Arsherial's POV
Today is Thursday at hindi pa dumadating si Ria, nasaan na kaya ang babaeng yun? Katabi ko na rin ngayon si Tralerjio at wala kaming imikan, bahala siya diyan!
Pero diba dapat maging friendly ako?
"Psstt..." tawag ko sa kanya at agad niya rin naman akong nilingon.
"Buti na lang at nililingon mo na ako ano? Hindi mo na ako dinedeadma, goods yan" sabi ko pero nakatitig lang siya sa'kin
Hindi ba niya maintindihan ang language ko? Saang planeta ba kasi nakatira 'to? Ako na lang mag-a-adjust!
"Uhmm...ang english nun ay..." sabi ko "if you don't want to be ugly then look and talk to me"
"Tsk, you're the dumbest translator I've ever met" cold niyang sabi and the word 'dumb' stab me
"Grabe ka naman maka-dumb! Medyo bobo lang ako at hindi dumb!" sabi ko dahil totoo naman yun!
"Same difference"
"No"
*
Victoria's POV
Naglakad na ako papuntang school dahil nasira ang motor namin.
-____-
Habang naglalakad may salot namang sunod ng sunod!
"Victoria! Sandali!" sigaw ni Anthony kaya napatigil ako at naabutan niya naman ako dahil dun.
"Ano na naman bang gusto mo, Anthony?" wala sa mood kong tanong
"Gusto ko lang sabihin na mahal parin kita hanggang ngayon, Victoria" makapal na mukha at lakas ng loob niyang sabi.
"Ang kapal mo naman, diba sabi mo nga kaya mo ako iniwan dahil mas maganda pa sa'kin si Annabell?" sabi ko at napakamot naman siya sa batok niya.
"Noon yun, Victoria..." sabi pa niya "isang malaking pagkakamali ang nagawa ko noon"
"At isang malaking pagkakamali rin ang paglapit mo sa'kin ngayon" cold kong sabi
"Victoria naman—"
"Tama na Anthony! Tama na yung mga pagkakataong binigay ko sa'yo na sinayang mo lang! Tama na!" sigaw ko at saka naglakad na pero bigla niya na lang hinawakan ang braso ko dahil para mapatigil ako sa paglalakad.
"Ano ba?!" pagpupumiglas ko
"Makinig ka muna sa'kin, Victoria"
"Ayoko! Ayokong lokohin mo na naman ako!"
"Kahit ngayon lang"
"Sinabi ko ngang ayaw ko! Mahirap ba yung maintindihan?!"
Binitawan niya ang braso ko saka ako tumakbo palayo pero sumunod parin ang mokong!
Nasaan ba ang utak neto? Naiwan kaya sa bahay nila?
Naglakad na lang ako dahil hiningal na ako sa pagtakbo.
"Victoria, I'm sory" paghingi niya ng tawad, ilang beses ko na yang narinig dati eh! Pero palagi niya na lang inuulit mga pagkakamali niya! Nakakasawa!
"Bumalik ka na sa'kin, Victoria" ang kapal talaga ng mukha!
"Victoria please"
"Ayoko! Sobra sa limampu ang binigay kong pagkakataon sa'yo pero sinayang mo lahat yun!"
"Ang dami mong jinowa at kinama noon kahit jowa mo pa ako!"
"Jinowa mo pa nga ang halos lahat ng babae sa school!"
"Hindi na yun mauulit, I promise"
"Promise mo mukha mo! Nung sinabi mo yan noon sa'kin at kinabukasan nalaman ko na lang na jowa mo na pala pinsan ko, ang kapal mo!" sigaw ko at mas binilisan pa ang paglakad.
May mga luha na ring nagbabadyang pumatak pero pinigilan ko.
"Victoria please—"
"That's enough Mr.Fluecifer" agad kaming lumingon kung sino yun at bigla na lang naming nakita si Dawin.
