Chapter 3

7 3 0
                                    

Chapter 3



Papunta ako ngayon sa cafetria at naisipan ko na layuan na lang si Claude dahil mas lumalala pagpalagi ko siyang kasama.Lalo akong nahuhulog sa kanya,at hindi ko kayang masaktan pa ang puso ko ng dahil sa kanya.Wasak na Ito.Wawasakin pa ba niya?

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko.Hindi ko alam kung ano ang kalabasan nito,pero kailangan kong protektahan ang puso ko.


“Satrina?”Nilingon ko ito at si Mylne naman.”Satrina,sabay tayo ng lunch.”

Hinila niya ang kamay ko.Dumating na kami sa table namin at dali-dali akong tumayo at umorder.

Halata ba?

Makakamove on din ako.

Sinampal ko ang mukha ko.

Satrina,ano ba?!Hindi nga naging kayo,’di ba?


“Okay ka lang?”tanong ni Mylne sa akin.

Dahil sa pagsampal ko siguro sa sarili ko.Sino ba’ng buang ‘no?

Tumango ako at kinuha ko agad ang pagkain pero syempre hinintay ko siya.

Dali-dali akong pumunta sa lamesa.Para madali lang ang pagkain ko.Mamaya at nasa paligid lang pala sila at ayaw kong makahalata si Mylne.

Well,halata na masyado,’no.Nakakalito ako.

“Satrina,dahan-dahan sa pagkain,"suway ni Mylne sa akin.Nag-aalala ang mukha niya.

“Gutom kasi ako,”palusot ko.

Sana hindi niya halata.Tumango siya at pinapatuloy ang pagkain.Tapos na ako.Nang may matanaw akong paparating na sina Claude ay agad akong tumayo.

“Mylne,sorry pero may kailangan pa akong gawin,"paalam ko.

Narinig ko pa ang tawag niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.


Dalawang araw na ang pag-iwas ko kay Claude.Nasa field kami nina Phoenix,Fill,at Mylne.Gumagawa kami ng assignment parehas,dahil isang oras pa bago magsimula ang klase namin.Kaya dali-dali akong gumagawa.Hindi raw makasama si Claude dahil may klase pa siya ngayon.

“Ang hirap naman nito.”Pagkakamot pa ni Phoenix sa ulo niya.

“Patingin nga."Kinuha ni Fill ang notebook ni Phoenix.“Ang dali nito,Dude."Sinagutan niya ito."Ayan!“

Ngumiti si Phoenix at nagpasalamat.Natanaw ko sa malayo ang gwapong lalaki na iniiwasan ko.

Jusko!

Dali-dali kong tiningnan ang orasan ko.Thirty minutes before the start of my class.Lumabas na pala siya.

Teka?Ano’ng ipapalusot ko rito?


“Guys,mukhang nagugutom ako.Punta nalang ako cafeteria,ah,"ani ko sabay tayo ko at dahan-dahan nang lumisan sa field.

“Satrina,sabay na kami.Baka gusto mo?”pagprepresenta ni Mylne.Nacu-curious siya sa mga pinaggagawa ko.

“Wag na.Ipagpatuloy ni’yo na ang ginagawa ninyo.Pupunta pa ako sa guro ko may itatanong lang."

Tumango naman siya at nagtagumpay ako roon.Mabilis akong umalis sa field.Ayaw ko pang makita si Claude.Mamaya na nakamove on na ako.I lied again.Nagsinungaling na naman ako sa kanila.


Dalawang linggo na akong umiiwas kay Claude.Hindi na masyado akong nakakasama sa bonding dahil panay ang rason ko para hindi makapunta.Minsan nalang pagwala si Claude.Pinsan sila,e,kaibigan lang ako.Ano’ng karapatan ko,’di ba?Close naman kami.Close pa rin kami sa mga pinsan niya.Alam kong nakakahalata nang tatlo pero hindi na lang ‘yon pinapahalata sa akin.Hindi ko alam anong takbo ng isip ko ngayon.Miss ko na siya.Miss na miss,pero kailangan ko munang mawala ang nararamdaman ko sa kanya.

Nasasaktan ako,e.Kapag nakikita ko siyang masaya at hindi na akong ang dahilan.Para akong pinapatay pero sana mawala na itong nararamdam ko sa kanya.Ayaw kong humantong pa ‘to sa magiging baliw na ako sa kanya.

Nandito pa ako sa room naming.Dismissal na kaya.Tumakbo ako papunta cafeteria.Pumila ako at nag-order nang pagkain.Pagkatapos kong mamili ay kinuha ko na ang tray at naghanap nang lamesa para sa akin.Alam kong five minutes pa bago mag-dismiss sina Mylne.Nagdasal muna ako at nagsimulang kumain.Nagpapasalamat ako dahil lumalaki nang kita ko sa raket ko.Kinuha ko ang kubyertos ko at kumain na.Nagulat nalang ako ng may mga umupo sa table ko.

“Satrina,upo kami,ah."Tumango ako.

Hindi ko pinag-aksayahan ng oras ang nagtanong.Wala na sigurong bakante kaya naki-share pero bakit pangalan ko ang tinawag?Ah,siguro kilala lang ako.Malay ko ba pero sina Phoenix lang ang kaibigan ko.

“Teka!Ba---”

Pag-angat ko ng tingin.Halos malaglag ako sa kinaroronan ko.Biglang bumilis ang puso ko.Ano’ng gagawin ko?Nandito na sila.Nakangiti sila sa akin.Katabi ko ngayon si Mylne.


“Satrina,dalawang linggo kanang hindi nakakasabay sa amin.Kaya kami nalang gumawa ng paraan para makasama ka.”Ngumiti si Phoenix sa akin.Sinuklian ko naman iyon.

“Oo nga,Satrina.Lately,naging busy ka na,“lungkot na sabi ni Mylne.

“Tingnan mo,stress na stress ang mukha mo."Tinuro pa ni Fill ang mukha ko.Pinagtawanan nila ako.Magpipinsan nga.

“Kumain nalang tayo,"aya ko.

“Salamat sa oras,Satrina."Pagyayakap pa ni Fill sa akin.

Ngumiti ako at tumango.Mabilis akong tumingin sa kanan,dumadaloy sa akin ang guilty.Guilty,dahil nadamay sila sa pag-iiwas ko kay Claude.Frankly,they didn’t do anything but I have too.Kasama nila palagi si Claude.Babawi na lang ako sa susunod.

Pagkatapos naming kumain ay nandito kami sa field.One hour before our classes start.Parehas,so okay lang.Katabi ko si Mylne.Tatabi sana si Claude pero umiwas ako.

“Salamat sa inyo.Ang bait ni’yo,the best kayo,”sabi ko sa kanila.

Nag-group hug naman kami.Ang swerte ko sa kanila na gu-guilty na naman ako nang damay sila sa paglayo ko kay Claude.

“Satrina,punta muna kami cafeteria.Nagugutom kami.Diyan muna kayo."

Hindi ko na mahabol sila Mylne kasi agad niyang hinila ang kamay nina Fill at Phoenix.Ang ending,kami nalang dalawa ni Claude.

“Iniwan na nila tayo."

Tumingin ako sa kanya at niligpit ang gamit ko.Ayaw kong makasama siya.Bumibilis ang tibok ng puso ko.

“Saan ka pupunta?”

Hindi ko siya sinagot at tinalikuran ko na siya.Mabilis akong naglakad ngunit na habol niya ako.Hinawakan niya ako sa kamay at hinila paharap sa kanya.Isang dangkal nalang ang layo namin sa isa’t isa.Hindi ko na alam ang gagawin.

“Ano ba!”sigaw ko sa kanya.Nanatiling nasa damo ang mata ko.

“Tumingin ka sa mga mata ko,Satrina,”utos niya ngunit hindi ako sumunod.Hinawakan niya ang pisngi ko at bumungad sa akin ang kanyang mukha.

“Tsk!”

“Sabihin mo nga sa akin,Satrina.Iniiwasan mo ba ako?"tanong niya.Mga mata na malungkot ang nakikita ko rito.

“Hindi ba halata?”

“Bakit,Satrina?Mayroon ba akong nagawang mali?Sabihin mo,mayroon bang problema?Tutulungan kita.“

Bakit?Kaya mo ba akong mahalin nang totoo?

Namamaga na ang mata niya.Naawa na ako sa kanya pero hindi,e.Hindi niya kayang panindigan ang nararamdaman ko.

“Sabihin mo,Satrina.Nakakabaliw.Ako lang iniiwasan mo.Sina Phoenix hindi naman.Alam kong ako ang dahilan,wala ka sa mga outing."

Umiwas na ako ng tingin.Ayaw ko na siyang nakikitang nasasaktan.Doble lang sa akin ito.

“Kailangan ko,Claude.Kailangan kong umiwas.Ano’ng problema ko?”Tumingin ako sa mga mata niya.Matulin na bumabalot ang luha sa aking mga mata.”Nahuhulog na ako sa’yo."

Nagulat siya sa sinabi ko.Hindi siya makapagsalita.Kinuha ko ang mga gamit ko at umalis na dahil sa pag-amin ko.Lalayo na ako nang tuluyan sa kanila.

Nasabunutan ko ang aking buhok sa kagagawan ko kahapon.Ang tanga ko,umamin pa ako kahapon dapat hindi na,nagmukha pa akong tanga roon.Baka isipin niya na umaasa ako sa kanya.Kahit hindi naman na parang gusto ko.Buang na ako.Dapat may filter bibig ko,e Bakit ba kasi na sabi ko ‘yon? Nakakahiya.Paano ako haharap na naman sa kanya?

Isang linggo kaming walang klase dahil may importante raw gagawin ang mga guro.Hindi naman pinapasabi sa amin.Selfish nila pero hindi bali na at least makaka-relax ako.

Oras na para raket ko na,kaya lumabas na ako ng bahay at nilakad ang lugar kung saan ako magtra-trabaho.Hindi baling malayo basta tipid.Ang sakit nang mga paa ko pero kaya ko ‘to.Lagi kong iniisip ang pamilya ko na kailangan ko silang maahon sa hirap.

"Hija,buti nakaabot ka.’Yan,ibenta mo ‘yan lahat,ha,"sabi ng may-ari.

Kahit ang sakit na ng katawan ko kakatayo ay ginawa ko.Kaya ko ‘to.Kayang-kaya.Ginawa ko lahat-lahat para magtinda at walang maiwan at nagtagumpay naman ako.

"Ayan,Hija.Sweldo mo ngayong araw.Ang galing mo,"ang may-ari.

Nakangiti na siya ngayon.Nakasuot siya ng plain blue t-shirt at pedal.Ngumiti ako.Binigyan niya ako ng berdeng pera sa limang oras akong narito at halos maubos ang laway ko.

“Ito lang po?Kanina pa ako rito,”Pangangatarungan ko.

“HIja,pagpasensyahan mo na,”ani ng matanda.

Tumango naman ako.Bagsak ang balikat ko habang nililisan ang pinagraketan ko.

Sakto habang lumalakad para sa susunod na raket ko.Biglang tagahugas sa isang karenderya.Nakadaan ako sa mga pagkain.Isaw at may kanin.Sakto lang ‘to.Limang peso ang mga ito.Kaya kumuha ako ng tatlong isaw at isang kanin.Okay na ako rito,since,may tubig ako na dala.Sakto na ‘to sa lunch ko.

“Okay na ‘to.“Kinapa ko pa ang tiyan ko.“Wag ka ng hihingi pa,ha.Tipid muna tayo.“

Parang tanga kinakausap ko ang tiyan ko.Bituk lang ang laman nito.Panay tingin ng mga tao sa akin.Akala siguro nila buang ako---baliw.Ngumiti naman ako sa kanila.

“Baliw yata ‘yon,”bulong ng isang babae.

Hindi naman nakaligtas sa akin ‘yon.Tumayo ako at hinabol siya.

“Hindi po,Ali.Pinapaintindi ko po ang tiyan ko.Kase kulang pera ko,”paliwanag ko.

Tumingin siya sa akin na puno ng awa.Ayaw ko pa naman na may naawa sa akin.May kinuha siya sa bag niya at binigay sa akin.

”Ito,oh,at baka mabaliw ka pa paghindi ka pa kumain nang marami.Ang payat mo,Hija.“Napatawa naman ako.

“Naku!Wag na po.Nakakahiya.Sige po.”

Tumalikod na ako.Bumalik na ako sa aking lamesa.Nagulat ako ng may pumatong ng plato sa akin na may dalawang ulam.Napaangat naman ako ng tingin.Paborito ko pa.

“Hala!Ali,jusko!Sobra na po ito.Sa inyo nalang po.Busog naman po ako.Baka ibibigay ko nalang ito sa iba,“napayuko kong sabi.

“Sige na,Hija.Sa’yo na ‘yan.Una na ako,”paalam niya.Hinabol ko naman siya.

“Salamat po.”Ngiti ko.Tumango naman siya at pinasakay ko pa siya sa sasakyan niya.

“Bayad na ‘yon.”Ngumiti ako.Bumulas pa ako ng ‘salamat’.

Agad din akong bumalik.Pinagtitingnan na ako ng tao.Sana naman walang lason na nilagay sa labas at pasok ko rito.Mukhang mayaman at may busilak na puso si ate.Sumisilay ang ngiti sa labi ko.Kung ako makakapagtapos gano’n din ako.Hindi ko itataas ang leeg ko.Tutulong din ako sa mga nangangailangan.Hindi ko na maubos kaya naman pinabalot ko.

”Salamat po,”ani ko sa babaeng naglilinis na ng lamesa ko.Ngumiti naman siya.

Sa nadaanan ko ay may nakita akong batang iniipit ang katawan.

“Hala!Kawawa naman.”Tiningnan ko ang bitbit ko.”Sa kanila nalang ‘to.”Lumapit ako sa kanila.

“Ate!Tulungan ni’yo po ako,”pagmamakaawa ng bata.

Nakita ko pa ang pamumula ng mata niya.Inabot ko sa kanya ang supot.

“Busog naman ako.Sa inyo na ’to.”Halos sumilay ang ngiti at naiiyak sila sa kanilang narinig.

Niyakap nila ako parehas.”Salamat po,Ate.Hulog kayo ng langit.”

Kinuha nila ito at tiningnan ang laman.Napagtanto nila ang laman ay kumuha rin sila nito. 

Masaya ko silang pinagmasdan.Naalala ko pa ang sarili ko noon.Nakikita ko ang sarili ko sa kanila.Ganyan na ganyan din ako noon.Nagpaalam na ako pagkatapos.Kailangan ko pang magraket.Baka mapagalitan pa ako ng amo ko.

Mabilis ang oras para sa akin.Karenderya na at tatlong asul na pera sa isang oras ang nakuha ko.Okay na ako,marami kasing pinahugas kaya gano’n at ang mahal ng mga tinda nila kaya hindi ako kumain doon.Sunod ay nagtinda ako sa palengke at kahit ano-ano pa para makakita.Sakto na at nakaipon ako ngayong araw.Umuwi na ako sa bahay.

Wala pa sina mama kaya ako pa isa.Mamaya na ako magluluto.Pawis na pawis ako at kumuha ako ng pangpalit at nilubog ang aking katawan sa kama.Hindi ko na kaya,pagod na ako.Bumaling pa ako sa kisame.Nanunumbalik ang sakit ng naalaala ko noong bata pa ako.Sa bawat pag-iyak ko.Sa bawat trabaho na kailangan kong takbuhin ay gusto ko nang sumuko.Sa tuwing nakikita ko rin sina mama na nahihirap palagi kong sinasabi sa sarili ko na ako na lang.Hindi baleng ako ang mahirapan,wag lang sila.Hindi ko kayang lumunok paggano’n ang nasisikmura ko.Parang may bumabaon na kutsilyo sa akin.Pinunasan ko ang aking luha dahil na rin sa pagod ay nakatulog na ako.

Nagising ako sa tawag.

Sino ba ‘to?Nakita ko kung sino ang nakarehisto rito.Bakit napatawag ito?

"Hello?"bungad ko.

Hindi ko maintindihan masyado ang sinasabi niya.Basta ang naintindihan ko ay bakasyon daw.Wala na akong magawa kundi sundin si Mylne.

Nasa kwarto ako nag-iimpake ng damit na binigay ni Mylne.Wala akong magawa dahil pinilit ako.Okay lang,kailangan kong harapin ang katotohanan na umamin na ako kay Claude.

Maaga akong nagising kanina at nagtinda pa ako.Para may makain naman sina mama rito habang wala ako.Nakapagpaalam naman ako nang maayos.Gusto rin naman nila ito upang makapagpahinga ako kahit konti.Vacation again.Excited na naman ako.Namalengke ako kanina para may stock sa ref namin.Nakaligo na rin ako at ready to go na lang anytime.

Nagulat ako ng may narinig ako na tawag.Agad ko itong sinagot dahil baka magtampo to sa akin.

“Hello?"sagot ko.

Habang nakaupo sa sala.Hindi pa gising sina mama dahil alas singko pa ng umaga.Usually,they wake up evey six a.m.

“Satrina,open the gate,please.Nandito na ako sa labas ng bahay ni’yo at baka malate tayo sa flight.”

Ayan na naman bossy masyado.Lumabas naman ako at baka sumigaw pa ito sa labas.

“Sorry,pasok ka muna,”paumanhin ko.

Hindi pa ako bihis ‘no.Ang ready to go lang ang bagahe ko.Naka off shoulder na gray siya with blue short.Ako,naka pambahay pa.

“Oh!Hindi ka pa bihis,Satrina?"Tawa ni Mylne sa akin.Akala ko pa naman magagalit na sa akin.

Agad akong tumakbo sa kwarto ko at narinig ko pa ang tawa ng lola ni’yo.Nagbihis ng square pants na gray at crop top na white turtle neck.Tatakbo na sana ako ng malimutan ko na wala pala akong suot sa paa.Napili ko ay may heel konti,mga two inches lang.Hinila ko na ang bag ko.Kagigising din nina mama.

“Ma,Pa?”Bukas ko sa pinto nila.“Una muna ako.See you after three days."At nag fly kiss ako.

Hindi ko na alam anong sinasabi nina mama.Basta tumakbo na ako at baka malate kami sa flight namin.Hindi ko alam saan banda kami pupunta sa Pilipinas.

“Mylne,mayroon ka bang ipit sa buhok?”tanong ko sa kanya.Habang nagce-cellphone.

“Wala,Satrina,"sagot niya.

Wala akong choice kundi kumuha ako ng ipit sa bag ko.Ang tamad ko kasi.Pagkatapos,naglagay ako ng light make up,lip gloss lang sa lips at b-in-ound ang buhok ko.Perfect!

Nakarating na kami sa airport.Nag check-in at nilibre ako nina Mylne sa Jollibee.Nandito si Claude,pero hindi ko na siya iniiwasan.Nagkwentuhan lang kami at hindi na ako na iilang sa kanya.Si Phoenix ang nag-order.Siya na raw bahala.

“So,saan tayo pupunta?”tanong ko sa kanila.Katabi ko si Mylne at nasa harap si Claude.

“Sa Palawan,Sis,"sagot ni Mylne na excited na excited.

“Salamat sa libre,”nahihiya kong sabi.

“You’re welcome,Satrina.You know,we deserves this.Kailangan din natin mag-unwind,”Mylne said.”Mag-music muna ako,ha.”I nodded.

Tumingin ako kay Fill para naman may kausap ako,pero ang loko tumayo.Napangiwi ako sa inaasta nila.Hindi na rin ako nagsalita pa.Mga eight pa ang flight namin at seven pa ng umaga ngayon.

Dumating na sina Fill at Phoenix.Nasa harap namin tuloy ay five Fries,Chicken,Spaghetti,Rice,Coke at Coffee.

“Salamat naman at dumating na kayo.Kanina pa gutom ang tiyan ko,"pagsusumbong ni Mylne rito.

Tumawa nalang kami at bumuntong-hininga.Kumain na kami pero bago ‘yon,nagdasal muna kami.

Nasa eroplano na kami at hinihintay ang paglipad nito.6 B ako,sayang hindi ako sa bintana banda.Nasa likod si Mylne.Magkatabi silang tatlo.Bumuntong-hininga nalang ako.Ako na naman ang mag-isa kaya pinikit ko na ang mga mata ko ng may naramdaman na umupo sa tabi ko.Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Claude.Ngumuti siya.

Jusko!Nakakatunaw.

“Ipagpatuloy mo lang ginagawa mo,Satrina,"sabi ni Claude.

“Okay lang,”sagot ko at kinuha ang magazine na nasa harapan ko.

“Palit tayo,Satrina,”utos ni Claude.

“Sigurado ka?”Pagsusuri ko sa kanya.

“Oo naman.“

Kaya sa may bintana na ako.

Jusko!Miss ko na rito.I mean malapit sa bintana.

Umupo na ako kaagad bago pa magbago isip ng mukong na ‘yon,pero kinakabahan ako.

Itutulog ko na lang ba ito o magkwe-kwento.Pero bakit kasi katabi ko siya ngayon?Help me!

“Satrina?”tawag ni Claude sa pangalan ko.

Tinaas ko naman ang kilay ko habang nagte-text kay mama.

To Mama:

Boarding na kami,Ma.Ingat kayo.

“Kung sakaling papapiliin ka,ano’ng isasagot mo?”

“Ano naman ang pipiliin ko?”

“Ako nagtatanong,bakit ikaw nagtatanong ngayon?“Naiinis na yata.

“Kagaya nalang ‘yan ng ikaw nagmahal pero hindi minahal.”Natahimik siya.Binawi ko naman ito at baka mailang siya sa akin.“Joke lang.Ito naman sineseryoso ang sinasabi ko.Alam ko walang kabuluhan ‘yon,ano."

“Satrina,seryoso,”boses ni Claude.Habang hindi nakatingin ng diretso sa akin.

Ewan ko sa’yo.

“Ano nga,Claude?”ani ko habang sinasauli ang magazine sa harapan ko.Naiinis na ako.

“You need to select among the choices:I love you or I miss you?”

Hindi ko alam kung sasagot ba ako.Kailangan ba?Importante ba’ng sumagot?Bumibilis ang tibok ng puso ko.Help me,please!Bakit kasi katabi ko ito,e.

“H-uh?”utal kong sabi.

Tumawa siya“Joke lang ‘yon,ikaw talaga,Satrina,“boses ni Claude at sinandig ang ulo sa upuan.Habang pa taas na ang eroplano.

Nakalapag na ang eroplano namin sa airport ng Palawan.Ang mga mata ko ay nasa mga ulap na dinadaanan namin.Ang ganda talaga ng gawa ng Diyos.Kaya dapat magpasalamat tayo.

“Hindi ka natulog,Satrina?”bungad ng bagong gising na si Claude.

Nakatulog siya,ako hindi.

“Hindi ko hilig matulog pag nasa byahe.Mas gusto kong tumingin sa mga tanawin."

Tumawa naman siya.“Tanawin?Seryoso ka,Satrina?!”

Itong lalaking ‘to.Kung hindi ko lang ‘to mahal kanina ko pa ‘to na batukan.Kaso iba na ngayon,umamin na ako.Tapos na siyang tumawa ng bumaling sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay.“Bakit?Tanawin naman talaga ang ulap,ah,at hindi lang ulap ang makikita mo,mga bahay na maliit pag nasa taas,’no."

Hindi na siya umimik.Buti nga.Kukunin ko na sana ang hand-carry ko sa taas ng kunin niya ito.

“Claude!Ano ba!Akin na ang gamit ko!"pag-aawat ko sa ginagawa niya,pero mukhang wala siyang narinig at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.“Ouy,Claude!Ano ba?”

Tinaas niya ang gamit ko.Kaya hindi ko nalang inabot.Ang ingay ko kasi sa eroplano.Baka,ipaalis pa ako rito.Mayamaya pa kami lumabas ng eroplano at pinauna ang iba dahil ayaw namin na masikip ng dadaanan namin.Masiguro namin na wala ng tao ay bumaba na kami.

Hello Palawan.My dream place.Actually,marami pa akong dream place,’no.Halos yata lahat dream place ko.Natanaw ko si Claude na kaliwat kanan ang bitbit ay tumakbo ako sa kanya.Aagawin ko na sana.

“Claude,watch out!”pagsisigaw ni Phoenix sa pinsan niya.

Pabida!

At talagang tinulungan niya pa ang Claude na ito.Sinamaan ko siya ng tingin.Paano kasi kukunin ko na sana ang gamit pero ang ingay ni Phoenix.

Nakasimangot nalang ako.“Magkakampi talaga,"bulong ko.Ngunit hindi nakaligtas sa tenga ni Mylne.

“Hayaan mo na ‘yan sila,Satrina.Gamit ko nga nando’n kay Fill.”Pagtuturo ni Mylne kay Fill.

Tiningnan ko si Fill at mas marami pa siyang dala kaysa kay Claude.

“Gano’n ka dami ang gamit mo?”tanong ko kay Mylne.

Humalakhak siya at tumango.“Obvious ba,Satrina?”

“E,kasi kawawa ‘yong tao,"sagot ko at yumuko nakakahiya.Hinawakan niya ang ulo ko at inangat ito.

“Satrina,mas kawawa ako pag ako bumitbit niyan,"aniya at nauna ng maglakad.”C'mon mga pinsan.Wag malangya,mala-late tayo sa van natin.Excited na ako sa room natin!”sigaw niya sa malayo.

“Ayan na naman siya."Nagpapadyak na si Fill.“Ako pa pinabitbit ng gamit."

“Ba't mo kasi kinuha?”tanong ni Pheonix.

“Kasi naman,nagmakaawang kunin ko raw sa kanya,"sabi ni Fill.

“Pstt!"si Phoenix sabay tawa.“Uto-uto mo,Fill.”

“Y’ah!Whatever.“Napatawa ako kay Fill at sumunod na kay Mylne.

“Kasi naman Mylne,pinabitbit mo ako ng hand-carry mo na mabibigat.Sana pina-check-in mo ito!"sigaw ni Fill pero ang pasaway na Mylne.Tinakpan ang tenga.Umiling nalang kaming tatlo.

Wala sa sarili si Claude.Kaya panahon ko na para kunin ang bag ko.Tumakbo ako sa kanya at nakuha ko nga.Pagkatapos,tumakbo ako kay Mylne at sumakay ng escalator.Hinanap ang number ng eroplano namin.Kumuha ako ng pushcart nila at hinihintay ang bagahe ko.

“Galing mo roon,ah,"bungad ni Claude sa akin.Sumunod pala siya sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya.“Galing ko ‘no?"

“Alagang Claude ka lang,”sabi niya at kinuha na ang bagahe niya sa kabilang dulo.

Ano raw? Pero naramdaman ko na nag-blush ako.Kinabahan ako roon,ah.Bumilis bigla tibok ng puso ko Sobrang saya na iwan akong nakanganga.

“Satrina,ang langaw,baka makapasok."si Mylne at tinawanan ako.

“Ewan ko sa’yo,Mylne."

At kinuha ang bagahe ni Mylne ang bagahe niya.Sumunod na ako sa kanya.

“Alas diyes na pala.Ang haba ng byahe,ha."Pagpupunas niya pa sa pawis niya na nasa labas na kami.

Teka!Itetext ko muna sina mama

To Mama:

Ma,nakarating na kami sa airport.Sakay na lang kami ng van papunta sa hotel.

Tumawag din si Mylne sa magulang niya.Sembreak naman ngayon.Kaya paniguradong,namasyal din ang ibang kaklase namin.

“Guys,nandiyan na ang van,“sambit ni Phoenix.

Nakaawang ang bibig namin at tiningnan isa-isa sabay takbo,pero ng makita namin wala ang mga pushcart namin ay agad namin binalikan ito.Ang tanga namin.Humalakhak nalang kami sa mga ginagawa namin.

“Ang epic ng mga face natin,"si Mylne habang hawak-hawak niya ang kanyang tiyan sa kakatawa.Nasa harap na kami.

“Opo,nandito na kami.Lima po kami,”sagot ni Claude sa driver.

Habang nasa cellphone at mayamaya may van na pumarada sa harap namin.Pinapatanong pala niya kung anong kulay mga damit namin.Inalalayan niya kami.Nilagay niya na sa likod ang gamit namin at sumakay na kami sa loob.Kami ni Mylne sa likod ng driver seat at nasa likod ang tatlo.

“Okay na ba kayo?”tanong ng driver sa amin.Tumango kami at pinaandar nang driver ang sasakyan.

“Welcome sa Palawan,”bungad ng driver.Tahimik kasi kami ni Mylne.“Maraming tourist spot dito, Ma’am.Sana mapuntahan ni’yo."

Nakatulog na ang tatlo sa likod kaya naman ng nasa lobby kami at mag-check-in kami for three days dito sa hotel.Ang palamuti nila ay bihira mo lang makikita.Kulay buhangin ang mga kulay nito.Agad naman akong bumaba.Entrance pa lang ay mamamangha ka na lang.Kaya naman lumingon ako sa loob.Iiwas sana ako kay Claude ngunit kailangan ko siyang gisingin.Nakagising kasi ang dalawa na kanina:sina Fill at Phoenix.

“Ouy Claude!Nandito na tayo.”I’m trying to wake him up but suddenly he fell on my arms.

“Phoenix!Fill!”I shouted despite of our distance.

Agad naman silang lumingon sa gawi ko.Kinakausap nila kasi ang driver at tumulong patungo sa lobby.Si Mylne ay nag-check-in na sa lobby.Naki-usyuso siguro ang dalawa.Kaya ang ending,binuhat siya ni Phoenix at Fill.Pumunta na ako kay Mylne.Bininigay sa amin ang susi ay kinuha namin ito at hahanapin ang room namin sa taas.Ipapahabol na lang daw ang gamit namin sa kwarto.Namataan ko ang wala sa mood na Claude.Kagigising lang kasi.Siguro nilagay siya riyan kanina dahil natutulog pa.

“Boys,tara na,”si Mylne.”Ouy!Gising na pala ang broken natin na pinsan.”

“Mylne,”si Fill.
“Yeah!Whatever!”Irap ni Mylne pero nakita ko ang sama ng tingin ni Claude rito.

Kami ni Mylne sa isang kwarto dahil babae at silang tatlo din sa isang kwarto.Hindi siya connected na room.Kaya sa main door talaga dapat para kumatok sa kanila.Nasa harap na kami ng kwarto namin.

“Oh,paano mga pinsan?Diyan na kayo at dito muna kami.Mga eleven thirty,baba tayo para sa lunch,"sabi ni Myne.

Binuksan niya na ang pintuan namin.Bumungad sa amin ang kulay crema na kulay na sumasakop sa buong room.

“Ang ganda!"Ngiti ko.

Nilagay na ni Mylne ang bag niya sa sofa,nasa unahan na siya.Nasa labas pa rin ako.Pinagmamasdan ang kwarto namin.Ang mahal siguro nito.Nasa kaliwang bahagi ay kusina na maliit at ang harapan nito ay ang CR.They have shower with bathtub.Mukhang gusto kong gamitin to.May cake sila na pang-welcome sa amin.The view was epic.My favorite:beach.

“Ang ganda,Satrina,’no?”si Mylne habang nasa balcony .

“Sobra,nakakahiya naman sa inyo,"ako habang tinitingnan ang mag-ama na naghahabulan.

“Ano ka ba,Satrina.Syempre,regalo din to nila mommy sa atin.Deserve natin ang mag enjoy-enjoy minsan.Na miss ko tuloy sina mommy."Ngumiti siya pero ramdaman mo ang peke nito.

“Bakit naman?”tanong ko at hinimas-himas ang likod niya.

“Kasi naman,Satrina.Simula ng umuwi ako rito.Wala na kaming bonding masyado,“sagot niya.

“Bakit hindi ka ba masaya sa amin?”tanong ko.

“Kaya nga,kung hindi,hindi rin kita makikilala,"sagot niya at niyakap ako.Niyakap ko rin siya.”Salamat Satrina,kahit papaano na wala ang lungkot ko,pag naalala ko sina mommy at daddy.

“Welcome,Mylne,"ako habang pinapakalma pa siya.Kumalas lang ako ng may nag-doorbell.“Ako na ang magbubukas,mag-emote ka muna riyan."At hinampas ako ni Mylne.

“Loko!Buksan mo,baka gamit na natin ‘yan.Music muna ako,”boses niya at nilagay niya na ang airpods sa tenga niya.

Binuksan ko nga ang sinasabi ni Mylne at tama nga bagahe namin ang dumating.

“Saan ilalagay Ma’am?”tanong ng staff nila rito.

“Diyan lang.”Turo ko sa may cabinet  banda.“Thank you po."

Pagkatapos nagtext ako kina mama na dumating na ako at hinagis ko nang keypad ko sa kama.

Eleven fifteen na at konting minuto na lang at bababa na kami.Binuksan ko ang bagahe at nakita ko ang square pants na white pambeach style at croptop na color blue sleeveless.Pumunta na ako sa CR para magpalit at nag-retouch ng lip gloss,konti.Nilugay ang buhok at bumagay naman ito sa akin.Kasi naman po hindi pa ako naka pambeach kanina,dahil baka pagalitan ako nina mama,ang sexy kasi.

“Satrina,lunch na tayo sa baba,”aya ni Mylne.

“Nandiyan na,"sagot ko at bubuksan ko na sana,pero tumingin muna ako sa salamin,tapos labas na.

Kumatok na kami kina Claude.Bumungad sa amin ay si Claude.Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tulungan niyo ako,please.

“Wait lang,"aniya sabay takbo niya at kinuha ang cellphone.

Sabay silang tatlo na umalis sa kwarto nila.Bigla akong nainis,nag-ayos pa naman ako para sa kanya,pero hindi niya napansin.

“So,ano’ng plano bukas?Pasyal sa labas ng hotel or stay muna rito?”boses ni Mylne.Habang bored na bored na hinihintay ang elevator.

“Ahm,maaga pa naman.Pwede pa natin ma-explore ang ganda ng dagat dito.Mamaya at bukas sulutin  natin ang mga tourist spot,“singit ko.

Sumang-ayon din naman ang mukha nila.Tiningnan ko si Claude at ngumiti din siya.Sumakay na kami sa elevator

“Good idea,Satrina.Total,nandito na tayo sa Palawan.Kaya sulitin natin,"ngiting sabi ni Claude at lumabas nang elevator.Ang bilis ng elevator.Gusto ko pa sanang tingnan pa si Claude.

“This way Ma’am and Sir,"aniya at g-in-uide kami patungo sa aming table.

“Ano’ng order ni’yo Ma’am?”tanong ng waiter.

Sinabi ni Mylne kung ano’ng I-o-order.Bossy siya ngayon kaya siya ang pinagbigyan namin.

“’Yan lang Ma’am?”tanong ng waiter.Tumango si Mylne at umalis na ito sa harapan namin.

Ilang minuto ang lumipas ng dumating na ang mga pagkain.Ang dami.As always,dapat masanay tayo kina Mylne.Nagdasal muna kami at kumain.Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga pagkain at ang ganda ng services nila rito.

“So,saan tayo bukas?”tanong ni Mylne at na-discussed na namin kung saan ang unang pupuntahan.

Sobrang excited ko hindi ko alam anong mararamdaman.Ano nga ba?Ang saya-saya ng puso ko.

Panay silip ako kay Claude habang taas baba ang adams apple niya.

“Satrina,any suggestion?”taas kilay na tanong ni Fill.

Napatigil naman ako sa aking ginagawa.Nag-angat ako ng tingin.Kita ko ang pagdududa sa kanya.Tumikhim ako.Naramdaman ko ang pasilip ni Claude sa akin.Kaya naman lumingon ako sa gawi niya ng parang wala.Tinaasan ko siya ng kilay.Winawala ang takbo ng puso ko na halos wala ng bukas.

“Kayo’ng bahala,basta pasyal tayo bukas,“masayang sabi ko.

Tumango naman si Mylne.Nakahinga ako ng malalim ng panay salita na sila at hindi na siya humihingi ng opinyon ko.Mas lalo akong kinakabahan ng pagtitig ko pabalik kay Claude ay nakatingin na siya sa akin.








Select among the ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon