Chapter 4
Nakapagbihis na ako.Naka dress ako na above the knee dilaw ang kulay,bag na sling na pambeach at slipper.Bagay naman sa akin.Nilugay ko lang ang buhok ko.Si Mylne naka-shorts at sleeveless na white.
"Bagay sa’yo,Satrina.Gumaganda ka,"puri ni Mylne sa akin.Nanunuksong ang mga tingin.
"Thank you,Mylne.Ikaw din."Ngumiti ako sa kanya gano’n din siya.Naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko."Nagpapaganda sa pinsan ko?”
Gusto ko tuloy magtago sa kama ngayon.
"Alam mo na?"tanong ko.Tumawa siya at tinakpan ang bibig.
"Hello,Satrina.Halata naman kasi na gusto mo ang pinsan namin,noon pa."At inaayos na ang buhok niya ngayon."Nakakatampo ka nga,bestfriend tayo."Nakapuot pa ito.
Lumapit ako sa kanya.Kasi nasa dresser siya at niyakap ko siya mula sa likod.Tumingin siya sa akin,gamit ang salamin na nasa harap namin.Ako rin,tiningnan ko siya gamit ang salamin.
"Sorry na,kasi naman pinsan kayo.Baka Isumbong mo ako,"pang-aamin ko.
Totoo naman kasi,baka magsumbong siya sa pinsan niya.Lagot ako.
"Satrina,hindi kita iisumbong.Bestfriend tayo.Kahit pinsan ko pa ‘yan,wala akong pake riyan,"sabi ni Mylne.
"Talaga?"Hinampas niya ako.
"Gaga talaga."At humarap siya sa akin.Niyakap niya ako.
"So,ano’ng nangyari sa baba kanina,ha?"pag-uusisa niya.Kinabahan naman ako sa tanong niya.
"Nakita mo?"
"Oo naman.So,spill it out."
Wala akong magawa kundi I-kwento sa kanya ang nangyari.Kanina kase ay nagkwentuhan lang kami ni Claude.Pagkatapos naming magkwentuhan ay lumabas na kami at kumatok sa mga lalaki.Nakakahiya pa nga,e,pero kailangan kong magmukhang matapang.Kilala nila ako biglang buraot.Buraot pa naman ako pero minsan na lang.Ang swerte ko sa kanila.
Panay kwento lang namin habang tapos na kami kumain.Nag-choco lang ako kanina.Syempre,masyadong matakaw ‘tong mga ‘to.So,ang ending,marami tuloy pagkain.Nandito na kami sa baba.Ready to go na hinihintay nalang namin ang van.
"Ma’am,nandiyan na po ang van niyo."At sumakay na kami roon.Seven palang ang ready na kami.Ang bilis namin.Malayo-layo pa ang byahe.
Sina Mylne ay nag-hire ng travel agency pagkatapos naming kumain kahapon.Kaya naman ng mahatid na kami sa Sabang Beach ay naakit na ako ng asul na tubig.Halos takbuhin ko na ang distansya namin kung hindi lang ako napigilan ni Mylne.
“Hintay lang,Satrina.Mamaya pa yata tayo maasikaso sa dami ng tao,”si Mylne.
I nodded like a kid.
Kaya naman ng tinawag na kami at nakabayad na sa good for six person na bangka ay sumakay na kami.Halos liparin ng hangin ang aking buhok habang patalon-talon ako sa ere.
“Behave nga Satrina,”natatawang sambit ni Claude.
Ang malamig na tubig na sumalubong sa akin ay halos hindi ko pinapansin.Inalalayan naman ako ni Claude pataas ng bangka.Gano’n din ang ginawa niya kay Mylne.Umupo na ako.Katabi ko ngayon si Mylne.Nasa may unahan pa kami.Slowly the man said that we need to move so Manong did after we wore our safety vest.
Sa kalagitnaan ng dagat ay binaba ko konti ang aking kamay.I closed my eyes memorizing the beat and the heat of the water.Ngumiti naman ako ng pagdilat ko ay natutuwa ang mukha ni Mylne sa aking inaasal.I smiled and nodded crazly.Sa kalagitnaan din ng dagat ay malalaki ang mga alon ang sumalubong sa amin.Pinag-ipon ko ang aking mga buhok upang hindi matamaan sina Claude.Warm wind hugged my body.I just closed my eyes again.
“Oh my God!”Mylne shouted and handled my arm.I just laughed at her antics and opened my eyes.
“Relax,’Insan.Wag kang mag-alala hindi ka pa tatangayin ngayon.Lulutang ka pa,”sabat ni Fill.
“Che!”Irap ni Mylne.
Nang nakita na namin ang mga malalaking bato ay hudyat na malapit na kami.Kaya naman ng magsalita na si manong ay bumaba na ako sa tubig.
“Satrina!”tawag ni Claude sa akin at ramdam ko ang gulat niya sa aking ginawa.
“Ma’am,Sir,kailangan na lang po nating maglakad ng ilang minuto para makarating tayo sa Underground River.So,konting kaalaman lang po habang naglalakad tayo.Underground River ay isang pambansang liwasan sa Puerto Princesa,sa Palawan,Pilipinas.Matatagpuan ito sa fifty kilometro hilaga ng lungsod ng Puerto Princesa.Matatagpuan ang pambansang liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo na nasa hilagang baybayin ng pulo.Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan.Ang pamahalaang panglungsod ng Puerto Princesa ang namamahala sa pambansan liwasan simula pa noong 1992.Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog ng San Pablong nasa Ilalim ng Lupa.Matatagpuan ang pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayang mula sa Sabang,"aniya.
We followed him.Namangha na naman ako sa ganda at dinagdagan pa ng maliwang na sikat ng araw.Dumaan kami sa mga kakahuyan.Halos magulat ako sa pagsulpot ng isang unggoy.
“Naku Ma’am.Basta may nakikita sila na may mga supot ay kinukuha nila kahit hindi naman pagkain ang laman,”si Manong na pa hinto siya sa kanyang mga sinasabi kanina.
“Ah ganoon ba Manong?”Manong nodded obediently.”Mylne,ibalot kaya kita ng cellophane baka gusto ka rin nilang tikman,”tawa na sabi ni Fill.
“Kanina pa kayo ha.Kung ikaw kaya ipakain ko,’Insan.Sama ng ugali mo!Pero masarap naman ako.”Napatawa nalang kami sa bangayan nila.
“Ano’ng makakain sa’yo,e,ang payat mo and excuse me erase the masarap part!”si Phoenix.
“Che!Lika nga Satrina.”
Natawa nalang ako.Pati rin si manong na kanina pa kami naririnig.
“Pasensya na po,”paghihingi ko ng paumanhin.
“Naku Ma’am.Okay lang.”
“Sige po.Go pa po.”He nodded and smiled.
“Ang liwasan ay binubuo ng limestone karst na bulubunduking tanawin at 8.2 kilometrong ilog na nasa ilalim ng lupa na maaring lakbayan.Ang ilog ay dumadaloy sa loob ng kuweba bago ito pumupunta sa Timog Dagat Tsina.Mayroon din itong mga stalactite at mga stalagmite,at iba't ibang malalaking silid."Tumango-tango nalang kami sa sinasabi ng tourist guide namin.
"Ang laki niya,ano?”Palinga-linga pa si Mylne sa paligid.
"Oo nga,pwede ni’yo po bang sabihin ang history nito?"tanong ko habang unti-unti na naming natatanaw ang Underground River.
Ngumiti naman ang tour guide namin.Very friendly sila.
"Indineklara ng UNESCO bilang Pook na Pamanang Pandaigdig ito noong Disyembre 4, 1999.Ang liwasan ay mayroon walo sa labing tatlong uri ng gubat na makikita sa tropikal na Asya.Ito ay ang gubat na nasa ultramafic na lupa,gubat na nasa limestone na lupa,gubat na montane,pantubig-tabang na latiang gubat,mababang lupang evergreen na tropikal na rainforest,gubat na riverine,pambaybaying gubat,at gubat ng mangrove.Ang mga mananaliksik ay nakakita ng higit sa 800 uri ng halaman na galing sa 300 na sari at 100 na pamilya.Kasama dito ang 295 na puno na binbubuo ng mga dipterocarp na uri.”
Nganga nalang ako.Syempre ang taas ng sinasabi nila.We stopped and roamed our eyes.May konting mga berde ang makikita mo sa mga malalaking bato.
"The geologists and environmentalists also discovered that there is a dome inside the cave which reaches 300 meters above the river.They also found large bats,additional river channels and marine creatures among other things."
‘Wow,amazing!’nalang talaga masasabi ko.
Nang makarating kami sa may gilid ng dagat ay sumakay na naman kami ng bangka papasok ng Underground River.Pinasuot pa kami ng safety hat para iwas sa mga dumi nila.
Jusko!Ang dilim kahit meron naman kaming ilaw.
"Amazing!"’Yan nalang kasi lumabas sa bibig ko pero tinatakpan ang bibig.Baka mapasukan daw ang bibig namin ng mga dumi ng bats.
Binatokan naman ako ni Mylne."Kanina ka pa riyan sa amazing-amazing mo,Satrina,"saway ni Mylne sa akin.
"’Yan nalang kasi ang lumalabas sa bibig ko."Pagkakamot ko pa sa ulo ko.Hahapasin sana niya ako ng may magsalita.
"Hey Mylne!Wag mong saktan si Satrina,"tanggol ni Claude sa akin.
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.Totoo ba ‘to?
Nagsigawan sila.”Bagay!“ngiting sabi ni Phoenix.Hinampas niya si Claude.
"Hoy,Claude.Wag kang ganyan,tingnan mo ang mukha ni Satrina.Ang pula na.”Kaya naman sinamaan ko ng tingin si Mylne dahil tinutok niya ang flashlight sa mukha ko.
"Kinikilig yata,”tukso pa ni Phoenix.
"Bagay kayo!"si Fill at nagyakapan nang tatlo.
Umiling nalang ako.Ewan ko sa kanila.Tinakpan ko ang mukha ko.
Jusko!Nakakahiya.Paano ba ito?
Maraming nakakita.Kasi malaki ang ginamit na bangka.Hindi ko alam ano’ng tawag dito.
"Wag mong takpan mukha mo.Maganda ka pa rin.”
Is this a compliment?From Claude!
Hinawakan niya ang pisngi ko at sapilitan pinaharap sa kanya.Nakahawak ako sa life jacket ko kasi lahat kami required nito.
"Pwede manligaw?"
Seryoso siya?
"Oo naman."There.Nalabas ko na.
Sandaling pinatay ni manong ang ilaw para makita namin kung gaano ka dilim sa loob.Panay kuha pa ng picture ni Mylne,but the camera can’t justify how beautiful this place are.
Hindi ko alam bakit pero kinikilig ako sa ginagawa ni Claude.Inalalayan niya akong bumaba sa bangka.Nasaksihan namin ang mga bat sa ilalim ng Underground River,ang laki niya talaga.Marami pang sinasabi ang tour guide namin pero ‘di na ako makapag-focus dahil kay Claude.Ganyan ang epekto niya sa akin.Masasanay din ako.Not now but soon.
Pagkatapos noon ay bumalik kami sa Sabang Beach at doon kumain muna ng buffet nila.
Sumakay na kami ng bangka.Ililibot daw kami dito.
“A usual side trip after the Underground River."Syempre kumaha na kami ng tour guide.“Taking place on a river just near the Underground River,this guided activity takes you to see sabang Mangrove forest and educated you about the environment importance of the mangroves."
“Ang ganda mo,"puri ni Claude sa akin.
“Bolero."
Hinampas ko siya habang nakikinig sa tour guide.Tumahimik naman siya.Sabi niya makinig muna kami.Mamaya na raw kami mag-uusap pero naka-holding hands.Ang landi!
Makikita mo ay mangrove talaga rito.Nakakatakot nga minsan pero okay lang,nandiyan si Claude.I roamed around from the green mangroves to green water.Mabilis lang kami roon dahil natatakot si Mylne.Kaya naman pinabalik na namin.
“The Immaculate Conception Cathedral is a beautiful Gothic-inspired church built in 1961.However,its foundation dates back to the late 1800s when it was just a small chapel during the Spanish colonial era,”tour guide.
Holding hands kami habang pumapasok sa asul na simbahan at halata na talaga ang katandaan ngunit sa loob ay makikita mo na pinapanatili nila itong maganda hanggang ngayon.Maraming tao ang nagdadasal kaya naman hindi na kami pumunta pa sa dulo dahil baka makadisturbo kami.Kaya noong nag-aya si Mylne na mag-picture ay pumayag na kami lalo na sa groufie.Nagdasal ako nagpapasalamat sa Diyos dahil ang bait-bait niya sa akin.
“Dito kita papakasalan,”aniya habang nasa may entrance lang kami pagkatapos naming magdasal.
Nag-blush na naman ako.Natawa naman ako.Tumitig ako sa kanyang mga mata.I smiled.
“Guys,next stop na,"remind ni Mylne sa amin.Sumunod din ako at binitawan ang kamay ko kay Claude.
"Found just near the Immaculate Conception Cathedral,this park is more than just a patch of green in the city.Within its gates lies what remains of an old garrison and a tunnel which is the site of the infamous Palawan Massacre during World War II—around 150 American soldiers,who were trying to escape through the tunnel,were burned to death by Japanese soldiers,”si tour guide.
“Nakakatakot naman,”sabi ni Mylne at humawak sa braso ni Phoenix.
“Tumahimik ka nga Mylne!”ani ni Phoenix.
“Natatakot ka ba?”tanong ni Claude sa akin.Umiling ako.
Hindi ako takot,’no.
“Alis na tayo,”aya ni Mylne kaya naman sinununod na namin siya.Kaya naman hindi ko masyadong nakita ang ganda nito.
“Puerto Princesa proves through Honda Bay that it's more than just city sights.Through an islandhopping tour,tourists can visit its numerous islands,which are all unique and different from each other.Luli Island,Starfish Island,and Cowrie Island are just some of the usual stops for the tour.”
Ang ganda rito.
“Wow!”parang bata na sabi ni Mylne at tumakbo hanggang dulo.
“Hoy!Madapa ka,Mylne,”saway ni Fill,pero imbes sundin ang sinabi ni Fill ay dinilaan niya ito.
“Ah!Gano’n!"sabi ni Fill at tumakbo na papunta sa kanya.
“Picturan kita,Satrina,”pagprepresenta ni Claude.
Nag-posing din ako sa likod ng dagat.Offer na ‘yan.Kahit nakakahiya.Sige,posing.Nag selfie rin kami.
“Ang ganda,’di ba?”aniya sa posing ko na nakataas konti isang kamay at pinikit ang isang mata kasama ang ngiti sa labi.I moved my feet a little bit of space then moved my body a bit.
“Sobra!”Nagkatingnan kami.
Ilang minuto lang kami sa tanawin na iyon.Stop over lang.
“Baker's Hill is a well-known pasalubong store in Puerto Princesa,selling various pastries and cakes.Tourists,who visited Puerto Princesa almost always have one or two boxes of their homemade hopia in their carry-ons when they go home.However,with plenty of Instagram-worthy spots such as a mini zoo and a collection of life-sized cartoon statues,it proves that it's more than just a pasalubong stop.”
Nag-order sila.Habang ako,tipid muna.Alam kong miss na ‘to ni mama.Bumuntong-hininga ako.Bahay siya pero sa loob ay mga puro pagkain lang pala.Pinabayaan ko naman sila na bumili rin ng mga pasalubong nila.Hindi ko kasi mabibilhan sina mama dahil wala akong pera para riyan.
“Bakit nakasimangot ka?”usisa ni Claude.“Ayan,ibigay mo kina tita."Ngiti niya.
“Talaga?!”Tumango siya at niyakap ko siya.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala sila Mylne.Nanunuksong mga tingin.Agad naman siyang tumikhim.
“Ang ganda ng tanawin sa Palawan,ano?Excited pa ako sa susunod!”ani ni Phoenix.
“Sobra,hindi ako nagsisi,”sabi ni Claude.
“What do you mean,Dude?!”Nanunuksong tingin ni Phoenix.
“Kay Satrina ‘yan,"boses ni Mylne.
Tumawa nalang si Claude.Ang gwapo talaga.
“Satrina,baka matunaw,“panunukso ni Mylne.
Isa pa ‘to.Umiwas ako ng tingin kay Claude.Nagulat nalang ako ng may sapilitan siyang ipakain sa akin.Napanganga nalang ako at kinain nang maigi.
Pagbaling ko kina Mylne.“Whoa!”Napailing nalang ako.
"At this resort located on a private island on the coast of Honda Bay,you'll get a glimpse of a luxurious paradise.Sign up for a day tour,so you can dip your toes in the magnificent waters of the white sand beaches on the island,and gain access to the resort's wealth of recreational facilities,”tour guide.
As usual,tingin-tingin din kami at nililibot ang paligid.Picture roon,picture rito.Group picture pa nga minsan.Mas marami na kaming selfie ni Claude.Ewan ko sa lalaking ‘to.Kahit stolen picturan ba naman ako.
"Nature and adventure come together at Ugong Rock,and if you're a fan of both,then it's one experience that you shouldn't pass on.Ugong Rock is a 75-feet tall rock formation sitting amidst the city's lush forests.Here you'll find Ugong Rock Adventures,which offers various thrills such as spelunking tours at the rock's cave as well as zipline and bike zipline rides,“tour guide namin.
Nag-zip line kami.Halos yakapin ko pa ang cellphone ko sa ganda ng tanawin.Overlooking.Makikita mo ang ganda ng mga kakahuyan.Ngayon lang ako nakakita ng ganito.
“Nakakatakot!”sigaw ni Claude habang gusto ng tumakbo pero pinigilan nila Phoenix.
“Bawal ‘yan,Dude,"pagpipigil pa nina Phoenix.
“Halika na!“Paghihila ko sa kanya habang pinapasuot na siya ng safety na damit.“Kaya mo ‘to,ikaw pa."At nilahad ko ang kamay ko.Inabot din niya.Kaya ang ending check sa bucket list niya ang zip line.
“’Yon oh!Si Satrina lang pala,"hingal na hingal si Phoenix sa lakas ni Claude kanina.
“Goodluck,Bro."Napatawa si Fill sa kanya.
“Gago!”sigaw ni Claude.
Sumunod naman sila Mylne at doon nagtatapos ang tour namin.
“Salamat din,Ma’am.Sa susunod ulit,"tour guide namin.
Kumaway kami sa kanya at pumasok na sa kwarto namin.Nilubog ko ang katawan ko sa kama.Sobrang saya ko ngayon dahil tinupad naman ang sabi ni Claude na manligaw.Ginawa niya naman iyon.Pag-alalay sa akin.
A tiring day!Hinayaan ko nalang na lamunin ako ng kama.
“Salamat sa paghatid,"sabi ko.Habang kumaway sa kanila.
“Walang anuman."
Inaamin ko kinikilig ako dahil siya ang naghatid sa akin.Wait,kinikilig ako.Jusko!Help me.
Nakauwi na kami galing sa bakasyon.Dineretso ako ng hatid ni Claude.
“Sige.Una na ako Satrina,”paalam niya.”Hindi na rin ako magtatagal.Bye!”
Tumango ako.Halos kagatin ko pa ang labi ko sa kilig.Ngumiti lang siya sa inaasal ko.Tumango naman siya at sumakay na sa kanyang sasakyan.Umiling-iling siya habang pinapaandar ang kanyang sasakyan.Agad naman siyang nagbusina at umalis na.Sinundan ko pa ito hanggang sa mawala sa aking paningin.
Mabilis naman akong pumasok sa aming bakuran.Nasa akin naman ang susi kaya hindi ko na ma-iistorbo sina mama.Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa nagawang mapagod sa kabila ng mga activities na ginawa namin sa Palawan.Napa-upo pa ako sa harapan ng isang bulaklak ni mama.Sumilay ang ngiti sa labi ko ng maalala ang mga tamis na salita na kanyang binitawan.
“Hi!Sana maging marami pa kayo ha,”parang tanga kong sabi sa mga bulaklak.
Ang aming bahay ay napapalibutan ng mga bulaklak.Kaya naman may mapag-lilibangan si mama kapag wala siyang magawa.Kaya naman ng matanaw ko ang maliwanag na buwan ay agad na akong pumasok sa kulay mint green na bahay na inuupahan namin.Agad naman akong pumasok sa aking silid.Hindi nagrereklamo kahit madilim.Binagsak ko sa kama ang aking katawan na ma ngiti sa labi.
“Ah!”sigaw ko sabay yakap sa aking unan.
Saksi ang aking unan sa lahat ng paghihirap ko hanggang ngayon ngunit ngayon lang din ako nakaramdam na ganitong kilig.Suot-suot ko pa ang white longsleeves ko at ang faded jeans ko pero hinubad ko naman kanina na ang blue sandals ko.
“Satrina!”si mama.“Bangon ka na riyan.May lalaki sa labas.Naku!Sino ‘yon?!”
Jusko!Sino naman ang bibisita sa akin?Alas singko pa ng umaga.Ano raw lalaki?!Sino ba ‘yan?Wait.
“Wah!”Napabangon ako at napaupo sa kama.Tinakpan ko ang bibig ko.
“Ano ba,Satrina?Kausap na siya ng papa mo.Bangon ka na riyan!”sigaw ni mama at sinarado nang padabog ang pinto.
Wow!Mama,ha.Hindi halatang galit ka sa tili ko.
Nag-ayos naman ako para magmukha akong mabango sa kanya.Nakakahiya sa manliligaw ko.Hindi pa rin ako makapaniwala na ang crush ko noon ay nanliligaw na ngayon.
“Satrina!”Sigaw ni mama sa labas.”Nakakahiya naman sa bisita mo.Ang bagal mo riyan!”
“Opo,ayan na po!”sigaw ko at hinawakan ko na ang doorknob.
Kaya mo ‘to,Satrina.Kaya mo ‘to.
Binuksan ko ng dahan-dahan at sinilip kung sino ang nasa sala.Wala naman akong makita.May narinig akong mga yapak na paparating.Magtatago pa sana ako sa kwarto nang makita ako ni Claude.Bumibilis ang tibok ng aking puso.Napaawang bibig ko.May dala siyang plato.Ngumiti siya.
Lord,help me.
Ang gwapo niya.Naka uniform na siya.Tinotoo niya pala ang ligaw,talaga.
“Kain na,Satrina.Six thirty na ang tagal mo,ah."Tumawa siya nang mahinhin.
Lumabas na ako sa hiya."Ang tagal ko pala.Sorry. “
Dahan-dahan akong pumunta sa kusina upang kumuha ng pagkain.
“Satrina,ikaw talagang bata ka,"boses ni mama.”Manliligaw mo pala."
What!Sinabi niya na?!
“Satrina,sinasabi ko sa’yo wag pabayaan ang pag-aaral"Ngumiti si papa.Ngumiti rin ako.Supportive masyado,hindi halata.
“Hala!Sige kain na kayo roon,"sabi ni mama at sumunod naman ako sa utos niya.
Sus,si mama,nahiya pa.
Nasa field kami ngayon ni Claude.Solo ko siya ngayon,pinagbigyan naman siya ng mga pinsan niya.
“So,how’s your day?”tanong ni Claude.Diretso sa mga mata ko.
“Okay lang naman.Ikaw?”Hindi ako sanay pero mukhang kailangan.Tumango-tango naman siya.
“Okay lang naman,”tipid niyang sagot.
Siguro panahon na para sagutin ko na siya.Basta mahal ko.Sasagutin ko na ’to
“Ahm,Claude,wag kang mabibigla,"panimula ko.
Tumingin naman siya sa mga mata niya.Para tuloy akong kamatis,ang pula ko.Hindi ko alam ano’ng gagawin.Help me,please.
“Sinasagot na kita.”sabi ko at yumuko na.
Ilang minuto ang tahimik sa amin.Sana,hindi na lang ako nagsabi no’n.Nabigla ako ng may tumuli at may yumakap sa akin.
“Thank you,Satrina,"aniya At hinawakan niya magkabila kong pisngi at niyakap ulit ako.
“Halika na at baka ma-late ka pa,"aniya sabay hawak ng kamay ko.
Nakakahiya sa mga tao pero dapat panindigan ko ‘to.Nakarating kami sa room ko ay hinalikan niya ako sa noo.
“See you later."Ngumiti at umalis na.
Jusko!Boyfriend ko na ang gwapong ‘yon.Help me,please.
Pumasok na ako sa room namin at hinihintay nalang ang professor namin na dumating.Hinayaan ko na lang ang mga opinyon nila sa akin.Opinyon nila ‘yan,wala akong magagawa kung ‘yan ang tingin nila sa akin.
Lumipas ang mga oras ng ganado ako sa mga subject namin.Hindi ko alam kung bakit.Siguro gusto ko lang talagang matuto.Niligpit ko nang mga gamit ko at hinayaan ang iba na mauna.Nagulat ako ng may kumatok.Paglingon ko kung sino ito,si Claude pala.Ngumiti siya.
“Hello!"bati niya at kinuha ang mga gamit ko.
“Wag na Claude,nakakahiya,”sabi ko at yumuko.Tinaas niya ang mukha ko.
“Wag kang mahiya,boyfriend mo ako,Satrina,"aniya habang diretso ang tingin sa mga mata ko.“At tungkulin ko ‘to.Halika na,ihahatid pa kita."
Panay bulong-bulungan sa bawat taong madadaanan namin.Ganyan na ba sila ka baliw kay Claude?Hindi ba sila maging supportive nalang sa aming dalawa.Nahihiya akong bumaling sa kanila.Alam kong biglaan lang ang pagsagot ko kay Claude.Marupok,eh.Gusto ko na rin na maging practical,total,diyan naman din ang hahantungan.Kaya sinagot ko na lang.
“Don’t mind them,”sabi ni Claude sa tenga ko.
Habang hinigpitan ang pagka-holding hands sa akin.Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
“Akin na lang kaya ‘yan,Claude,”sabi ko at inaagaw ang gamit ko kay Claude,ngunit pilit niyang nilalayo sa akin.
“Sabi ko,wag mo silang abalahin.Hindi sila worth it sa atensyon mo,Satrina,"aniya at hindi ko namalayan nasa tapat na kami ng aming bahay.
“Thank you,"sabi ko at bubuksan nang gate namin.
Nagulat ako ng kusa niya akong pinaharap sa kanya.Bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha.Kinakabahan tuloy ako.
“Satrina,I love you,”aniya sabay yakap sa akin.”Wag kang matakot.Nariito ako para protektahan ka sa kanila.Ayaw ko na may nagbu-bully sa girlfriend ko. “
At kumalas siya sa pagkayakap sa akin.Para akong naiiyak sa sinabi niya.Totoo na ‘to?Parang panaginip lang ang lahat.Sinabihan niya na ako ng I love you.Mahal niya na ba talaga ako?Sana nga hindi lang ‘to laro.
“Listen,Satrina,”aniya at inisa-isa niya tiningnan ang mata ko.Umiiyak na ako.“Hayaan mo sila kung ano’ng gusto nilang sabihin sa’yo.Basta,lagi mong tandaan na.Ikaw lang ang nakakaalam kung sino ka at kung ano ang gagawin mo.Hindi ka dapat magpa-apekto sa kanila.Para mo rin silang pinapaniwalaan kaysa sa sarili mo.Kaya,stay strong,Satrina.”Niyakap niya ako nang mahigpit.
Naramdaman ko na hindi ako nag-iisa at sa mga ginagawa ni Claude.Sa bawat araw na magkasama kami ay mas nahuhulog ako sa kanya nang sobra.
“Ma,alis na ako,”paalam ko.
“’Nak,kunin mo na ‘tong niluto ko sa iyo,"sabi ni mama.Tumango naman ako at kinuha na ito.
Napangiti naman ako sa maasikaso ni mama.Ang mata ko ay namana kay mama,ang iba kay papa na.Pinasadahan ko naman ang kabuuan niya,mas matangkad kami ni papa sa kanya,tama-tama lang ang kanyang kaputi,taga balikat niya ang straight long hair niya,manipis na kilay,at mapupulang labi.I am the boy version of papa.
“’Nak,nandito na boyfriend mo,”sabi ni papa at napahawak siya sa pintuan.
Sinilip niya yata lang ako.Upang ipagpaalam na nandiyan na si Claude.Alam na nila mama na boyfriend ko na si Claude.Support naman sila dahil wala naman silang magawa.Basta lang daw,hindi pabayaan pag-aaral at sumang-ayon naman kaming dalawa rito.
“Sige,Ma.Baka ma-late pa kami,”sabi ko sabay halik ko sa pisngi niya.
“Pa,alis na kami,"paalam ko.Tumango naman si papa.
“Ingatan mo anak ko,Claude,”singit na sabi ni papa,pero alam kong biro lang sa kanya ‘yon.Naramdaman ko na nakanganga si Claude.
“Si papa talaga.“Ngiti ko kay papa.
“O-Opo naman,Sir,"sabi ni Claude at kinuha niya na bag ko.
“Halika na.“Hawak sa kamay ko.“Sir?“Tumingin siya kay papa at tumango ito.
Tumawid na kami sa school namin.Panay lingon ko pa sa kanya.Ang gwapo kase.Ako mukha akong aswang.Ikakahiya siguro ako.
“So,nasa’n ang sasakyan mo?”tanong ko habang kinikilig sa pinaggagawa ni Claude.
"Nasa parking lot ng school natin.Iniwan ko at pumunta ka agad sa inyo para sunduin ka,”aniya habang pasulyap-sulyap sa akin.
“Bakit mo pa kasi ako sinusundo?”tanong ko habang nakayuko.
Nahihiya pa ako sa kanya.Nasa harap na kami ng gate ng school namin.Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.
“Kasi tungkulin ko ‘yan,biglang boyfriend mo,"malambing na sabi niya at hinalikan niya ako sa noo.
Kinikilig naman ako.Nagpatuloy kami sa paglakad.Kung ano-ano ang naririnig ko.Malamang,inggit na naman sa akin.Jowa mo ba naman si Claude.
“Satrina,don’t mind them,okay?”Inakbayan na ako ni Claude.
Ngumiti naman ako sa kanya.Sa bawat tao na madadaan namin ay tinitingnan kami.Mga mata na sinusuri kung may mali sa’yo.
“Ayan na silid ni’yo,see you around,"ngiting sabi ni Claude at niyakap ako.
Namula naman ako sa ginawa niya.Kinuha ko naman ang bag ko
“Thank you,Claude.”Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
“Walang anuman,basta wag pa apekto.Okay?"aniya at kumaway na siya.Hudyat na aalis na siya.
Pumasok na ako.Umupo na ako at nagulat ako ng may babaeng nakapalibot sa akin.Wala akong kaibigan dito.Alam ko attitude silang lahat.Mga plastic,akala mo totoo.
“So,enjoying your new chapter now,Satrina?”taas kilay na sabi ni Vanessa,isa sa mga humuhumaling kay Claude.Kitang-kita ko ang pagkabaliw nito habang dumadaan si Claude sa harap niya,sa cafeteria.She is nothing compared to me.“Alam mo,Satrina.Naawa ako sa’yo,for sure panakip-butas ka lang ni Claude. Halata naman kasi,eh."Halakhak niya.
Pinakalma ko ang sarili.Wag paapekto,Satrina.Wag!
“Vanessa,nandiyan na si Ma’am,"classmate namin na isa na nakabantay pala sa labas para bantayan kung paparating na ba si Ma’am.
“Hindi pa tayo tapos,Satrina.Tandaan mo ‘yan,”aniya sabay turo sa akin.Umirap naman siya at umalis na.
Kinabahan ako sa inaasal nila.Porket,naging kami ni Claude.Gano’n na sila.Hindi ko alam,kung alam na ba nila na kami na or action speaks louder than words.
Nagdaan ang oras at natapos na ang morning classes ko.Niligpit ko na ang gamit ko at walang Claude ang bumungad sa akin.Kaya nakayuko ako nalumalakad,ang issue nila,e.Ang iba ay supportado sa akin,ang iba hindi,pero pinabayaan ko na lang,opinyon nila ‘yan.Sabi pa nila,don’t judge a book by its cover.
Hindi naman talaga ako palaayos pero maganda naman ako,’di ba?Bahala na.
Nagulat ako ng may kumuha sa bag ko at sumabay sa bawat hakbang ng aking tinatahak.Pagbaling ko ng tingin sa kanya.Bumungad ang gwapong mukha niya.Sabagay,siya pala ang sinisigaw kanina.
“So,kumusta?”tanong niya habang papasok na kami sa cafeteria.Hingal na hingal siya.
“Tumakbo ka?”Tumango naman siya.
“Akala ko kasi hindi kita maabutan,eh.Kaya tumakbo ako,na delayed ang pag-dismiss dahil nagalit si Ma’am.”
“Teka,teka Bakit ka nagpapaliwanag?Okay lang ako,Claude."
“Kasi girlfriend kita at baka magtampo ka pa sa akin,Satrina.Ayaw ko no’n."Nagpuot siya kaya naman kinurot ko ang pisngi niya.Hindi naman siya natinag.
“Hindi naman,Claude,”sagot ko at yumuko.Kinilig na naman ako.
Pumila na siya at humanap ako ng mauupuan at nilagay ko ang bag naming dalawa.Nag-text si Mylne at papunta na raw silang tatlo rito sa cafeteria kaya natuwa ako.Natuwa ako kasi kompleto kami.Excited ako.
Habang kumuha ako ng notebook dahil baka may biglang quiz mamaya.Buti ng handa.Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko.Masaya akong bumaling sa harapan ko at agad itong napawi sa nakita ko.
“Claude,ang dali---- “
“Wow,Claude?Really,Satrina.C'mon,hindi ka niya gusto dahil ako lang gusto niya at kung hindi man ako, eh.Alam ko na si Hanzel lang ito.Kaya wake up,Satrina."Nagsitawanan pa sila.Kinirot naman ang puso ko sa sinabi niya.
“Hindi pa tayo tapos.“
Umalis na sila dahil na aninag na nila sina Mylne.Inayos ko muna ang mukha ko habang naghihintay sila na maaninag ako.Bigla akong kinabahan.
