Arsherial's POV
Nakatitig lang ako ngayon sa kisame habang nakahiga ako sa kama.
Linggo ngayon at mabigat parin ang pakiramdam ko, hindi pa kasi gumagaling ang aking lagnat. Akala ko talaga gagaling na ako kahapon dahil inalagaan ako ni Tralerjio pero hindi pala, tsk.
Scam.....
"Arsherial sweetie~" biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ate Lurrainna.
"I heard na your sick kaya I'm here para alagaan ka, wala kasi dito sila Mommy at Daddy hindi ba? Mas inuuna pa kasi nila ang business kaysa sa'yo.." sabi niya sa nakakaasar na tono
"Alam na naman nila na may sakit ka pero hindi nila nagawang umuwi dito sa house para kahit kamustahin ka man lang..."
"Kaya si Manang at si babes ko lang ang nag-aalaga sa'yo but don't worry I'm here naman unlike your parents na minsan lang nandiyan para sa'yo—"
"Tapos ka na?" medyo sarkastiko kong tanong sa kanya
"Pasensya na huh, nahuhurt ko na ba ang feelings mo? Masakit talaga ang katotohanan Arsherial at kailangan mo yung tanggapin—"
"Kasi kung tapos ka na pwede mo ng palitan ang bimpo ko at kunan ako ng makakain at gamot" putol ko sa sinasabi niya
"Oo ba, sige lalabas muna ako ah" sabi niya sabay labas at sara ng pinto.
Napabuntong hininga na lang ako, hindi naman na minsan lang sa tabi ko ang mga magulang ko. Meron ring mga panahon na andiyan sila para sa'kin at meron ring mga panahon na busy sila at naiintindihan ko yun.
Bigla na namang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Lurrainna at saka sinara niya ang pinto.
May dala siyang planggana at tray ng pagkain. Nilagay niya yun sa mesa kaya bumangon at saka nagpunta doon at naupo.
Hinawakan niya ang noo ko....
"Medyo mainit ang malapad mong noo Arsherial at namamawis ka din! Halatang malapit ka ng gumaling" sabi niya sabay alis ng kamay niya sa noo ko
Kinain ko na ang sopas na dala niya at uminom narin ako ng gamot. Bumalik ako sa kama at saka nahiga. Nilagyan niya rin ng bimpo ang noo ko.
"Siya nga pala aalis na ako dahil may urgent pa akong kailangang puntahan, bye! Pagaling ka" sabi niya sabay bitbit ng wala na ng lamang tray ng pagkain at saka lumabas ng kwarto ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko halatang may nagtext kaya inabot ko ito at binasa.
From : Ria TM
May jowa na ako!!
(≡^∇^≡)To : Ria TM
Kailan ba daw kayo maghihiwalay?From : Ria TM
Grabe ka.
Ambitter mo!
Kaya ka hindi nagkakajowa eh.
Hehehe.To : Ria TM
'Di bale ng wala akong jowa basta ang imporante hindi ako na-ghost at hindi rin ako ghoster.From : Ria TM
Hahaha.
May irereto pala ako sa'yo.To : Ria TM
No, thanks.From : Ria TM
Ang gwapo niya bhie 'di ka magsisisi.To : Ria TM
Sa'yo na lang yan.Kahit ang simpleng pagce-cellphone ay nakakalala lang ng bigat ng pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Butterfly Weed
Teen FictionArsherial Cyste, isang babaeng makulit, maingay, pilosopa, sarkastiko at napakahilig niyang mang-asar. Meanwhile...Tralerjio Ardexon is cold, merciless, wise and cunning young man. He hated her, but what if the hate turned into love? Everything is f...