sa pagsigaw ni Claude na naglalakad patungo sa kanyang sasakyan."Move on na ako,Guys.Sana kayo rin,"huling salita niya bago sumakay ng kotse.
"Anong nangyari?"nag-aalala kong tanong.
"Merong ex si Claude,niloko yata."Makikita mo sa mata ni Mylne ang galit
"Ah!Gano’n ba."
Hindi na ako nagtanong at baka tuksuhin pa ako ng babaeng ‘to.Oo,gwapo siya pero hindi ko tipo ang gano’n na lalaki.
"Pwede ba?Tama na.Ang daldal ni’yo,"inis na sabi ni Claude at sinirado ang pintuan ng kanyang sasakayan.
Sungit!
"Satrina,sigurado ka ba na rito ka na lang?Baka mapaano ka,"nag-aalang boses ni Mylne.
"Oo naman,okay na ako rito.Sanay na ako.Ano ka ba!”Tawa ko pa.
Nagmamatigas,huh?
"Sana makauwi ka ng maaga.See you tomorrow."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasakay siya.Kukunin ko na sa suki ko ang dapat itinda ko at para maaga akong makauwi dahil napagod ako.
"Manang,ito lang ba?"
"Oo,iha.’Yan lang muna.Sige at magtrabaho ka na,"sabi ni Manang Lucy habang nagkukuwenta.
Agad kong nilisan ang lugar at nagtungo sa kalsada banda,kung saan ako pwe-pwesto.Pagsapit ng alas singko ay ubos na lahat ng paninda ko.
Agad na naman akong pumasok sa isang sideline ko na magtitinda sa palengke.
"Ali,mura lang!”
"Pogi,bili na kayo!"
‘Yan ang mga palagi kong sinisigaw hanggang sa naubos ito,pagsapit nang alas syete ng gabi.
Tama na tong five hundred pesos na kita ko ngayong araw.Bukas ulit.Bumili ako ng makakain namin sa bahay dahil alam kong wala pa sina mama roon.Driver si papa at tagalaba si mama.
Agad kong tinahak ang aming bahay.Agad ko itong nilapag ang aking binili na kakainin namin sa kusina at nagtungo sa kwarto.Agad ko itong binuksan at nagbihis na pagkatapos nito.Nilubog ko ang aking katawan sa malambot na kama na aking tinutulugan na sira-sira na.Okay lang,basta kasama ang pamilya at masaya kami.
Agad akong naiyak nang may naalaala ako.
"Satrina?"
Binuksan ko ang aking mga mata at kisame namin ang bumungad.Alam kong bago lang silang dating.Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog ako sa kakaiyak kanina.
Agad akong lumabas at nagmano sa aking ina at ama.Pagkatapos nang gabing ‘yon.I advanced study the lesson for tomorrow.
"Satrina!"Takbong palapit sa akin ni Mylne.
"Dahan-dahan lang at baka madapa ka!"sigaw ko mula sa pagitan namin.
"Hindi kaya!Ang tigas ko kaya,"sabi niya ng ilang metro na ang layo niya sa akin.
Nagulat ako ng mahulog siya sa salig.
‘Yan kasi,feeling matibay hindi naman pala.
"Joke lang ‘yon."Peace sign niya.
I shook my head and managed to helped her.
"Naglunch ka na?"Nakatayo na siya ngayon dahil half-day ito.
Ang galing ‘no!Tama ba ‘yan girl?
"Hindi pa,”simple kong sagot.
"Lunch tayo,"aya niya.
Gusto ko sanang tumangi pero hinila niya na ako.Tinatahak na namin ang aming daan ng may mabanga akong babaeng kasing ganda ni Mylne
"Sorry,Ma’am,”panghihingi ko ng pasensya.
"Okay lang,next time mag-ingat ka,”sabi nito at umalis na sa harapan ko.
"Tsk!Ang feeling,ha."Irap ni Mylne.Pinagpag pa ang damit ko.
"Ano ka ba Mylne!"saway ko.
"Anong ano ka ba?Nakakainis kasi,e.Hindi ka dapat lumapit pa roon.Baka mahawa ka sa kalandian no’n,"paliwanag niya.Naguguluhan naman ako sa kanyang sinabi.
"Bakit?Sino ba kasi ‘yon?"tanong ko.
"Omg,Satrina!Hindi mo kilala?"aniya habang sinusuri niya ako."Isa lang naman ‘yon sa mga babaeng sikat dito,”sabi niya.Umirap pa siya sa inis.
"So?"
"Siya lang naman ang nagpaiyak sa pinsan ko,ang ex ni Claude.”
Halos umawang ang bibig ko.Sinundan ko ang paglakad nito hanggang dulo ng hallway.
Siya?Siya ang iniyakan ng lalaking ‘yon?Well,may taste siya.
Ano ba ‘to?Ang tagal ko na rito!
Binalingan ko pa ang orasan.Napasinghap naman ako.
"Satrina,uwi na ako,ha,"paalam ng kaibigan ko.
Maggagabi na ngunit nandito pa rin ako sa library.Ginagawa ang assignments at project na kailangan ipasa bukas.Wala kasi akong sapat na kagamitan sa bahay.
"Sige.Ingat ka,Mylne,”sabi ko habang nakatuon pa rin sa lamesa.
"Ikaw din,Satrina.Ingatan mo sarili mo.”Kumaway pa siya at dahan-dahan na nawala sa aking paningin.
Agad kong niligpit lahat ng kagamitan ko at sa bahay nalang ipagpatuloy.Nakigamit din ako ng computer upang I-search ang aking I-re-report din bukas.Eight p.m na at natapos ko na ang dapat tapusin.Naramdam ko na tumutunog ang aking sikmura ngunit tiniis ko nalang ito,dahil kapos pa sa budget:kulang ang pera namin para sa pagkain.Binili na nito ni mama ng mga sangkap para sa ibebenta ko bukas.
Kinaumagahan nagising ako sa tinig ng aking despertador.Three a.m na at kailangan kong magtinda.Kailangan dahil wala na akong allowance at igagastos sa mga proyekto na darating.Lumabas ako sa bahay na nakapalda na hanggang paa.Nakatsinelas at t-shirt na pula.
"Tinapay!Bili na kayo mainit pa!”sigaw ko.
"Tinapay,mura lang!”sigaw ko ulit hanggang sa meron ng bumili at naubos din kaagad.
Pinagpapawisan na ako.Halos hindi ko maayos ang pinagbubuhat ko dahil sa bigat nito.Bumalik ako sa bahay at binigay kay mama ang pera.
"Ma,ito na po ang pera."Pabagsak akong umupo sa sofa.Halos mapatulog ako sa pagod.
"Salamat,Anak.Mahal na mahal ko kayo."Nagmulat ako ng mata.Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"Mahal ko rin kayo,Ma.Kaya gusto kong makatulong sa inyo,"hingal ko pang sabi.Tumingin pa ako sa kisame.
"Sige at mag-prepare kana sa mga kagamitan mo,”‘yon lang ang kanyang sinabi at iniwan niya na ako sa sala.Naghahanda pa siya sa maari niyang raket.Tumango naman ako.
Our live is not a fairytale.Nagrenta lang kami sa isang munting bahay,may bulaklak sa paligid,pagpasok mo ay konte lang ang kagamitan,dahil natatakot kami na baka maulit ang nakaraan.
"Miss Alawi?"
“Miss Alawi?!Pag-hindi ka pa magmumulat ay baka ma drop out ka!”sigaw ng guro namin.
Ako ba ‘yon? Hindi naman siguro.
Pinikit ko uli ang aking mga mata.Inaatok pa ako.Napakamot pa ako sa ulo ko.Ang sarap ng tulog ko.Napamura pa ako.
Ilang minuto ay naramdam kong may yapak ng mga paa na paparating sa akin banda at naramdam ko na may tumapik sa aking mga balikat.Agad akong napaayos nang upo.Inayos ko rin ang aking sarili.
"Miss Aquino!"
"Yes,Miss Alawi?Nakatulog ka sa klase.Alam mo naman na kalaban ko ‘yan."Pinag-ekis niya ang kanyang braso.
"Opo,Ma’am.Sorry po.Hindi na po mauulit."
Kinusot-kusot ko pa ang aking mata at baka may muta,nakakahiya.Namataan ko ang mga kaklase ko na nakatingin sa akin.Tuloy,gusto kong kainin ako ng lupa ngayon.
"Dapat lang."
Umalis na ang guro namin sa aking harapan.Buti naman at nakahinga na ako nang maluwag.Nakatulog ako ng hindi ko namalayan.Siguro ay dulot ito ng aking pagod na nakuha kanina.
"Tsk!’Yan kasi tulog pa,”sabat ng katabi ko.
Napairap ako sa kanyang boses.
Buhay pa pala ito?
"Pake mo.”
Wala ka kase sa posisyon ko.Kung makaasta ‘to.
Nag-iwas ako ng tingin.I grabbed my tumbler from my bag.Iinom nalang ako at baka maubos ang laway ko kapapatol sa nilalang na ito.
"Ang pangit mong matulog,tulo laway pa.”
Aba’t loko ‘to,ah!
Nilingon niya ako."Hindi ka ba nahihiya sa gwapong katabi mo?"
Halos matapon ko sa kanya ang iniimon ko.
Ang hangin ha!
"Wow!Gwapo ka pala.Akala ko aso,e.
Agad na umusok ang galit sa kanya.
Tsk!Buti nga sa’yo.Hindi porket pinsan kayo ni Mylne ganyan ka na.
"Ang baboy mo,"sipot ng mukhang asong pinsan ni Mylne.Halos maluwaan ko siya ng kinakain ko na Siomai.
Bakit nandito na naman ‘to?
"Pake mo!Ikaw kaya ang gutom.”I can’t help myself but rolled my eyes.
"Hindi naman.Pera mo ba ang ginastos ng kinakain mo?Sa pinsan ko naman."
Halos sumilay ang galit sa mukha ko.Binibiyak ang puso ko sa mga salita niya.Hindi ko halos malunok ang aking kinakain.
"Binigyan niya ako,"nakayuko kong sabi.Nanghihina na ako sa aking inuupuan
"Alam mo,gold digger ka,”aniya at umalis na.
Halos uminit na ang mata ko.Alam ko naman na ganyan ang turing nila sa akin:mukhang pera.Kaya feeling close sa mga mayayaman.Alam ko naman sa sarili ko na hindi ‘yan totoo.Buraot ako minsan pero biro lang ‘yon.Hindi naman totoo.Judgemental ni’yo!Hindi naman inaalam ang totoo.
"Satrina,shopping tayo,”ani ni Mylne.
Gusto kong tumangi ng namataan ko si Claude na nasa akin ang paningin.
"Ikaw lang,Mylne,”ani ko.Habang inaayos ang loob ng bag ko.
"Sige na,libre ko naman.Please,Satrina,”pagpipilit niya.
Jusko!Hindi ako makatangi sa utang na loob ko sa kanya.
"Ayaw ko ng issue,Mlyne,”napapikit kong sabi.
Agad naman akong hinila ni Mylne.Wala na akong magawa.Pinasakay niya na ako sa sasakyan nilang magpipinsan.
Nag-shopping nga sila.Panay kuha ng damit si Mylne.Sosyal kasi ito at laking mayaman.Hinayaan ko nalang siya at tumitingin na ako sa mga damit.
I miss this.
Nagulat ako ng may sumulpot sa aking harapan.
"Anong kailangan mo?"pagsisita ko sa kanya.
Ayaw ko nang away.Kung gusto niya lang ako na lumayo sa buhay ng pinsan niya ay wala akong magagawa.Ito pang kaharap ko ang spoiled sa lahat.
"Tumitingin ka niyan?"Bumaling ako sa tinutukoy niya na dress.
"Pake mo!"I rolled my eyes.
"Bagay naman sa’yo ‘yan,kaso mukhang aso lang ang susuot.”Tawa niya.
Pinabayaan ko siya.Doon siya masaya,ang asarin ako.
"Satrina?"tawag sa akin ni Mylne.
Tapos na siguro ito.Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan niya.Nakabayad na siya sa cashier at inabot sa aking ang mga paper bag,tinangap ko ito.I was about to walk away when her voice echoed.
"Anong akala mo,Satrina.Ipapabuhat ko sa iyo lahat ng binili ko?Nagkamali ka.Gusto ko lang sabihin sa’yo na sa iyo lahat ng binigay ko na mga paper bag.Alam ko naman na hindi ka marunong mag-demand."
Gulat man ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit.Ilang buwan lang kaming magkasama at hindi ko inaasahan na may makakatagpo ako na ganitong kaibigan.
"Salamat talaga,Mylne,”bigkas ko ng mga salita habang kumalas ako sa yakap.Pinunasan niya pa ang luhang nasa pisngi ko.
"You're welcome,”masaya niya na tugon.
Naramdaman kong may nakatingin na tatlong pares na mga mata sa aming dalawa.Ngumiti rin ako sa kanila.Ang swerte ko talaga kay Mylne,ang bait-bait.Nagdadasal ako na sana hindi na ako tuksuhin ni Claude.
Nandito kami ngayon sa Jerry's Grill.Pumasok kami at bitbit ng mga staff ang ngiti sa kanilang labi.
"This way,Ma’am,Sir."
Agad naman naming sinunod ang kanilang tinuturo at dinala kami sa good for five person na lamesa.Nag-order na sila.Tahimik lang ako.Kahit anong pagkain ay kakainin ko.Wala naman akong pili.Basta’t nakakain ay okay na.
"Hinay-hinay lang sa pagkain baka mas bumaboy ka pa niyan."Halakhak niya.
Hindi ko siya pinansin.Nagulat ako ng may humawak sa aking magkabilang pisngi at sapilitang pinaharap sa mukha niya.Nagtama ang aming mga mata.Nagulat ako ng kunin niya ang tissue at ipinunas sa aking labi.
"Ang kalat mong kumain,"sabi niya.
Seryoso ang kanyang mukha habang nagtra-trapo.Umayos ako nang upo at bumalik kung anong posisyon ko kanina.Nang bumaling ako sa kanilang lahat.Nanunuksong mga mata ang binaling sa aming dalawa.Ramdam kong iba ang ibig sabihin ng mga pinsan niya.
Bahala kayo.
Bumangon ako upang tingnan ang sarili.Sabado ngayon kaya hindi ako maagang nagising.May raket pa naman ako mamaya.Ang gulo nang buhok ko,sobra.Bumalik ako sa aking kama dahil inaantok pa ako.Nag-iingay ang aking cellphone.Kaya naman agad ko itong sinagot at baka importante ito.
"Hello?"sagot ko habang inaatok pa ang boses.
"Satrina?"
Pamilyar na tinig ang aking narinig mula sa cellphone ko na keypad.Agad kong tiningnan kung sino ang nakarehestro.
"Hello,Mylne.Napatawag ka?"
Gusto kong itanong kung saan niya nakuha ang number ko.
"Busy ka ba?"tanong ng kausap ko sa kabilang linya.
"Hindi naman.Mamaya pa raket ko,"pagsasabi ko ng totoo.Agad naman akong kinabahan sa bigla-bigla niyang pagtawag.
"Uhm."
"May problem ba?"nag-aalala kong sabi.
"Nasa labas ako ng bahay ni’yo.Labas ka dali!”tili niya pa.
Anong problema ng babaeng ‘to?
Agad naman akong lumabas,dahil noong birthday ni mama invited siya.Kaya alam niya kung na saan ang bahay na namin.Nakalabas na ako ng bahay ng may biglang yumakap sa akin.
"I miss you."
Tsk!Buang man guro ni?
"Miss agad?Kakikita lang natin kahapon,"sabi ko sabay tawa.
"E,sa na miss kita."Ngisi niya pa."By the way,narito ako upang sunduin ka.”
"Bakit?Saan tayo pupunta?"nagtataka kong tanong sa kanya.Halos magsalubong ang aking kilay.
"Basta!"Kindat niya pa."Mag-ayos ka na at alam na ‘yan nina tita na mawawala ka ngayon.Bukas pa kita ibabalik."
Ano raw?Bukas?Itong babaeng ‘to.Teka?Hindi pa ako nakapagpaalam kina mama.
"Sige na,please.Nakapagpaalam na nga ako kina tita kung ‘yan ang inaalala mo.”
Para niyang nababasa ko ano ang nasa isip ko.Kaya tumango nalang ako.Wala na akong nagawa dahil tinulak na ako ng bruha.
Hay!Kawawa naman siya pagbibigyan ko nalang.
Nag-ayos na ako.Sinuot ko ang binigay niya sa paper bag.Sabi ni Mama Kaylie na okay naman sila at kaya nila kahit hindi ako magraraket.Sayang din ang kikitain ko.Sabi naman ni Mylne na wag na raw magdala ng damit dahil may dala na raw siya.Itong babaeng ‘to pinapamukha lang na mahirap ako.Hindi ko abot ang kayamanan nila.
"Ma,alis na kami,ha,"paalam ko sa kanila.
"Sige,Anak at mag-iingat kayo."Bago ako umalis ay humalik ako sa mga pisngi nila.
Nakangiti na ng tingnan ko si Mylne.Nakasuot siya ng short na maong at croptop na off shoulder na kulay pula.Bumagay sa kanya ang sinuot niya kasabay ang tsinelas na asul.Ang ganda niya,sobra.
I was wearing a white short and tube croptop:color black.Polo na kulay asul na ginawa kong pantakip,just in case because this is sexy.Bumagay naman sa akin.
"Ready ka na?"Tumango naman ako sa kanya.
Nagpaalam na rin siya kina mama at papa.Pinagbuksan kami ng pintuan sa sasakyan nila.
Ilang oras din ang byahe at pareho kaming nakatulog ni Mylne.Tiningnan ko ang paligid at napapalibutan ito ng mga kahoy na matataas.Gising na si Mylne at ‘yon din ang oras na pumasok kami sa resort at may nakalagay.
WELCOME TO SORIANO’S RESORT
Bumaba na kami ni Mylne sa sasakyan.Halos nakaawang ang bibig ko.Mukha akong naiiyak sa tuwa,pero agad din nawala ang galit sa akin kanina.Ang ganda rito,sobra.
"Ang ganda,hindi ba?"bungad na tanong ni Mylne.
Bumaba na pala siya.Nandito pa kami sa may sasakyan niya.Bumaling ako ng tingin sa kanya at tumango.
"Sobra."
Ngumisi siya at inalalayan niya ako papasok sa resort.Ang laki ng car park.
"Doon tayo sa rest house namin.Pinatayo ni tita ‘yon para pag-umuwi kami.Para may titirahan kami at hindi na magbo-book ng room sa mismong resort niya,"pahayag ni Mylne.
Kaya pala ang ganda.
Dumaan kami sa hotel ng resort na ‘to at doon nilagay ang mga gamit namin.Upang mauna nang dumating sa rest house nila at ililibot pa ako sa resort.Mataas na building na kapalibot sa may swimming pool.Ang ganda,at matatanaw mo ang beach na may mga kahoy.
Alas onse na ng umaga nang dinala ako ni Mylne sa restaurant.Binati kami ng mga staff.May naalala ako rito noon.How I wish to bring back those memories here.
Nagulat ako ng may kumaway sa amin.Pinalakihan ko pa ang mga mata ko at baka nananaginip lang ako,pero totoo nga:sina Fill at Phoenix ito.
Nandito sila?
No!Please,sana wala ‘yon mahangin na ‘yon,please.
Pinaupo na kami nila Phoenix at nilapag na ang pagkain sa amin.May main dishes,dessert,drinks na shake,water,at appetizer.Nakatalikod ako sa entrance ng may biglang humalik sa ulo ko.
What the?!
Nakaawang ang bibig ko ng tingnan ako nito.Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at hindi mapigilan ang saya.Habang nakangisi naman ang mga pinsan nito.
"Sorry,akala ko kasi si Mlyne,”si Claude.
"Pinsan,palusot mo ba ‘yan o ang kaibigan ko talaga ang pakay mo?”
Nanunuksong tingin ni Mylne.Sinamaan naman siya ng tingin ni Claude.
"Alam ni’yo,ang issue ni’yo,"ani ni Claude.
Ang gwapo niya.His wearing a bohemian polo and a khaki shorts.
"Teka!Saan ako uupo?"tanong niya sa mga pinsan niya.
"Sa tabi ni Satrina.May problem ba?"taas kilay na sabi ni Phoenix.
"Seriously,’Insan?!"gulat na tanong ni Claude.
May issue siya,e.
"Unless,you have an issue."Taas kilay ni Mylne kay Claude.
Walang nagawa siya at umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.
E,kasi naman ayaw akong ipaupo ni Mylne kina Phoenix.Naging close ko naman sila.
May problema ba sila sa akin?
Nandito kami ngayon sa rest house nila Mylne.Kami lang dalawa ang pumunta rito,because the boys are at the beach side.Sa labas kahoy pero sa loob laglag panga talaga.Medyo maliit lang,but wow,it’s incredible.Hindi siya two-storey na bahay.
When you enter bubungad sa’yo ang sala set na kulay kayumanggi and at the right side is the mini kitchen and it has an own pool.Sa dulo naman ay may dalawang pintuan,mga kwarto yata.Sa kaliwang bahagi ay tanaw na tanaw mo ang paliguan sa labas,at sa kabilang bahagi ay ang makikita mo lang ay ang hardin nila.
"Dito kami palagi,"bungad na sabi ni Mylne.
"Ang ganda!Ang yaman ni’yo,"pagpupuri ko sa mamahaling gamit na bumungad sa akin.
"Hindi ako kundi sina mommy."
‘Yan ang gusto ko sa kanya:hindi mapagmataas.
"Pero ikaw ang tagapagmana,”puna ko.
"Pero gusto ko sariling sikap ko.Parang ikaw,gusto mo maahon sina tita sa hirap.Kaya saludo ako sa’yo,Satrina.”Paghuhugot niya ng inspirasyon sa akin."By the way,susunod tayo sa kanila pero mamaya na tayo.Ang init doon.Dito muna tayo dahil malamig."Habang papunta siya sa kwarto niya."Matulog muna ako,ha,"dagdag niya pa at sinirado ang pintuan niya.
Napasinghap nalang ako at tiningnan ang labas,sa may swimming pool side na tanaw ang dagat na kulay asul.Nagulat nalang ako ng may bumukas sa pinto.
“Satrina,naroon ang mga damit mo sa trolley,okay?Sa’yo na ‘yan!"aniya kasabay noon ay sinarado na naman ang pintuan.
Itong babaeng ‘to.
Napagdesisyonan ko na maglibot-libot sa bahay.Pumunta ako sa kusina at kompleto ang mga kagamitan doon at mga ingredients,puro fresh pa.Binuksan ko ang slidding door na nasa pool area at pinagmasdan ko ang alon sa dagat.
Kasabay no’n ang malakas na hangin na dumadampi sa aking katawan.Hinawakan ko ang polo ko at umupo sa buhangin.Nararamdam ko ang pagbubukol ng luha sa aking mga mata.Naiiyak ako kasi may nami-miss ako.Parang dati lang.
Napagdesisyunan ko na pumasok na at pumunta sa kwarto.Pagpasok ko ay may trolley sa kama.The bed sheet is color white,nasa kaliwang bahagi ang kama.Nilibot ko pa ang aking paningin sa loob,mamamangha ka nalang sa mga mamahaling gamit.Tiyak na ayaw ko talaga na makabasag o makasira,dahil wala akong maibabayad.’Yan pa ang dagdag sa gastos ko.Jusko!
Sa harap ng kama ay may maliit na cabinet at mini ref sa gilid.It has a table and the view is awesome:pool and the beach.I sat under the bed and wondering what’s inside the trolley.Halos lumuwa ang aking mata ng bumungad sa akin ang mga damit.
I missed wearing all of these.
May mga dress,shorts,tops,jacket,hoddie,shoes,slingbag,bag,slipper.Mga pabango at marami pang iba na pambabae.Pinabayaan ko ang katawan ko na lumubog sa kama at damahin ang malabot nitong foam.
Three pm nang hapon at nandito na kami sa beach side.I changed my outfit into dress:color white and yellow.Naramdaman ko ng may umupo sa tabi ko.Hindi ko binalingan iyon dahil alam ko kung sino ito.
"Ang lalim ng iniisip mo,"bungad na sabi ni Claude.
Seriously?Kailan pa ‘to may pake sa akin?
I remained silent.
"Ewan ko sa’yo,Satrina.Ikaw na nga ‘tong dinadamayan,"aniya.Seryoso ang tingin sa magandang tanawin."Ang ganda ng suot mo,ah."
Binalingan ko siya ng tingin.
Kailan pa ako pinuri nito?
"Talaga?"tanong ko sa kanya.
"Pero ang suot mo,ah.Hindi ikaw.Wag kang assuming.”Tinawanan niya ako.Sinamaan ko siya ng tingin. Nag-peace sign siya.
Ewan ko sa’yo.Wala ako sa mood.
"Hindi naman ako assuming,"malungkot kong sabi at binaling ang tingin sa langit.
"Ang ganda nang tanawin,’no?"Tumango ako sa kanyang sinabi."Ang cold mo."Wala naman talaga ako sa mood."Baka gusto mo ng mainit na tubig at ipapaligo ko sa iyo?"
"Ouy!Ano’ng ipaligo?"sabat ni Phoenix.
Issue na naman.
"Sana all,"si Fill
"Bagay kayo."
Gising na pala ‘tong babaeng ‘to at nag-akbayan pa ang tatlo,syempre nasa gitna si Mylne.Hindi namin namalayan na nandiyan na sila at kanina pa nakamasid sa amin.
"Move on ka na kasi,Claude,"tukso ni Fill sa kanya.
"Si Satrina nalang,"dagdag pa ni Fill.
So,totoo nga?Broken siya nang araw na nakita ko siya.
"Broken ka talaga no’n?”Tumango siya bilang sagot.Halos matawa ako sa kanyang pagtango."’Yong araw na nakita kita na umiiyak?"Tumango siya ulit.
"Ouy,nagkita na kayo noon?"pang-uusisa ni Phoenix.
"Noong first day of class."
Kwenento ko sa kanila ang nangayari.Panay tukso naman ng mga ito pagkatapos.Mabilis na umalis si Claude sa aming harapan.
“Pikon!”sigaw ni Phoenix.
"Satrina?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Hindi ko maintindihan.
Bakit ganito ako?
Binalingan ko ng tingin ang tumawag sa pangalan ko.
"Claude,ikaw pala."
"Satrina,pwede ba kitang makausap?"
"Claude,kung tungkol ‘to sa issue ng mga pinsan mo.Okay na ako,”pag-uuna ko sa kanya.
"Satrina,hindi ‘to tungkol sa kanila,”puna niya.
Napahiya ako roon,ah.Napasinghap ako.Ang assuming ko naman kasi.
"Anong kailangan mo?"
"Gusto ko lang linawin ang lahat."
Anong nangayari rito?
Tinawanan ko lang siya sobrang sakit ng tiyan ko katatawa.Siya?Magkwe-kwento sa akin?
"Tungkol saan naman?"I asked.
"Secret,makinig ka nalang."
Tingnan mo ‘tong lalaking ‘to.
"Sige,ikaw bahala."At sinenyasan ko nang pwede na siyang mag-simula.
"’Yong nakita mo akong umiiyak.Oo,broken ako no’n.Kaya,please,wag mo nang ipakalat,”pakiusap niya."Sobrang sakit sa akin,no’n time na ‘yon.”
"Binasted ka,’no?Nang-iwan ka kase ng mga bulaklak.”
"Nakita mo pala ‘yon.”Namataan ko ang pait sa kanyang labi.
"Oo,naman.Sino ba ang hindi?"
"Ganyan ka talaga,ano?"si Claude
"Bakit may problema ba sa ugali ko?"
"Wala naman.”
Habang nakaupo kami sa buhangin ay dahan-dahan na pala siyang nakabuo ng castle.
"May girlfriend ka na,Claude?"
First time namin na seryoso at walang halong biro.Tumingin ako sa mga mata niya ngunit umiwas siya.Makikita mo ang lungkot sa kanya.
"Meron noon,kababata ko.Hindi ko naman sinasadya na gano’n pala."
"Bakit?Ilan ba naging girlfriend mo?"usisa ko pa.
"Isa lang.”
Sa gwapo niyang ‘yan,isa lang ang naging nobya?Hindi ako naniniwala.
"Hindi ka makapaniwala,ano?"Tumango ako.
"Kababata ko siya.Palagi ko siyang dinadalaw sa bahay nila.Crush ko na siya noon.Malaki na kami at napagdesisyunan ko na ligawan siya.Sabi niya na mahal niya ako,kaya gano’n.Niligawan ko siya ng ilang taon at naging kami.Five years kami.Hanggang sa nagplano ako noong anniversary naming na I-surprise siya pero nagulat ako ng umiiyak siya at lumuhod.Sorry siya nang sorry,hindi ko alam anong gagawin.Sabi niya na hindi na raw siya masaya sa katulad ko.Boring kasi raw ako.Kaya ‘yong ibibigay ko sana na mga bulaklak sa kanya ay ibinalik niya sa akin.At ‘yong nakita mo ako na umiiyak,’yon na ‘yon. Hindi ako binasted.”Tawa niya pa kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa mga mata niya.
Ang hirap ng gano’n nangako kayo sa isa't isa ngunit nagsawa rin pagdating ng panahon.Parang pinupuga ang puso ko habang nakikita ko siyang naiiyak.Ang swerte ng babaeng mamahalin ng lalaking ito at alam kong hindi pa ‘to nakaka-move on.Ang hirap kaya.Sana ako rin iniiyakan,ngunit hindi,e,walang makaka-appreciate.
"Ang swerte niya,"bulong ko.
Bumaling ako ng tingin sa kanya.Ang gwapo niya para umiyak.’Yon pala ang ex niya.Ang ganda noon pero bakit sinayang niya si Claude?Ang bait kaya nito.
"Claude?"
Bumaling ako sa kanya ngunit natulog na…nakatulog sa kaiiyak.
Tiningan ko nalang ang langit at ang buwan.Ang ganda niya.Inaabangan ko bawat paghaplos ng tubig dagat sa paa ko.Hindi ko alam kong paano ko ito madadala sa kwarto nila.
Bahala na nga!
I decided to call Fill and to pick up this boy.
Pumasok na ako sa rest house nila Mylne.Naalala ko na naman ang mga salita ni Claude sa akin tungkol sa ex niya.
May iba na kaya ‘yon?Mali,mali,dapat hindi ko iniisip ‘yon.Pero hindi ko alam,ano ‘tong nararamdaman ko habang katabi ko si Claude.Baka crush lang ‘to.
Tama,Satrina!Crush lang ang lahat.Hindi ka dapat mahulog kay Claude,dahil ang hirap magmahal ng hindi pa tapos magmahal ng iba.
Umaga na at pinapanood ko ang pagsikat ng araw.Ang ganda,sobra.Nagtungo ako sa bathroom para maligo habang maaga pa.Para mabango ako pagdumating na si Claude.
What Satrina?Seriously,no!Bawal ka ma-fall.Please,parang awa mo na Satrina.
Nag-shampoo na ako at kung ano-ano pa.Dahan-dahan akong kumilos upang hindi magising si Mylne,mahirap na.Namili na ako ng mga damit.Dress siya na sleeveless.Floral siya na may slit na taga tuhod na color blue at sapin sa paa na pang-beach.
Lumabas ako ng kwarto nang masiguro ko na okay na ako at ready to go na.Just in case,ngayon ang araw na uuwi na kami.I don’t know what the exact time we’re leaving.Kung may oras pa.Raket muna ako at balik sa dati.Pag sina Mylne lang naman ang kasama ko magbibihis ako ayon sa gusto niya.
Nagugutom ako at ng masiguro ko na may mga sangkap ng gusto kong kainin o lutuin ay naghanda na ako.Naglabas ako ng Bacon at iba pa.
"Wow!Satrina,ang bango-bango naman niyan.Mukhang masarap,"umalinga-ngaw ang boses ng kaibigan ko."Ano ang mga ‘yan?"
Isa-isa kong tinuro sa kanya ang mga pagkain."Egg baked in Avocado,Pancake,Bacon,Sweet Potato and Andouille Hash,Italian Cloud Eggs,Waffle Sandwich.Gusto mo ng gatas?"Tumango siya at kumuha nang pagkain.
Tsk!Ang takaw talaga.
Binigay ko sa kanya ang gatas.
"Satrina?"Tinaas ko ang kilay ko."Tinawagan ko sina Phoenix para rito mag-breakfast."Tumango ako."Ahm,Satrina,pwede magtanong?”dagdag niya pa."Saan ka natuto nito?"
Nagulat ako sa tanong niya.I can heard my heart beating so fast.Naramdaman ko na lumalabas ang malamig na pawis sa katawan ko.
“Kay mama."Ngiti ko sa kanya.
Sinabi ko na parang hindi apektado sa tanong niya.Tumango siya na hudyat na sang-ayon siya.Nakahinga ako nang maluwag.
Ilang minuto ang lumipas ng may nag-doorbell.Binuksan ko naman ito.Unang bumungad sa akin ay sina Phoenix at ang huling pumasok ay si Claude.Ngumiti siya.Ako rin.
"Wow!Ang sarap niyan,ah.”Langhap pa ni Phoenix sa niluto ko.
"Sino ang nagluto?"si Fill.
"Sino pa ba?Ang buraot at chef natin,’no,"sabi ni Mylne.
Natawa nalang ako sa kanila.Kumuha sila ng mga plato nila at tinimplahan ko sila ng gatas at kape.
"Ouy!1000 ang pagluto ko niyan,ah,”panunukso ko sa kanila.
"Ang aga,Satrina.Buraot ka na naman,”sambit ni Fill.
"Oo nga!Ang sarap naman kasi."Binatokan ni Fill si Phoenix.
"Atay!Bakit mo ginawa ‘yon?”sabi ni Phoenix.
"Dalian mong kumain upang makaalis na tayo rito."Napailing nalang ako kay Fill.
"Magsitigil nga kayo!"saway ni Mylne sa kanila.
Natawa nalang ako ng tumahimik ang dalawa.
"Ouy,Claude!Dahan-dahan naman sa pagkain,"sita ni Fill sa kanya.
"Oo nga,Pinsan.Para ka namang maagawan.Kung kulang,magpaluto ka sa kanya.”Turo ni Phoenix sa akin.
"Paborito kasi,e,"agap ni Mylne.
"Paborito mo ‘yan?"tanong ko.Tumango siya at uminom ng tubig.
Ngumiti naman ako sa kanya.Parang tumataba ang puso ko.
Nagustuhan niya.
Agad na naagaw ang atensyon namin sa pagtunog ng cellphone.Dahan-dahan akong nagtungo rito ngunit naunahan ako ng lalaking ito.Sinagot ni Claude ang tawag.
"Hello?"sagot niya.
Nagulat nalang kami ng dahan-dahan niya itong binaba at napalitan na ng luha ang kanyang mga mata.
Anong nangyari?
BINABASA MO ANG
Select among the Choices
Roman d'amourStatus:Completed Genre:Teen fiction and Romance. Posted:May 10,2021-May 31,2021 Synopsis: Satrina Alawi is a simple girl and has a simple dream:gusto lang niya ay maahon muli sa hirap ang kanyang ina at ama.Palagi siyang nasasaktan kapag nakikita ni...