Epilogue

11 5 0
                                    

Thank you for reading up to here. I really appreciate you all. I hope you support my other stories. Thank you.

Epilogue


"So,ano’ng plano mo,dude?"seryosong tanong ni Phoenix.Habang pinapalamig ang kape niya.Binalingan niya ngayon ako na ubod nang kakaisip.

"Claude,wag kang gagawa na ikakasisi mo sa huli.Baka ikaw ang ma-in love niyan,sige ka,"panunukso ni Fill sa akin.Kasamang babala rin dito.

Bigla akong kinabahan sa mga binitawan niyang salita.Well,sana nga hindi ako magsisi sa huli.Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ni Satrina.

Dumampot ako ng tinapay.Umiwas ako ng tingin sa kanila.Ayaw ko na ipakita at mabasa pa ang iniisip ko.Alam kong mali.Maling-mali.Hindi ko alam,kung ano ang gagawin.’Yon pala ang dahilan kung bakit umiwas si Satrina sa akin.May pakiramdaman na pala siya sa akin. 

“Ayaw ko siyang saktan pero ramdam ko ang sitwasyon na ‘yon.Yung hindi ka kayang mahalin pabalik ng mahal mo,”may bahid na lungkot.Habang sinasabi ko ang mga katagan na ‘yon habang umiinom ng gatas.


"Sa kusina muna ako,"paalam ni Mylne.

Hindi siya nakikinig sa aming storya.Naka-bikini lang ‘to.Siya lang kase ang prinsesa namin.

Nasa labas kami,sa may pool banda dahil hilig namin mag-breakfast dito,noong bata pa kami hanggang ngayon.To be honest,I need to select….Suklian ko ang pagmamahal niya o magiging kaibigan nalang?Ano’ng gagawin ko?Hindi niya deserve,hindi suklian ang pagmamahal niya sa akin.Nasisira na ang friendship namin.

“Naku,Dude.Mamimili ka?You have to select among the choices ha….friends or lovers,gano’n?”natatawa niyang sabi.

Alam kong labag sila sa aking desisyon.Hindi ako makakuha nang tamang isasagot.

“Claude,friends na lang.Wag mong pilitin kung hindi naman pala siya ang tinitibok ng puso mo.Masasaktan lang kayo sa huli,”sabat ni Fill.

Naawa siya kay Satrina pero mas maawa ako sa kanya.Sinayang ko ang pagmamahal niya.

“Friend or lover?"tanong ko sa kanila.Nagulat naman ang reaksyon ng mga mukong.

"Claude!"sa tinig pa lang ni Fill ay alam kong gusto niya na akong pigilan."Alam mong masyadong mabait si Satrina.Hindi niya deserve masaktan.”

Sapagkat wala ng makakapigil pa sa desisyon ko.


"Bakit Fill,may gusto ka ba sa kanya?"tanong ko habang nakatingin sa mga mata nito.Umiling siya.

Buti naman.Hindi ko alam na habang tinatanong ko iyon sa kanya ay may kung ano sa akin na nabibiyak.

“Nag-aalala lang ako.Alam mo naman si Satrina,mapagmahal.Dude,hindi niya talaga deserve saktan,ang mga babae dapat inaalagaan,"dagdag niya pa ang sinalubong niya ang mabigat kong titig sa kanya.


"Nagtatanong lang naman ako.Mayroon bang masama roon?"

"Wala naman,pero kung mahal mo mahal mo,"Fill said sabay tayo at niligpit ang pinakainan namin.Sumabay din si Phoenix  sa kanya.Ako na lang ang nandito.

Tiningnan ko ang pool.Ano’ng gagawin ko?Ayaw ko siyang makitang parang tanga.Na umaasa sa pagmamahal ko.Hindi ko pa maalis sa puso ko si Hanzel pero bahala na,bahala na kung ano ang magiging desisyon ko.

"Claude?"bungad ni Phoenix.Umupo siya sa tabi ko."Ano’ng plano mo?”aniya habang nagsasalin ng tubig para ma-ibsan ang nag-iinit na paligid ngayon.


"Mahalin ko na lang,Phoenix."

Nakapag-desisyon na ako.Pumikit pa ako nang mariin.


"Mahal mo na ba,Claude?"Hindi ako sumagot.

Nanatiling tikom ang bibig ko.Ramdam niya na hindi ako makasagot.Tinapik niya ang balikat ko.Nanatili akong kabado sa gilid ng swimming  pool.


"Siguraduhin mo lang na hindi ka riyan magsisi.Suportado kita,"mahinahong sambit ni Phoenix.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumalsik ang tubig sa akin.Sigurado na ako.

Satrina,susubukan kong suklian ang nararamdaman mo.

Ang saya ko dahil nakilala ko si Satrina.Kailangan kong makausap si Phoenix.Kailangan ko ng may mapagsasabihan sa nararamdaman ko.Lumalalim na ito.Hindi na ito pilit pa.Hindi naman mahirap mahalin si Satrina.

“Hello,Dude.What do you want?”sagot ni Phoenix sa kabilang linya.

“Kailangan ko ng tulong mo,”sabi ko at binaba ko na ito.Sinabi ko naman saan kami magkikita.

Hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa isip niya at nandito sina Mylne,sa bahay namin.Galit na binuksan ni Mylne.Alam ko naman na i-co-confront niya ako sa nangyari.Wala naman talaga siyang kasalanan.Alam kong hindi na ito sang-ayon.Kung sakaling sinabi ko sa kanya.

“Claude!”sigaw ni Mylne sa buong bahay.

Nagsilabasan ang mga alalay namin sa bahay.Wala siyang pakialam kung mag-I-scandalo siya rito,ang importante ay maprotektahan niya ang kaibigan na si Satrina laban sa akin.Nanatili ako nakatayo sa malayo at sinusundan ang ginagawa ng babae kong pinsan.Pinakatiwala ni Mylne si Satrina sa akin,dahil akala niya mahal ko ang kaibigan niya,tapat magmahal si  Satrina pero niloko ko lang siya.Gago ako,alam ko.

“Ma’am Mylne,“nag-alalalang sabi ng aming mayordoma ng bahay na ito.Taas kilay na binalingan ni Mylne ang ginang.“Nasa taas po sina Phoenix. “

Alam ko na patungo siya sa akin.Agad akong bumalik sa kwarto.Matapos ngumiti si Mylne at agad nagtungo sa staircase at bumaling sa  mga tao.

“Thanks,Manang.”Ngiti niya at pinagpatuloy ang pag-akyat patungo sa ikalawang palapag.”Nandito pala ang mga manloloko.”

Dahil mataas ang hallway ng bahay na ito at maraming pasikot-sikot ay para siyang naliligaw sa  pamamahay namin.Napatawa naman ako habang nakasilip sa kanya.

Gulat man ay nanatili akong nakaharap sa monitor.Bahala siya sa buhay niya.Alam ko naman napagsasalitaan lang ako ng masasakit na salita.Ramdam ko ang pagbaling ni Phoenix kay Mylne.Sa ingay ba nito.Padabog na umupo si Mylne sa sofa.

Anak ng tokwa!Bahala siya sa buhay niya.

“Claude?!”sigaw ni Mylne.Hindi ko siya pinansin.Busy ako kakalaro.”Claude?"tawag niya pa ngunit  nagmamatigas ako.”Ah!gano’n.”

Naagaw ang pinag-aabalahan ko at tinapon palayo sa akin.

What the?!

“Mylne,ano ba?!”

Hindi ba niya nakikita nahihirapan din ako dinadaan ko na lang ito sa laro.Nagulat naman si Mylne sa inaasal ko.Agad namang lumipad ang isang palad ni Mylne sa pisngi ko.

Shit!Ang sakit.

“Para ‘yan sa pinsan kong manloloko at naglalaro ng puso ng kaibigan ko!”sigaw niya sa harapan ko.

Nagulat din sina Pheonix sa ginawa ni Mylne.Kaya naman inalalayan nang dalawa ako.Nanatili lang akong nakayuko.Ayaw kong pumatol sa pinsan ko.Mainit lang ang ulo namin pareho.

“Ang sama mo,Claude!Pinagkatiwala ko ang kaibigan ko sayo dahil alam kong hindi mo siya sasaktan!“galit na sabi ni Mylne.”Pero akala ko lang pala,Claude.Akala ko lang pala.Alam mo bang hanggang ngayon nakikita ko pa siyang umiiyak ng dahil sa kalokohan mo.Oo,naawa ka sa kanya pero hindi ‘yon sapat na dahilan para pagsamantalahan mo ang puso niya.Alam mo,iniwan mo siyang duguan.Pinaasa mo siya,Claude….na merong kayo hanggang dulo,pero wala pala.’Yan ba ang resulta sa pagmamahal ng isang Hanzel mo?!”

“Wala kang alam,Mylne.Hindi mo alam ang buong storya,”mahinahon kong sabi habang nakatingin na sa kanya nang masama.

“Really,Claude?Alam nating lahat na para mo pa rin siyang niloko sa ginawa mo.Pwede mo naman sabihin sa kanya na hindi mo siya mahal,’di ba?Lumayo na siya,’di ba?Pero ano?Pinaasa mo siya na akala mo tama ka.Sana naman mahal mo siya nang totoo,bago ka pumasok sa buhay niya,dahil ang sakit masaktan sa kasinungalingan,Claude.Mas gusto pa naming masaktan mga babae sa katotohanan!”sigaw niya at parang naiiyak para sa kaibigan niya.

“Wala kang alam,Mylne,"paliwanag ko at tumayo na ako at nakatalikod sa gawi niya.

Nakasunod si Pheonix at habang nakaalalay si Fill kay Mylne.

“Wala nga akong alam masyado sa side mo,pero ang tanging alam ko lang ay pinili mo siyang pinaasa sa mga bagay na hindi naman dapat asahan,Claude.Para mo siyang ni rebound para maka-move on ka sa Hanzel mo!Sige!Ngayon mo sabihin ang side mo,Cluade."

Mahinahon na sabi pero nando’n pa rin ang sakit na nararamdaman niya para sa kaibigan at bigo dahil pinagkatiwala ang puso ng kaibigan sa pinsan niya.Hindi niya in-expect na ganito ang mangyayari.Humarap ako sa kanya.

”Too late,Claude.Ayaw niya na sayo!”sigaw nito sa mukha ko.Dinuro-duro pa ako.Which is ayaw ko.Huminga ako nang malalim.

“Minahal ko naman siya dahil nakikita ko ang sitwasyon ko kay Satrina.Sa sitwasyon ko kay Hanzel noon. Naawa ako to the point na kailangan kong gawin ‘yon.Hindi niya deserve sayangin,Mylne,”paliwanag ko at umaagos nang luha ko.

“Bakit ka umiiyak?Mahal mo ba siya o nagsisi ka?”sunod-sunod na tanong ni Mylne na diretso sa mga mata ko.

“Please,Mylne,wag mong ganyanin ang pinsan ko.Pinsan mo pa rin siya,pinsan natin!”sigaw ni Phoenix kay Mylne.

Bumaling si Mylne sa gawi ni Phoenix.Tinaasan niya ito ng kilay.“Oh!Shut up,Phoenix!”

“Wala kang alam,Mylne!“sigaw ni Phoenix sa kanya.

“Stop,Phoenix.Babae ang sinisigawan mo!pPagtatangol ni Fill at tumahimik naman ang kapatid niya.

“Go on and continue,Claude,"utos ni Mylne.

“Wala na akong ma-explain pa,Mylne.Dahil alam kong mali rin ang nagawa ko."Tumalikod na ako kay Mylne at iniwan nakabukas ang pinto ng kwarto.

“Alam mo naman pala,eh.Sana hindi mo na lang tr-ina-y na makasakit ng tao at sinasabi ko say’o,Claude.Sinayang mo ang pagmamahal at oras na binaling niya sa’yo.Balarang araw magising ka na lang sa katotohanan na mahal mo na siya at ‘yan ang oras na babalik sa’yo ang sakit na binigay mo sa kanya!”pahabol niya sabay takbo palabas ng kwarto ko.

Rinig na rinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya.

“Ano’ng plano mo,dude?”pagsusunod ni Phoenix sa akin.

“Who knows?”Kibit-balikat ko.

Kasalukuyan ako na naglalaro sa laptop ng Call of Duty.Pangpalipas oras at para malimutan ang mukha ni Satrina na hindi mawala sa isipan ko.

“Ahh,shit!”sabay gulo sa buhok at nilobog na ang katawan sa kama.

Pinikit ang mga mata pero si Satrina parin ang pumapasok sa isip ko.

“Ugh!Satrina!Bakit hindi ka mawala sa isip ko?”

Minulat ko ang mga mata at hinayaan niya ang sarili na maging gano’n.Simula ng mawala si Satrina sa akin at para rin nawalan ng isang parte sa buhay ko.Hindi ko alam kung bakit.Basta nasasaktan ng iniiwasan na ako ni Satrina.Akala ko si Hazel pa ang laman ng puso ko pero hindi na pala.Parang si Satrina na pero hindi ko pa alam kung si Satrina na ba.

Ang manhid ko ba?

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Phoenix.

“Hello,Dude,"bungad ko.“Come here,please.I need your help.”

“Okay,on the way."

“Siguraduhin mo lang,na on the way ka na talaga dito.Hindi on the way maligo,”paalala ko.

“Relax,dude.”At pinatay niya na ang tawag.

Ilang minuto ay dumating na si Phoenix.

“Ang dali mo naman,”I said.

“Looks like,kailangan mo talaga ako.So,ano na?Mahal mo na?”tanong ni  Phoenix.

“Hindi ko alam pero hindi siya mawala sa isipan ko.Sumisikip ang dibdib ko nakikita siyang masaya nang hindi na dahil sa akin.Kundi sa iba na.Akala ko si Hanzel pa pero parang si Satrina na."

“Oh!Parang si Satrina na?Dude,manhid ka ba?Alam mo ba na nakakahalata na ako noon na totoo na ang pakikitungo mo kay Satrina.Wala ng halong biro ‘yon,Dude.Mahal mo na ang tao,Dude.At matagal ka ng naka-move on kay Hanzel,ang ex mo,”He said while playing on his phone.

“Manhid ba ako?”tanong ko sa sarili niya.

Lately nga,parang totoo na ang pakikitungo ko nito kay Satrina.I introduced that girl to my parents.

“Sobra,Dude,"sabi ni phoenix. at hinayaan ko na lang na maglaro ito at nag-iisip kung anong gagawin.

“Dude,ano’ng gagawin ko?”tanong nko.Bumaling ito ng tingin sa akin.

“Aba,malay ko.Ako ba ang nag-iwan ng babaeng duguan?”Phoenix said at tumingin na sa cellphone na naman.

“Tsk!"Nag-iisip kung ano’ng dapat gawin.

Alam ko ayaw na niya ako at alam ko move on stage na si Satrina.Wag naman sana dahil gagawin ko ang lahat pagkatiwalaan mo ako ulit,pero paano?Kaya naman ipinikit na lang ang mga mata at naririnig ko  ang laro ni Pheonix.Naglalaro ng Mobile legends.

“Hintayin mo ako Satrina.Sana hindi pa ako late.”

Nagulat ako ng may nagbeep sa aking cellphone.Sino naman kaya ito?Si Satrina na ba ito?Pero impossible dahil wala ng pakialam sa akin.Sa pagdaan ko sa kanya.Wala na ang pagmamahal sa mata niya.Hindi na ako,kundi sino?

Hanzel:

Meet me in Landa café.I’ll wait for you.It's urgent.

Ano’ng kailangan niya?Pero kumukulo ang dugo ko sa kanya.Kaya naman agad akong nag-bihis at nilisan ang bahay namin.

Ako:

Let's talk,then.

Hindi ko alam kung tama ba ang naisip ko pero kailangan ko nang itama ang mga mali ko.Ang swerte niya.Ang swerte ng taong mamahalin ni Satrina.Alam kong hindi na siya magtitiwala sa akin.Habang nagbibihis ako ay kinakaban ako.May duda na ako kung sino,pero ayaw ko lang makumpirma masasaktan lang ako.I need to clarify things.Sana hindi ko na lang siya pinakawalan noon pa.Sana minahal ko na talaga siya nang totoo.

Bakit ngayon ko pa na-realize?

I need to be patient.

Sumakay ako ng sasakyan ko at pinaandar na ito.Nalaman ko na ten thirty na pala.Sana wala pa siya. And glad.Wala pa pala siya.

"Good morning,Sir.Table for one?”ang waiter.

"Table for two,"sagot ko.Ngumiti ako sa kanya

"This way,Sir,"magiliw na turo ng waiter at pinaupo nita ako malapit sa kitchen nila.

Hindi lang to café lang.Kundi pinalago nila ito.Kaya meron ng mga dishes.Nag-order lang ako ng Carbonara at tiningnan ang cellphone ko

Hanzel:

I’m here,already.

Sana,importante to.I need to have peace.

Sa kalayuan ay panay kaway na ni Hanzel.I don’t know,ano’ng kailangan niya?

"Hi,”bati niya.Habang ako walang pake sa kanya,sa prensiya niya.

"Hey,"sagot ko at umupo na siya.

Ramdam ko ang pagpikit niya.Ito ang babeng minsan ko nang minahal at minsan din akong niloko.

"Mag order ka na,Claude,"sabi niya sa akin nanatili ang mata niya sa akin.Umiling ako.

"Hanzel,I have no time for that.Narito ako ngayon dahil urgent ang sinabi mo sa text.So,what now?"habang tingin sa watch at sabay tingin sa mga mata niya.

"Buti na basa mo.”Pilit siyang ngumiti.

Alam kong may halong kirot dito.Seriously?Ngayon pa.

Nagulat siya ng padabog kong nilagay ang dalawang kamay ko sa lamesa.I want this to end.Wala na kaming dapat pag-usapan pa pero heto siya,pinaglalaruan na naman ako.

"Please,Hanzel,hindi ako nakikipaglokohan,straight to the point!"

Tiningnan ko siya sa mata.Gulat ang rumehistro sa kanya.I don’t want to be rude.Sumadig na ako sa upuan.Gusto kong kumalma babae pa rin siya.

"About kay Satrina.Ako ang nag-record no’n at sinabi sa kanya.Dahil ayaw ko siyang nakikitang ganon.Babae ako at alam ko at ramdam ko ang niloloko ng tao,Claude,”kinakabahan niyang sabi sa akin at yumuko dahil pinagtaasan ko lang ng kilay.

What?

So,tama nga ako.Siya nga ang nasa likod nito.What now?Wala na ba sila?

"Go on.”

Habang pinapahalata ko na bored na ako sa kalokohan niya.Gusto kong magalit sa kanya.Siya ang nagpawala sa babaeng mahal ko.

"Sorry,dahil sa akin nagkagulo kayo ni Satrina,”naiiyak niyang sabi.

Hinawakan niya nang dalawang kamay ko sa mesa pero pilit kong tong hinahawi.

"Hirap kasi sa’yo,Hanzel.Pinakikialaman mo kami.Hindi mo alam ang buong storya dahil umalis ka,’di ba?"Tumango siya bilang sagot.”Ang plano ko sana ‘yon sasabihin ko sa kanya na ang totoo,na pilit lang noong una pero ngayon totoo na ang nararamdaman ko.Sana okay pa kami ni Satrina ngayon.Hindi ka na sana sumawsaw!”Taas baba na ang dibdib ko.

"I'm sorry,"nakayuko niyang sabi.Pinapakalma ang sarili.

"Sorry lang,Hanzel.Sorry lang lahat ng masasabi mo pagkatapos mong pinawala ang taong mahal na mahal ko.You heard me,right?I love her so much.”

Pinapamukha ko talaga na mahal na mahal ko si Satrina kung sakaling lumuhod man siya sa aking harapan wala na siyang pag-asa.Hindi ko na siya mahal.Si satrina na.

"Thanks for inviting me,but I have to go,”paalam ko.

Marahan kong binuksan ang glass door.Ramdam ko ang pag sunod niya sa akin.

"Claude?"tawag niya habang patungo na ako sa parking lot.

”Claude!"sigaw niya pa."Please,I'm not done,hear me out."At lumingon ako sa gawi niya.

"Fine!I will give you ten minutes.Spill it out."

"Serious talk,please.No minutes."

"Fine!”habang irita na sa presensya niya.

"I love you,Claude."Hawak niya sa kamay ko ngunit pilit ko itong winawala sa kanya.Hindi na ako nagulat ng sabihin niya ‘yan.

"What?!Are you crazy?Bakit ngayon pa na mahal na mahal ko na si Satrina.Bakit iniwan ka ba ng Clark mo…tapos pinagpalit gaya ng ginawa mo sa akin?"galit na sabi ko.

"I'm sorry.Duwag ako,Claude.Ngayon ko pa na realized na mahal kita.Mahal na mahal kita kahit na wala ka na sa piling ko.Iniwan ako ni Clark,niloko niya ako.And I'm hoping na magkakabalikan tayo,but I'm too late.Wala na pala ang puso mo sa akin.Nandoon na kay Satrina.”At may butil ng luhang lumabas sa mata niya.

"So,ano’ng gustong gawin ko,babalik sa’yo?!"sigaw ko sa mukha niya.Napapikit siya.

"No!Gusto ko lang sabihin ang nararamdaman ko pero hindi na ako manggugulo pa.Babalik na ako sa states,Claude.Kaya hahayaan na kitang maging masaya.Sana mapatawad mo ako sa lahat ng mga kasalanan ko.Sana magkabalikan kayo,”aniya at niyakap niya ako."I'm so sorry,Claude.I will be vanish for a long time,after this."Kumalas na ako.Ngumuti siya ng mapait.”Be happy,okay?"

"You too,"ani ko at pinandar ko na ang sasakyan.Pinababa ko ang window ng sasakyan."Pinapatawad na kita,Hanzel.I'm sorry.”

This is the end.The closure for us,Hanzel.Sana maging masaya ka na.Kahit hindi na ako.

Pagkatapos ng gano’n eksena ay pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa bahay nina Mylne.Kailangan kong itama na ang lahat.Kailangan kong humingin ng tulong sa pinsan ko.Dahil alam ko na matalik  na kaibigan si Mylne at Satrina.Nang makaabot ako sa teritoryo ng pinsan ko ay pinarada ko ang sasakyan sa harap ng pinto nito.I need to call Phoenix.Kung ano-ano ang pinatitipa ko bago tumawag at sumagot ang loko.

“Hello,Dude.Wazap?”bungad ni Phoenix.Halatang pagod.

“Come here,we need to have peace with Mylne at Fill,“ako habang nakatingin sa loob.

“Okay,on the way,"aniya at binaba nang tawag.

Lumabas na ako ng sasakayan.Looks like nandito si Fill, ah.Good idea.Nandito kase ang sasakyan ng magaling kong pinsan.Hinihintay ko muna si Pheonix na dumating at para sabay na kaming pumasok sa loob at salubungin ang mala-dragon naming pinsan,na si Mylne.Mayamaya ay may huminto na sasakyan sa harap ko.

“Ready,Dude?”tanong ko sa paglabas ni Phoenix sa kanyang sasakyan.

“I’m born to be ready,idiot."Tawa ni Phoenix at sabay na pumasok sa loob ng bahay ni Mylne.

“Hello po,Sir Phoenix at Claude.Pasok po kayo,"bungad ng yaya ni Mylne,simula noon.

Ang tanda na ni Mylne pero may yaya siya dahil siya na rin ang parang mama nito.Palagi nalang kasing out of town ang mga magulang nito.

“Nas’an po si Mylne?”usisa ko at humakbang na kami papasok ng bahay.

“Nasa may swimming pool area,"sagot ng yaya nito.“Puntahan ni’yo at maghahanda ako ng pagkain.“Tumango naman ako at tinulak ang sarili patungo sa swimming pool banda.

Nagulat si Fill sa nakita niya na nandito kami ni Phoenix.Kaya naman,tinapik niya si Mylne at tinuro kaming dalawa.Agad namang bumaling ng tingin si Mylne at inahon ang paa sa swimming pool.

“Ano’ng ginagawa ni’yo rito?!”bungad na sigaw ni Mylne agad at naka-crossed arm.Taas kilay.

“Relax,Pinsan.Narito ako para magkaayos tayo.”Pagtaas kamay niya pa para huminahon ang pinsan namin.Good job,Phoenix.”Look,we’re sorry because of what we did. “

“Look,hindi ni’yo pa rin mawawala sa isip ko na niloko niya ang puso ng kaibigan ko.Hindi ko siya kinakampihan.Hindi ko kayo inabandona.Kundi,mali lang talaga ang naging desisyon ni’yo,na lokohin ang kaibigan ko.Kung kayo kaya ang nasa posisyon niya.Siguro naman ganito rin kayo,’di ba?Nagdurusa at nagsisi na kakilala pa ninyo ‘yan.Hindi ni’yo alam kung anong nararamdaman ng tao.Kung anong epekto niya sa nangyari!“sigaw ni Mylne sa akin.

I know.

“Pakingan mo ang side ko,Mylne,please,”pakiusap ko.

I understand her.

“Fine,go ahead,”ani ni Mylne.Nakikinig lang ang dalawa.

“’YOng time na ‘yOn dapat sasabihin ko na sa kanya.Na naguguluhan na ako sa nararamdaman ko para sa kanya.Na mahal na mahal ko na siya pero sasabihin ko muna na naawa ako noong una dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya.Kung gaano ako nagmahal pero hindi sinuklian pero too late na na recorded na ni Hanzel.Hindi niya pinatapos at hindi niya alam ang totoong storya.Nasa court kami no’n at may narinig kaming kalabog.Akala namin pusa pero si Hanzel na pala ‘yon.Hindi ako manhid.Alam kong masaktan ko si Satrina nang sobra.Kaya narito ako ngayon upang humingin ng tulong sa inyo,"ako habang nakayuko na.

“So,ngayon no lang nalaman na mahal mo na talaga?Too late na Claude,naka moveon na ‘yon."Irap ni Mylne.

Lumuhod ako sa kanyang harapan.I need this,cause I love someone and I accept that.Gulat ang rumehistro kay Mylne.

I know.They didn’t expected this.

“Narito ako ngayon para mag-sorry sa nagawa ko.Sana mapatawad ni’yo ako,"ako at bumaling kay Fill.Lumapit naman si Fill at pinatayo ako.Tinapik ang balikat ko.

“Okay lang ‘yan,Dude.A tleast,ngayon nahulog ka rin pala,pero ang tanong mahal ka pa ba ngayon?”tukso ni Fill.

Napa ‘O' ang bibig ko.Kaya naman tinawanan ako ni Fill.

“Fine!Napatawad na kita,“aniya at naiiyak na ito.“I’m so sorry,"panghihingi ng tawad din ni Mylne at niyakap ako.

Sinubsob niya ang ulo sa dibdib ko.Tinawanan naman ng dalawa kami at nag-group hug na.Sumabay rin naman pala.Kumalas na sila sa pagkayakap after a minute.

“So,ano’ng  plano mo?”tanong ni Mylne na ngayon ay nasa sala na nag-iisip kung ano’ng gagawin.

“Hindi ko pa alam,kung ano’ng gagawin.Matapos ng ginawa ko sa kanya,kaya niya pa kayang tumingin sa mga mata ko?”pag-usisa ko.Kahit alam ko naman ang totoo.

“Dude,time and space lang.Dahil habang masakit pa ang dulot mo sa kanya.Hindi mo pa siya makukuha agad-agad.I dahan-dahan mo muna,“ani ni Phoenix habang naglalaro sa cellphone niya.

“Paano kung bigyan ko siya ng gano’n kasabay no’n ay mawala na siya ng tuluyan sa akin?Hindi ko na kaya ‘yon.Ayaw ko na maparehas kay Hanzel,”nanghihingi na ako ng tulong sa kanila.

“Ouy!Nagkita kayo,’di ba?”Tumango ako.Chismoso nito.

“Ngayon lang niyang inaamin na mahal niya ako,kung saan si Satrina nang laman ng puso ko.“

“Ohh!Gano’n ba?Pero,at least,wala ng manggugulo sa iyo and too late na siya.Nasa huli ang pagsisi. “Tawa ni Fill.

Sinamaan ko siya ng tingin.May nilapag na pagkain ang yaya ni Mylne.

“Kain muna kayo mga bata,before lovelife,ha."Tawa ng yaya at nag-winked sa kanila.

“Broken po kasi,oh,”sabay turo ni Phoenix sa akin.

“Hijo,gawin mo kung ano’ng tama,”yaya of Mylne adviced.

“Oo nga,Ya.Gawin niya kung anong tama dahil nasa huli ang pagsisi,’Insan,”tinukso-tukso ni Mylne ako.

“Whoa!”sigaw ni Phoenix.

Kaya naman ng may makuha akong unan at pinalipad ko to patungo kay Phoenix.

“Loko.Nagsisi na ako,oh.Hindi pa ba sapat?”

“Hindi,dahil nakasakit ka ng tao at hindi na ito mababago,"boses ni Mylne at kinuha ang cellphone sa sofa.

Naiisip ako kunga ano ang gagawin kay Satrina.Nakaginhawa ako nang malawag,na okay na kami ng mga pinsan ko.Okay na rin kami ni Hanzel,pero may kulang.Wala ang taong mahal na mahal ko at ‘yon si Satrina.

Ilang taon na ang nakalipas.Ang taong sinundan ko na si Hanzel noon.’Yon na pala si Clark.Ang tanga ko hindi ko namalayan na lalaki talaga ‘yon.Akala ko bakla.’Yon na pala ang panahon na tumaksil si Hanzel sa akin.Araw-araw kong sinundan si Hanzel noon at sobrang saya niya sa lalaking ‘yon.Pero hindi na mahalaga ‘yon dahil hindi naman pala siya ang taong nararapat kong mahalin.Hindi na siya kundi si Satrina.Kaya pala iba ang pakiramdam ko noon kay Satrina,parang matagal ko na siyang nakilala hindi ko lang alam kung saan.Ilang taon na kami noong nagkabalikan kami at nasisiguro ko na hindi na ako napipilitan na mahalin siya,dahil totoo na.Totoo na lahat ng pinapakita ko sa kanya.Naalala ko noong panahon na akala ko napipilitan ako sa kanya.Mga panahon na parang nakasanayan ko na I-kiss siya sa noo.

Siguro nagawa ko sa kanya ‘yon noon hindi ko na lang maalala ngayon.Byahe naming ngayon,pabalik sa lugar kung saan kami nagkita.Sa lugar na maraming alaala.Sa lugar kung saan kami nagsimula.Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang mga pinsan ko na mga loko.Bumaling ako kay Satrina at tulog ito.

"Okay na ba lahat?"tanong ko kay Fill.

"Okay na okay na,Dude.Kulang na lang kayo,”Fill said.Ngumiti nalang ako.

"Congrats in advance,Pinsan!”sigaw ni Mylne sa kabilang linya.

Hindi to loud speak kaya safe ako at mukhang mahimbing ang tulog nito.

"Sige na baba ko na,on the way na kami."

"Ouy!Pinsan,regards mo ako kay Satrina,ah,"Mylne said at binaba na ang tawag.

Binalik ko ito sa likod at cellphone ko at nagpatuloy sa pag-drive.

Panay silip lang ako sa maamong mukha niya.Naalala ko noon.Lahat na ginawa ko sa kanya.Makalipas ng ilang taon ay nangako ako sa kanya na hindi ko na siya gagawing tanga.Na magiging masaya kami habang buhay.Nagsisi ako,sobra.Nakasakit ako ng tao.Nang dahil sa gusto ko lang makalimutan si Hanzel at suklian ang pagmamahal na binibigay ni Satrina sa akin noon.Noong nasa abroad ako.Hindi siya mawala sa isip ko.Pinapunta siya nina Fill sa airport no’n ngunit ayaw ko na makita niya ang mukha ko. Ang mukhang lalaking pinagmukha siyang tanga.Na akala niya totoo ang pag-crush back ko sa kanya.Nakatago lang ako sa loob ng airport habang pinagmamasydan ko sila….na nagyayakapan.Naiisip ko sa mga panahon noon na,what if hindi ko siya nasaktan nang sobra?Ganyan kaya ang trato niya sa akin?

Marami akong naging ka-fling sa abroad ngunit ‘di pa rin siya mawala sa isip ko,Hindi ko alam kung bakit.Dahil alam ko na ayaw niya na akong makita pa pero hindi ako nagtagumpay.Hindi pala solve ang problema ko kung manggamit lang ako para makalimutan ito.Date-date lang pero hindi ko kinama.Ayaw ko ng lokohin pa ang sarili ko na hindi nahulog nang husto kay Satrina.Napalago ko ng tama ang kompanya namin.Masaya naman ako ngunit may kulang.Walang saya sa puso ko.Kasi hindi ko napagtagumpayan ang taong mahal ko.Naging bulag ako.Naging tanga.Ilang taon din ng malaman ko na sobrang yaman na ni Satrina.Proud na proud ako sa kanya.

Naalala ko pa na nagpapangap ako hindi apektado pag siya ang topic naming pinsan.Minsan walked out ako.Minsan nagpapangap na tulog upang hindi na ako tuksuhin ng mga pinsan ko.Ngunit na pagtanto ako sa panahon na ‘yon na umuwi at kunin si Satrina.Nalaman ko kay Mylne na single pa ito at busy lang sa trabaho niya.Para ako nabunutan ng tinik dahil akala ko meron na siyang iba.Agad akong umuwi no’n.At ‘yon na ang nasaksihan ko magkababata kami.Siya pala si Bea.Ang tanga ko dahil Bea lang ang nalaman ko sa kanya noon,dahil kung nalaman ko noon pa.Sana,masaya na.Ngunit gano’n talaga riyan mo pa makakamit ang kasiyahan mo pagnakaranasan ka pa ng matinding lungkot.

"Claude?"tawag sa pangalan ko nilingon ko ito at ang taong mahal ko pala ito.

Nagising ako sa katotohanan,ah.Pero nagbunga naman ang pagbalik ko sa Pilipinas.

"Yes,Baby?"sabay kindat ko sa kanya.Hinampas naman ako.

"Malayo pa ba tayo?"tanong niya sa akin.Naka-focus ako sa daan dahil ayaw kong mabanga.

"Malapit na."

Bumaling naman ako sa kanya at sinandal niya ang ulo sa bintana.Pagod pa siguro ito dahil panay ang trabaho nito sa hacienda nila.Na sobrang laki. Sobrang bait niya sa lahat ng empleyado niya.Trinatrato niya ito ng pantay lahat at masaya ako na nakuha ko siya.Napakaswerte ko dahil pagkalipas ng maraming taon ay mahal niya parin ako.Ganon din ako sa kanya.Walang pinagbago.

"Kain ka riyan.May pagkain sa likod.”

Meron akong binili habang tulog siya.Mahimbing talaga ang tulog niya dahil hindi niya namalayan na bumili ako.

"Bumili ka?Hindi mo naman ako ginising,"sabi niya at kumuha ng supot sa likod."Wow,my favorite!Thanks Baby."At ngumiti ito.Sinimulan niya na ang pagkain.

Masaya naman ako at nagustuhan niya.Alam ko naman na favorite niya yan.Favorite namin.Lalo na noong mga bata kami.

"Mahimbing ang tulog mo kanina.Kaya hindi mo namalayan na nag-park ako.And by the way,favorite mo pa rin ‘yan?"tanong ko sa kanya.

"Oo naman hindi ko nalimutan ang favorite natin noon,pero Baby,ang liit ng mundo,ano?Kababata pala kita noon.Kaya pala parang matagal na kitang kilala,"sabi niya.Kinuha ko naman ang kamay niya at hinalikan ang likod nito.

"Ganyan din ako noon.Akala ko baka may nakikita lang akong iba sa’yo.Parang yung kababata ko,pero winawalang bahala ko ito sa kadahilan na ito ay nakaraan na.”

"Aysus!Ang sweet naman.”Uminom na siya ng coke.

"Ikaw,tapos kana bang kumain?"Tumango ako.

"Tapos na,”sabi ko at agad kung pinark ang sasakyan sa harap ng bahay nila.

Ang blessing ng pamilya ni Satrina ay approve na.Tuloy-tuloy na to.

"Thanks,Baby,"Satrina said.At bumaba na sa sasakyan.

Nandito kami ngayon sa bahay nila.Akala siguro niya ay hahatid ko lang siya.Agad akong bumaba sa sasakyan.Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko sila Fill.Sabi ko sa kanila na tatawag lang ako pag nandito na kami,no need to answer my call.Sign lang yun.Agad kong hinabol si Satrina papasok sa bahay nila.

"Oh!Akala ko ba hahatid mo lang ako baka pagod kana."

Nag-aalala ang mukha nito.Kaya mahal na mahal ko ito,eh.Hinawakan ko siya sa kamay at hinalikan ko siya sa noo.

"Pwede rito muna ako?Promise sa sala lang ako,"sabi ko sa kanya.Tumangon naman ito.

This is it!

“Claude,pakikuha nga ng barbeque sa kusina.Nandiyan na sila Mylne,oh.”

Bitbit niya si Hayden ngayon.Every year kase palaging bumibisita sila Mylne sa amin.

“Pa-kiss kay,Hayden.”

Nilayo niya ito.Napapuot naman ako.

“Barbeque,first.”

Tumango naman ako at niyakap na lang siya.Ano ba ‘yan?Gusto ko pa naman na ma-kiss ang anak ko.Ang lamabig kase nito parang hindi lalaki.

“I love you both,”sabi ko at himas ang noo ni Hayden.

“We love you both,”bulong niya.

Napangiti namana ko sa kanila.Niyakap ko pa sila.

This time,It feels like I’m whole now.

No need to select because love them both:my child and his mother.

I,Claude Teo Soriano,select to be with her forever.

Select among the ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon