Chapter 25

3 1 0
                                    

Arsherial's POV

Nasa labas ako ngayon ng bahay ni Tralerjio dahil ako kuno ang partner niya sa science eh ayaw nga niyang makialam ako!

-____-

Nagdoorbell na ako....

*ding*dong*

Makalipas ang ilang minuto ay hindi parin ako pinagbuksan ng gate kaya naman.....

*ding*dong*ding*dong*ding*dong*

"SANDALI!!!! 'WAG MO NAMANG SIRAIN ANG DOORBELL NAMIN! JUSMEYO!" hindi ito ang boses ni Tralerjio! Lalaki ang boses pero hindi naman ganyan ang boses niya! Papa niya kaya? Kuya? Lolo? Tito?

Bigla na lang bumukas ang gate at bumungad sa'kin ang isang lalaking parang 40's na.

"Hello po" masaya kong bati pero binigyan lang ako nito ng who-are-you-look.

"Ako nga po pala si Arsherial Cyste, kaibigan po ako ni Tralerjio at may project po kami ngayon sa science" nakangiti kong sabi

"Project lang ba talaga?" tanong niya sa'kin pero ang tono ng pananalita niya ay parang nang aasar!

"O-oo n-naman...p-po!" nauutal kong sagot dahil baka kung anu-ano na namang pumasok sa utak ko dahil sa sinabi niya.

"Ayaw ko ni Tralerjio ng mabaho sa pamamahay na ito kaya dapat naligo ka bago ka nagpunta dito" sabi niya, ang arte naman ni Tralerjio bhie! Kaya pala palagi siyang may pabangong dala!

"Don't worry! Hindi po ako mabaho, naliligo po ako once a month"

"Once a month?"

"Opo"

"Uncle, who are you talking to?" biglang tanong ng kakasulpot lang na si Tralerjio, halata sa mukha niya na kakagising niya pa lang eh alas 9 na at mukha ring hindi pa siya naliligo.

"Mabantot mo raw na kaibigan" sagot ng uncle niya, grabe naman 'to makabully si uncle!

"Cyste" banggit ni Tralerjio sa apilyedo ko

"Nandito ako para sa project sa science" sabi ko at pagkatapos ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti at agad naman siyang nag-iwas ng tingin at saka tumango.

"Follow me" cold niyang sabi sabay talikod at naglakad paalis.

Nginitian ko muna ang uncle niya bago ko siya sinundan. Habang naglalakad kami papasok ay simpleng mansion lang ang bahay nila, gusto ko iyon! Hindi masyadong malaki at hindi rin masyadong maliit, sakto lang!

Nasa living room na kami at sinenyasan niya akong umupo sa sofa kaya iyon ang ginawa ko. Bigla na lang siyang umakyat sa itaas at dumating naman ang uncle niya—na may dalang cologne at halos ibinuhos sa'kin ang lahat ng laman ng bote.

"Yan ang paboritong pabango ni Tralerjio" sabi niya at bigla ko na lang natandaan na ganitong-ganito ang amoy ng pabango na ginagamit ni Tralerjio lalo na yung inispray niya sa buhok ko!

"Siya nga pala hija..." agad ko siyang nilingon nang tinawag niya ako "...bakit nga pala amoy dishwashing liquid ang buhok mo? Ikaw ba ang sponge ng plato sa bahay niyo?"

∑(๑ºº๑)!!

"H-hindi p-po! Hehehe" nauutal kong sagot

"Ano po pala ang pangalan niyo?" tanong ko na lang dahil baka magustuhan niya pa ang topic na 'tirador ka ba ng dishwashing liquid?'

"Ylvaro pero pwede mo akong tawaging tito kung gusto mo" sabi niya

"Sige po...err..tito"

Nakakahiya naman! May hangganan rin kaya ang kakapalan ng mukha ko!

"Don't call him uncle, his my uncle not yours" biglang sabi ng pamilyar ng boses at agad kaming napalingon sa kanya.

"Hindi naman talaga siya nagbibihis o naliligo man lang kapag may bisita siya pero parang iba yata ang bisita niya ngayon" bulong sa'kin ni Tito

"Follow me" sabi ni Tralerjio kaya agad naman akong tumayo at sinundan siya.

Naglalakad kami ngayon hanggang sa napahinto kami sa labas ng isang kwarto.

"Anong gagawin natin diyan?" asar ko kaya agad niya naman akong tinignan ng masama

"What are you trying to say, woman?" cold niyang tanong sabay bukas ng pinto at pumasok kaya pumasok na lang din ako.

Hindi na niya sinara ang pinto, mas mabuti yun! Binigyan niya ako ng lab coat at gloves. Sinuot ko yun at ganun rin siya.

Nagsimula na kaming gumawa ng project namin sa science at akala ko siya lang ang gagawa ng lahat ng trabaho at hahayaan niya lang akong walang ginagawa but that didn't happen.

Ang dami niyang pinagawa sa'kin! Urgh!!!

Ito talaga yung masasabi kong teamwork.

"Mabuti naman at naisipan mong bigyan ako ng trabaho" asar ko sabay sundot sa malambot niyang pisnge

"Yeah, next time I'll hire you as my maid" cold niyang sabi, wow naman! Speaking of maid, wala akong kahit isang nakikitang maid dito!

"Kayo lang ba ng tito mo ang nakatira dito?" curious kong tanong habang nagmi-mix ako ng mga chemicals.

"Isn't it obvious?" ang cold talaga!!

Ang sarap niyang itapon sa bulkan!!!!

"Malay mo kasi diba may iba pang nakatira dito" sabi ko na lang

"Ylvaro raised me, ever since I was 5 year's old" sabi niya, napatango-tango na lang ako.

Kung ang tito niya ang nagpalaki sa kanya, nasaan na ang mga totoo niyang magulang? Ang daming tanong ang nabubuo sa isipan ko pero pinili kong manahimik, alam kong chismosa ako pero dapat may hangganan ang pagiging chismosa ko.

Mayamaya natapos na kami kaya tinanggal ko na ang lab coat at ang gloves. Si Tralerjio na siguro ang magpapasa niyan sa science teacher. Pero ayos lang din naman sa'kin na hindi niya ipasa kasi kahit bumagsak ako...I know I'm not alone.

"Do you want to eat something before you leave?" tanong niya habang bumababa kami sa hagdan

"Ikaw" bulong ko

"What?"

"Ang sabi ko kahit ano"

Nasa kusina na kami at may nilabas siyang lason sa daga.

Whut?!

"E-exuse me?! I'm not a rat!!" sabi ko

"I'm sorry, you look like one" cold ng sabi at halata sa tono ng pananalita niya na nang-aasar siya—

"Pft—hahahahaha" bigla na lang siyang tumawa

(๑°ㅁ°๑)‼

Ang cute niya!!!! Eeehhhhhkkkk!!!!!

"Grabe ka makatawa ano? Para bang, ako ang happypill mo—"

"Assuming" assuming agad?!? Judgemental much!!!

"Oh bakit hindi ba? Bakit? Tumatawa ka ba kapag iba ang kasama mo maliban sa tito mo?" tanong ko at bigla siyang napatigil at namula ang mukha niya kaya agad siyang nag-iwas sa'kin ng tingin.

"It's not like I like you or anything, baka!"

Butterfly WeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon