Chapter 7

12 8 3
                                    

Arsherial's POV

Maaga akong nagising dahil Lunes nanaman at ayokong ma-late! Gumaling na rin ang kagat ng darling kong bubuyog.

Ginawa ko na ang morning routine ko at saka naglakad na papuntang school.

Bigla na lang may tumapik sa balikat ko kaya agad kong tinignan kung sino yun.

Si Ria, buti na lang talaga at makakasabay ko siya.

(≡^∇^≡)

"Uy, Ria!" masaya kong sabi

"Uy, Arsherial!" sabi niya naman "ang ganda ng pag-e-exercise natin nung Sabado"

Oo! Ang ganda nga! Dahil sa sobrang ganda nadagdagan ang timbang ko!

"Kailan naman ang sunod nating exercise?" tanong ko, siyempre support namin ang isa't isa pagdating sa kalokohan.

"Eh paano kung maulit nanaman yun? Buti na lang talaga at dumating si prince charming mo" sabi niya, mabuti na lang talaga at nandun si Tralerjio.

"Bakit parang iba yata ang bango ng buhok mo ngayon, Arsherial?" tanong niya pa kaya nag-iwas na lang ako ng tingin "Bakit parang amoy...dishwashing liquid?"

"Napakasipag mo kasing maghugas ng plato kaya pati buhok ko napagkakamalan mo na" sabi ko, ganyan talaga kasi ako kapag nagmamadali akong maligo...wala na akong pake kung anong shampoo ang ginagamit ko.

"Masipag talaga ako! Gusto mo bang hugasan ko pati mga plato niyo?" tanong niya

"Sige ba! Basta free!" sagot ko

"Wag na lang, hahaha"

"Hoy grabe ka"

Mayamaya dumating na kami sa school at agad naman kaming naupo sa upuan namin.

Pagkaupo na pagkaupo ko bigla na lang akong inisprayan ng pabango ni Tralerjio pero mas sinigurado niya ang buhok ko.

May pabango siya tapos ngayon niya lang ginamit? At sa buhok ko pa?

"All done" cold niyang sabi, done na done nga! Pati pabango niya done na din!

"Thank you" pasasalamat ko, tumango lang siya at saka shinoot sa basurahan ang lalagyan ng cologne na wala ng laman.

"May pabango ka pala? Bakit hindi mo yun ginagamit?" curios kong tanong

"...."

-___-

Dineadma ulit ako!

"Are you a tsundere?" tanong ko pero hindi parin siya umimik

Ang weird niya, mamamansin tapos bigla na lang hindi ka kakausapin....

"Uy! Uso naman sigurong mamansin diba?" tanong ko pa

Mayamaya pa ay nagring na bell at dumating na ang teacher kaya agad din itong nagdiscuss. Mayamaya ay natapos na ang first subject kaya nagring ulit ang bell.

Ang sabi ni Ria ay inutusan daw siya ni Dawin kaya kailangan niya daw yung gawin kaya naman, pupunta ako ngayon sa library imbis na magpunta sa canteen.

Pumipili na ako ng librong babasahin at bigla ko na lang nakita si Tralerjio, kaya pala napakatalino niya dahil sa library pala siya tumatambay.

Kinuha ko na ang librong gusto kong basahin at umupo sa harap niya kaya tinignan niya ako ng sandali at bumalik lang din siya sa pagbabasa.

Ganun na yun? Seriously?

"Psstt..." mahina kong sitsit para hindi ako marinig ng librarian

"The sign say's 'keep quiet' you dummy!" cold niyang bulong sa'kin habang nakatuon parin sa libro ang paningin niya, ano ba yan! Bubulong na lang nga napaka-cold at maldito pa!

"Ang sungit mo, panget ka na nga mas papanget ka pa" bulong ko naman kaya tinignan niya ako ng sobrang sama, galit ba siya dahil tinawag ko siyang panget?

Hindi ba dapat maging thankful na lang siya dahil sinabihan ko siya ng totoo?

"If you didn't had anything to say, just keep your d*mn mouth shut" galit niyang bulong, siguro sa lahat ng inaasar ko si Ria lang ang hindi mabilis mapikon.

"Shut? Anong shut? Shut ba na ganito?" tanong ko at tatakpan ko sana ng daliri ko ang bibig niya ng agad niya naman akong pinigilan.

"You're so small and annoying, like a mosquito" cold niyang sabi sabay bitaw sa daliri ko

I'm not a mosquito! Ang ganda ko naman yatang lamok! At grabe naman 'to maka-small! Sadyang matangkad lang siya at kyut naman ako!

"For your information Mister, 5'5 (165.10 cm) ang height ko" bulong ko sa kanya

"And mine is 6'2 (187.96 cm)" bulong niya naman sa'kin

Oo na! Napakalaki nga ng agwat ng height namin! Pake niya ba?!??

"Porket matangkad ka lang tatawagin mo na akong lamok? Eh bakit hindi ang height mo ang mag-adjust?" galit kong bulong at sinigurado kong mahina dahil baka mapalayas pa kami dito.

"You keep saying nonsense"

"Wala tayong ibang topic eh"

"Ms.Cyste and Mr.Ardexon! Alam niyo namang bawal mag-ingay at humarot sa loob ng library hindi ba? Kung gusto niyong magharutan grumaduate muna kayo!" bigla na lang sabi ng librarian "Get out of the library right now"

Agad naman naming binalik sa shelf ang librong binasa namin at saka na lumabas ng library.

Kahit bumulong lang kami narinig parin? Sabagay masyado rin namang bitter ang librarian at tama rin naman ang sinabi niya na kailangang grumaduate muna.

------

Nang nakauwi na ako sa bahay—

"Good afternoon" bati ko at bigla ko na lang nakita si Kuya na may kasamang dalawang lalaki.

May mga kaibigan pala siya?

"Good afternoon din, Arsherial" bati ni Kuya "Mga kaibigan ko pala"

"Hello, I'm Nathan Hacksyle"

"And I'm Lucas Syckor, nice to meet you Arsherial"

Ngumiti na lang ako at saka tumango.

"May pagkain pa dun sa kusina, gusto niyo ba kunin ko?" tanong ko at umiling naman si Kuya.

"Hinatidan na kami ni Manang ng cake at juice kanina, busog na busog na kami" sagot ni Kuya "mag-meryenda ka muna"

"Mamaya na lang siguro" sabi ko at saka dumiretso sa kwarto ko.

Nagbihis na ako ng T-shirt at pajama saka ako bumaba para sana kumain pero tinawag ako ni Kuya dahil kailangan daw ng mga kaibigan niya ng advice.

Naupo ako sa tabi ni Kuya at nasa harap naman namin ang mga kaibigan niya.

"Heto lang ang advice ko sa'yo tol, kung may crush ka...lapitan at kausapin mo na, 'wag ng magpatumpik-tumpik pa...baka maunahan ka pa ng iba" sabi ni Kuya kay Nathan

"Please don't listen to my brothers advice" advice ko naman

"Ang supportive mo diyan na part ah" sarkastikong sabi ni Kuya

"Syempre! Ako pa! Kakain muna ako! Bye!" masaya kong sabi sabay alis.

Butterfly WeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon