Chapter 22

3 2 0
                                    

Arsherial's POV

Nasa school na ako ngayon at kung mamalasin ay ako pa lang ang tao dito. Mayamaya pa ay bigla na lang dumating ang 'Team Kampanilya' kasama si Jilliannie.

"Napaaga ka yata, Arsherial?" sarkastikong tanong sa'kin ni Jessabell

"Para kasi maaga niya ring malandi si Tralerjio" sabi naman ni Clarabell

"Ganun ka na ba kababa ngayon, Arsherial?" tanong naman sa'kin ni Jillian

"Hindi naman ako mababa, ano ba ang tingin niyo sa'kin? Pandak?" tanong ko naman, inirapan lang ako ni Annabell.

"Hindi ka naman pandak, sadyang mababa lang talaga ang IQ ng utak mo" sabi ni Annabell

"Your face is ugly Arsherial, we need to remove it" sabi ni Jillian

"Your brain is useless, let's remove it too!" asar ko at agad namang napikon ang apat.

"You take it back!"

"Ayoko"

"Why not?!"

"Because no"

"Ang sama ng ugali mo, Arsherial!" sigaw sa'kin ni Clarabell

"Masama rin naman ang ugali niyong apat, nalamangan ko nga lang" sarkastiko kong sabi, bigla na lang natahimik ang apat ng biglang dumating si Wayne—

"Good morning mga peps!! Nandito na ang gwapong si Wayne!!!" sigaw niya habang naglalakad papunta sa upuan niya

"GWAPO KA NAMAN TALAGA WAYNE! HINDI MO NA KAILANGANG ISIGAW PA!!" sabi ni Jessabell kaya kinindatan siya ni Wayne at ayun! Nahimatay kaya dinala nila sa clinic!

Kami na lang ni Wayne ang naiwan dito at nilapitan niya pa ako.

Ano na naman kayang klaseng bagyo ang dala niya??

"Good morning, Arsherial!" sabi niya "...ang gwapo ko ngayon"

"Hindi naman.." sabi ko "Wayne kasi ang pangalan mo at hindi gwapo"

"Ang ibig kasing sabihin ng Wayne ay gwapo" sabi niya sabay kindat

(눈‸눈)

Ang sarap lang pasukan ng buhangin ng mata niya kung hindi pa siya titigil sa pagkindat.

"Mukhang puwing na puwing ka na yata sa bagyong dala mo"

Ibang klase lang talaga ang bagyong dala niya dahil hindi naman nakakasira ng bahay, nakakahimatay nga lang...pero bakit hindi ako nahimatay???

"Kindat ko nga lang nafa-fall na ang mga tao, eh paano kapag mas gumwapo pa ako? Edi pati nga bahat at gusali ay mafa-fall na rin"

"Wag mo sanang paabutin na dalhin kita sa mental, Wayne"

"Sabagay nakakabaliw rin naman talaga ang kagwapuhan ko"

Paano ko nga ba tatawagan ang mental? Wala naman akong number nila at hindi ko rin naman alam kung saan merong mental hospital, si Wayne kaya?

Parang wala na yatang makakapigil sa bagyong dala niya....

"Dahil masyado kang mahangin, bakit hindi na lang kita tawaging 'Super Typhoon Wayne'?" tanong ko

"Eh bakit naman yan ang itatawag mo sa'kin kung pwede namang 'Super Handsome Wayne'" sagot niya, bakit parang hindi ko yata maitumba ang pride niya ngayon?

Butterfly WeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon