This is the last chapter of Select Among the Choices. I will grab this oppurtunity to thank all of you for reading up to here.Thank you my readers.Next Epilogue.
Chapter 10
Narito ako ngayon sa office ko,nagtra-trabaho.Next week at sa hacienda ako.Gusto ko ang sariwa nang hangin ng bukid namin.Gusto kong maranasan ang naranasan ko noon.Nakaka-miss din kasi na kayod-kalabaw ka para sa pamilya mo.Kaya saludo ako sa ibang tao na kakayanin ang lahat para sa pamilya nila.Kaya naman mataas ang sahod ko sa mga trabahante ko at sisiguraduhin ko na hindi na kami matra -traydor katulad noon.Na traydor lang ako ni Claude.
Speaking of Claude.Noong oras na umalis ako sa harapan niya ramdam ko nagsikip ng dibdib ko.Naalala ko na naman ang sakit na dulot niya ng oras na iyon.Buti na lang dumating si Mylne at alam ni’yo namang tsimosa ang isang ‘yon kaya naman.Kwenento ko sa kanya ang nangyari ng iwan niya ako.Kasi naman daw tumawag ang boyfriend niya.Kaya naman wala akong laban doon.Fve years silang nagkasama ta’s five years siyang nawala.Buti nga siya,okay nang lovelife niya.Hindi na sawi at engage na ang mga loko.Sabi ni Mylne ma me-meet ko raw siya,soon.Sana nga.Sana hindi ako busy.
Sa pag kwe-kwentohan naming dalawa.Tinawag kami nila mommy at ang ina ni Claude.Syempre walang pinagbago si Mylne kaya,agad na tumakbo papunta sa baba.Nasa balcony kasi kami ng guest room ng Soriano.Kain lang kami noong panahon na ‘yon at tahimik lang ako.Sila panay kwentuhan hanggang sa matapos.Hindi na ako nagtagal ng araw na ‘yon.Hindi ko na kinaya ang sakit na meron sa mukha ko.Kaya nag-paalam ako at umuwi na sa bahay ngayon ang nagmokmok at parang aswang ang buhok.
Nagulat ako ng may nag-ring.Hinanap ko kung saan y’on galing.Sa cellphone ko pala.Inis akong kinuha iyon sa sofa ko dahil doon ako umupo kanina at nag chill-chill lang.
Anong kailangan ng babaeng ito?
"Hello,"tipid kong bungad.
"Hey Girl.Shopping tayo later,please.”I'm sure naka-puppy eyes to sa kabilang linya.
"Hoy!Wag kang mag puppy eyes diyan,Mylne.Hindi bagay,"patawa kong sabi.
"Hoy!Paano mo nalamang nag-puppy eyes ako?Siguro stalker ka na girl.Aminin mo,"sabi niya pa sa kabilang linya.
"Palagi ka naman pong nag puppy eyes.”
"Basta mamaya,ha.Text lang kita kung saan banda,babussh,"sambit niya bago binaba ang linya
Natawa na lang ako sa kanya.Sila lang ang tinuring ko na kaibigan wala ng iba.Siguro ang iba kong empleyado pero hindi parehas kina Mylne na parang kapatid ko.Tinapos ko naman lahat ng dapat kong gawin ngayon.Para naman wala na akong gagawin mamaya.Nakakapagod kaya pagmamaya pa.
Natapos ko na sa wakas.Five p.m na kaya naman sumandal ako sa swivel chair at pinikit ang mata.Nagulat ako ng mag-vibrate ang aking cellphone.
From:Mylne
Dating gawi,Girl.
Doon naman ba sa favorite restaurant namin.’Tong babaeng to adik sa pagkain.Kaya naman agad kong nilisan ang office ko at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.Kaya ng dumating ako roon ay marami ng tao.
"Good evening,Ma’am.Nice to see you again,"bati ng waiter.Ngumiti naman ako.
"Good evening.Nasa’n si Mylne?"
"Ayon po.”Turo niya at nagpasalamat naman ako.Agad akong kumaway sa kanya.
"Hi."Beso-beso ko sa kanya.
Kaya naman agad akong umupo,miss ko na siya.
"So,naka-order ka na?Order na tayo,"aya ko sa kanya.
Syempre miss na miss ko siya abot langit ang ngiti ko ngayon,good mood ako.
"Oo,naka-order na ako dating gawi,"sabi niya.Napangiti naman ako.
"So,may sasabihin ka?"tanong ko habang kumakain na kami.
"Oo,pero sana wag kang magalit,”aniya.Tumango naman ako.
"Hello,"bati ng pamilyar na boses.
So,nandito siya?
Halos nabitawan ko ang kutsara na hawak ko.
"Hi,”bati ni Claude sa akin at inirapan ko siya.
"Sorry Satrina,but,kailangan ni’yo’ng mag-usap.Five years nang nakalipas,"sabi ni Mylne at hinawakan niya ang kamay ko sa lamesa.”Please,sana mag-usap kayo nang masinsinan.Alis na ako.’Insan,ikaw na bahala kay Satrina."
Wtf?Gusto niya ba akong saktan ulit.
Kumuha ako ng pera sa wallet,walang ‘ya!Ako pa pinabayad ng mamahaling pagkain,tapos maliit lang laman.Potek!
Kinuha ko na ang bag ko at aalis na sana ng may kamay na pumigil sa akin.
"Please,Satrina,mag-usap na tayo,please,”paki-usap niya."Please,stay.Give me five minutes to explain my side,please.”
“’K,"tipid kong sagot at umayos nang upo.
"Thank you."Ngiti niya.
"Mister,five minutes lang,’di ba?Dalian mo!"
Nabo-bored na ako.Sabay tingin sa orasan ko,maaga pa naman.
"Okay.Look,sorry hindi ko na explain side ko noon,dahil umalis ka pero minahal kita nang totoo,Satrina.I love you so much.Simula ng iniwan mo ako.Akala ko si Hanzel pa,nagkamali ako.Akala ko lang pala ‘yon."Natawa naman ako sa sa sinabi niya.
"Parte ba ‘to ng pangloloko mo,Claude?Well,hindi na ‘yan gagana sa akin.Ayaw ko nang madurog ito,"ako sabay turo sa puso ko.”Kaya tama na ang kalokohan,Claude.Five years na,na konsensya ka na naman,"sabay tingin sa mga mata niya.Umiwas siya.
"Totoo ang lahat,Satrina.Nang mawala ka na sa akin.Parang may kulang.Dapat maging masaya na ako,kasi wala ka na pero nalungkot ako at sa bawat araw na nagdaan.Miss kita,miss ko ang dating tayo.Nagsisi ako noon,Satrina.Please,paniwalaan mo ako."
Hindi ko kinaya lahat ng sinabi niya kaya tumayo ako at umalis sa harapan niya.Lintek na naman!Bakit ba ako pinapahirapan ng tadhana?Bakit ngayon pa Claude?Na gusto ko nang mag-move on.Hindi ko alam kung dapat ba ako maging masaya o maging malungkot.Nakakalito.Ang hirap magmahal!
Agad akong pumunta sa kwarto ko.Kumuha ako ng damit sa closet ko.Hindi ko na kailangan na next week dahil naguguluhan na ako.Agad kong tinawagan ang driver ko at nagpahatid ako sa hacienda namin.
Anong gagawin ko?
Kinabukasan na gising ako sa sikat na araw.Ten hours ang byahe ko patungo rito.Agad naman akong lumabas at pina-relax ko rin ang driver ko.Nagulat ang lahat ng makita ako.Akala nila ay sa susunod na linggo pa ako pupunta rito pero napadali dahil kay Claude.Nang dahil sa lalaking ‘yon.
Pinag-agahan nila ako at nagpaalam ako kay mommy at daddy na rito muna ako pangsamantala.Sila muna ang bahala sa kompanya.
Natulog ako pakatapos no’n.Pagkagising ko eleven a.m na kaya lumabas ako at nagulat sa nakita ko.Tumutulong siya sa mga trabahante namin.Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya.
“Ouy!Ma’am Satrina,pinagnanasahan ang bagong dating na si Sir Claude,”tukso ng babae sa akin.
Nagising naman ako sa realidad.Hindi pwedeng mahulog ka na naman,Satrina.Hindi pwede ‘to.
“Hindi ah!"ako at umayos ako nang upo.
Tsk!Pa impress lang ‘yan.
Kumain ako ng sabay sa mga trabahante ko.Ayaw ko kasi na hindi nakakain sa tamang oras sila.Nagpa budol fight ako.Pinatabi pa talaga nag Claude sa akin.Mga traydor!Gusto ko nga ma pag-isip pero ano ‘to?Anong ginagawa ng lalaking ‘to sa tahimik ko nang buhay.Nagulat ako ng subuan ako ni Claude.What the?
Nilunok ko naman ito at tiningnan siya nang masama.Na parang papatayin ko.Panay tukso nila sa amin.Ngumiti lang ang loko.Aba!Umiwas na ako nang tingin.
“Hard to get,Baby,"Claude said and he winked.
God,annoying!
Nag-igib ako ng tubig para sa panligo ko.Gusto ko lang ng ganito.Kukunin ko na sana ng may kumuha dito.
“Ano ba,Claude?!”
“Ako na.Ipapakita ko sa iyo na mahal na mahal kita,"sabay wink at inalalayan ako sa banyo.Nilagay niya naman Ito sa loob at umalis na siya.“Usap tayo,mamaya.”Umirap lang ako.
“Whatever!”sabay sirado ng pinto.
Gabi na at tapos na kaming kumain nandito lang ako sa labas dahil hindi ako makatulog.Hindi kase ako nagpatayo ng mansion pa rito.
“Hindi makatulog?”
“Bakit ka nandito,Claude?Direstsuhin mo na ako.Kung tungkol ‘to sa nangyari sa restaurant.Look,I’m so sorry.“
“Satrina,alam ko namang hindi mo ako paniniwalaan.Wag kang magalit kay Mylne.Nag-pumilit ako sa kanya na magkausap tayo.”
“At bakit naman?Look,Claude narito ako para tumakas sa kalokohan mo.Tama na ‘yon,Claude.Pagod na ako maging tanga,Kaya,please lang.Wag na,please,kung manloloko ka lang.Wag mo ng ituloy,"pakiusap ko sa kanya.
Naalala ko nanaman ang sakit na dulot niya sa akin.Bumabalik na naman sa akin.Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha na lumabas sa mata ko.
“Sinaktan ko nga ang tulad mo.Ang tanga ko,Satrina,dahil hinayaan kitang mawala at five years pa. Naging duwag ako na baka…ayaw mo na sa akin.Kaya binigyan kita ng oras para maka pag-isip.Satrina,mahal na mahal kita,simula bata pa tayo.Akala ko si Hanzel ang first love ko pero ikaw pala ‘yon.Walang araw na miss na miss kita noon,Bea.Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa no’n.Nawala ka sa akin nang tuluyan ng dahil sa pag traydor ng papa ni Clark sa inyo.Nag-mokmok ako doon.Almost one year din akong hindi lumalabas at hinahanap ka at umaasang babalik ka.Hindi na explain nina dad ang nangyari sa akin noon,dahil hindi ko lang maintindihan at noong nakita kita.Naawa ako sa iyo dahil gano’n din ako kay Hanzel noon.Nakikita ko lang sarili ko sa iyo noon.Na nanghihingi ng pag-ibig at ayaw ko naman maramdaman mo ‘yon.Kaya pinilit kong mahalin kita.Hindi ko alam na ikaw pala si Bea.Nakilala ko si Hanzel nang mawala ka.Noong una pinagkakamalan ko siyang Bea.”Tumingin ako sa mga mata niya umiwas siya.“I still love you,Satrina.I really do,”sabi niya na nakayuko na.Kita ko ang tulo mula sa kanyang mata.
“Hindi ko lang maintindihan,bakit hindi ako sineseryoso noon?Kaya ng dumating ka at naging girlfriend kita,nagbago lahat.You taught me how to love again.At hindi magmokmok sa nakaraan,dahil darating din ang taong para sa atin.Satrina,I’m sorry,dahil nasaktan ko ang katulad mo.”
Punas niya sa luha niya.Pinunasan ko naman ito at hinawakan ang pisngi niya.
“Hush!Don’t cry!"pagpapatahan ko sa kanya.
“Sa mga araw na nagdaan na mag kasama tayo roon.Wala ng pagpapangap.Lahat ‘yon galing sa puso ko.Lahat ng pagtrato ko sa iyo noon,totoo ‘yon walang halong biro.Noong araw na magco-confess na ako sa iyo at sasabihin ko na ang nararamdam ko na.Niloko kita noong una pero naging totoo nang nagtagal.Mahal kita,Satrina.Mahal na mahal,"aniya at niyakap ako.
Niyakap ko rin siya nang mahigpit.Dapat pala noon hindi ako nagpadala sa galit ko.Sana noon pa lang okay na kami at masaya na.Pero siguro,naka tadhana na ngayon lang talaga dapat,masaya ang puso ko.
“I’m so sorry,Claude.Sorry,dahil hindi ako nakinig at nagpadala ako sa galit.Ang sakit ng nararamdaman ko,"sabi ko naiiyak na ako nang tuluyan.Pinunasan niya naman ang luha ko
“Okay lang,kasalan ko naman,Satrina.Ngayon hindi na kita lolokohin pa,”Claude said.“Satrina?”
“Po?”ako habang nakatingin sa kanyang mata.
“You need to select among the choices:be my girlfriend or be my friend?”
“Friend,ayaw ko nang maloko.”
“Mas ayaw ko ng manloko.“
“Fine!Girlfriend,happy?”Bago pa ako makapagsalita pa ay niyakap niya na ako.
Hawak kamay kaming pumasok sa bahay namin.Supporta masyado ang magulang namin sa amin.Wala silang tutol sa pag-iibigan namin.As long as,masaya raw kami at gano’n daw sila.So sweet.
"Sa taas muna ako,Claud,ha,"sabi ko at dali-daling naglakad.
"Satrina?”tawag ni Claude sa akin.Bumaling naman ako.
"Yes?”
“Baba ka ka agad,pumunta ka sa garden,ha,”Claude said.Sabay pamulsang naglalakad patungo sa garden.
Agad naman akong nagtungo sa kwarto ko.Ilang minuto ang nakalipas at bumaba na ako at nagtungo sa bilin ni Claude.Paglabas ko roon ay wala namang tao at bawat hakbang ko ay may mga petals pala ng rose na nakapalibot sa garden.
"Wow!"
Namangha ako sa nakita ko.Ang ganda ng garden ko,mas gumanda ngayon.Dahan-dahan ako hanggang sa may narinig ako na music.Pagbaling ko sa kabilang side ay hawak ni Claude ay mic.Magaling naman talagang kumanta si Claude.Hindi lang halata.
"Anong nangyayari?"tanong ko habang nasa malayo siya.Kumindat siya.
"Go with the flow,"sabi niya at naglakad ako papalapit sa kanya.
Sinenyasan niya akong tumigil.Kaya naman nakatayo ako rito at ilang minuto ay nag-simula na siyang kumanta.
“A hundred and five is the number that comes to my head,When I think of all the years I wanna be with you,Wake up every morning with you in my bed,That's precisely what I plan to do.”
Nagulat ako ng may lumabas na mga ulo.Inisa-isa ko sila ng tingin ay sina mommy at daddy.Pamilyang Soriano ay nandito.Mylne together with his fiancé.Fill and Phoenix,also.Natawa na lang ako.Nang sina Fill at Phoneix pala ang nasa instrumental na part.Nagulat ako ng may kinuha sila mula sa likod nila.Habang nasa likod ni Claude sila.
“I'll say,"Will you marry me?"I swear that I will mean it I'll say,"Will you marry me?"
Napahawak bibig na lang ako ang parang naluluha ako ngayon sa nasaksihan ko.Tinaas ni Mylne ang WILL,sabay sayaw.Nakalinya sila ngayon.Sinabayan nina mommy ang kanta ni Claude.Hindi ko namalayan.Mga tao na saksi sa pagmamahalan namin ay nandito ngayon.Dahan-dahan na lumapit si Claude sa akin at may seneyas siya sa likod niya.
“I'll say,"Will you marry me?"I swear that,I will mean it I'll say "Will you marry me?”At nakikita ko na ngayon ay WILL YOU.
“And if I lost everything,In my heart it means nothing,'Cause I have you, Girl,I have you to get right down on bended knee.”
Nakalapit na pala si Claude sa akin ng hindi ko namalayan.Lumuhod na siya at hinawakan ang aking kamay,bumaling ako sa mga taong narito at alam kung masaya sila para sa amin.Masayang-masaya.Humarap si Claude sa kanila at laking gulat ko.
"Will you marry me?"bulaslas ko.Tumango naman sila."Is this a command?”
Ngumiti naman siya.May kinuha siya sa bulsa niya at red box ito.Slow motion niya itong pinakita sa akin at tama nga ako,singsing ito na sobrang mahal.Ito ‘yong gusto ko.Gustong-gusto ko na singsing noon.
"Paano mo nalaman?"tanong ko sa nakaluhod na taong mahal ko ngayon.
"Will you mary me,Satrina Bea Alawi?Willing ka bang maging Mrs.ko?”
Habang diretso na nakatingin sa akin.Hindi ko alam na sa lahat ng nangyari sa buhay ko ay sa kanya pa rin pala ang bagsak ko.Akala ko talaga na sila ni Hanzel ang wakas,pero hindi ko inakala na nagawa niya akong ipalaban.Parang noon lang takbuhan pa sa damuhan.Mga pagco-comfort ko sa kanya dahil broken siya.Lahat ng ‘yon ay sulit pala sa huli.Laking pasalamat ko na lang kay Tito Butler.Ginawa niyang puzzle ang buhay ko.Kailangan ko pang-hanapin ang mga kapiraso nito.Mahirap man ay kinaya ko.Kinaya ko na umangat at bumangon muli.Tumakas na sa mata ko ang mga butil ng luha na kanina ko pa pinipigilan. Masasabi ko ngayon na tears of joy na ito.Masaya na ako at hindi na ito ang luhang bigo.Ilang taong nakalipas kong maramdaman.Tumango ako.
"Yes?"
Tumango ulit ako."Yes!"sagot ko at tumayo siya.
Bumaling siya sa mga tao."Yes daw!"sabay taas ng kamay ni Claude.
Sobrang saya niya at masaya ako na makita siyang masaya na.
"Yes nga raw,Pinsan.Suot mo na bago mag-iba isip niyang,Magsisi ka sa huli!"sigaw ni Mylne.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Claude.Nag-peace sign lang siya.Sinuot ni Claude sa kamay ko ang singsing.
"Akin ka na,Satrina.Next week na agad ang kasal,"sabi ni Claude.Nagulat naman ako.
"Agad-agad?"
”Oo,naman para wala ka ng kawala."
Natawa naman ako.Niyakap ko sila isa-isa ng time na ‘yon.Sobrang saya ko dahil sa wakas,magiging asawa ko na ang crush ko lang noon.Lumapit si Mylne sa akin.May dala-dalang Christmas light.Pinahawak niya sa amin.Naguguluhan man ay sinunod namin.
“Dali na.Ipabilog ni’yo sa kamay ni’yo,”utos ni Mylne.
Sumunod naman kami.Mahirap na at baka mabatukan kami rito.Bossy masyado.Lumawak nang ngiti sa aming labi ng iba naman pala ang kinuhaan.Sinamaan naman siya nang tingin ni Claude.
“Akala ko ba sa amin?Bakit sa kamay?”sunod-sunod na tanong ni Claude.
Umirap lang si Mylne sa kanya.Nagulat ako ng nag-angat ng tingin si Mylne sa amin na parang na iiyak.Pinakita niya ang litrato sa amin.Masaya ako na niyakap ni Mylne kami.Sumali na rin sila.Napangiti ako.Sino ba ang mag-aakala sa akin na mangyayari ‘to sa buhay ko?
Noon, imple lang ang hangad ko na makatapos ng pag-aaral.Ang maahon ang pamilya ko sa hirap ng dulot at gawa ni Mr.Garcia sa amin.Ngayon,sobra-sobra ang saya ng nararamdam ko ngayon.Ang saya-saya ko ngayon.Pinakita ko ang singsing ko sa kanila na hudyat na may fiancé na ako.Malapit na akong kinasal.
Kain-kain lang kami pagkatapos no’n.Hanggang sa nakalipas ang minute,araw at oras ay naging busy kami.Busy sa pag-aarange ng kasal namin.Si Mylne ay panay request na ganito ang theme.Sinabihan naman ako nina tita na wag daw makinig minsan kay Mylne.Parang siya pa ang ikakasal sa amin.Sa sobrang excited ay pagkatapos niyang mag-shoot sa amin ay panay kulit sa amin na ganito ang gagawin.
Napailing-iling ako.Hinawakan nang mahigpit ni Claude ang kamay ko,na para bang mawawala ako sa paningin niya.Hindi niya na siguro kaya ang nangyari sa amin.Kahit ako nga ang sakit ng gano’n.Sana naman hindi na ako lolokohin ng lalaking ‘to.Hindi ko na kakayanin pa.Magsusumbong na talaga ako kina tita.Hindi ko na kayang mawala pa siya,ulit.Hindi ko na kakayanin.Pumili na kami kung sino ang mga imbitado.Napangiti naman ako habang binabasa ang invitation. Fill Soriano ang best man ni Claude.Si Mylne naman ay ang maid of honor ko.
Naging abala kami ngayon sa pagpili ng mga gagamitin.Palagi kaming check nang check ng pasok sa budget namin.Bahala na kung mahal basta best day ever namin.Syempre gusto naming sa simbahan at sa Soriano ang reception.Marami kaming bisita na inimbeta.Kasama na ang mga empleyado ko at ang saya-saya ko habang pinapagawa naming ang cake namin.Naalala ko pa noon na habang dumadaan ako na may kasal na ang saya nila.Na-iingit ako at naalala ko pa na tinatapos ko ang mesa nila noon.Hanggang pictorial nila.Sinong mag-aakala no’n?
Akala ko hindi ko na matatagpuan ang taong mamahalin ako hanggang dulo.Siguro tamang tao talaga si Claude.Wrong time lang noon at ito ang tamang panahon ngayon.Deserve niya ang chance.Minsan nag-aaway kami pero nalulutasan naman.Claude is a blessing in disguise,kung hindi dahil nasaktan ako noon din sa kanya at aside noong trinaydor kami ng papa ni Clark.Sila ang rason ko kung bakit bumangon ako. Umaasa ako palagi na makakahanap ako ng lalaki na katulad ni daddy,na mahal na mahal si mommy.Sobrang swerte talaga pag-naka-tagpo na iyon at ito ang nararamdaman ko ngayon ang saya.Sayang-saya sa puso ko.Nakauwi na kami at preparation nalang sa reception namin.Old rose ang color ng brides maid.
Sabi ni Mylne ay okay na lahat relax na lang daw kami.Hindi ko sinuot ang wedding dress ko dahil masama raw ‘yon.Kaya naman sinunod ko kaysa may mawala pa sa akin ang taong mahal ko.Ayaw ko na ulit umiyak,ano,tama na ‘yon. Sobra na ang luhang lumabas sa mata ko at alam kong hindi na ‘yon mauulit,’di ba?
Nakatunganga na lang ako sa kwarto ko iniisip kung anong mangyayari pagkatapos nito.Sana hindi na ako masaktan nang husto.Dumating nga araw na kasal ko na.Maaga akong nagising.Agad namang akong inayusan ng lahat.Panay ang bati ng mga tao sa akin at nang dumating kami sa simbahan ay pinatugtog ang favorite song namin ni Claude,simula bata pa kami.Naiiyak ako sa lahat ng nangyari,flashback sa isip ko lahat ng napagdaan ko ng dahil sa lalaking ito.Mga oras na hindi ko pinagsisihan at masasabi ko na tama nga ang daan na tinahak ko at nandito na ako ngayon,masaya.
"Wag kang maiiyak,Anak,"sabi ni mommy habang hinahatid nila ako patungo kay Claude.
Tumango naman ako.Lahat ng narito ay inaabangan ang susunod na kabanata ng buhay naming dalawa.Nang mahatid nila ako ay nagmano si Claude sa mga magulang ko.Masasabi mong engrande ang kasal na ito mula palang sa palamuti.
"Ingatan mo ang anak ko,kagaya ng pag-ingat ko rito,"sabi ni daddy.Ngumiti naman si Claude.
"Opo."At binigay na ni daddy ang kamay ko kay Claude.
"Maging masaya kayo,”si Daddy.
Inalalayan naman ako ni Claude patungo sa altar at sinimulan nang mesa
"I Satrina Bea Alawi.Ever since Claude,I can’t imagine myself without you.When I was young,I never really understood anything but I always choose to fight.And I never understood anything that happened in my life.The only thing that ever made sense to me,was you and how I felt about you.That's all I've ever known and that's enough,that's enough for me for the rest of my life,Claude.Marami na tayong napagdaanan at hindi ko alam na darating tayo rito sa simbahan ngayon.Nangangako na hindi natin iiwan ang isa't isa.For better and for worst,”sabi ko habang sinasabi ito sa harapan niya.
Nakatingin lahat ng tao sa amin ngayon at kinakabahan ako pero ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Claude ang taong mahal ko.
"Satrina,we are made of particles that have existed since the moment the universe began.There are a million reasons why I love you.You make me laugh and you take care of me when I am sick.You're sweet smile,caring and you even created an egg dish and all my favorite.I love you with all my heart and soul and promise to be with you forever,"sabi niya at naiyak na kami parehas ngayon sa mga sinabi namin.
Napatawa naman ako sa mga kagagawan naming.Natapos ang mesa at syempre pictorial na.Ramdam ko ang panginginig ni Claude ng kiss the bride na.Panay tukso sa kanya nina Fill at panay tawa ko naman.Ang swerte ko at sa wakas Mrs.Soriano na ako.Pagkatapos ay reception na natupad nga lahat ng pangarap namin sa kasal naming sa prenup at iba pa.Maraming regalo ang natangap naming at sobrang saya naming.
Tapos na ang kasal at nandito na kami ngayon sa Palawan honeymoon kung baga.’Yan ang regalo ni mommy at daddy sa amin ang vacation sa Palawan.Naalala ko lahat ng pinuntahan naming noon.At masasabi ko na iba na ang nangyari noon.Dahil noon ay para kay Claude ay pangarap lang ang lahat at ngayon ay totoo na.
“Claude,manganganak na yata ako!"sigaw ko sa kanya.
Agad naman siyang lumapit sa akin at ang mukha niyang nag-alala.
"Baby,sa tiyan ni mommy.Wag pahirapan kami,ha,”sabi niya sa tiyan ko.Binatukan ko naman siya.
"Ano ba?Tumawag ka nang ambulansya!"sabi ko sa kanya dahil ramdam ko ang sakit sa tiyan ko.
Agad naman akong binuhat ni Claude.
"Loko ka,ang bigat ko,"reklamo ko.
"Anong gusto mo?Hahayaan kitang manganak sa hallway.Abnormal ka rin,ano."
"Oo na,talo na ako.”
Alam ko hindi to papatalo,sobrang tigas ng ulo nito.Nang makababa kami ay tinawag ni Claude ang magulang naming at ready nang sasakyan.
"Hold on,Satrina.Malapit na tayo.”
"Bilisan mo.”
Ilang oras ang nakalipas at nakaanak na ako.Rinig ko ang iyak ng panganay namin.Nakatulog na ako at pinadala na ni Claude ang baby namin dito sa room.
"Okay lang ba siya?"tanong ko sa kanya.Tumango naman ito at ngumisi.
"It's a baby boy,Satrina!"
Natuwa naman ako.Ramdam ko ang ligaya sa kanyang boses.
"So,anong pangalan?"
"Ako ang mamimili?”gulat na sabi niya.
“Ikaw ang magpapangalan,Claude."
Hahayaan ko siya na magpangalan ng anak namin,dahil siya ang ama naman at walang problema.Tiwala ako sa kung anong ipangalan niya.Inabot na sa amin ang baby namin at kamukha ito ni Claude.
"Welcome to the world,Hayden Tyler Alawi Soriano,"sabi ni Claude at hinalikan ang bata.
"Talaga?!Ang ganda ng pangalan."
Kindat lang ang sinagot sa akin ng loko at hinalikan ako sa noo.
"Believe ka na sa akin.Ang galing ko kaya."Hinayaan ko na lang siya.
Nanatili kami ng ilang araw roon hanggang sa nilabas na namin ang bata.Panay away nina mommy at daddy kung kanina nagmana ang anak namin.Pinabayaan ko na lang na bantayan nila ang bata,apo nila ‘yan.Nagpahinga lang ako sa kwarto naming.Ramdam ko ang pagod kahit nakahiga lang ako sa hospital,panay alaga ni Claude sa aming dalawa roon at ramdam ko ang saya niya.Saya na nabigay ko sa kanya.
"You are amazing,my wife,”bulong ni Claude sa akin habang karga ko na si Hayden,pinapatulog ko.
Lumingon naman ako sa kanya at ginawarang siya ng halik sa labi niya.
"I love you.”
"I love you too,Satrina.Salamat dahil hinayaan mo na mabuhay si Hayden Tyler.”Natuwa naman ako sa kanya.
"Kagagawan mo ‘yan,Claude.Thank you for being the best husband.”
Niyakap niya ako,tinugonan ko naman ito.Habang hawak ko si Hayden Tyler.Masasabi ko na masaya na kami.
Agad akong bumangon dahil narinig ko ang iyak ko na si Hayden Tyler sa baba.Ano’ng kagagawan na naman nito?Dali-dali akong nagsuot ng tsenelas ko.
"Ano’ng nangyari na naman dito?Hayden Tyler!”sigaw ko mula sa taas at dali-daling bumaba.
Tumayo si Claude at nakita kong umiiyak ang anak ko."Ayan,pagsabihan mo.Sabi ko hindi manuod ng movie dahil assignment muna.Mamaya na pagtapos na pero tingnan mo,anong inatupag?Tv na naman.Mag-hapon na naman ‘yan."
Napahawak nalang ako sa noo ko.Lumapit ako sa kanila at niyakap ang bata.
"Anak,ipagpatuloy mo muna ang assignment.May oras pa naman ‘yan,’di ba?Paturo ka kay daddy mo,kung hindi mo kaya,ha,”sabi ko kay Hayden.Tumango naman nito.
Ito ang gusto ko rito masunurin na bata pero minsan nga lang pasaway paggusto,gusto.Mukhang may pinagmanahan.Tumakbo na si Hayden sa dining room kung saan nakalagay ang assignment niya.Sinundan ko lang siya ng tingin at inalalayan siya ng yaya niya.Tumingin ako sa asawa ko,gano’n din pala ang ginawa niya,tinitingnan ang anak namin.
"Ang aga-aga,Claude,ha.Malamang nagmana ‘yan sa’yo gano’n ka,’di ba?Noong bata pa tayo."Ngumiti naman ito
"Tr-ina-y ko lang kung pasa na ba ako sa marunong dumisiplina ng bata,Baby.Ikaw naman hindi mabiro.May breakfast na roon,nagluto ako,”sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Sabay kami nagtungo sa kusina.Inalalayan niya ako at pinagsilbihan sa kusina.
"Darating daw si Mylne mamaya.Sila pala."
"Nakabalik na pala sila?"Tumango naman ito.
Pagkatapos naming ikasal ay kinasal na si Mylne.Masaya na sila sa abroad ngayon.Panay video call naming pag-gabi dahil miss namin ang bonding namin noon.Nakikita ko sa mga mata nito na masaya na siya.Mayaman naman ang asawa niya.Naging masaya ako para sa kanya,dahil sa wakas nahanap niya na ang taong magmamahal sa kanya.Kasalukuyan ay may anak na sila,dalawa na.Kaka-anak niya pa lang pero panay busy rin siya sa negosyo nila.Ang saya niya habang nagkwekwento sa akin.Na miss ko ang asar niya sa akin noon.
Si Fill,nakahanap din sa wakas.Pusong bato sa aming barkada.Two years ago ay kinasal na siya.Ang ganda ng asawa niya model daw ito sa abroad at ang saya-saya nila sa isa't isa.Nalaman ko lang ang storya nila.Na LDR pala sila noong nag-aaral kami.’Yan daw ang cycle nila hanggang natuloy sa simbahan katulad namin ni Claude.Ang saya ko na masaya na kami lahat ngayon.May anak na siya sanggol pa lang at ang loko,babae raw ang anak.Palagi niya raw ito dinadala kung saan.Nagseselos nga raw ang asawa,eh.
Si Phoenix,tatlo na ang anak.Ang wild niya,ano?Tatlo ka agad sa loob ng tatlong tao na pagsasama nilang dalawa.Jusko,na unahan pa kami.Okay na kasi kami ngayon kay Hayden,eh.Kinasal din siya ilang taon pagkatapos namin.Hands on daw siya rito,dahil ayaw niya raw mawala ang pamilya niya sa kanya.Ayaw niya raw na lumuha na naman tungkol sa pag-ibig.Dahil hindi raw niya kakayanin na mag-isa muli sa buhay.Kaya alagang-alaga niya ang anak niya at asawa.Mga anak pala.
Si mommy at daddy ayon okay na sila.Nasa abroad,nag-tour pero uuwi raw sila ngayon.Parang reunion.Gano’n din ang magulang ni Claude.
Kami ni Claude sa limang taon na pinagsama namin ay syempre hindi mawala ang away pero dahil doon hindi na hantong sa hiwalayan.Siguro hindi lahat ng panahon masaya.May panahon na kailangan kang magdusa pero ang swerte ko pa rin sa naging asawa ko ngayon.Sobrang saya.No words can explain how much I love him.At gan’on din siya.Sa limang taon pinaramdam niya sa akin,na hindi ko deserves saktan ng gano’n.Palagi siya nagsisi na ginawa niya ‘yon sa akinat gabi-gabi story telling kami sa naging buhay namin kay Hayden James,dahil gusto raw niya malaman bakit nandito raw siya sa mundo.Napagtanto niya iyon dahil sa pagmamahalan naming dalawa.
Ngayon dumating na sina mommy at daddy galing abroad.Of course,may pasalubong para sa apo nila. Ang magulang ni Claude ay gano’n din.Si Mylne,nadala-dala ang asawa at anak nila.Sabay kaming naghapunan no’n.Marami kaming outing na natuloy.Reunion nga.Syempre hindi mawala ang kainan maraming pagkain pag nasa pagkainan.Syempre,matakaw parin kami.Tamang kwentuhan at sayahan lang at masasabi ko na sobrang saya ko dahil dumating sila sa buhay ko.Mapapasabi na lang ako,paano kung wala sila,ano kaya ang buhay ko ngayon?
Nasa living room kaming lahat at pinagmamasdan sina Phoenix at Fill na nagsasayaw at panay tawa.Sinusuway na sila minsan nang asawa nila pero ang mga loko hindi magpapapigil.Kaya ang ending suntok ng asawa ang nasalo nila.Poor man!
Mga bata namin ay naglalaro.Pinagmamasdan ko lang sila na ang laki-laki na nila ngayon.Halos taga taon kaming ganito tipon-tipon.Para kahit paano ay hindi naming malimutan mag-bonding.
Nakasandal ako ngayon sa balikat ng asawa ko habang pinagmamasdan ko si Hayden Tyler na ang laki nang pinagbago.Ang hirap ipatulog niyan noong bata pa,but look at him now.Masunurin na.Palaging nasa isip ko kung ano’ng kapalaran ng anak naming paglaki niya.Kagaya kaya siya sa ama niya o sa akin?Bumalik ako sa totohanan nang yakapin at halikan ako ni Claude sa noo.
" I love you,Satrina."
"I love you too,Claude,sSambit ko at nagulat ako ng yakapin kami ng anak namin.
Hindi ko namalayan na nandito na sa harapan namin,yinakap niya kami.
"I love you both,"si Hayden Tyler.
BINABASA MO ANG
Select among the Choices
RomanceStatus:Completed Genre:Teen fiction and Romance. Posted:May 10,2021-May 31,2021 Synopsis: Satrina Alawi is a simple girl and has a simple dream:gusto lang niya ay maahon muli sa hirap ang kanyang ina at ama.Palagi siyang nasasaktan kapag nakikita ni...