Chapter 5

6 3 0
                                    

Chapter 5



Nasa cafeteria kami ngayon.Kasama ko si Mylne.Sabi kasi ni Claude na sunduin ako.Kasi mamaya pa nine ang break nila.Kaya ayon inutusan niya si Mylne na sunduin ako.’Di ba,ang sweet?


“Ganito ba magmahal ang isang Claude?”tanong ko habang pumipila.


“Ewan ko,Satrina.Ngayon lang din ako umabot sa punto na ganito pala magmahal ang isang ‘yon.Kasi nasa states ako ng umiibig daw to kay Hanzel.Kaya hindi ko naabutan kung paano niya tratuhin si Hanzel.“Baling ni Mylen sa akin at lumingon  na sa pila.

Malapit na kami kaya.Kailangan na naming hindi maging tanga.Baka ma-unahan pa kami ng iba.


Sabagay hindi na abutan ni Mylne.’Yong oras na baliw ang Claude kay Hanzel.Ang swerte niya noon pero kailangan kong abalahin ang ngayon.Oras na namin.Oras na para mag-order.Tama na ‘to,ito lang kinaya nang budget ko.May tubig pa namna ako sa bag.Kaya okay lang.


“’Yan lang,Satrina?”gulat na tanong ni Mylne.Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa pagkain.

“Oo naman.Okay na ‘to,”sabi ko at ngumiti.“Hanap muna ako ng upuan natin ha.”At umuna na ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa cafeteria at walang bakante.Halos nakita ko na bakante sa dulo ay agad akong pumunta roon at umupo.Hihintayin ko pa Mylne.Ang tagal niya ah.


“Vanessa,ang ganda mo,ah,”puri ng kaibigan niya.

“I know girl,mas maganda ako sa pinili ni Claude.”

Namataan ko ang pagbaling niya sa akin.Umiwas nalang ako ng tingin.Hindi ko na lang sila pinansin.Alam ko naman na ako lang ang trip nila.Ako lang ang kasiyahan nila.So,pagbigyan na natin.


“Satrina,nandiyan ka lang pala,"sabi ni Mylne at pinunasan ang noo niya.Pinunasan  niya  ang  pawis na lumabas sa katawan niya.

“Oo,humanap ako ng mas comfortable sa atin."Ngiti ko.

Naramdaman ko naman ang mga alaga ko sa tiyan.Humihingi nang pagkain.


“Narinig ko ‘yon,"sabi ni Mylne at umupo na.Nakatayo siya kanina,eh.”Ito oh,bilin kasi ni Claude napakainin ka. “

Alam ko ang tingin na ‘yan.How to be you look.Tsk!Loko talaga.


“A-Ah!Inabala ka pa ni Claude,”sabi ko.Habang nakayuko na,nahihiya ako.


“Satrina,alam kong tipid ka na tao,kaya ganyan ka.Kaya,deserves mong alagaan kasi sarili mo nga hindi mo maalagaan.No offend,ang haggard mo ngayon."Habang  nakaturo sa mukha ko.”Ayan powder,para fresh ka pag magkita kayo ni Claude at para hindi kana apihin."At inabot niya sa akin.


“Nagabala ka pa.Hindi ko kailangan pa niyan ngayon,"sabi ko at kumain nang Piattos.


“Pero sana naman,Satrina.Tanggapin mo na ang hiling ng pinsan ko na kainin ‘yan.”With matching puppy eyes.

Kung nakikita ni’yo lang natatawa na ako sa inaasal niya.Tiningnan ko ang binigay  niya.Pagkain ba ‘to?Ano ‘to?


“Quick Baked Zucchini Chips ‘yan,”sagot ni Mylne na parang alam niya ang tanong sa aking isipan."Sige na,kainin mo na para maka-attend na tayo ng next class natin.Baka ma-late tayo.Punish na naman ng prof.”

Oo,ang ma-late at may punish.Like ipa-oral ka,biglaang oral.As much as I can,hindi dapat ako magpapa-late dahil sayang ang points kung hindi mo masagot.Pag ikaw late,ikaw ang palaging topic.Kumain na kami ni Mylne wiith cold water lang sa kanya.Ang order niya is chips and Chewy Granola bars.


“Sige,mauna na ako.Malapit na akong ma-late,"sabi ni Mylne at tumayo na.


Umiling nalang ako sa ginagawa niya.Patakbo niyang nilisan ang cafeteria.Ang ending ako na lang ang pupunta sa room ko.Ibang klase rin.Kaya tumayo na ako at baka ma-late ako at ayaw kong maparusahan ng prof namin.Papasok na ako sa room namin.Wala pa naman ang professor naming kaya okay lang.Uupo na sana ako na may lumipad  na eraser sa ulo ko at napahawak ako sa ulo ko.Ang sakit!Sino ang nagpalipad nito?


“Opsss!Akala ko manhid,"tawang sabi ni Vanessa.

Umupo nalang ako at hindi nalang sila inintindi.


“Sana,magising na siya sa katotohanan na  ako ang mahal ni Claude,”dagdag ni Vanessa.Kanina pa sila nakabilog pero hindi ko sila inintindi.


“Tsk!Ang Feeling,"bulong ko sa sarili ko.

Ang feeling naman talaga niya.Kung mahal siya ni Claude.Sana,siya ang nasa posisyon ko.Pabida lang,e.


“Vanessa,stand up."At tumayo naman ito.Makikita mo ang kaba sa kanyang mukha


“Yes Ma’am?”kabado niyang sagot.

“Kanina ka pa daldal nang daldal diyan,”professor namin.“So,as a punishment.What is the meaning of archipelago?”taas noong sabi ng professor namin.


“Ahm…..”nakayukong sabi ni Vanessa.


“See?Wala kang maintindihan dahil puro ka daldalan,Vanessa.”Nilibot niya ang kanyang paningin.“Anyone?”Halos mabingi ako sa katahimikan.


“You."Turo ni Ma’am.Sa katabi ko ngunit iling lang ang  sagot nila.“Oh my God!Guys,wala ba talaga kayong naintindihan?”Inisa-isa niya ang classmate ko at ako nalang ang wala.Alam ko ‘yan,pero baka magkamali ako at pagtawanan.


“Miss.Alawi,any idea?Pagwala pa,paparusahan ko kayong lahat."

Mukhang ako nalang ang pag-asa,ah.Tumayo ako at inalala ang ibig sabihin nito.


“Ma’am,the meaning of archipelago are an expanse of water with many scattered islands,a group of islands,something resembling an archipelago especially,a group or scattering of similar things.”


“Very good,Miss.Alawi.”

Pagbaling ko ng tingin kay Vanessa ay umirap ito.

Narito ako sa ngayon sa field.Maaga pa umuwi at magraket at kailangan pa ako mag-grocery ng mga pagkain sa bahay.

“So,tayo na?”aya ni Claude habang nakatayo.Ngumiti siya.”Baka matunaw ako,Satrina."Hindi ko namalayan ko nakatitig lang pala ako sa maamong mukha niya.

“Tss!Loko."At hinawakan ko ang kamay niya at umalis na kami sa field.

“Dali na,Satrina.”Tumatakbo kami ngayon para maaga kaming matapos

“Hinihingal naman ako riyan,Claude."Sabay kalas sa kamay namin na kanina pa naka-holding hands.

Yumuko ako at napahawak sa tuhod ko.Sanay na akong tumakbo pero iba ngayon,kasama ko si Claude.

“Dali na,nandito na tayo,”sabi niya at hawak niya nang pintuan ng kotse niya.

Hindi ko namalayan na nasa parking lot na kami.Basta takbo lang at hindi na pinag-aksayahan ng oras ang nasa paligid,’yong mga kontrabida sa storya na ‘to.

“Oo na.Nandiyan na."Patakbo akong sumakay sa kotse niya.

Pinaandar niya na,e.Siraulo talaga ang lalaking ‘to.Bakit ko ba ‘to minahal?

“Ang hina mong tumakbo,Satrina."Binatukan ko siya.“Aray!Nagmamaneho ako baka mabanga tayo,Satrina.”

“E,kasi,po.Wag kang magbully sa akin.Wala ako sa mood para roon,"sabi ko at sinandal ang ulo ko sa upuan.

“Pagod ka na roon?”usisa niya sabay tingin sa akin at sa daan.

“Focus on the road,Claude,”utos ko sa kanya.

Delikado na.Gusto ko pa siya makasama habang buhay. 

“Yes Ma’am,"sabi niya at binilisan pa ang takbo niya.

Ito ako ngayon nakahawak sa taas.Jusko,hindi ko pa naman oras,’di ba?Ilang mura ang pinakawalan ko.Halos sapakin ko si Claude sa ginagawa niya.

“Parang awa mo na,kailangan  ko pang maahon ang pamilya ko sa hirap."At nakapikit na ako.

Hindi ko kayang tumingin sa daan.Jusko!Hindi ba kami mapapahamak nito.Hindi ko na maipinta pa ang itsura ko basta kinakabahan ako na mamatay.Well,ready naman pero hindi pa dapat ngayon.Masama siguro na dalhin ko ‘tong kupal na ‘to.Humalakhak si Claude.

Aba!Ano’ng nakakatawa?

“Ewan ko sa’yo,tatakutin.Nandito na tayo sa mall.”Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.At,oo nga,nasa mall na kami.

“Ang bilis ko ‘no?”aniya sabay kindat sa akin at bumaba na sa sasakyan.Bubuksan ko na sana ito ng maunahan niya ako.

“Ang bilis nga.Akala ko kung ano na,"hingal ko na sabi at nagpaalalay ako sa pagtayo.Nanghihina ang tuhod  ko.

“Relax,Satrina.Walang mangyayaring masama sa’yo.Gwapo ang kasama mo."At umuna na siyang pumasok sa entrance.”C'mon,Satrina.Double time."At tinuro niya pa ang relo niya.

Bakit ko nga ba ‘to sinama?

Tumakbo na rin ako sa entrance.Malit lang na bag ang dala ko,pero si manong guard panay tusok-tusok sa bag ko.Parang sisirain,eh.

“Manong,wala pong foods diyan,walang fishball."Ngiti ko sa kanya.Napatingin naman siya sa akin.

“Sige,na.Go na…Ma’am,"ani ng guard.Umalis na ako baka anong  gawin pa sa akin.

Napahinto ako at close the sling bag,you know.Baka manakawakan pa tayo.Paano na lang kami?Parehas lang kami ng magnanakaw na gustong mabuhay.Nagulat ako ng may umakbay sa akin.Napaiwas ako at susuntukin ko na sana…

“Satrina naman,“boses ni Claude.Habang gulat sa  ginawa ko.Umayos ako nang tayo.

“Sorry,akala ko kasi yung guard,"paliwanag ko at lumapit sa kanya.Inakbayan niya ako na naman.

“I will protect you at all cost,Satrina,”bulong niya at sabay kaming naglakad patungo sa grocery.

Ayan na naman ang guard manunusok na naman ng bag.Kaya binuksan ko na ito.

“Ayan po,siguro naman wala kayong matusok diyan.Kasi wala naman talagang fishball."

“Ah,sige na Ma’am.Okay na ‘yan."

“Tsk."

Napatawa naman ang kasama ko.”Loko  ka talaga,Satrina.Laughtrip,”aniya sabay hawak sa tiyan sinuko ko naman siya.

“Pakikuha ng cart at basket,pease,”pakiusap ko at tumakbo sa dapat kong puntahan.

“Pinasama mo pala ako para maging alalay mo!"sigaw ni Claude.Tumawa nalang ako sa ginagawa niya.

“Ang dami,ah!"Habang kanina pa sunod nang sunod sa akin.

“Syempre nakaasinso nang konte,"sabi ko at tinulak ko ang cart patungo sa cashier.

“2500 lahat Ma’am,"ani ng cashier.Kinuha ko na ang wallet ko.

“Here.”Lahad ni Claude ng pera niya.Gulat akong  tumingin sa kanya at kindat lang ang sinukli  sa  akin.

“Hindi mo naman kailangan gawin ‘yon,Claude.Akin ‘yon,sa amin ang grocery na ‘yon,hindi sa inyo.Kaya,I have my rights to pay for it.Hindi ako dependent sa’yo,Claude,“inis kong sabi habang tinutulak na ni Claude palabas ang cart.

“Diyan muna ‘yan.”At iniwan niya sa baggage counter ang grocery ko.

“Saan tayo?”

“Basta,sumunod ka na lang."Ngiti niya.Hindi nga ako nagkakamali.Kain na naman.

“Gutom ka na?”

“Hindi ba halata?Nakakapagod kaya kakasunod sa’yo,Satrina.”At umupo na.Binigyan naman kami ng menu.

“Isang Pepper and Walnut Hummus with Veggie Dippers and Baba Ganoush,"order niya at sinulat naman to ng waiter.

“Iyann lang po ba,Sir?”Tumango naman siya.

Ilang minuto ang nakalipas at dumating na.Kumain na siya kaagad.

“Gutom ka nga."Habang nakatingin sa kanya.Napatawa ako nang mahinhin sa ginagawa  niya.

“Now,eat,"utos ni Claude at inabot ang pagkain sa akin

“Ano naman ‘yan?”Habang curious kung ano ang nasa harapan ko.

“Pagkain,"pilosopo niyang sabi.

“I-mean ano----"

“Baba Ganoush  ‘yan.“At kinain ko naman ‘yon.

May dumi sa mukha ni Claude kaya pinunasan ko.Napatingin naman siya sa akin.Bumilis ang tibok ng puso ko parang nag-slow motion.Na-realized ko na awkwar ,kaya umayos na ako ng upo

Nakaupo ako sa field ngayon.Tapos na kaming kumain nina Mylne.Ako lang mag-isa rito dahil nasa CR si Mylne.Hindi ko alam kung umihi ba ‘yon o nagpaganda sa crush niya.Sina Claude ay kakain pa sa cafeteria.Ngayon lang sila naka-dismiss.Samantalang kami ni Mylne wala ang last period namin nang umaga dahil busy daw ito.

Kaya nag-review nalang ako para ready sa next subject namin.Baka biglang quiz or oral na naman ang ibubungad sa amin ng magaling namin na guro.

“Myl----- “

“Ow!There you are Satrina,"sabi ni Vanessa at kasama niya pa talaga ang mga alalay niya.Gulo na naman ang gusto ng mga ‘to.“Alam mo,ang fc mo rin,ano?Feeling close sa mga pinsan ni Claude.Hindi talaga kayo bagay ni Claude,Satrina.Gets mo?”dagdag niya pa at kinuha ang  notes ko.

“Ang feeling mo rin ano,review para mapahiya ako?”Irap niya.Habang may tinitingnan sa likod.

“Hindi ko naman intensyon ‘yon,Vanessa."

Napatawa siya.“Hindi intensyon?Seriously?Lahat nalang inaagaw mo,pati na rin si Claude.Atensyon ng mga tao at dapat nga ako ang nasa posiyon mo ngayon.Masaya at hinahangaan nang lahat,”may halong pait sa boses ni Vanessa.Naawa ako sa kanya.Gusto niya pala ng atensyon

“Girls hawak ni’yo siya!”utos niya sa mga kaibigan niya.Hinawakan naman nila ako.

“Halughugin ni’yo bag niya!Baka mangkukulang siya!” 

Ang lahat ay nakatingin na sa amin.Mas dumarami.Hinalughog nila ang bag ko.Sinira nila.Bumuhos ang mga luha ko sa inaasta nila.

“Si Hanzel lang para kay Claude,Satrina.Hindi kayo bagay!Wag kang umaasa.Isa ka lang namang mahirap na naka scholarship dito sa University  na ‘to at hindi ka bagay dito dahil mga mayayaman lang.Hindi mga feeling mayaman.’Yong totoo na mayaman ha at ikaw feeling close sa pinsan ni Claude.Feeling maganda,kahit hindi naman talaga maganda."Duro niya sa akin sa mukha at hinila ang buhok ko at pinalo-palo.

I can feel the pain.Hindi ako makawala.Hindi ko na alam anong itsura ko ngayon dahil hinawakan ako namg mahigpit ng mga kaibigan niya.

“Anong pinaglalaban mo…itong mga notebook mo?!”Hinawakan niya ito at pinasunog.

“Wag!Ano ba’ng atraso ko sa’yo,Vanessa?Nag-aaral lang naman ako rito,ah,"napapaos na sabi ko.Umiinit nang mukha ko.“Ang sama mo!”

“Ako pa talaga ang masama,Satrina.Ikaw na nga ang nang-agaw kay Claude.Ngayon ako pa ang  masama?Nagmahal lang naman ako pero hindi ko alam bakit hindi ako minahal niya.Pangit ba ako?Hindi ko ba karapat-dapat na mapansin niya at hindi ko alam bakit ikaw pa.Bakit?Ano ang pinainom mo sa kanya,ha?!Bakit siya baliw na baliw sa’yo?!”sigaw niya at kwenelyuhan ako.

“Humanap ka nang iba.’Yon kaya kang mahalin pabalik!"sigaw ko sa kanya.Mas hinigpitan nila ang pagkahawak sa akin at napasigaw ako.

“’Yan ang gusto ko.Ang nasasaktan ka….dahil kulang pa ‘yan sa pinaranas mo sa akin,Satrina!”

“Stop that Girls!”

Tumawag na pala sila ng guro.Nagulat ako ng napaluhod si Vanessa at umiiyak na.Hindi na ako hawak ng mga kaibigan niya dahil inaalalayan na siya

“Shh,stop na.Kasalanan niya naman."Turo ng kaibigan niya sa akin.

“Vanessa,okay ka lang?”Alalay ng isang kaibigan niya pa.”Isusumbong kita kay Ma’am."

Napa-irap ako sa inis.

“Dapat ka lang ma-suspend,”pagsusumbat ng isa.

Napahiga ako sa ginawa nila sa akin sa field.Lumalandas na ang luha ko pababa. 

“Vanessa…God!Anong nangyari?”nag-aalalang tinig ni Ma’am at inalalayan siya nito,pinatayo.

“Si Satrina po.Siya po may gawa nito."Hagulhol na sabi Vanessa at may pula na sa mukha niya.Napalagay siya ng sampal sa  mukha niya.

God!How pathetic.

Taas kilay ang pinukol ni Ma’am sa akin.Umiling ako at umiiyak.

“H-Hindi po ako.W-Wala po akong ginawa sa kanya na ganyan,kung tutuusin po….a-ako po ang  sinaktan,"pagsusumbong ko habang nakayakap sa sarili.

“Stop,you liar!Ikaw nga ang may gawa nito!”Hawak ang kamay pisngi na pulang-pula,kunuhay.

Tumayo si Ma’am at pinagtitingnan niya ang nasa field.“Sino ang may gawa?!”Tanong ni Ma’am at nakatalikod sa amin.Kaya nakasenyas si Vanessa na lagot sila.

“Si S-Satrina po,Ma’am,"sabay nilang sabi.

Napabaling si Ma’am sa akin at umiiyak na ako nang husto.Ganyan ba ngayon walang karapatan ang isang tao paghindi mayaman?

Napaawang ang labi ko ng lumapit si Ma’am at sa bawat hakbang niya ay kinakabahan na ako sa mangyayari.

“Satrina,how could you--------"Hindi na natuloy ni Ma’am ang sasabihin.Nang may yumakap mula sa likod ko.

“Shh,tama na Satrina.Nandito na kami.Sorry,natagalan ako.Nagulat ako na ganito na ang nasaksihan ko.”Ramdam mo ang pagsisi niya sa sarili.Hindi ko kayang makita ako nina Mylne na ganito.

“Anong nangyari,Ma’am?”galit ang tono ni Claude. 

“’Yang si Satrina.Sinaktan si Vanessa,"sumbong ni Ma’am.Tiningnan ni Claude si Vanessa.

“At naniwala ka naman,Ma’am?”Nanliit na mata ang binaling niya sa guro.

“Pero ‘yon ang sabi nila,"nanghihina ang boses ni Ma’am,pero pilit niya pa rin na magmatapang.

“At naniwala ka naman Ma’am.’Yan naman ngayon ang mga tao hindi naman natin inaalam ang totoong nangyayari,pero hatol na kayo kaagad.Naniwala ka sa Vanessa na ‘yan?Hindi naman halata na ikaw ang may kagagawan,’di ba,Vanessa?"Baling ni Claude kay Vanessa.

Nakangiti na ito.“Si Satrina naman talaga Cla-----“

“Stop!You are the true liar.Pinaniwala mo ang lahat na si Satrina ang may kagagawan niyan.Kahit hindi naman.Bakit ang desperada ni’yo?Alam ko naman na binayaran mo ang mga taong nandito."Nakayuko na ang lahat"Ang galing mo,Vanessa.Wag mo lang ulit-uulitin ‘to.Wag mo ulit aawayin ang girlfriend ko.Kung hindi,ako ang makakalaban mo!“

Lumapit siya sa akin.Inayos niya ang gulo kong  buhok“You are now safe with me."Niyakap niya ako hindi ko na nakayan pa ay napahagulhol.

Now,I’m safe.

Dalawang linggo ang nakalipas sa nangyari at hindi na ako inaaway ni Vanessa.Buti naman at wala ng mangbu-bully sa akin.Nasaktan ako sa mga sinabi niya tungkol sa akin.Feeling mayaman.Hindi naman ako gano’n na tao.Feeling close?Hindi ako feeling close kina Mylne,dahil kusa  silang lumapit at nakipag kaibigan sa akin.

Nadadaan ko nalang si Vanessa.Pakiramdam ko tuloy tahimik na ang mundo ko,ang buhay ko.Ang saya ng puso ko ng oras na ‘yon.Panay check ang ginawa ni Claude sa akin.Sina Phoenix ang nag-assist sa akin.’Yon nasira na mga notebook at bag ko ay binayaran ni Vanessa.Nag-sorry naman siya sa nagawa at ayaw niya raw niya nang gulo.

Kahapon hindi ko na siya nakita dahil nagpa-shift siya ng oras at ayaw niya raw akong maging classmate,dahil nahihiya na raw siya sa nagawa niya sa akin.Sabi ko na wag na siyang mahiya dahil kaya ko namang kalimutan ‘yon pero hindi raw kaya ng konsensya niya.

Narito ako ngayon sa bahay.Sabado at kahapon panay raket ako,dahil para relax day ako ngayon lang na oras lang.Favorite ko ‘to ang maglinis ng bahay.Raket na naman mamaya.Sabay saway.Nagwawalis ako ng sala ngayon.

“I know you're always on the night shift,But I can't stand these nights alone,And I don't need no explanation,'Cause baby,you're the boss at home,”kanta ko sabay twerk.

Nagulat ako ng may kumatok sa gate.Binuksan ko naman at ang mga kaibigan ko ito.

“Ang galing mo Satrina,ah,"puri ni Phoenix na siyang kinamula ko.

Nakita nila.God!

“Pasok kayo."Nilawakan ko ang pintuan at pumasok naman sila.

Hindi na nila dala-dala ang mga tauhan nila,dahil sinuguro naman ni Claude na hindi niya papabayaan ang sarili at mga pinsan niya.

“Ipagluto mo naman kami,Satrina,"utos ni Claude.Ngumuti ako.

Sige na nga,pagbigyan.Naligo muna ako,nakakahiya kung hindi.Nanganagmoy pawis pa ako.

“Tutulungan kita rito,Satrina,”offer ni Claude at kinuha na ang mga ingredients sa grocery bag.

Nag-grocery siya para hindi ko raw mapakialam ang pinag-grocery ko noon.

“Okay lang naman na gamitin ‘yon grocery na binigay mo sa amin."

Alam ni mama na kay Claude ‘yon galing,ang mga grocery.Kaya pasalamat sila.Hatid at sundo pa rin si Claude sa akin.

“Wag na,magluto na tayo dahil baka gutumin pa ako,"aniya.

“Tss!Takaw talaga,”bulong  ko.Habang nag-slice kami ng ingredients ay panay halik si Claude sa akin.

“Oh,tama na.Adik na,e."Tawa ko sa kanya.

“Ikaw kasi.”

“So,ako pa may kasalanan?Ang kapal ha,”sabi ko at pinagpatuloy ang ginawa namin.“Magma-marinate muna ako,”sabi ko at tumango naman siya…busy na kaka-slice.

Magsu-suate na kami ng garlic,ginger,onion in oil,add chicken and patis at niluto sa five minutes.Add pineapple and coconut milk.At I-simmer siya ten minutes.Add potatoes and milk,after.At pakuluan ito at summer for another ten minutes again.And bell pepper and del monte pineapple chunks and Paris.

Tinikman ko.Okay naman.

“Claude,tikman mo."Huyop ko at sinubo ito sa kanya.“Masarap?”

Tumango siya.“Sobra,“sabi ni Claude at niyakap ako.“The best.”

Pina-simmer pa ng five minutes at nagserve na after.

“So,kumusta na Satrina?”tanong ni Phoenix.”Hindi ka sinasaktan?”Umiling ako.

Hinawakan ni Claude ang kamay ko sa mesa.

“Hindi na yan.Nag-sorry na si Vanessa.”Ngiti ni Claude at nagtitigan kami.Napaiwas naman ako ng tingin.Natutunaw ako sa bawat titig niya.

“Wag mo nga akong tingnan ng ganyan,”saway ko sa kanya na siyang kinatawa niya.

“Masanay ka na.Boyfriend mo ang isang Claude.”Halakhak niya pa.Binatukan siya ni Fill na siyang kinasama ng tingin niya sa mga ‘to.

“Paturo naman ng ganyang galawan,Claude.Jowang-jowa na kami,”ani ni Fill.Napatawa ako.”Ano’ng nakakatawa,Satrina.Gusto mo ikaw jowain ko.”Galit na tumayo si Claude.Nag-peace sign naman si Fll.“Sarap mo talagang inisin,Claude.”Halakhak niya pa.

Napaupo naman si Claude ngayon,dahil kusa ko itong hinila.”Tama na,biro niya naman ‘yon.Alam naman nating lahat na tayo,’di ba?”Bumaling ako sa lahat.Tumango naman sila.

“Kaya ikaw,Claude.Bawas-bawasan mo pagiging seloso.Baka iwan ka ni Satrina,”tukso ni Phoenix.Napa-apir naman sila ni Mylne.

“Tama nga.Ouy!Kinikilig si Satrina.”Agad akong nagtago sa kamay ko nang tinuro ako ni Mylne.

Loko talaga ang babaeng ‘to.Sinamaan ko siya ng tingin.Kumakalabog ang puso ko sa ngising aso nila ngayon sa akin.Ako na naman siguro ang pagtritripan ng mga ‘to.Pinisil ni Claude ang aking kamay nang hindi ko kayang magalaw ang mga ito.

”Okay ka lang?Don’t mind her.”Tumango naman ako.

Kailangan ko talagang masanay.

Pasimple akong tumitig kay Claude.Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya.Nagselos nga siya?So,ibig sabihin seryoso nga siya sa akin.Kinikilig ako sa aking naiisip.Ang crush ko lang noon,akin na ngayon.Alam kong imposible ‘yon noon.May kung ano sa aking sarili noon na sana hindi na ako nag-confess.Mapilit kase ang isang tao.Napatawa ako.

“Bakit ka tumatawa?”Pag-uusisa ng nobyo ko.Umiling ako.“May iba na bang nagpapasaya sa’yo?”kunot-noo niyang tanong.Napatawa naman ako.Hinampas ko siya.

“Seloso,”sambit ko.Napailing naman sila Mylne sa amin.

“Kumain na nga kayo upang mataas pa ang oras natin dito,”ani ni Mylne.

Tumango naman kami.Panay asaran at katuwaan ang ginagawa namin.Nood TV.Nagdala pa sila ng maraming pagkain.Tuloy,halos hindi na ako makagalaw sa bigat ng tiyan ko.

“Una na kami,Satrina,”paalam ni Claude sabay halik sa noo ko.Tumango ako.Gano’n din sina Mylne.

“Ingat.”Kaway ko nang makasakay na sila sa sasakyan at pinagmasdan itong umandar palayo sa akin.

“Good morning,Satrina!”bungad ni Mylne.“Dali na at magbonding tayo.Tita,Tito,hiram ko lang si Satrina,ah."Tumango naman sina mama

“Ingat,ihatid mo ‘yan,bago maggabi,ha,"paalala ni papa at humalik ako sa pisngi niya.

“Sige po."Kaway ko rin kay papa.

“Teka,sandali naman Mylne.Hindi halata na excited ka masyado,"sabi ko at hinila niya na ako sa loob ng sasakyan niya.

“Manong,sa destinasyon  natin,"maligayang sabi ni Mylne at umalis na ang sasakyan.

“Saan ba kasi tayo ngayon,Mylne?Hindi pa ako nakakain nang agahan dahil sa pinag-gagawa mo.”

Nakasuot siya ngayon ng pantalon at off shoulder.Ako naman nilugay ang buhok at naka-square pants at long sleeves na crop top at sapatos.

“Secret and go with the flow."

“Seryoso ka?”

“Oo naman pero mas seryoso pinsan ko sa’yo.”

“Pst!Loko,"sabi ko at yumuko.Namumula na ako.

“Ayiee,kinilig.Mas support pa ako sa iyo eh.Kasi alam kong hindi mo sasaktan si Claude.Alam kong mahal na mahal mo ang pinsan ko,Satrina."Nagkindat pa si Mylne.Niyakap ko siya ramdam ko ang support niya sa amin ni Claude at do’n ako natutuwa.

“Thank you,Mylne,for everything,”naiiyak kong sabi.

“Aysus,MMK.Ayaw kong umiyak ngayon.Ang ganda nga ng damit ko,off shoulder na naman."

“Favorite mo kasi.“

Sa kalagitnaan nang aming pag byahe ay nakarating kami sa mall.

“Let’s go?"Tumango ako at bumaba na kami.Hinila ako ni Mylne,hindi ko na siya inawat.

“Tsaran!”sigaw niya.

Para talagang loka.Videoke?

“Teka,seryoso ka?Kakanta tayo?”gulat kong tanong sa kanya.Tumango siya at hihilain sana niya ako.

“Teka,Mylne."Huminto naman siya at tiningnan ako.

“Aysus!Walang teka-teka,Satrina.Kanta naa tayo.Once you enter,bawal ka ng bumalik,kaya hindi ka na pwedeng umatras pa dahil KJ lang ‘yon.”Ang bossy kasi niya.Kawawa ang magiging boyfriend nito.

Inabot niya sa akin ang mic.“Ano’ng gagawin ko riyan?”

No,please.Ayaw kong kumanta ngayon.Gusto ko sana na dumating na si Claude at malayo ako sa ginagawa ng pinsan niya.

“Syempre kakanta ka,’di ba halata?”pilosopong sabi ni Mylne.”Dali na,please."With puppy eyes.Ang cute.Kinuha ko ito

“Yehey!Kakanta na ‘yan,"suportadong sabi niya.


Ayan na start na kinakabahan ako kasi maraming tao nakaabang.Maraming taong makakakita sa akin. Paano kung hindi nila magustuhan?Pahiya lang ako.Lagot talaga ang lokong ‘to.

“If I told you this was only gonna hurt,If I warned you that the fire's gonna burn,Would you walk in?,Would you let me do it first?,Do it all in the name of love.”Sa una kinakabahan ako pero sa huli nakikisabay nang lahat ng tao sa kanya,ngunit nakatalikod ako.

Humarap na ako sa tao at nakipagsabayan ng sila.Naalala ko ang unang araw na nakilala ko si Claude.’Yong mga ngiti niya na hindi ko malimutan.Mga panahon na masaya kami.Masayang-masaya na kasama ang isa't isa ay nakakataba ng puso ko.

“I wanna testify,Scream in the holy light,You bring me back to life,And it's all in the name of love.”Tapos na.Natapos ko na at nag palakpakan ang mga tao.

“Galing mo,"puri niya sa akin.

Inabot ko naman sa kanya ang mic.Akala niya kaya niya akong solo-hin.Kaya niya akong pahiyain.Ngumisi ako na bumaling sa kanya.

“Please for me,"pakiusap ko.

“No,ayoko,"pagtatangi ni Mylne.

Tingnan mo ‘tong babaeng ‘to,sa akin lang gano’n,pero pag sa kanya na tumatangi.Aba’t hindi pwede iyon.Nag-crossed arms ako.

“Sige ka,sasabihin ko sa crush mo na crush mo siya,"banta ko sa kanya at wala siyang choice dahil kinuha niya naman ito.

Yes,I won.

“Fine,libre mo ako nito,mamaya.”Kumanta naman siya.

Sinasabayan ko bawat tono niya.Gano’n ako ka suporta sa kanya.Humila pa ako ng mga tao para ma-appreciate ni Mylne na hindi lang ako ang taga supporta niya.Gusto ko sanang tawagan sina Claude.Kaso busy sila.Agad din akong nalungkot sa aking iniisip.Winala ko ito sa aking sistema.Pinabayaan ko ito na sumabay pa sa susunod na kanta pa ni Mylne.Tingnan mo ang bruha.Ginanahan naman kumanta.Pa KJ pa nang una.Umiling-iling nalang ako sa inaasal niya.

Napapaisip ko,alam ko naman na pag-umamin siya sa crush niya.Sana sila na.Hindi naman kase mahirap mahalin ang babaeng ‘to.Napakabait,napaka friendly.Ang bossy nga lang.Lahat dapat nakukuha niya.Hindi ko alam bakit pagdating sa crush niya.Ayaw niya na abutin ito.Seryoso nga siya sa sinabi niya na selflove muna.Na broken din pala ito sa abroad.Inaamin niya naman na kung sino-sino ang pinagtri-trip-an niya kaya ang ending,nag-seryoso siya pero niloko naman.Niyakap ko siya pagkasabi niya no’n.May tinatago palang gano’n.

“Tapos ka na?”bungad ko sa kanya.

Umiling lang siya.Naghulog pa siya ng barya sa videoke.Itong babaeng ‘to.Hinayaan ko nalang siya.Supportado naman siya sa akin pag ako ang nandiyan.Dapat gano’n din ako sa kanya.Mas mahal ko ito kaysa pinsan niya.Kapag nalaman ‘yon ng isa.Magseselos kaya ‘yon?

“Dali na,”utos ni Mylne nang matapos siya.

Halos mapailing ako at mapatawa sa ginagawa niya.Bossy na naman siya.Kanina pagkatapos naming kumanta.Dumiretso sa department store.Kaya ayun kahit ano-ano na naman ang nalagay sa basket.Kulang na lang ay bilhin niya nang buong mall.Sumakay na kami sa kotse niya.Ihahatid niya nalang daw ako.Total,hiniram niya naman ako kina mama.

“Dito na lang ako,Mylne.May raket pa ako,”ani ko.Nagtataka naman siya pero wala na siyang nagawa na drop niya na ako.

“Mag-ingat ka,”aniya at pinagmasdan ko ang paglisan nang sasakyan niya.


Select among the ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon