Arsherial's POV
Nasa kama ako ngayon nakahiga dahil sobrang bigat ang pakiramdam ko at ang init ng buo kong katawan.
Ang landi kasi si Tralerjio dinamay pa ako sa kaek-ekan niya!
Bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Manang na may dalang maliit na planggana.
Umupo siya sa gilid ng kama ko at saka niya kinuha ang bimpo sa planggana, piniga at inilagay yun sa noo ko.
"Masyadong malaki ang noo mo sa bimpong dala ko hija halos hindi magkasya" nag-aalala niyang sabi
(๑•̀^•́๑)
"Manang naman"
"Ako ay nagbibiro lamang"
"MANANG!!! NASAAN NA PO BA ANG SPONGE NG PLATO DITO?? NASA KWARTO PO BA NI ARSHERIAL??" rinig naming sigaw ni Kuya mula sa kusina
"Nasa iyo ba ang sponge ng plato hija?" tanong ni Manang sa'kin at agad naman akong umiling bilang sagot
"Wala dito ang sponge ng plato hijo" medyo malakas na sabi ni Manang
Bakit ba ako na lang palagi ang pinagbibintangan kapag may nawawalang gamit?
"Kung may kailangan ka hija tawagin mo lang ako"
"Opo Manang, salamat" sabi ko at umalis na siya sabay sara ng pinto.
*
Andrew's POV
*ding*dong*
Agad akong nagpunta sa gate para buksan dahil pinuntahan pa ni Manang ang suplada kong kapatid.
"Yo Andrew!" sabi ni Lucas
"Anong ginagawa niyo dito?" agad ko namang tanong
"Grabe ka naman maka-anong ginagawa niyo dito! Si Lucas kasi na-broken" sagot ni Nathan
"Ako na lang palagi niyong hinihingan ng advice eh hindi naman ako expert sa mga love love na yan" sabi ko sabay kamot sa batok ko
"Ayos lang yan tol at dapat lang naman talaga na sa'yo kami manghingi ng advice..." hinawakan pa ni Lucas ang pisnge ko "...kasi tignan mo 'tong mukha mo oh! Broken na broken"
"HAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Nathan
"Pasalamat kayo mga kaibigan ko kayo siya nga pala makakaalis na kayo, 'wag na kayong bumalik ah?" nakangiti pero naiinis kong sabi sabay dahan-dahang sara ng gate pero pinigilan lang nila ako
"Grabe ka naman tol 'di ka mabiro" sabi ni Nathan
"Yung sapatos ko lang kasi talaga ang broken at hindi ako" sabi ni Lucas
"Sapatos? Bakit? Mukha ba akong sapatos?" tanong ko naman
"Ikaw na mismo ang nagsabi niyan tol ah! Inamin mo na" sabi ni Nathan
"HAHAHAHAHAHA!" tawa ni Lucas at hinawakan pa niya ang tiyan niya habang tumatawa.
"Buo na talaga ang desisyon ko makakaalis na kayo, magkita na lang tayo sa Lunes" sabi ko at minadali kong sarhan ang gate at ni-lock ko rin.
"H-hoy—pfft! Hoy Andrew!"
"Hoy kadin!"
Pumasok na ako sa loob at sakto naman ang pagbaba ni Manang sa hagdan.
"Sino yun Andrew hijo?" tanong ni Manang
"Mga aso lang po Manang" sagot ko
"Aso? Eh bakit parang nagsasalita sila?"
"Ganyan na po ka-hightect ang mga aso ngayon Manang"
"Ganun ba hijo? Basta 'wag mo lang paluin o saktan bigyan mo na lang ng pagkain dahil buhay rin naman iyan"
"O-opo Manang"
Nakita kong lalabas na sana ng bahay si Manang—
"Saan po kayo pupunta Manang?" agad kong tanong dahil baka nasa labas pa ang dalawang aso.
"Titignan ko ang aso sa labas na sinasabi mo papakainin ko sila dahil baka sila ay nagugutom o kaya ay nauuhaw" sagot ni Manang
"Samahan na po kita Manang"
"Sigurado ka ba hijo?"
"Opo!"
Sinamahan ko na si Manang palabas ng bahay at ako na rin ang nagbukas ng gate pero pagkabukas ko ay bumungad sa'min ang isang lalaking itim ang kulay ng buhok at nakasuot siya ng eyeglass.
May dala pa siyang bouquet. Naaamoy ko rin ang pabango niya, ang layo ng amoy niya sa kapatid kong palaging amoy dishwashing liquid.
"Aba! Magandang umaga sa'yo hijo, ano pala ang maitutulong namin sa iyo?" tanong ni Manang, lumingon-lingon rin ako sa kaliwa at kanan dahil baka andito pa yung mga aso pero hindi ko na sila nakita umalis na siguro.
"Dito po ba nakatira si Arsherial?" tanong ng lalaking kaya agad ko siyang tinignan, may dalang flowers at saka mabango pa...isa lang ang ibig sabihin nito at hindi ako pwedeng magkamali.
"Pwede ba? Hindi pa patay ang kapatid ko para dalhan mo ng bulaklak, may lagnat lang siya" sabi ko at tumango-tango siya.
"Wala rin naman kasi akong sinabi na patay na siya" sabi niya naman, aba! Sumasagot pa! Halatang may dila!
"Kaibigan ka ba ni Arsherial hijo?" tanong ni Manang sa kanya
"Opo at classmate niya rin po ako" sagot niya
"Sige pumasok ka hijo" sabi ni Manang sabay senyas sa kanya na pumasok at nauna na sa loob si Manang.
Nung papasok na sana siya ay agad kong hinarangan kaya binigay niya na lang sa'kin ang bouquet na agad ko namang tinanggap inamoy-amoy ko yun saka napangiti ng bahagya at pumasok na siya sa loob ng bahay.
Wala pang lalaking nagbigay sa'kin ng bulaklak dati! Gusto ko ito!
*
Arsherial's POV
*tok*tok*tok*
"Bukas yan" sabi ko at bumukas ang pinto kaya pumasok na si Manang at si—Tralerjio?
"Kaibigan mo daw siya Arsherial hija, binibisita ka..." sabi ni Manang "...oh siya! Lalabas na muna ako"
Lumabas na si Manang pero hindi siya sinara ang pinto at kami na lang ni Tralerjio ang nasa kwarto.
"They said that you're sick, I'm sorry" sabi niya
"At saan mo naman nalaman na may sakit ako? Yang radar mo ah" sabi ko pero ngumiti lang siya at saka umupo sa gilid ng kama ko.
"Arsherial! Pakilabas nga muna yang mga basura diyan sa kwarto mo!" rinig kong sigaw ni Kuya galing sa baba
"Uy Tralerjio! Labas ka daw" asar ko sa kanya pero agad niya akong binuhat at ilalabas sana ako sa kwarto.
"H-hoy! Mas basura ka sa'kin" sabi ko kaya ibinalik niya ako sa kama
Kinuha niya ang bimpo sa noo ko at saka sinawsaw yun sa planggana, piniga at inilagay ulit sa noo ko.
"Are you feeling better now?" tanong niya at agad akong umiling bilang sagot.
At sino naman kasing gagaling kung ang crush mo na ang nag-alaga sayo? Siyempre ako!! Hihihi.
BINABASA MO ANG
Butterfly Weed
Novela JuvenilArsherial Cyste, isang babaeng makulit, maingay, pilosopa, sarkastiko at napakahilig niyang mang-asar. Meanwhile...Tralerjio Ardexon is cold, merciless, wise and cunning young man. He hated her, but what if the hate turned into love? Everything is f...