Victoria's POV
Sabado ngayong araw at balak ko sanang pumunta sa bahay nila Arsherial para makapagbonding kaming magbff.
(≡^∇^≡)
"Aalis na po ako Mama! Lola! Alis na ako bunso" paalam ko
May bunso akong lalaki na nagngangalang Victor Hychro. Kung ako si Victoria ang kapatid ko naman ay Victor.
-___-
Ewan ko lang kung bakit ginanyan ang pangalan namin eh pwede namang hindi na isunod sa pangalan ko ang pangalan ng kapatid ko.
Lamang din ako ng 12 years sa kapatid ko.
"Pasalubong ko ate" sabi ni Victor, ang kapal naman ng face.
"Sige susubukan ko" sabi ko sabay gulo sa buhok niya
"Mag-iingat ka at umuwi ka bago gumabi" paalala ni Lola sa'kin
"Opo Lola" sabi ko sabay ngiti
"Tapos ka na ba maghugas ng plato? Eh nakalaba ka na ba ng mga damit mo?" tanong naman ni Mama
"Tapos na ho Ma at bukas na po ako maglalaba" sabi ko at saka lumabas na ng pinto baka mautusan pa ako
"Bye!" sabi ko habang naglalakad palabas ng gate
Nasa gilid na ako ngayon ng kalsada naglalakad papunta sa bahay nila. Pinaalam ko na sa kanya na pupunta ako dahil ayaw niya sa mga surprise visits.
*buzz*buzz*
Biglang nag-vibrate ang bulsa ko kung saan ko nilagay ang cellphone kaya binagalan ko ang paglalakad at saka kinuha ang cellphone ko at tinignan.
From : Arsherial TM
Punta na lang tayo sa paborito nating Mall kakain tayo sa Jollibee at magshopping na rin tayo :)
Kung nakalimutan mo ang wallet mo or kunti lang ang pera mong dala 'wag ka ng bumalik pa sa house niyo.
My treat♥To: Arsherial TM
Salamat gurl♥
On the way na ako
Kita na lang tayo :)Binalik ko na ang cellphone sa bulsa ko at nagsimula ng maghanap ng tricycle, minsan kasi may dumadaan dito at medyo malapit lang naman ang paborito naming Mall sa bahay ni Arsherial kaya nga yun ang paborito niyang Mall.
Mga 300 meters lang galing sa bahay ni Arsherial papunta sa Mall. Ang layo naman ng bahay namin at bahay ni Arsherial ay 2 000 meters lang.
Kaya ayos lang din na maglakad ako dahil maaliwalas naman ang panahon.
"Victoria" biglang tawag ng boses na pamilyar sa'kin kaya nilingon ko ito at hindi nga ako nagkakamali.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito Anthony? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko
Ganyan si Anthony, pati yung relasyon namin noon ay pasekreto at hindi rin siya sweet kapag nasa harap kami ng maraming tao. Niligawan niya lang ako sa chat at sinagot ko naman dahil akala ko mabuti siyang tao. Hindi rin siya nag-abalang tanungin ako tungkol sa buhay ko, ako lang ang palaging nagtatanong.
Mag iisang taon na ang relasyon namin noon at nung nagpunta ako sa janitors room para sana isauli ang mop ay nakita ko sila ni Annabell na naghahalikan sa loob like yuck! Buti na lang at hindi pa ako nagkakaroon ng first kiss! At mas mabuting hindi siya yun!
BINABASA MO ANG
Butterfly Weed
Fiksi RemajaArsherial Cyste, isang babaeng makulit, maingay, pilosopa, sarkastiko at napakahilig niyang mang-asar. Meanwhile...Tralerjio Ardexon is cold, merciless, wise and cunning young man. He hated her, but what if the hate turned into love? Everything is f...