Arsherial's POV
Friday na ngayon at sobrang saya ko dahil wala ng pasok bukas!!!!
Pagkapasok ko pa lang sa classroom ay agad kong binati ang mga classmate ko.
"GOOD MORNING PEOPLE!!!!" sigaw ko at nag-echo yun sa buong classroom.
"Hoy babae! Ang aga-aga, megaphone ba almusal mo?" sabi ni Ria habang tinakpan ang tainga niya
"Ahh hehe...sorry naman kung naingayan ang malaki mong tenga sa boses ko" sabi ko
"HAHAHA! Baka nakakalimutan mong mas malaki ang tainga mo kesa sa akin" natatawa niyang sabi habang nakatakip parin sa tainga niya
"HAHAHAHA!!!" tawa ko dahil totoo naman, habang papalapit ako sa upuan ko ay napansin kong hindi pa dumadating si Tralerjio.
Nilagay ko na ang bag ko sa upuan at saka nagpunta sa upuan ni Ria.
"Lalabas ako, sasama ka?" aya ko sa kanya
"Hindi na, alam ko namang uutot ka lang sa labas kaya sige na hindi na lang ako sasama" sagot niya pa
"Kahit tagasabi lang kung gaano kabaho ang utot ko?"
"Pft—sige na labas na! Baka dito mo pa maiutot"
"Oo na" sabi ko at lumabas na lang.
Nagpakalayo-layo muna ako at sinigurado kong walang tao sa paligid at agad kong nilabas ang nakaka-inlove kong utot.
*cough*cough*cough*
Bakit parang feeling ko mamatay yata ako sa baho ng utot ko?
Nagcologne na lang ako habang papaalis ako sa lugar kung saan ako umutot para hindi dumikit ang amoy sa'kin.
Hindi ko naman talaga 'to sa'kin pero binigyan ako ni Tralerjio at pinipilit niya akong gumamit dahil ayaw niya daw ng mabantot na cute na gaya ko. Hindi naman talaga ako masyadong mabaho sadyang maarte lang talaga ang ilong niya.
"Hoy Arsherial, pwede magpatulong?" biglang sabi ng kakasulpot lang na si Maria
"Sure!"
Agad niyang sinabi sa'kin ang plano at nag-suggest rin ako na nagustuhan niya naman. Agad na namin yung ginawa. May prank lang naman si Maria sa isang babaeng hindi niya gusto dito sa school dahil masyadong mapagmataas—si Jilliannie.
Dumaan na si Jillian sa basang semento at hindi man lang siya nadulas, yan ang suggestion ko! Pakembot-kembot lang siyang naglakad palayo habang nakaramdam naman ako ng aura na parang gusto akong patayin dahil pumalpak ang plano ko.
"Hindi gumana ang plano mo" sabi niya sa nakakatakot na boses
"Nung hindi rin gumana ang utak mo, nagreklamo ba ako?" sabi ko pero masama lang ang tingin niya sa'kin
"At isa pa...sinisipon ako ngayon kaya hindi rin masyadong gumagana ang utak ko" agad akong nakatanggap ng sakal na hindi naman nakakamatay at inalog-alog niya pa ako.
----------
Medyo sumakit ang leeg ko sa sakal at naglalakad ako ngayon sa hallway para bumalik na sana sa classroom ko.
"Ara ara~ Arsherial-chan! Are you daijyubo?" agad akong napalingon para malaman kung sino ang conyong nagsalita—si Theresa.
(눈‸눈)
"Genki desu" sagot ko at bigla naman siyang namangha.
(Translation : "I'm fine, thanks" )
"Waa!! You're so magaling pa lang mag-japanese, Arsherial-chan!" nakangiti at masaya niyang puri sa'kin.
Nung unang nagkita kami wala namang halong Japanese ang conyo niya pero ngayon meron na! Nag-level up!!!!
"Kailan ka pala natutong magsalita ng Japanese, Theresa?" tanong ko dahil medyo chismosa ako
"Noong nakaraang dalawang months lang!! What about you, Arsherial-chan?" nakangiti niyang tanong sa'kin
"Matagal na, noong 14 year's old pa lang ako" sagot ko at ngumiti rin.
"Waa!! You're so magaling naman! And so smart rin! I'm also smart but not as smart as you! I can even sagot kahit ano pa ang questions mo!" masaya niyang sabi, napaka-cheerful niya naman! Nakakahawa ang pagiging masayahin niya! Sana mahawaan rin ako kahit konti lang sa ganda niya.
"Kung ang english ng akma ay fit, bakit ka pinagpalit?" asar kong tanong at parang napatigil rin siya sa kakangiti at para bang nagdadalawang-isip siya kung sasagutin ba niya o hindi.
"HAHAHA! You're so funny talaga Arsherial-chan! It's not a serious question naman eh" natatawa niyang sabi, ang choosy naman neto ng questions!
----------
Nasa classroom na kami ngayon at sinusubukan kong makinig ng maigi sa teacher pero wala paring pumapasok sa utak ko. Siguro gra-graduate na lang akong bobo. Sinulat ko ang mga mahahalagang pinagsasabi ng teacher para naman mareview ko kapag examination na.
*krrriiingggg....*
"That's all for today, dismiss" sabi ng teacher sabay dala ng libro niya at umalis.
Agad kaming naglinis ng classroom at pagkatapos nun ay nagring ulit ang bell para mag-uwian. May nililigpit pa akong gamit kasama ko ngayon si Tralerjio sa classroom at kami na lang dalawa ang nandito.
Lumabas na ako at ganun din siya. Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan at kung mamalasin hindi ako nakadala ng payong.
"Sinusundan mo ba ako?" assuming kong tanong pero hindi ako nakatanggap ng sagot kaya naglakad na lang ako hanggang sa nakarating kami sa entrance ng building.
"May payong ka?" tanong ko at agad naman siyang umiling bilang sagot.
Malamig ang ihip ng hangin at medyo dumidilim na ang paligid, hindi na ako nakadala ng jacket ng bigla na lang may yumakap sa'kin sa likod ko kaya agad ko itong tinignan.
"I'm cold too" cold niyang sabi at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa'kin.
Hindi ko kasalanang hindi ka nakadala ng jacket o payong!
Mga isang oras rin ang lumipas at hindi parin humihinto ang ulan. Bigla na lang hinila ni Tralerjio ang kamay ko at—
"Sandali!!! Ayokong maligo ng ulan!" sabi ko
"Tomorrow is Saturday, so it's just fine if you get sick" cold niyang sabi habang hinila ako ng tuluyan palabas ng building para mabasa ng ulan kasama siya.
Gusto niyang magkasakit at nagdala pa ang kasama, what a good friend.
Hinawakan niya lang ang kamay ko hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng gate at basang-nasa na rin ako.
"Malambot ba ang kamay ko?" asar ko at tumango naman siya.
"What about my lips?" asar ko pa kaya napatigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako.
Nasa gilid kami ngayon ng kalsada habang sobrang lakas parin ng buhos ng ulan.
"I don't know..." mahina niyang sagot "I haven't kiss you before"
Pansin kong medyo namumula ang pisnge niya. Bigla niya na lang nilapit ang mukha niya sa'kin—
"I know they're already soft but can I get the privilege to steal your first kiss?"
BINABASA MO ANG
Butterfly Weed
TienerfictieArsherial Cyste, isang babaeng makulit, maingay, pilosopa, sarkastiko at napakahilig niyang mang-asar. Meanwhile...Tralerjio Ardexon is cold, merciless, wise and cunning young man. He hated her, but what if the hate turned into love? Everything is f...