“Nakita ko ‘yon,Satrina.Makatikim talaga ang Vanessa sa amin,”nanggigil na sabi ni Mylne at galit itong tumingin kina Vanessa
“Okay lang,Mylne,”sabi ko.Alam ni Mylne lahat wala na akong sekreto pa sa kanya.
“Anong nangyari rito?”tanong ni Claude.Nandito na pala siya.May hawak siyang tray.
“Tanungin mo girlfriend mo!”diniin na pagkasabi ni Mylne.
"Satrina,mind if I know the real story?"utos niya sa akin ‘yong parang hindi tanong.
"Ano kasi,kain muna tayo?"sabi ko sabay kuha ko sa tray para umupo siya.Nilayo nita ito sa akin.
"No,not unless,if you tell me the truth.So,spill it out,"utos niya.
"Upo ka muna,please,"pakiusap ko."Ayaw kong maging issue na naman ‘to."Umupo naman siya.
"Ahm,excuse us.Pila muna kami,"paalam nila Mylne.
"Yeah,see you later."Napatawa ako sa inaasal ni Phoenix.Sabay kaway-kaway pa na parang bata.Napailing nalang ako.
"So,hanggang tawa ka nalang ba?"Galit siya ramdam ko ito.Hindi ko namalayan na may sasabihin pa pala ako sa kanya.May problema pa akong dapat solusyunan sa kanya."Magsalita ka,makikinig ako,"aniya kasabay ng pagsandig niya sa upuan
"Ahmm,ganito kasi ‘yan,sabi mo sa akin na wag pa apekto.Ginawa ko naman believe me,Claude."Hawak-hawak ko ang isa kong kamay.Pinaglalaruan ko ito at tumingin sa kanya."Pag-alis mo,namalayan ko na may mga group ng babae na umupo sa harap ko.Binabalaan ako ni Vanessa.Sabi niya pa na hindi pa kami tapos at kanina sinabi niya ulit ‘yon habang nag-oorder ka at nakita nina Mylne ‘yon.Maniwala ka,Claude,"sabi ko at yumuko na.
Ilang minuto ang tahimik sa pagitan namin.Nagulat ako ng may tumabi sa akin at tinaas ang pisngi ko at niyakap ako.
"I’ll protect you,Satrina.Hindi ka nila sasaktan,"malaming na sabi niya.
"Ay,ang sweet,"tukso ni Mylne habang hawak ang tray niya
"PDA,Dude,"ani ni Phoenix.
Kumalas naman sa pagkayakap si Claude at pinalapit niya ang tray na inorder niya.
Pagkatapos ng kain ay nagpaalam kami at hinatid ni Claude.Sa room ko at umalis din kaagad.Hindi ko namalayan ang oras at tapos na pala ang klase ngayong araw.Kaya yehey!Uwian na.
Lumabas na ako.Pagkatapos ko magligpit,check muna bago labas baka may nahulog na importante.Paglabas ko sa pinto ng classroom ko ay may lalaking familiar na nakasandal sa pader at nakapikit mata pa.Aba,ang loko!
"Claude!"bungad ko sa kanya.Muntik siyang matumba sa ginawa ko.Nagulat yata sa akin.
"Nagulat ka?"
Habang kinuha niya na nag bag sa balikat ko.Pinakuha ko nalang.Ayaw ko nang gulo,e.
"Obvious ba?Tsk!"aniya at umuna nang lakad.Sinundan ko naman.
"Sorry na Claude,”sabi ko at sinasabayan ang bawat hakbang niya sa sahig.
"Sorry na,oh."Hinawakan ko siya sa kamay niya.Nagulat ako ng huminto siya sa paglalakad.
"Bakit ka huminto?"tanong ko sa kanya at yumuko kinakabahan ako.Nararamdaman ko na naman ang buang kong puso.
"Para masababayan ka,"sabi ni Claude at inakbayan ako."Ikaw talaga."Tawa niya at hinatid niya ako sa bahay namin.
"Bukas ulit,Goodnight,”paalam niya at tumakbo na papunta sa parking lot.
Gano’n walang kiss?
Kaya naman pumasok na ako sa bahay.Ayaw kong magmukhang tanga.Kakahintay sa halik na ‘yon.Baka sabihan ako na adik ako sa kiss niya.
Naalala ko ang babala ni Vanessa sa akin na hindi pa kami tapos.Ina-ano ko ba siya?Bakit siya gano’n sa akin?Dapat nga maging masaya siya para sa mahal niya.Dapat magparaya na siya.Ganyan naman ako kapag hindi ako minahal ni Claude.Sana nga totoo ang nararamdaman ni Claude.
BINABASA MO ANG
Select among the Choices
RomanceStatus:Completed Genre:Teen fiction and Romance. Posted:May 10,2021-May 31,2021 Synopsis: Satrina Alawi is a simple girl and has a simple dream:gusto lang niya ay maahon muli sa hirap ang kanyang ina at ama.Palagi siyang nasasaktan kapag nakikita ni...