Chapter 32

3 0 0
                                    

Theresa's POV

I'm just naglalakad here sa hallway so aga in the morning mga 6:15 am lang naman, I pansin na halos every student na madaanan ko ay looking at me like I'm super maganda today.

Some students pa looks like they want to tawa at me like may something silang nakita. While the others pa is nagbubulungan.

I just ignore them na lang—

"Ang laki ng tagos sa likod ng palda mo, Theresa"

O___o

Whut??!

*

Gabriel's POV

Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom ko ng bigla akong nakarinig ng bulongan ng mga estudyante...

"Omo! Nakita mo ba ang tagos sa likod ng palda ni Theresa?"

"Oo, hindi ba niya alam na may tagos siya?"

"Baka naman ay nagpapasikat lang siya para mapansin"

"Alam naman siguro ninyo na hindi ganyan ang ugali ni Theresa hindi ba?" tanong ko sa tatlong chismosa habang naglalakad ako palapit sakanila

"Good morning, Gabriel" bati ng isang babae sabay ipit ng buhok sa tenga niya

"Good morning Gabriel, pwede bang makahingi ng autograph?" tanong naman ng isa

"Pwede bang magpapicture? Sorry at hindi ka agad naman napansin" sabi naman ng isa

"Hindi niyo talaga ako mapapansin dahil abala kayo sa pangingialam sa buhay ng ibang tao.." sabi ko

"Imbis na pagsalitaan niyo siya ng ganyan bakit hindi niyo na lang sabihin na may tagos siya kesa pagchismisan niyo pa" sabi ko pa

"S-s-sorry—"

"Ayokong marinig ulit ng ganito, maliwanag?"

"O-okay!"

Naglakad na lang ako palayo para hanapin si Theresa, binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa naisipan ko na lang tumakbo at nakita ko siyang pakembot-kembot na naglalakad sa hallway at halatang hindi niya alam na may tagos siya.

Nagbubulungan ang mga estudyanteng nadadaanan niya kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Ang laki ng tagos sa likod ng palda mo, Theresa" sabi ko kaya agad siyang napatigil sa paglalakad kaya hinubad ko ang jacket ko at itinali yun sa bewang niya para kahit papaano ay matakpan ang likod ng kanyang palda.

"E-eh? A-arigathanks Gabriel-kun! I didn't notice talaga na I have tagos na pala" namumula at conyo niyang sabi, ayos na talaga ako sa english na may tagalog niya kaso parang nag-level up na yata ang pananalita niya?

(눈‸눈)

"Bakit nga pala may halong Japanese ang conyo mo Theresa?" curious kong tanong

"M-maybe I'm just g-ganito lang when I'm sobrang happy or super nahihiya s-something like that!" nauutal niyang sabi

How cute.....

"May dala kabang..uh...ano nga ulit yung tawag dun?" ano nga ulit ang tawag sa ginagamit ng mga babae kapag nireregla sila?

"Napkin?"

"O-oo! Yun nga!" pagsabay ko sa trip at agad naman siyang umiling bilang sagot.

"I didn't know naman kasi na this day dadating ang regla ko" sabi niya

"Mauna ka na lang sa classroom ibibili na lang kita ng n-napkin? Sa canteen" sabi ko at ngumiti siya bago tumango.

"You're so mabait Gabriel-kun! S-salamuch! You're the best kaibigan I ever had" sabi niya sabay lakad palayo

Ganyan naman talaga ang turing mo sa'kin Theresa....kaibigan....alangan namang ituring mo akong alien diba?

Nagpunta na lang ako sa canteen para bumili ng napkin.

"Pabili po ng napkin" sabi ko

"Anong klaseng napkin?" klase? May klase pa pala yang napkin? Yung magaling na lang na kalidad ang pipiliin ko.

"Yung first class po na napkin" sagot ko at agad namang tumawa yung tindera, mali ba ang sagot ko? Malay ko ba sa mga napkin na yan at first time ko pang bumili.

"With wings? Or no wings?" wings? Bat may pakpak?

"Yung pinakamagandang napkin na lang po" sagot ko

"Ilan ba gusto mo?"

"Pabili po ng 11"

Binigay na sa'kin ang 11 na napkin at nakalagay yun sa paper bag, nagbayad na rin ako at agad na nagpunta sa classroom.

Pagkadating ko doon ay nakita kong kasama niya si Arsherial at Victoria, binigay ko na lang ang napkin kay Theresa.

"T-thanks Gabriel-kun" pasasalamat ni Theresa sa'kin

"Wala yun" sabi ko at napansin kong nginitian ako ni Arsherial ng nakakaloko, ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng 'to?

Kung ano man yun....hindi ko na gugustuhin pang malaman.

"Sasama ka ba Arsherial?" tanong ni Victoria sa kanya

"Mauna na kayo....susunod lang ako" sagot niya at tumango naman dun ang dalawa at saka lumabas na ng classroom.

"Ikaw Gab ah~yyiiiieee!!!" asar niya sa'kin, nagpaiwan ba talaga siya para pang asarin ako? Hanep ng trip!

"Anong pinagsasabi mo?"

"Wag mo 'kong matanong ng ganyan Gab, alam ko yang mga moves na yan..." asar pa niya "...may gusto ka kay Theresa ano?"

∑(๑ºº๑)!!

"A-ano? Wala 'no"

"Halata namang may gusto ka sa kanya Gab kaso....itinatago mo kasi alam mong....iba ang gusto niya" sabi niya kaya yumuko na lang ako

Alam ko naman yun....

Alam kong may gusto siya kay Wayne...

Alam kong kaibigan lang ang turing niya sa'kin..

Pero ano bang magagawa ko??

Magconyo???

"Pero ayos lang yan Gab, tutulungan kita—"

"Wag! Pakiusap! 'Wag" putol ko sa sinabi niya at nakatingin na ako ngayon diretso sa mga mata niya.

"Pasensya na pero mukhang hindi ka mapagkakatiwalaan sa mga bagay na yan Arsherial—"

"Wow! Grabe ka!" angal niya

*

Theresa's POV

I'm already tapos na but hindi pa rin umaarrive si Arsherial, I wonder bakit? We decided na lang na bumalik sa classroom.

While naglalakad us pabalik, I suddenly alala how mabait Gabriel-kun to me.

He's always nandiyan for me...

But I wonder why he bili so raming napkin, 11? But now is 10 na lang because I already gamit the isa.

We arrived sa classroom at we saw na tinetease ni Arsherial si Gabriel-kun.

*

Arsherial's POV

Bumalik na lang ako sa upuan ko at kanina pa andiyan si Tralerjio.

Maasar nga....

"Uy Tralerjio..." sabi ko "..ang tagal magconfess ni Gab kay Theresa ano? Ikaw? Kailan ka ba magcoconfess sa'kin?"

"Bakit? May gusto ba ako sa'yo?" tanong niya sa'kin

#ROASTED!!!!

٩(๑꒦ິȏ꒦ິ๑)۶

"Bakit? Wala ba?" namula ang pisnge niya at nag-iwas na lang siya ng tingin.

Kunware pa.....

Butterfly WeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon