Chapter 23

4 1 0
                                    

Arsherial's POV

Naglakad na ako pauwi, sinabi ko kasi kay Kuya na mas gusto kong maglakad kaya heto ako ngayon naglalakad habang nasa space ang utak!!

Habang naglalakad ay may nakita akong sampung tambay sa saradong tindahan, pitong lalaki at tatlong babae. Hindi naman sa chismosa ako pero narinig ko silang nag-uusap.

Wala ring mga bahay ang tabi ng tindahan dahil nasa unahan pa.

"Diba isa sa mga Cyste yang babae?"

"Oo, ang ganda niya ano?"

"Mayaman naman pala yan eh"

Tatalikod na sana ako para sa ibang kalsada na lang ako dadaan pero bigla na lang nila akong tinawag pero hindi ako lumingon at binilisan ko na lang ang lakad.

"Hoy bingi ka ba?!"

"Bumalik ka dito!!!"

Tatakbo na sana ako pero bigla na lang may humawak sa braso ko ng mahigpit dahilan para mapalingon ako sa likod. Nandito na silang sampu at isang lalaking malaki ang pangagatawan ang nakahawak sa braso ko.

"At saan ka pupunta?" tanong ng lalaki pero hindi ko siya sinagot, nagpumiglas lang ako pero masyadong mahigpit ang hawak niya sa'kin.

"Bakit hindi tayo humingi ng ransom sa mga magulang niya" suhestiyon ng isa sa mga babae

"At sa tingin mo makukuha natin ang pera? Takot mo lang sa lolo niya" sabi naman ng isa

Oo, ganyan nga! Matakot kayo kay Lolo!!

"Hoy!!" tawag ng isang babae sa'kin sabay labas ng kutsilyo niya at itinutok ito sa leeg ko.

"Ibigay mo sa'min lahat ng perang dala mo" sabi pa niya

"Dahan-dahan lang sa pananakot sa bubwit na yan! Baka magsumbong pa yan sa Lolo niya, yari tayo" sabi ng isang babae

"Subukan niya lang at hindi talaga ako magdadalawang isip na kitlan ng buhay ng apo ng lapastangan na 'to"

"₱990.00 lang ang natira sa baon ko ngayon" sabi ko

"Magkano ba ang baon mo?"

"₱10,000.00"

"Ang laki naman niyan!!!"

"Ibigay mo nga sa'min" utos ng isa kaya agad ko namang binigay dahil sa bulsa ko lang naman yun nilagay.

Kung tutuusin rin naman kasi ang ganyang kalaking halaga ay katumbas lang ng isang sentimo ng pera ni Lolo. Marami rin naman ang naipon kong pera, nasa mga dalawang milyon na yata.

"Dapat araw-araw mong ibigay ang baon mo sa'min"

"Dahil kung hindi mo yan gagawin, lalabas ang totoong estorya sa pamilya mo"

What are they talking about? At ano naman kaya ang totoong estorya na tungkol sa pamilya namin? Ang ganda kaya ng lahi namin?

"Ano bang totoong estorya ang pinagsasabi mo?" tanong ko pero pero tinawanan lang nila ako

-____-

Ako lang yata ang 'di nakarelate? 'Di rin naman funny ang sinabi ko ah!

"Wag kang mag-maang-maangan!"

"Alam naming alam mo ang sekreto ng pamilya niyo!"

"Syempre naman alam niya kung bakit napakayaman nila at kung saan nila nakukuha ang pera!"

Sa totoo lang wala akong alam, hindi ko alam kung anong pinagsasabi nila! Sekreto? Si Lorry ba ang ibig nilang sabihin? Parang hindi naman!

"Wala talaga akong alam!" sabi ko pero sinampal lang ako ng isang lalaki dahilan para bumagsak ako sa kalsada

"Sabagay, apo ka naman ng Lolo mo...bakit hindi na lang ikaw ang pagbayarin namin sa lahat ng kasalanang ginawa niya?"

Kasalanan? Anong kasalanan? Ano ang kasalanan ni Lolo na 'di ko alam? Alam kaya 'to ni Mommy, Daddy at Kuya? Eh si Manang kaya?

Masyadong magulo ang isip ko na para bang gusto ng lumabas ng utak ko sa ulo ko....sabagay wala nga nanan akong utak.

"Kahit anong sabihin niyo wala talaga akong alam!" sabi ko kaya naman inapakan ng isang lalaki ang ulo ko at diniin pa talaga.

"Wala kang alam? Hahahah! Nagpapatawa ka ba?"

"Mukha ba akong nagpapatawa?" tanong ko dahilan para sipain niya ang mukha ko

Grabe naman! Pikon much si Kuya!

"What do you think you're doing?" biglang may nagsalita, masyadong pamilyar sa'kin ang boses para magkamali ako kung sino ito!

"At sino ka naman?"

"Ano mo ba ang unggoy na 'to? Prince charming?"

Unggoy? Sa gwapo niyang yan tatawagin niyo siyang——sabagay mukha nga naman talaga siyang unggoy.

Tinulungan niya akong tumayo pero ang isang lalaki ay masyadong bitter, may crush siguro 'to sa'kin.

"At ano naman sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ng lalaki sa kanya

Susuntukin na sana siya ng isang lalaki pero agad niya naman itong nailagan kaya sinipa niya ito sa tiyan at agad namang tumilapon sa malayo ang lalaki.

*gulp*

Kahit anong mangyari ayaw kong masipa ni Tralerjio.

Naglabas na ng mga baril at kutsilyo ang iba.

"Sa tingin mo kaya mong manalo sa baril?" tanong ng isa pero dineadma lang siya ni Tralerjio

Babarilin na siya pero agad niyang nasipa ang kamay ng lalaki dahilan para tumilapon palayo ang baril. Pinagsusuntok niya pa ang iba at sinipa-sipa rin! Yung tatlong babae na lang ang natitira dahil ang pitong lalaki ay dumudugo na ang mga mukha!

"W-wag kang lalapit!!!" natatakot na sigaw ng isang babae sabay tutok ng kutsilyo niya kay Tralerjio at yung dalawa naman ay tatakbo na sana palayo pero agad din naman silang naabutan at pinag-untog ang mga ulo nila dahilan para mawalan sila ng malay.

"H-halimaw ka!! 'Wag kang lalapit!! 'Wag kang lalapit!!!" sigaw ng natitirang isang babae pero agad siyang nasipa ni Tralerjio sa ulo at agad din itong nawalan ng malay.

Nilapitan niya ako na maraming dugo ang sapatos, binti, damit, kamay at mukha niya.

"Thank you, Tralerjio!" pasasalamat ko at agad ko naman siyang niyakap at laking gulat ko pa ng yakapin niya ako pabalik.

"Are you okay?" husky niyang tanong sa'kin

"Diba dapat ako ang magtatanong sa'yo niyan?" tanong ko naman sa kanya, nanatili lang ang pwesto namin hanggang sumapit na sa alas 6.

----------

"Sana inimbitahan mo yang Tralerjio para naman makapagpasalamat tayo sa kanya" naiiyak na sabi ni Mommy habang yakap niya ako dahil kinuwento ko sakanila ang nangyari

"Pakiusap Arsherial anak, sumabay ka na lang sa Kuya mo para hindi ka na ulit mapahamak" sabi naman ni Daddy

"Pero ano pala ang sekreto ng pamilya natin—"

"Wala bang masakit sa'yo?" pinutol ni Kuya ang tanong ko

"Yung sekreto—"

"Baka nagugutom ka"

Siguro may alam sila dahil ayaw nilang malaman ko yun!

Butterfly WeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon