Arsherial's POV
Science and first class namin ngayon at hindi ko alam kung swerte ba o malas maging science partner si Tralerjio.
Basta ang naaalala ko ay gusto niyang gawin ang mga bagay-bagay ng mag-isa.
Edi parang useless lang ang pagpapartner namin?
"Arsherial! Kanina pa kita tinatawag! Hoy!" biglang sigaw ng katabi kong si Ria, nakaupo ako ngayon sa upuan ni Dawin since hindi pa naman siya dumating.
"Sorry, nasa space pa kasi utak ko nakipag-rock-paper-scissors lang sa mga asteroids...ngayon lang bumalik" sabi ko kaya inirapan niya lang ako
"Eh nanalo ba?" tanong niya naman
"Siyemre naman! Puro kasi sila rock at paper naman ang panlaban ko"
"HAHAHAHAHA" tumawa na lang siya
"Ano pala ang sasabihin mo? Diba sabi mo tawag ka sa'kin ng tawag" tanong ko naman
"Gusto lang sana kitang kausapin"
"Nag-uusap na tayo Ria"
"Hi! I'm Leonora Azteron" biglang pakilala ng kakasulpot lang na babaeng classmate namin kaya agad namin siyang tinignan ni Ria.
"I'm Arsherial Cyste" pakilala ko
"And I'm Victoria Hychro" pakilala naman ni Ria
"Gusto ko sanang maging isa sa mga kaibigan niyo" sabi ni Leonora, alam ko namang mabuti ang pakay niya pero....bakit parang feeling ko may mali?
Ayokong mag-overthink ng kung anu-anong bagay!
"Yeah! Sure! From now on mag-bff na tayong tatlo, kung ayos lang kay Ria" sabi ko sabay tingin sa kanya at agad naman siyang tumango.
"Ang mga kaibigan ni Arsherial ay kaibigan ko rin, kaya ayos lang sa'kin" sabi niya at agad kong ibinalik ang tingin ko kay Leonora.
Why the heck it feels like....I shouldn't let my guard down when she's around?
"Gusto mo bang sumabay sa'min mamaya sa canteen?" tanong ni Ria sa kanya
"Oo naman! Salamat talaga! Ang babait niyo" nakangiti niya namang sabi
Bigla na lang nagbell....
"Sige, mamaya na lang" sabi ni Leonora sabay balik sa upuan niya at umupo.
Ganun rin ako, bumalik na ako sa upuan ko at sakto namang dumating ang teacher at si Dawin.
Nagpunta kami sa science lab at nagbihis na ng lab coat. Hindi naman ako matalino sa science kagaya ni Tralerjio pero gustong-gusto ko talagang nakikita na pumapalpak ang experiments.
Pinapanood ko lang si Tralerjio habang ginagawa niya ang task namin dahil ayaw niyang makialam ako at ang science teacher naman ay umalis muna.
"Kahit konting tulong ayaw mo talaga?" tanong ko at umiling naman siya bilang sagot.
(╯︵╰)
"Kahit ngayon lang, sige na please" pagmamakaawa ko pero dineadma lang ako
Hahawakan ko na sana ang isa sa mga glass tube ng bigla niya na lang tinapik ang kamay ko, ang choosy naman neto!
Natapos na ang first class at wala talaga akong natrabaho, kahit isa! Tinanggal ko na ang lab coat at bigla na lang akong hinili ni Ria papuntang canteen, kasama na namin si Leonora.
BINABASA MO ANG
Butterfly Weed
Teen FictionArsherial Cyste, isang babaeng makulit, maingay, pilosopa, sarkastiko at napakahilig niyang mang-asar. Meanwhile...Tralerjio Ardexon is cold, merciless, wise and cunning young man. He hated her, but what if the hate turned into love? Everything is f...