Chapter 9
“Ako ang nasa likod ng paghihirap niy’o.Ako ang naghalughog ng gamit sa iyong opisina.May mga tauhan ako at sinisiguro ko na maghihirap talaga kayo!Alam mo,Stephen.Sana naman hindi mo pinagkait ‘yon.Sana masaya ka ngayon at si Satrina.Masaya ka ba na nakikita na naghihirap ang anak mo?Ang nag-iisang anak mo?Hindi ka ba nakokonsensya dahil wala ka namang ginawa kundi pagmasdan siya na i-ahon kayo pabalik.Kung ako ang anak mo.Iiwan kita.”Halakhak nito na nakakairita.
“Wala kang alam!Kung maka-asta ka parang ikaw pa ang nalugi,ah,”inis kong sabi.Habang nakatingin sa kanyang mata.
“Masaya ka na,’di ba?At ano ang sinabi mo?Walang nagawa si Daddy.Tsk!Ikaw lang ang nag-aaksaya ng oras mo.Well,maraming salamat dahil sa inyo natuto akong tumayo sa sarili kong paa.Tumutulong sila mommy at daddy sa akin.Nagsikap sila na para makapagtapos ako ng pag-aaral.Ikaw?Nagsikap ka ba?Totoo ba na yumaman ka na niyan?Saan?Sa konsenya?”pagmamatapang ko.
“Kinuha ko naman ang pera ni’yo.Sayang nga.May sasakyan ka pa sana patungo sa pinag-aaralan mo,sana noon,pero hindi ko hinayaan ‘yon,Hija.Pinagdusa kita….kayo.Well,nagamit naman namin.Nakabili kami ng bagong ari-arian at lumago ang aming kompanya.Wala naman kasing ginawa ang tatay mo.Umiiyak lang na parang hindi lalaki.”Tawa niya pa.
Lalapit na sana siya sa akin ng lumipad ang kamao ni daddy sa pisngi niya.
“Hayop ka Garcia!”sigaw ni dad sa kaniya.
Tumawa naman ito.Napaayos ito nang tindig.Hinawi ang dugo na lumabas sa kanyang mukha.“Poor Stephen Alawi.I’m very satisfied now that you suffered before.’Yan kasi,hindi ni’yo ako pinansin noon.“
“Kaya pala na akit ng anak mo,ang Hanzel ng anak ko…noon,“sabi ni Mrs. Soriano.
So,boto sila?
“Walang hiya ka!”sigaw ni Claude at sinuntok ang lalaki.
Nagulat kami at sinundan siya ni Phoenix at Fill.Para akong tinutusok ngayon.Mahal na mahal niya nga si Hanzel.Sana naman maging sila na.
“Dude,relax,”sabi ni Phoenix at hinawakan na ang dalawang kamay niya.
So,apektado siya?
“Niloko ni’yo si Hanzel?!”sigaw ni Claude.
Tumawa naman ang matanda.Taas kamay pa na nakabaling kay Claude.“Relax Hijo,hindi ko naman sinasadya na masaktan ka kung hindi dahil sa papa mo.Kung kaibigan sana niya ako at hindi tinalikuran.Sana okay ka ngayon pero magpasalamat sa akin at nakita mo nang taong para sayo,”sabi ni Mr. Garcia at bumaling sa akin.
Ako ba ang tinutukoy niya?Imposible.
Inirapan ko siya habang nagduda kong totoo ba ang sinasabi niya.Pinapagulo niya ang isip namin lahat.Napakagaling!
“Pero hindi ko hahayaan na maging masaya ka ngayon Satrina Bea Alawi!sSigaw ni Mr.Garcia sa akin.
Dumapo ang paningin ko sa kanya.Sinusuri ang buong pagkatao niya.Hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa niya?
“Anong ibig niyong sabihin mo?Papatayin niyo ako?!”sigaw ko sa kanya.“Sige!Patayin mo ako at makikita kayo sa kulungan."
Lumapit ako sa kanya.Yumuko ako upang magpantay kami.Hindi ako natatakot sa kanya.Hindi na ako katulad noon na walang muwang at tanging gagawin ay iiyak nalang sa tabi.
“Hindi mo alam kung sinong binabanga ni’yo ngayon,Mr.Garcia!"sigaw ko sa tenga niya.
Nasisiguro kong nagulat siya at lumayo ako sa kanya.Ngiting aso ang pinakawalan ko sa mukha niya.Nagulat sina mama sa aking ginawa.Well,tama naman ‘yon at para magising siya sa katotohanan na hindi lahat ng panahon dapat matakot pa kami.Ilang taon ang pinagkait niya sa amin.Hindi na ako papayag mauulit ito muli.Agad kong pinahid ang butil na tumakas sa aking mata.Tumalikod ako nang konte at kusang pinapakalma ang sarili.
Bumalik ako sa upuan.Nilapitan ako nina mommy.Gulat ang mukha nila Mylne.Well,matapang na ako ngayon.Hindi ko na hahayaan na maulit lahat at masayang ang pinaghirap namin noon.Wala siyang karapatan!
“Dapat ako ang magsabi niyang,Hija.“Halakhak nito.Tinaasan ko siya ng kilay.“Tutuuisn nga,Bata.Naawa ako sa iyo,sa murag edad mo,naging masipag ka,na kayod doon,kayod dito.Ang ang swerte mo dahil naka scholarship ka.Tutuuisin pwede ko ‘yon ipa-pull out sa school mo,pero ayaw ko na.Kawawa ka kase,eh,“sabi niya ang humalakhak nang malakas.
Ibang klaseng matanda.Gusto ko siyang sugurin nanaman pero nilalamangan ko ang respeto sa kanya. Umaapoy na ang galit sa aking mga mata ngunit pinapakalma ko ito.Hindi ko ipapakita ito at baka ito ang maging dahas niya upang patumbahin ako.
Never,old man.Never again!
“Ang tanda ni’yo na.Meron naman kayong pamilya ngunit…..bakit pag mamahal ng kaibigan ang hanap niyo?Bakit?Hindi ba sapat ang atensyon na binigay nila sa iyo?”Naka-crossed arm akong nakatayo,habang nasa may pinto na siya.“Alam kong nasasaktan mo ang anak at asawa mo dahil sa mga pinanggagawa mo!Kung sana,hindi ka busy sa kahihigante kina Mr.Soriano at dadddy.Sana okay kayo ng pamilya mo.Busy ka na sinasaktan kami,pero hindi mo alam mas nasasaktan na sila sa’yo.Katulad mo na gusto nila ay pagmamahal at alaga.Atensyon mo rin,parehas din kayo.Nagawa lang ‘yon ni Clark dahil utos mo.Ayaw ka niyang ma-disappointed.Imagine,kahit kalokohan mo sinasakyan niya.Hindi ka ba na kokonsensya?Sa mga mata ng anak mo ay lungkot ang nakabalot dito.Hindi mo ba alam ‘yan o sadyang manhid ka lang talaga,”sabi ko sa kanya.
Tumahimik siya.Ramdam ko ang panginginig niya.
“Hindi ‘yan totoo!Ang anak ko ay mahal na mahal ako."
Alam kong nasaktan ko siya at nagising sa katotohanan.
“Mahal mo nga pero hindi mo pinaramdam.Ang tanong,mahal nga ba?”
Hindi na siya nakasagot.
“Wala kang alam!”sigaw ni Mr.Garcia sa akin.Nagulat naman ako sa inaasta niya.
Kapal!
“Pinapa-realize ko lang po kayo Mr.Garcia,"sabi ko sa kanya sabay tingin sa mga mata niya.
Alam kong susuko na ito.Ramdam ko pero ayaw niya lang.Nagulat kami ng may mga pulis na dumating.Ingay ng sasakyan nila ang aming naririnig.Tatakas sana si Mr.Garcia ng bumukas ang pintuan at niluwa rito ay ang anak niya na si Clark.
“Mr.Garcia,nandito kami para kunin ka na sa pagnakaw ng property ng mga Alawi,noon,”sabi ng pulis.Tumawa naman siya.
“Naniniwala kayo sa kanya?”tanong ni Mr. Garcia na hawak niya ang tiyan niya.
Best actor,ang galing!!
“Dad,stop it.Please,sumuko ka na.Tama na lahat ng ginawa mong masama.Hindi na nakakatawa.Dad,para to sa iyo,"sabi ni Clark,naiiyak na siya at hinawakan ang dalawang kamay ng papa niya pero kinuha naman kaagad ang kamay ni Mr. Garcia.
“Dad,na bulag ka na sa atensyon na gusto mong makuha sa iba.Dad,paano naman kaming gusto ang atensyon mo?Hindi mo na lang ba iyon mabibigay sa amin?Dad,nagkasala ka na,dad,dahil diyan sa kabaliwan mo.Dad,wake up,please!"Nakayuko na si Mr.Garcia.
Sumenyas si Clark sa pulis at tumango naman ito.Kinuha nila ang dalawang kamay ni Mr.Garcia,patalikod.
“I’m sorry Dad,but you deserves to live in prison,"sabi ni Clark yumuko na siya at alam kong ayaw niya ng makitang umiiyak siya.
“No,Dad mo ako dapat ako kampihan mo,Clark!”sabi ni Mr.Garcia.Galit na galit na siya sa anak niya.
“Tinama lang ni Clark kung ano’ng tamang gawin.Maswerte ka nga na may anak kang ganyan Mr.Garcia,nasasaktan din si Clark,“sabi ko.Gustong lapitan si Clark.
“Bitawan niyo ako!”sigaw ni Mr.Garcia.
Nagulat kami ng may sasakyan na dumating sa harap ng bahay nina Claude.
“Mr.Alawi,ito po.Nandito po ako upang sabihin ang totoo sa inyo.Ako po ay iyong private investigator kaya tungkulin ko po ito.Ayon sa aking natuklasan.Basahin niyo na lang ito,"dabi ng private investigators niya.
Akala ko naman kung ano na,papabasahin lang pala kami.Kinuha ko ito.
“Akin na,"sabi ko at binuksan ito.
Nakasulat lahat ng ebedensya laban kay Mr.Garcia upang makulong na siya ng tuluyan.Nandito lahat ng kalokohan niya noon.
“Tinulungan ko siya,Satrina."Lumingon ako sa boses na yon,si Clark.
Tumulong siya,seryoso?
“Bakit?”tanong ko sa kanya na diretso sa mga mata niya.Nasasaktan siya,alam ko.
“Ako na ang humihingi ng pasensya….sa mga nagawa ng ama ko.Sorry po,Mr.Alawi,“sabi ni Clark at bumaling kay dad."Mrs.Alawi,"at kay mommy na naman siya bumaling.“Satrina,sorry nakita kitang nagdurusa dahil sa dad ko.I’m so sorry,but,look at you now.I’m glad,na ahon mo sila Mr.And Mrs.Alawi.“Ngumiti siya.
Ang gwapo niya pero mas gwapo si Claude.C'mon,Satrina.Moveon na,please.
Nagulat kami ng magsalita si Mr.Garcia,”No Clark,no need to sorry for me."Naguguluhan kaming bumaling sa kanya.Ano’ng ibig niyang sabihin?“Dahil ako nang manghihingi ng sorry sa kanila,"Mr.Garcia said and smiled.
That smile,irritating.
“Please,pakawalan ni’yo muna ako.Promise,hindi ako tatakas,"makaawa niya sa mga pulis.Inutusan ko naman ang mga pulis na tangalin ‘yon.“Salamat."Ngiti niya.“Stephen,I’m so sorry.Nabulag lang ako.Dapat pala hindi na ako humingin ng atensyon sa inyo,bata pa lang kasi tayo,eh.Kaya nagawa kong maghigante at pinahirapan ko pa ang pamilya mo.Habang ako maayos na maayos na ako,pero hindi pa nakontento.Manhid talaga ako,Alawi.Pakiramdam ko kasi inagaw mo na lahat sa akin.Simula kay Romar,ang kompanya at ang taong naging crush ko noon na si Kaylie,pero hindi na mahalaga ‘yon.Dahil crush lang hindi naman mahal at dapat kung babae ang anak ko.Sana sila ni Claude pero Clark siya,eh,lalaki ang anak ko.Alawi,na-iinggit ako sa iyo,lalo ng close masyado si Claude at Satrina noong mga bata pa sila,”sabi ni Mr.Garcia at tumingin sa amin ni Claude.
Magkababata kami?Unbelievable!
Hindi ko alam na ang mga yon.Siya pala ang kalaro ko noon?Yung lalaking payat pa noon.
Gosh!
“Kaya na gawa ko lahat ng ‘yon at ginawa ko kayong kawawa sa mga panahon na ‘yon.I’m so sorry,sana mapatawad ni’yo ako.Alam kong matagal pa,but I’m looking forward for that.“Pinatayo ni dad si Mr.Garcia sa pagluhod.
“Okay lang,Butler.Hindi kita masisi na gano’n ang tingin mo sa akin,na inagaw ko na lahat,”sabi ni dad at niyakap nila ang isa't isa.
Kung hindi lang ganito ang scene.Akalain ko na bakla sila.Nagulat ako ng hinawakan ako ni Mr.Garcia sa kamay.
“Satrina,thank you,dahil lumaban ka..for your dad and mom.Ang swerte nila dahil pinanganak ka.Alam mo ba na dapat wala silang anak ngayon,pero miracle ka,Satrina.Dumating ka lang bigla sa kanila.Hopeless masyado ang mom and dad mo noon at ikaw nagdala ng swerte sa kanila.Hija,I’m so sorry,nadamay ka,saksi ako sa paghihirap mo noon."
Naiiyak tuloy ako.Bakit ba ang hilig nilang manakit?
“Sige na at ikulong ni’yo na ako deserve ko to,after all,”sabi ni Mr.Garcia at kusa niyang pinasok ang kamay niya sa pusas.Weird.“Sorry sa disturbo.Enjoy your scene,continue ni’yo,ha,’yon maganda.Masyado pang teleserye.”Natawa naman kami sa inaasal niya.
“Loko ka,Dad.Dali na…ready ka na bang magdusa sa ginawa mo?”tanong ni Clark.Tumango naman ito.“Sige po,ihahatid ko na po siya.Sorry po sa pagpunta niya sa usapan ni’yo.“Tawa ni Clark at umiling-iling.Mag-ama nga naman.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong police car.Tumingin si Mr.Garcia sa akin at kumaway-kaway,mukhang masaya siyang magdusa,ah.Umiling nalang ako sa inasal niya.Parang bata,pero masaya na siya at masaya na akong na realized niya ang mali niya noon.Hindi naging mahirap ang padurusa namin ng dahil sa kanya.Pero kung hindi dahil sa kanya,hindi ako matapang at bumangon para sa magulang ko.Everything has a reason.At kailangan lang nating tanggapin ang salitang ‘yan.Magaan na ang loob ko ngayon dahil sa wakas mukhang makikita ko na ang saya sa mata ni Clark,na nagsisi nang ama niya sa lahat.Kaya naman bumalik na ako sa loob.Naabutan ko na nagyayakapan sina dad at daddy ni Claude.
“I’m so sorry,Romar.Akala ko kasi na ikaw ang nasa likod ng paghihirap namin.’Yan tuloy na pagkamalan kitang ikaw nag traydor sa akin.Loko kasi si Butler,e,hindi pa kami binigyan ng one Million at contact niya pala lahat ng taga city.”Natawa si dad sa ginawa niya.“But,I’m so sorry Romar,ha,nasira tuloy friendship natin."
“Okay lang ‘yon,kung hindi dahil kay Butler malamang.Hindi challenge ang buhay natin ngayon pero okay na.So,paano wag na tayong mag-MMK.Ayaw kong umiiyak nakakabading.Opss!Tamaan si Claude,“tawang sabi ni Mr.Soriano.
Ano’ng ibig niyang sabihin?
Naninikit naman ang mga mata ni Claude sa ama.“Shut up,dad!"sabi ni Claude at umakyat na.
“Pikon talaga,kahit kalian,"iling na sabi ni Mr.Soriano.
“Hep!Mana sa’yo ‘yan Romar,pikon,"sabi ni Ma’am Clarice.
“Mag-bonding muna tayo,“sabi ni Mr.Soriano.
“Saan naman?”
“Syempre sa swimming pool area naming.Miss ko roon."
Nagtawanan sila at tinahak nang swimming pool area.Naiiwan naman ako sa living area.
So,saan ako lulugar?
“Sige,Kaylie?Luto na rin tayo,dating gawin,"sabi ni Mrs.Soriano at hinila si mom sa kusina.
“Sige!Miss ko yan,sissy."
Ughh!Parang mga bata sila.
Sumandig naman ako sa upuan.Ramdam ko ang pagod.Mukhang babalik na lang ako sa office ko.Tumayo na ako at inaayos ang sarili ko.Hindi na ako belong dito kailangan kong magtrabaho.Humakbang na ako sa main door nila.Nang maramdaman kong may humila sa pulsuhan ko.
“M-Mylne?!”gulat kong sabi.“Ikaw lang pala ‘yan.Nakakagulat kang babae ka,alam mo ba ‘yon?"ako sabay hawak sa dibdib ko.Niyakap niya ako.
"Girl,hindi mo ba ako na miss?”puot na sabi ni Mylne.
Ayan na naman po siya magaling po siya riyan sa puot na yan at makokonsensya na naman ako riyan.
“Miss,syempre,"sabi ko at niyakap din siya.“Sino ba’ng hindi?Ang tagal mo kayang bumalik."
“Kasi naman Girl.Maraming kailangan gawin doon at alam mo ako ang pamamahala sa kompanya.Like you,pero ang pagkakaiba lang natin ikaw nagsikap upang mabalik sa dati ang company ni’yo ‘no at ang akin,sina mommy at daddy ang nagsikap,”aniya at hinila ako patungo sa garden nina Claude.
“Grabe,Sis,’no?Ang intense ng nangyari kanina para akong nanood ng movie,tapos,ikaw ang bida.”Tawa niya pa.”Hindi ko alam na kababata pala kayo ni Claude,ha.”
Ako rin naman.
“Hindi ko rin alam.Kung siya ‘yong lalaking payat noon,Mylne,’n,."sambit ko sa kanya.Kinuha niya naman ang cellphone niya.
“Satrina,picturan mo ako,please,“pakiusap ni Mylne at ginawa ko naman.
Panay posing ang babae.Natawa na lang ako sa ginagawa niya para siyang tourista sa ginagawa niya.
“Ayan na po,Ma’am,”sabi ko sa kanya.Inabot ko naman ang cellphone niya sa kanya.
“Ang hassel kaya magpatakbo ng kompanya,Satrina."Palakadlakad lang kami sa garden nila Claude,habang ang kamay ko ay nasa likod.“Maraming gagawin.Gano’n,ganyan.Takbo ka roon at takbo rito,pero paano mo naha-handle?Blooming ka pa rin,eh.May bago na ba?Chika naman,Girl,”pag-usisa ni Mylne.Tinusok-tusok pa ang tagiran ko.
Umiling na lang ako.“Loko!”
Nagulat ako ng huminto nang lakad si Mylne.Tiningnan ko naman siya.Nakawang ang bibig niya at nilagay niya ang kamay niya sa bibig niya.
Ano’ng ginagawa ng babaeng ‘to?
“Hoy,ano ba ‘yang ginagawa mo?”tanong ko sa kanya,na estatwa kasi,eh.
“S-so,si Claude pa rin ba?Five years nang nakalipas,si Claude par in ba?”
Tsimosa na nga ang babaeng ito.
“Hindi ko rin alam,kung ano’ng sagot diyan,sa mga tanong mo na ‘yan,"sabi ko,pabulong.
Umayos na siya nang tindig.
“Sa ganda mong ‘yan,wala ka pa bang naging boyfriend?”usisa niya pa.Umiling ako.
“ Trabaho muna,Mylne.Ayaw ko nang masaktan na naman,”sabi ko habang nakayuko.Tiningnan ko bawat hakbang na tinatahak namin.
“Sabagay.”Tumahimik kami ng ilang minuto.
“Claude,pikon,”boses ni Phoenix.
Naririnig ko ang mga tukso nila sa binata.Tiningnan ko naman kung saan galing ito at sa balcony ng kwarto.
“Kaninong kwarto ‘yan?"tanong ko kay Mylne na pabulong.
Binulongan naman niya ako.“Kay Claude,Girl.Bakit curious ka?”
“Sira!”sabi ko sa kanya at tumingin na kay Mylne.Ayaw ko ng makinig pa.
“Ouy,si Satrina!”sigaw na sabi ni Fill.”Hi,Satrina.Claude is here!"Ssgaw niya pa mula sa balcony.
Nagulat ako ng may humila sa kanya papasok pero hindi ko na alam kung sino ‘to.Yumuko na lang ako.Mga sira talaga ang mga ‘yon.Ano raw?Bahala sila sa buhay nila.Patuloy kami sa pag-chikahan ni Mylne.Random topic lang naman.Hanggang napadpad kami sa swimming pool.Wala na sila dad ng dumating kami.
“Satrina riyan ka lang.Babalik ako.”
Tumango naman ako bilang sagot.Nagulat nalang ako ng may tinig akong narinig.
“Satrina?”Unti-unti akong tumingin.
Jusko!Totoo nga.
Hindi ko alam kung saan patungo,dahil hindi ko kabisado ang pasakot-sikot sa dinalaw ko,na bahay ng kaibigan ni daddy.
“Saan ba ako patungo?Ayaw ko naman doon sa loob dahil bored ako."
Nakasuot ako ng floral na dress.Mahilig ako rito.Puot na naglalakad,hindi ko talaga alam kung saan patungo.Hanggang sa mahagip ko ang swimming pool.Agad naman akong pumunta roon.Tumakbo na masaya ang mukha,na parang ngayon lang nakakita ng swimming pool sa tanang buhay.Na-slide ang paa ko at ilang hakbang na lang ay mahuhulog na ako.Wala pa naman akong dala na damit.Nagulat ako ng may kamay na umalalay upang hindi ako mahulog sa swimming pool.Humarap ako nito,nang masiguro ko na malayo na sa swimming pool.
“Sino ka?”tanong ko sa batang na kasing edad ko na lalaki.
“Tsk!Wag mo ng alamin,”aniya.
Naglakad na ito patungo sa garden nila.Sinundan ko naman ito.
“Bakit naman?Sige ka,payat tawag ko sa iyo,"pagtatakot ko rito.
Hindi nakinig ang lalaki.Nanatili lang siyang lumalakad palayo sa akin.
Ganyan ba siya ka ayaw sa akin?
“Sa susunod,wag kang lalapit oon,parang alam mong mag-swimming,ah.Hindi naman halata sa iyo.Alam kong malulunod ka lang,“sabi ng batang lalaki.Hindi ito bumabaling ng tingin sa akin.
Aba!
“Bakit naman,Payat?”
“Tsk!Pwede ba?Hindi ako payat,"asik ng bata sa akin.
Hindi raw,na halos hindi pinapakain sa itsura.
“Teo at Bea,pasok na kayo meron ng spaghetti,“sabi ng mommy ng bata.Tumango naman ako.
Pagkain,my favorite!
“Teo,pala,ha,”tukso ko kay Teo.
“Bea,naman pala pangalan mo.“
Sabay kaming tumakbo patungo sa loob.Favorite niya rin siguro ang spaghetti.Pakipot pa!
“So,magkakilala na pala kayo?”sabi ni mommy at bumaling ito kay tita.
“Boto ako sa kanila.Sana,sila na lang paglaki,”Tita said.
Halos masamid ako sa narinig.Bata pa kaya kami.
“Oo nga,Sissy.Para kumare na tayo,soon,”sabi ni mommy.Nagtawanan ang mga matatanda.
Araw-araw palaging nando’n kami kina Teo dahil magkaibigan ang mga magulang namin.Kaya wala akong magagawa.Hangad ko ang kaligyahan nina mommy.Kitang-kita mo sa kanya ang saya kapag nandito siya.
Isang araw pumunta kami kina Teo.Naglalaro ito ng PSP at gusto kong sumali.
“Pwede maki-join?”tanong ko kay Teo na nakahiga sa sofa.
Hindi ako pinansin kaya naman kinuha ko ito at nilaro-laro.
“Bea,ano ba?!Naglalaro ako,“galit na sabi ni Teo sa akin.
Napapuot naman ako.“Alam ko,kaya nga,gusto ko maki-join,"sabi ko at may kinuha si Teo sa taas at pagbalik niya may dala na siyang dalawang controller.
“Ayan,ara join tayo,”boses ni Teo.Mabilis ko itong kinuha at naglaro na kami.
Simula no’n,naging close na kami.Nagaganahan ako na pumunta kina Teo.Ang saya-saya namin.Habang naglalaro nang taguan at natutuwa na lang ang mga magulang naming,dahil close na masyado kami.
“Ikaw taya,Teo,"sabi ko at tumakbo siya palayo sa binata.
“Ang daya mo naman,Bea.Nandito lang ako,eh.Siguro hindi mo tinakpan talaga ang mata mo,kaya nakita mo agad ako,kung saan ako nagtatago,”puot na sabi ni Teo.Napatawa naman ako.
“Hoy,hindi,ha.Baka ikaw ang madaya,Teo,”sabi ko at tumakbo na lang si Teo at nagbilang sa pader,hahanapin niya pa ako.Agad din akong nagtago .
Minsan ay sabay kaming natutulog sa isang kwarto Nagpagawa sina daddy at tito para sa aming dalawa ng kwarto,sariling playroom namin.Sa araw-araw naming pagsasama ay parang comfortable na kami sa isa’t isa.Masaya kami lagi pag-nakakasama ang isa’t isa at ramdam ‘yon ng mga ina at ama namin.
“Good night,Teo,”sabi ko kay Teo na nasa kabilang kama.Nightstand lang pagitan naming dalawa.
“Good night,“tipid na sabi ni Teo at sa araw-araw na magkasama kami ay nahuhulog na ako sa kanya.
Mahal ko siya hindi bilang kapatid.Alam namin na bata pa para sa gano’n.Crush-crush muna.Dumaan ang araw at nasanay na kami na magkatabi.Sabay kain.Sabay laro.Sabay sa lahat,noong bata pa ngunit dumating ang araw na hindi na ako bumibista sa kanila.Nagising ako na wala ng Teo na kinukulit ko. Mabilis bumaliktad ang araw.Dati masaya pa ako.Nakikita ko siya pero ngayon.Hindi na.Kaya naman sa curiosity ako ay nagtanong na ako sa ina ko.Ang tanging na unawaan ko ay bumagsak na ang kompanya. Nakita ko si daddy na umaway kina tito.
“Mommy,’asan na sila Teo?”tanong ko sa aking ina.Hindi sumagot kaagad ang mama ko.Ngumiti ito nang mapait.”Damay rin ba kami sa away ni’yo?Mukha namang inosente si tito?“
Panay explain ni mommy sa akin.Hindi ako makapaniwala.Hindi naman dapat damay kami ni Teo sa lahat.
“’Nak,trinaydor nila tayo.”
So,totoo nga?
Simula no’n lahat ng masayang alaala namin ni Teo ay binaon ko na sa limot.Tumakbo ako palayo,patungo sa park.Tingin nang tingin ang mga tao sa akin.Siguro ang bata ko pa at akala nila naliligaw ako.Gusto kong hanapin ang daan patungo kina Teo.Kahit sa huling sandali.Hindi naman siguro siya damay?Naiipit lang kami.Nangako siya na sabay kami na mag-highschool.Naluluha na ako.Nakita ko na si Teo mula sa malayo.Umiiyak siya.Gusto ko siyang tawagin pero may lumapit na batang babae sa kanya?Kinalimutan niya na ako?Ang bilis naman.
Masaya sila habang sinunsundan ng yaya niya.Panay takbo sila.Nanatili lang ako sa puno.Hinawi ko ang luhang namumuo sa aking mata.Kasabay ng paglisan ko.
Ibabaon na kita sa limot Teo!Sana,hindi na kita maalala.Sana,pag nagkita tayong muli hindi ka na sasagi sa isip ko.
Nagulat ako sa nag-salita at alam ko na si Claude ‘yon. Siya nga ba si Teo?
Nawala na sa isip ko ang kababata ko,ah.
“Yes?”taas kilay kong tanong at nakatayo na ako.
Kinakabahan ako dahil halos five years kaming walang batian sa isa’t isa.Matagal tagal na kaming hindi nagkikita at nagkakausap at hindi ko alam bakit ganito na naman ang puso ko.Tumitibok parin kay Claude.
“Kababata raw kita?”Parang hindi makapaniwala si Claude na ako ang kababata niya.“Sino ka nga ba talaga,Satrina?Wala akong alam tungkol sa’yo,masyado,at malabong ikaw si Bea.“
Tinutusok naman ako sa salita niya.
“I’m Satrina Bea Alawi.Anak ni Kaylie Alawi at Stephen Alawi,”sabi ko lumahad ako ng kamay na parang hindi kami magkakilala noon at ngayon lang.Nakaawang ang bibig niya.
“So,ikaw nga si Bea?”
Tsk!Upakan kaya kita ngayon.
“Bea,tawag nila sa akin noon,”sabi ko at bumaling na sa swimming pool.”Ikaw,sino ka ba Claude?”
“Claude Teo Soriano,”malamig na sabi niya.
Katulad ko na nag lahad ng kamay kanina at hindi tinangap.Siya naman wala.
Aba,sino ba nagloko sa akin noon five years ago?Aber!
"Teo,lang tawag ng mo------" Hindi na natapos pa ni Claude ang sasabihin niya pa ng inunahan ko.
“Nang mommy mo.’Yan palaging tinatawag niya sa iyo noon,’di ba?Sabay pa nga tayo sa lahat ng bagay noon,pero nagbago ‘yon ng traydorin kami ng papa ni Clark.Ex nang ex mo,ang labo,’di ba?”sabi ko at ginagaw-galaw ko ang aking paa sa swimming pool,kasi naman adik ako sa tubig.
“So,ikaw nga si Bea?”tanong ni Claude at ramdam ko na nakatingin siya sa akin.Tumango ako.
Pabalik-balik,ha.Uupakan ko na lang kaya ‘to.
“Kababata pala tayo.Hindi ko alam na ang nanloko sa akin noon ay kababata ko pala,"natawa ako ng peke sa sinabi ko.Tumingin ako sa kanya at nag iwas siya nang tingin.“Ang liit ng mundo,ano?Pinaglaruan pala tayo ng tadhana .“
“Look,Satrina.Sorry sa nagawa ko hindi ko sinasadya,"paghihingi niya ng pasensya.
Tumingin ako sa mga mata niya.Binabasa kung totoo nga ba ang sorry niya.
“Sorry lang,Claude?Kung ikaw kaya ang nasa posisyon ko noon!”sigaw ko sa kanya at tumayo na ako.
Wala namang kwenta kung ipapatuloy ko pa.Ako lang rin ang magdudusa sa huli at siya ay masaya habang nakikita akong ganito.Hindi siya si Teo na nakita ko noon.Palagi ‘yong masaya,pero itong Claude Teo na nasa harapan ko kanina.Hindi na siya katulad noon.Nagbago na siya.
Kaya malaki ang hakbang ko papunta sa bahay nila.Ayaw ko na siyang makita pa.Ayaw na ayaw ko na masaktan pa.Bakit pa hindi ko siya magawang limutin?
Naramdaman ko na may isang butil na luhang nakatakas sa mata ko.Agad ko namang pinunasan.Ayaw ko na may makakita sa akin na nasasaktan na naman ulit.Tama na,tama na ‘yon.’Yong araw na umalis ako kay Teo at nalugi raw kami.Mamiss ko siya bumalik ang buhay ko na boring noon,pero bumalik naman ang masayahin kong tao ng nagtrabaho ako para kina mama,para hindi na sila magdusa pa.
Naririnig ko si mama na umiiyak dahil hindi siya sanay sa mga gawain na ‘yon.Si papa naman,palaging palpak noon.Palagi ko nalang nakikita na niyayakap niya si mom noon.Kaya naman ng ma-realized ko na pang-mayaman lang ang dad at mom,ay mama at papa ang tinatawag ko sa kanila.
Hanggang sa nakasanayan n alang namin na mabuhay ng simple.Sabi ko sa sarili ko noon tatawagin ko lang sila ng daddy at mommy kung mayaman na ulit kami at naahon ko na sila sa hirap.Wala akong gaanong kaibigan non.Palagi akong binu-bully dahil ang hirap daw namin at scholarship lang daw kami umaasa.Iyak ako nang iyak noon pero pinatatag ko ang puso ko.Kaya wala akong kaibigan.I don’t want to judge me,easily.Ang sakit kase,e.Hindi nila alam ang totoong storya pero huhusgahan ka kaagad.
Ayaw kong may kaibigan dahil gusto ko focus lang ako.Malaki na ako ng malugi raw kami pero kung hindi dahil kay Tito Butler siguro.Kami na ni Claude.Crush ko siya noon,eh.Hanggang sa nalimutan ko siya nang tuluyan,dahil aanhin ko siya kung malayo naman siya sa akin.Sabi ni dad sa akin na kailangan ko nalang I-sanay ang sarili ko na wala na sa bahay ng mga Soriano.At ng makita ko siyang umiiyak noon dahil kay Hanzel,ang sakit.Alam kong may parte sa puso ko na nakalaan kay Claude.Siguro mahal ko na siya no’n palang.Noong mga bata pa kami,na parang mga tanga away at bati.Natawa nalang ako sa mga naalala ko.
Kung hindi sana kami nalugi.Siguro hindi niya nakilala si Hanzel.Siguro ako ang mahal niya noon pala.Sana wala nang naloko na puso.Maraming sana sa isip ko pero hanggang doon na lang.Nangyari na,e.Bigo na ako,nagdurugo nang puso ko at alam kong may mahal na siyang iba.Hindi man lang ako. Nakikita niya lang ako sa Hanzel niya,pero balita ko naka pagtapos na si Hanzel bilang doctor.Asenso na ito sa abroad at mabuti nang love life.Eh,ako?Sawi pa rin.Ang tanga ko noon,nagpakatanga ako.B-in-usy ko ang sarili ko sa trabaho.Dapat ngayon focus lang ako.Hanggang matagpuan ko nang taong mamahalin ako hanggang dulo.
Makaka-move on din ako sa’yo Claude.Titingin ako sa mga mata mo na wala na akong nararamdaman pa sa iyo.Titingin sa mga mata mo na masaya na ako sa nangyari.Sana wag mo ng guguluhin ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Select among the Choices
RomanceStatus:Completed Genre:Teen fiction and Romance. Posted:May 10,2021-May 31,2021 Synopsis: Satrina Alawi is a simple girl and has a simple dream:gusto lang niya ay maahon muli sa hirap ang kanyang ina at ama.Palagi siyang nasasaktan kapag nakikita ni...