"Wag kang makialam dito Dawin, problema namin 'to" sabi naman ni Anthony at hinila naman ako ni Dawin palapit sa kanya.
"Ayaw lang ni Victoria na masaktan mo ulit siya kaya inaayawan ka niya..." sabi ni Dawin "at isa pa kung mahal mo talaga siya edi sana hindi mo sinaktan"
"Diba sabi ko 'wag kang makialam?" galit na tanong ni Anthony at kinuwelyuhan na niya si Dawin nang bigla na lang dumating si Arsherial.
Σ(*゚◇゚*)
Tumatakbo siyang palapit sa'min at nung nakalapit na siya ay agad niyang sinipa sa mukha sa Anthony.
"Isa ka pa Arsherial! Masyado ka ring pakialamera" sabi ni Anthony at saka tumayo.
"I didn't asked for your nonsense opinion Mr.Anthony Fluecifer" cold na sabi ni Arsherial
*
Arsherial's POV
Ang tagal talagang dumating ni Ria kaya napagpasiyahan kong lumabas sa gate at agad namang pumayag ang guard dahil maaga pa naman.
Agad akong tumakbo papunta sa bahay nila Ria pero nang hindi pa ako nakakarating dun ay nakita ko si Anthony na kinuwelyuhan si Dawin at katabi niya naman siya Ria.
Agad kong binilisan ang takbo ko at nung nakalapit na ay agad kong sinipa sa mukha si Anthony dahilan upang bumagsak siya sa lupa.
"Isa ka pa Arsherial! Masyado ka ring pakialamera" sabi niya at saka tumayo.
"I didn't asked for your nonsense opinion Mr.Anthony Fluecifer" cold kong sabi
Ang sarap lang talagang isako silang dalawa ni Alvin.
(•ˋ _ ˊ•)
"Bakit ba ayaw niyong balikan ko si Victoria? Dahil ba magkakajowa ulit siya at kayo hanggang ngayon wala parin?" tanong ni Anthony, ang kapal talaga ng mukha!
Siguro sa sobrang kapal ginawa na niya yang business!
"Kahit kailan hindi ako desperadong magkajowa! Hindi ako kagaya mo na kahit sino pinapatulan" sarkastiko kong sabi at saka ko hinila palayo si Ria at sumunod naman sa'min si Dawin.
-----
Nasa canteen na kami ngayon at dahil galit ako dapat madami akong kainin!
Limang foot long at tatlong vitamilk na ang naubos ko. Ngayon naman kumakain ako ng suman.
"Dahan-dahan lang Arsherial, baka mabulunan ka niyan" nag-aalalang sabi sa'kin ni Le.
"Galit ako" cold at mahina kong sabi sabay kagat ng napakalaki sa suman, dalawang kagatan ko lang naubos na at uminom na ako tubig.
"Buti naman busog ka na" sabi ni Ria na kakatapos lang kumain ng butter coconut
"Anong busog? Appetizer pa yun" sabi ko at uminom ulit ng tubig.
"Siguro kung sasali si Arsherial sa eating contest, sigurado talaga akong mananalo siya" sabi ni Le sabay kagat sa bingkang binili niya.
"Nakasali na siya sa eating contest dati at napagod na lang ang chef sa kakaluto hindi pa rin siya nabubusog" sabi naman ni Ria dahilan para mabulunan si Le.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Ria at agad namang tumango si Le bilang sagot.
"Ano bang pagkain ang inihanda sa contest?" tanong pa niya
"Lugaw" sagot sa kanya ni Ria at halata sa mukha ni Le na hindi siya makapaniwala.
( ͡°_ʖ ͡°)
BINABASA MO ANG
Butterfly Weed
Teen FictionArsherial Cyste, isang babaeng makulit, maingay, pilosopa, sarkastiko at napakahilig niyang mang-asar. Meanwhile...Tralerjio Ardexon is cold, merciless, wise and cunning young man. He hated her, but what if the hate turned into love? Everything is f...