Chapter 8

7 4 0
                                    

Chapter 8


“Hi Satrina.Kumusta?”

“I’m okay here.Yes I’m okay,”sambit ko.

“Mayroon ka na bang jowa riyan?”usisa ng babaeng ito.

“Wala---”

“God!Wala pa ba?Limang taon na ang nakalipas ah.Jusko,don’t tell me…..”

“Ahm,Mylne may gagawin pa pala ako.Next time na.See you soon.Miss you.”

“Ouy!Teka,wait---”

I closed my laptop.I managed to leaned on to my swivel chair.I massaged my forehead.Ilang pang call ang narinig ko sa cellphone ko,but I don’t mind.Pretending that I am really busy that I have no time for a call.

Five years na ang nangyari parang panaginip sa akin buhay.Natangap ako sa trabaho no’n at patuloy na tumutulong sa mga tao sa lansangan.Hanggang sa dumating ang punto na naahon ko na ang sarili ko at ang pamilya ko sa hirap.Masaya kami at nakabili kami ng bahay sa isang village malaki ito at mala-mansion.Nakapatayo kami ng kompanya namin na Alawi INC at maraming negosyo ang binuksan namin.Sa loob ng tatlong taon na pagtra-trabaho ko noon at na promoted ako kaagad.Maraming na inggit sa akin dahil mataas ang sahod ko.Kailangan ako ng kompanya roon dahil magaling ako pagdating sa business.Kaya naman ng maka-ipon ay nag negosyo kami sa maliit hanggang sa lumago.Nagpatayo ako ng charity at nagdonate sa DSWD.Para sa mga merong pang-gastos at pangbuhay sa mga bata.

Masasabi ko na sa lugar namin ay wala ng batang nasa kalsada,dahil nasa mabuti na silang tahanan.Ganon pa rin ako palaging tumitingin sa pinangalingan ko.Palagi akong napapasalamat sa Panginoon dahil binigay niya kami ng ganito.Kaya naman bilang pangako sa sarili,tutulong ako sa mga mahihirap hanggang kaya ko.Kaya kong tustusan sila.

Sina Mylne ay hindi pa nakakauwi sa Pilipinas.Palagi kaming nagvi-video call pero nang mag-focus siya sa trabaho niya o kompanya niya ay wala na siyang time pa para sa akin,nagkataon lang kanina na may oras siya pero iba na naman ang binuksan na paksa.Minsan na lang at meron na itong nobyo.Si Phoenix at Fill ay doon na raw titira for good.Ewan ko roon sa kanila.Si Claude naman.Wala na akong balita sa kanya.Limang taon na ang nakalipas at hindi ko pa siya nakita sa airport.Huling kita namin ay ‘yon dinaanan ko lang siya at hindi pinansin.

Nakaupo ako ngayon sa sofa ng opisina ko.Pinikit ko ang mga mata ko.Habang naka-hawak ng champagne.Na stress ako ngayong araw,dahil maraming kailangan gawin pagdating sa business.

"Come in."

Alam kong ang secretary ko lang naman ang pwedeng pumasok dito araw-araw.Sina mama nagbabakasyon sila ngayon.Pinabayaan ko lang sila dahil deserve nilang sumaya.Palagi kaming nag-out of town nina mama,ngunit minsan ‘di ako nakakasama sa kanila dahil may gagawin pa ako rito.Kaya sila muna ngayon.

"Ma’am,’andito na po ang mga investor,"my secretary said.

I opened my eyes and get ready.Kaya naman confident akong pumasok sa board meeting.

"Shall we start?"tanong ko at nag-umpisa na silang mag-discuss about sa ilang pera ang papasok sa kompanya namin.

Kaya naman ng matapos ang usapan ay dismissal na.Para lang school ‘no.Tiningnan ko ang orasan ko at eleven in the morning na.Busy lahat ng empleyado ko.

"Mamaya na ‘yan,Guys.Lunch break muna,"sabi ko sa kanila at ngumiti naman sila.

May iba nagbaon na at iba ay lalabas na.Ang guard namin ay swap-swap ng kain para meron paring magbantay pero nasa tamang oras naman sila nakakain.

"Ikaw rin,"sabi ko sa secretary ko at pumasok sa office ko.

Hiniga ko muna ang aking katawan sa sofa.Ang sakit ng katawan ko.Kaya naman.Ilang minuto ang nakalipas at kailangan ko nang bumangon upang kumain.Nakasuot ako ngayon ng mini skirt na red at long sleeves na black.Block heels red and hand bag na LV.

Lumabas na ako ng office ko at nadadaanan ko ang mga empleyado ko na nagtatawanan.Nanahimik sila ng maramdaman nila ang presensya ko.Ngumiti naman ako sa kanila.Pinindot ko ang elevator at press the down button.Nang makarating ako sa parking lot at sumakay ako sa sasakyan ko.No need ng driver.I can handle myself.At pinaharurot ang sasakyan palayo sa kompanya namin.

Nakarating ako sa Lavanda Restaurant.Pinark ko ang aking sasakyan saa harap ng restaurant.Trip ko lang na rito mas malapit sa kompanya namin.Wala namang nakakilala sa tulad ko.Gano’n pa rin ako.Satrina,na naranasan ang hirap at umahon dahil sa ama at ina.Kailangan nila ako.

"Good morning,Ma’am,"bati ng mga empleyado ng restaurant nito.Ngumuti naman ako.

"Good morning,too.Table for one only,”sabi ko at tumango naman sila.

G-in-uide ako kung saan ako upo.Nang makaupo ako ay binigyan niya ako ng menu.I gave my order.Ilang minuto pa ang nakalipas bago na complete ang order ko kaya naman pray at diretso kain.Bakit?Sa ang takaw ko naman talaga.Kung nandito pa si Mylne,siguro libre ko na lahat at mabayaran ko nang utang ko sa kanya noon.Busy na kasi ‘yon sa buhay niya ngayon at hindi na raw siya single.Nag-tanong ako sino ang nagpapatibok ng puso niya sabi niya pa secret muna raw.Loko talagang babaeng ‘yon,dahil bored ako.Kinuha ko ang Samsung ko na cellphone at airpods na color pink at nilagay ko sa tenga ko.

Sinandok ko ang Chicken Asparagus Roll Ups.Ang sarap naman lahat ng pagkain nila rito.Na miss ko tuloy sina mama at papa.In three days,babalik na raw sila at bukas daw ang balik nila.Ang hirap maging alone pero kere naman.Binibisita ko parin ang mga na raket ko noon.Minsan nga pumupunta ako sa kanila at magtrabaho dahil na miss ko maging gano’n.Tinulungan ko naman silang may capital sa negosyo nila.

Tapos na ako at busog na.Kaya naman ang sobra ay pinabalot ko at binigay ko sa mga taong mas kailangan nito.Pagkatapos kong bigyan ang mga guard at mga nagtitinda sa daan ay tinahak ko na ang daan patungo sa opisina ko.

Kakatapos ko lang sa gawain dito sa opisina.Gabi na at kailangan ko ng umuwi.Bukas na naman ko ito ipagpapatuloy.

“Uwi na kayo Guys,gabi na,“sabi ko sa mga empleyado ko na nandoon pa rin

“Okay lang,Ma’am.Ilang minuto na lang po tapos na ako nito,”sabi ng isang empleyado ko na babae.

“May bukas pa naman,”sabi ko at ngumiti.”Sige,pagtapos ka na.Uwi na,ha.”At lumakad  na palayo sa kanila.

As always,bumaba na ako at sumakay sa sasakyan ko.Medyo traffic kaya matagal bago ako nakarating  sa bahay namin.Automatic  ng gate namin.Ilang minuto mo pa mararating ang bahay namin.Bubungad  sa iyo ay mga tanim.May Garage din kami na good for ten cars.Marami kaming sasakyan pero itong Audi ang gusto ko lang gamitin.

Nang mapark ko ang sasakyan ko ay pumasok ako sa bahay namin.Sobrang laki nito.Bubungad sa iyo ang hagdan na paikot,color white and black.Sa left side ay living room na.Ang mga sofa ay color white,isang sala set na pang-chill.May mini bar kami sa katabi ng living room at straight no’n ay maids quarter.Tinuring ko naman na parang pamilya ang mga nandito sa bahay.May guard kami na nasa labas.May mini bahay naman sila roon na malapit sa gate at pwede silang gumamit ng swimming pool.Ang walls namin o kaya interior walls ay white and yellowish.Trip ko lang,ang walls ay maraming pictures namin.Meron laundry room dining room na nasa harap ng pang-chill namin na sala set.Kitchen ay katabi ng dining room.Nasa likod ang swimming pool namin.Nakapalibot ito ng mga halaman.Design lang  talaga.May mini cottage.Mga iba pang gamit banda sa swimming pool.May party area kami dahil malaki ang space ng lupang tinatayuan ng  bahay namin.

“Hello,Ma’am!Good evening,dinner is ready,"sabi ng mayordoma namin.

“Sige po,maghanda po kayo ng mga plato ni’yo.Sabay-sabay tayong kakain.“Ngumiti naman sila.“Sa taas muna ako.Magbibihis muna ako,”paalam ko sa kanila at  pumunta na sa taas.

Maraming guest room ang nasa taas.Kina mama ay malaki ang kwarto.Meron din silang walk in closet. Nasa left side ang kwarto nina mama at akin nasa right side.Malaki ang kwarto ko.Color gray,akala mo hindi babae pero may pagka-pinkish naman.So,girly pa rin tingnan.Meron kaming balcony sa swimming pool at sa harapan talaga.

Pumasok na ako sa kwarto ko.Ang lamig pa nito ah at ang linis.Pinagkakatiwalaan ko naman ang mga tao rito.Pagbungad mo ay nasa right side nito ay ang walk in closet ko at ang cr.May mini sala ako at balcony.Kama ko na ang lambot at may nakaharap na TV.Nilapag ko sa night stand ko ang bag ko at pumunta sa walk in closet ko.Namili ako ng pang tulog na damit.Iba nag section na binigay ni Mylne at iba ang binili ko para sa sarili ko.May section ng shoes,sandals,bags,blouse coats,pang office na attire,at iba pa.

Nang makakuha ako ng masusuot na color pink ay pumunta ako sa cr.Maliligo muna ako.Napakalinis ng  CR ko.Dadaan ka muna sa walk in closet bago ka mapadpad sa CR ko.Meron naman akong bathtub.Mga pabango na nakadisplay  sa sink banda at shower rin.Kaya naman naligo na ako at nagbihis na.Bumaba na ako at nakalapag na lahat ng pagkain sa mesa.

“Kain na po tayo,"sabi ko at nagsimula na kaming kumain,pray muna syempre.

After,tumulong akong maghugas pero ayaw nila.Wala nalang akong magawa kundi pumunta sa kwarto ko.

Kimaumagahan maaga akong nagising dahil may plano ako.Imbes na pumunta sa opisina ko ay tinahak ko ang Soriano na company.Pumunta dahil sa may atraso sa amin.

"Good morning,Ma’am.Any appointment?”tanong ng babae sa akin sa may front desk ng company nila.

“Wala akong appointment,but I need to talk to Romar Soriano.”

“Sorry Ma’am,pero kailangan muna magpa-appointment bago ka makapag-usap sa kanila,"sagot niya nakayuko ito dahil may tinawagan.

“You can call him.Look,it's urgent and I think,I don’t need any appointment in order to see him.”Malumay kong pinatong ang kamay ko sa desk nila.

“I’m so sorry,Ma’am.“

Ayaw ko namang magpakilala dahil ayaw kong gamitin ang pangalan ko.

“Okay,thanks.“Ngiti ko.

Alam ko naman na hindi ako papasukin.Nakita ko na may mga investors.Kaya naman nakisabay ako sa kanila.Nakashades ako ngayon para hindi ako mahalata.Nakarating kami sa tamang palapag.Mabilis kong nakita ko ang opisina niya kaya naman,without permission of the secretary.I opened his office widely.

“Ma’am,hindi ka pwede rito,”sita ng secretary nila.Tinangal ko ang shades ko.

“It's okay,kilala ko naman siya."

Ngumiti naman ako ng ma-sink in ko na nakilala ko na siya.Sino ba na mag-aakala na ang dating nagloko sa inyo ay nakaharap ko sa iisang lamesa noon.

His secretary nodded.Mister Romar followed the footsteps of his secretary.After the door shut down,he glaced at me with wide smile.Nakakairitang ngiti.

“So,what do you want,Hija?”tanong ng matandang lalaki sa akin.

“First of all,may I introduce myself.Alam ko namang hindi masyadong na pakilala ako ni Claude,ang anak niyo po.”Lumapit ako sa kanya na nakaupo.“I am Satrina Bea Alawi,daughter of Kaylie and Stephen Alawi.”Lahad ko ng kamay.Nakaawang ang bibig niya.

“A-Anak ka niya?!”gulat na tanong ng matandang Soriano.Tumango ako.

“Nice to meet you po,Mr.Soriano,”sabi ko at ngumiti.

Kagigising lang ni daddy ng may taong dumating.Agad naman siyang bumaba dahil sinabi ng aming   maid.Pagbaba niya ay nakita niya si Tito Butler at may kasama itong mga taga banko.

“Magandang umaga,Mr.Alawi,”bati ng mga taga banko.

“Magandang umaga rin.May kailangan kayo?”tanong ni daddy.Ngumiti naman siya.”Have a seat,”offer niya ng upuan sa mini sala.”So,ano’ng paguusapan natin?”Ngiti ni daddy sa mga ito.

“Go on and tell him,“sabi ni Tito Butler.

Tumikhim naman ang matanda.Nanatili lang akong nakatago.Pinagmamasdan sila.

“Mr.Alawi,nandito kami upang ipaalam sa inyo na nalugi na kayo.May tao sa likod ng mga ito.“At may inabot na letter sa kanya.“’Yan ang magpapatunay na nalugi na kayo at ang bahay ni’yo ay kukunin na namin next week.So,pack your things,”sabi ng matandang babae.

Hindi makapaniwala si daddy.Okay pa naman daw ang kabilang company namin last week pero hindi ko alam kung bakit nagkakaganito.

“P-paano nangyari ito at sino ang nasa likod nito?”naluluhang sabi ni daddy.Gusto ko siyang lapitan.“B-Baka may paraan pa,“pakiusap niya na nakaluhod na ngayon.“Ayaw kong lumaki sa hirap ang nag-iisa kong anak.“

“We’re sorry,Mr.Alawi,pero hindi natin mapipigilan ang tadhana.Sige na po at mauna na kami,“aniya sabay tayo ng matandang babae.Sinundan ng tingin ni daddy ang mga ito.

Nagulat ako ng dumapo sa pisngi ko sa kamay ng matandang babae at nakasunod ang alalay niya.

“Ikaw ba ang anak ni Mr.Alawi?”tanong ng matandang babae.Tumango naman ako.

“O-Opo,a-ako n-nga p-po,"naluluhang sabi ko.

“I-ahon mo sa hirap ang Alawi Company.Alam kong kaya mo ito sa kinabukasan,“pabulong na sabi ng matandang babae.Kinabahan naman ako.“Hihintayin kitang lumago,Bata.Alam kong kayang-kaya mo."Ngiti nito at umalis na.

Tumakbo naman ako kaagad kay daddy.

“Daddy!Narinig ko po lahat,”sabi ko at niyakap ang ama.

“Anak,doon ka muna sa mommy mo,ha.Kaylie,please,"sabi ni daddy at pinatakbo ako papunta kay mommy.

“Mr.Garcia,ba't nandito pa kayo?”

“Narito ako upang sabihin sa’yo na alam kung sino ang nasa likod ng mga nangyari sa iyo.”Nagulat namang lumingon si daddy.

“Alam mo at sino?!”Ssgaw ni daddy at nakatayo na ito. 

“Si Romar Soriano,ang nagtraydor sa iyo,Stpehen.”

Agad namang umalis si daddy.Sinundan ko si daddy.Gusto akong pigilan ni mommy pero nagpumilit ako.

“Mr.Alawi!”tawag ni Tito Butler kay daddy.Lumingon naman ito.Lumapit sa kanya.

“Mag-iingat ka.”Ngiti nito at ngumiti rin si daddy.

“Kailangan kong puntahan siya,”bulong ni daddy.

Agad akong sumakay sa likod ni daddy ng hindi niya alam.Pinaharurot ni daddy ang sasakyan patungo sa kompanya ng Soriano.

“I need to talk to Romar Soriano!”sabi ni daddy  sa secretary  nito.

“Pasok daw kayo,Sir.“

Agad siyang pumasok.Sumunod ako dahil maliit pa ako ay hindi ako namalayan ng secretary.Bleh!

“Hey,Mr.Alawi!”magiliw na bati ni Tito Romar.

Hindi niya na binati ito at mabilis na kwenelyohan ang lalaki.

“Bakit mo ginawa sa amin ito,ha?!Tinuring kitang kaibigan,Romar,pero bakit ganito ang ginawa mo sa amin?Traydor ka,Romar!Nalugi kami dahil sa iyo!”

“H-hindi ko alam ang sinabi mo.Look,Stephen hindi ako ang nasa likod ng pagkalugi niyo.Pinapaaway niya lang tayo!”

“Hindi ako naniniwala sa iyo dahil taksil ka!”

Gusto ko siyang yakapin.Ginagawa niya ang lahat para sa akin.Agad namang pinakawalan ni daddy si tito at bubuksan na sana ni daddy ang pinto ng magsalita si tito.

“Maniwala ka man o hindi pero hindi ako ang traydor,Stephen,“sabi ni tito habang nakatalikod si daddy.

Hindi na nakinig si daddy.Agad siyang umalis sa company ng Soriano.Agad din akong sumunod sa kanya   at nagtungo sa bahay namin.Nagulat si daddy ng may tumapik sa balikat niya.

“Maghiganti ka,Stephen.Hindi biro ang nawala sa iyo,"sabi ni tito at umalis na sa bahay.

Sinalubong kami ng yakap ni mommy ng dumating kami.

“Oh my God!Stephen,ano’ng nangyari sa atin?”tanong ni mommy na nagpupunas ng luha.

“Hindi ko rin alam.Maayos naman ito noon,wala naman akong utang.”

Ilang araw nalang ang ibibilang ay mawawala na ang bahay namin.Hindi alam ni daddy kung saan kami patungo nito.Lahat ng masayang alaala ay mababaon na lang dito.

“Salamat sa inyo,“sabi ni mommy sa mga maid at guards.“Hanggang sa muli nating pakikita.”Naiiyak na si Mommy.

“Babangon din kayo Ma’am at naniniwala kami sa kanya,"aniya sabay turo ng babae sa akin,naglalaro sa living room.Niyakap siya nito at umalis na.

“Aalis na kami,Ma’am.Baka ma-late pa kami sa byahe."

Pinagmasdan lang nila na umalis ang mga trabahante nila.Closed na ang kompanya raw namin.Dumating na ang araw na kailangan na naming umalis sa bahay na ito.Parang panaginip ang nangyari sa pamilya namin.Hindi nila alam kung saan magsisimula.Wala ng malaking pera sa banko dahil nasisiguro nila na kinuha na nito,ng nag-traydor sa amin.

“Saan tayo kukuha ng pera,Stephen?"iyak na sabi ni mommy sa asawa.Niyakap niya ito.

“Wag kang mag-aalala,Kaylie.May konti pang pera sa banko,“sabi ni daddy.Nakikinig ako sa labas.

Nakakuha kami ng apartment pero pinalayas din dahil wala na silang pera pangbayad nito.

“M-Ma’am,parang awa niyo na konting buwan pa po….bago namin mabayaran,"pagmamakaawa ni mommy sa babae.

“Hindi!”aniya at binagbagsakan kami ng pinto.

Niyakap ni daddy si mommy.Palipat-lipat kami tirahan.Hanggang sa nagtrabaho sila.Driver si daddy at naglalaba si mommy.Kahit ano’ng trabaho ay pinasukan nila pero never silang nagtagal sa mga kompanya,dahil palagi silang sesante.Sa hindi malaman na dahilan kahit wala naman silang ginagawang masama.Nang makahanap sila ng bahay na mas mura.Niyakap ko sila.

“Ma,Pa,inahon ko kayo sa hirap,pangako.Yayaman tayo ulit."

That was my clear memories.

“Pasensya na sa nangyari sa inyo,Hija.Pero hindi ako ang trumaydor sa inyo,”boses ni Mr.Soriano at sino’ng pinagloloko mo?

“Sa tingin ni’yo po,maniniwala pa ako sa inyo?Pagkatapos niyo kaming lokohin,“sabi ko sa kanya habang naka-crossed arms na nasa visitor chair.

“Look,Satrina.Wala akong kinalaman diyan.Hindi ako kaaway,Alawi.Iba ang kaway natin.“

Hindi ako naniniwala nasa lahi ni’yo ang mga manloloko at kaya pala pamilyar siya sa akin,dahil merong letrato na sinunog si papa noon.

“Sige po,mauna na ako.Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para mag-sumbatan tayo,”ako sabay tayo.Hindi pa ito ang tamang panahon.”Sige po,Salamat.”

Agad namang akong umalis sa kompanya na ‘yon.Mamaya ay uuwi na sina mama at papa.Nakuha ko naman ang empleyado raw namin noon.Pati ang yaya ko ay nakuha namin.Pati anak nila at mas lumago kami kaysa noon.Hindi ko alam kung tra-trabaho ba ako ngayon pero wag nalang.Hindi ko kaya magtrabaho ngayon.Kaya naman nag-mall ako at nag shopping ng kung ano-ano.Tumawag ako sa mayordoma namin na ito,ang yaya ko noon.

“Manang,pwede po bang mag-grocery kayo ngayon.Kasama ako,”sabi ko at ilang minuto ang nakalipas ay dumating na ang mga ito.

Pagkatapos naming mag-Grocery ay nagtungo ako sa kwarto ko at nilubog ang aking katawan sa kama ko.Nasa nightstand ko ay picture frame ko.Nakakapagod ngayon.

“Ma’am,Satrina.Nandiyan na po sina Sir Stephen at Ma’am Kaylie po,"sabi ng babae sa labas ng pinto ko.

Agad naman akong lumabas at sinalubong sina mama at papa.

“Ma,Pa,“ako at humalik  ako sa pisngi nila.”Pasalubong po."

May hinawakan silang paper bag at binigay sa akin.Mga favorite ko to.

“Mommy na lang at Daddy ulit,”sabi ni mama sa akin.

Nakasanayan ko na ang mama at papa noon dahil ayaw kong maging feeling mayaman.

“Hindi nga ako nagkakamali,na ikaw ang makakaahon sa kanila,Miss Satrina,”sabi ni yaya ko noon.Ngumiti naman ako.

“Ginawa ko to lahat para sa ating lahat,”sambit ko at niyakap sila.“Gagawin ko ang lahat upang pagbayaran ng trumaydor sa atin ang ginawa nila noon,"matapang kong sabi.

I won’t let that happen again.Never!

“Ma’am,invited po kayo sa bahay nila Mr and Mrs.Soriano,“sabi ng secretary ko.

Agad naman akong nagtungo roon.Bakit ano’ng kailangan nila?Ito na ba ang panahon para mag away-away kami?Hindi ko alam kung siya ba ang nasa likod nito.

Nang makapark sa harap ng bahay ni Claude ay nanumbalik ang lahat alaala noong dinala niya ako rito. Maraming sasakyan ang naka parada sa labas ng bahay.

May party ba?Dahil curious ako ay patakbo akong nagtungo sa loob.Nakasuot pa ng pang office attire.

“Good afternoon,Ma’am.Nandito po sila sa living area,"boses ng babae at sumunod naman ako nito.Nagulat ako pagdating sa living area ay nando’n na sina mama at papa.

What’s happening?

“Ma,Pa?Ano’ng  ginagawa ni’yo rito?!”

“Anak,maupo ka muna,”utos ni mama sa akin.Naguguluhan man pero umupo na ako sa sofa.

“So,nandito na si Satrina.Pwede na nating I-clarify ang pinagbibintang niyo sa akin noon,”sabi ni Mr. Soriano.Dumapo ang paningin ko sa kanya.“Hindi pa ba malinaw sa inyo,na hindi ako ang trumaydor sa inyo.”

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nalaglag ang panga ko.Nandito na si Claude?!Katabi niya si Mylne,Phoenix at Fill.Nasa may dining area sila at alam kong nakikinig sila sa amin.

“Mr. Soriano,hindi ni’yo po alam kung anong pinagdaan namin noon ng mawala sa amin ang kayaman namin.Wala kaming pera mapagkukunan kaya nagdesisyon kami na mag-trabaho.Sa murag edad ko ay nakuha ko ng matrabaho nang maigi,”sabi ko at sumandig sa sofa.

A tiring day!

“Stephen and Kaylie."Lumuhod sa harapan ni papa at mama si Mr. Soriano.What the?!“I’m so sorry pero hindi ako.Kami lang ni Butler ang may hawak ng kompanya ni’yo noon at kami ang malaking shares noon,pero ni minsan hindi ako nakialam sa kompanya ni’yo.Maniwala ka man o hindi.Nagulat nalang ako ng may nagpadala sa akin na nalugi na raw kayo.Noong una nagduda ako baka prank lang o ano,pero ng sumugod  ka sa akin noon.Doon ko lang nalaman na hindi na pala joke ang lahat.Kung tutuusin,Stephen. Nagpa-investigated ako sa kompanya ni’yo noon at sa tingin ni’yo ko traydor.Bakit ako lumuhod at nagpa-investigated  pa sa company ni’yo?“May kinuha siya sa envelope.“Ayan basahin ni’yo.”

Kinuha ko naman at nakasulat doon na may kumuha no’n.May finger print pa pero hindi ito kay Mr.Soriano.

“Nalaman namin na may finger print na naghaloghog ng office mo,"aniya at tama nga.Nasa office ni daddy lahat ng papers niya pati bank account niya.

“Dad,doon mo kasi nilalagay lahat ng papers mo."Nanginginig na siya sa mga nalaman.

“Maybe Mr. Soriano is not the true enemy.There is someone,na maaaring pinaikot ang ulo mo.Tama nga naman si Mr.Soriano.Wala sa kanyang mga mata ang pagsinungaling.Wala,Dad,maybe we have to find out,kung sino talaga ang looking may gawa nito,"sabi ko at binigay ang papers kay Mr.Soriano.

I realized it all.Mr.Soriano is not our enemy.

“Kung hindi siya at sino?!”pagtatas ng boses ni dad at tumayo.Nagulat kami ng may pumasok.

“Ako!”

And that man seems familiar.

“Butler?!”gulat na sambit ni dad.Pati ako ay nakaawang din.








Select among the ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon