Chapter 4

2.3K 38 3
                                    

Alicia's POV

Nagising ako na nasa ibang kwarto na. Agad akong bumangon at nilibot ang paningin ko. Inalala ko ang mga nangyari kagabi at napatayo na lang ako mula sa kama nang maalala ko ang nasaksihan kong pagpatay ni Marcus.

Lumabas na ako ng kwarto dala ang sling bag ko at halos madapa ako sa sobrang bilis nang pagbaba ko sa hagdan.

"And, where are you going?" he asked.

"Please don't kill me!" Tinaas ko ang dalawa kong kamay kaya nabitawan ko ang bag ko.

"What the hell are you talking about?" he asked.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko siyang nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin.

"Y-you're not gonna kill me?" I asked and he gave me a confused look.

"Where did you get that idea? Why would I kill you? Kalaban ka ba?" sunod-sunod niyang tanong.

"Well, diba pinapatay ng mga mafia 'yung mga taong makakasaksi ng pagpatay nila except sa kanilang mga tauhan?" I curiously asked.

"Not this mafia. Let's have breakfast," sabi niya at nauna nang pumunta sa dining room.

Sumunod naman ako at pagpasok ko sa loob ng dining room ay naabutan ko siyang nagbabasa ng dyaryo. Umupo ako sa may gilid malapit lang sa kanya at maya-maya lang ay dumating na ang mga kasambahay dala ang mga pagkain.

Inilapag nila ito isa-isa sa lamesa hanggang sa iniwan na nila kaming dalawa.

"Eat up," sabi niya at binigyan ako ng plato.

Nag sandok na lang ako ng pagkain at ganun din ang ginawa niya. Matapos nun ay tahimik lang kami hanggang sa matapos kaming kumain.

"Marcus, uuwi na ako. Baka hinahanap na ako nila mommy tsaka kailangan ko pa mag-ensayo ulit," I said.

"Maligo ka muna sa taas."

"Huh? Wala akong pamalit."

"I do." Umakyat siya sa hagdan at sumunod naman ako.

Nang makarating kami dun sa kwarto na tinulugan ko ay kumuha siya ng pang babaeng damit sa closet.

"Here," sabi niya sabay abot sa akin ng mga damit na maayos na nakatupi.

Kanino ito? Siguro marami siyang dinadala na babae dito at naiiwan 'yong damit. Tsk!

"Wag kang mag isip ng kung ano-ano. Sa kapatid ko 'yan," sabi niya na tila nabasa ang iniisip ko.

"May kapatid ka?" I asked.

"Yep. She's the same age as you. Maligo ka na," sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Dumeretso na lang ako sa cr at hinayaan ang maligamgam na tubig mula sa shower na umagos sa buong katawan ko.

Pagkatapos nun, sinuot ko na 'yung binigay ni Marcus na damit at pinatuyo ko na ang buhok ko. Isa pala siyang black leggings at purple t-shirt at parang parehas lang kami ng katawan ng kapatid niya dahil kasya sa akin ang damit.

Lumabas na ako ng kwarto at pagbaba ko ay nakita ko siya sa living room na iba na ulit ang damit. Siguro naligo na rin siya.

"Let's go," he said when he saw me.

Tumango ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay.

"Hindi tayo diyan." Napalingon ako nang magsalita siya nung bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya.

"Saan?" Tanong ko at may tinuro pa siyang SUV na nakaparada pa sa loob ng garahe. Wow ha, marami pala siyang sasakyan.

Tumango lang ako at sumunod sa kanya papunta dun sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako sa loob at siya naman ay sa driver's seat.

Alam mo, hindi tatabla sa akin  iyang pagiging gentleman mo! Hindi pa rin magbabago ang isip ko, ayoko pa ring makasal sa isang mamamatay tao!

...

Imbis na ihatid ako ni Marcus pabalik sa bahay ay hinatid niya ako papunta sa ice skating rink. Buti na lang at iniwan ko dun 'yong bag ko.

Pagpasok ko sa loob ay nakasunod pa rin siya sa akin hanggang sa madatnan ko na si Macy at sila Hannah na nag-eensayo na.

"Mace!" Tawag ko sa kanya.

"Lisha! Buti naman at nakarating kana!" tuwang-tuwa niyang sabi at napatingin naman siya sa likod ko.

"Anong ginagawa niya dito?" bulong niya.

"Mahabang kwento," sagot ko at nilingon si Marcus nang bigla niya akong tapikin.

"Mauna na ako. I'll just send my men to pick you up later," bilin niya.

"Wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa," sabi ko.

"No. After what happened yesternight, you are not safe anymore," bulong niya. What?!

"Mauna na ako," paalam niya at umalis na.

Great. So my life is now in danger?! Just great!

...

Natapos na rin akong mag-ensayo at may sumundo nga sa akin na tauhan ni Marcus. Hinatid nila ako sa bahay at agad din naman silang umalis. Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko ang mga magulang ko sa sala kasama ang mga magulang ni Marcus.

"Alicia! Where have you been? We're so worried! Bakit hindi ka man lang tumawag?" nag-aalalang tanong ni mommy at lumapit sa akin.

"Ano kasi mom---" bigla namang sumingit si daddy.

"Bakit iba na ang damit mo?" he asked. Oo nga pala!

"A-ah eh---" si tita naman ang sumingit.

"Teka, parang damit 'yan ni Monica ha," sambit niya.

"Wait lang kasi!" sabi ko. Ang daming sumisingit eh...

"After naming mag dinner kagabi, dumeretso kami sa bahay ni Marcus para dun magpalipas ng gabi tapos kaninang umaga ay pinahiram ako ni Marcus ng damit ng kapatid niya para may pamalit ako," paliwanag ko.

Nginisian naman ako ng mommy ko pati si tita at hindi ko naman maintindihan ang gusto nilang ipahiwatig.

"May nangyari ba?" Nakangising tanong ni mommy at agad nanlaki ang mga mata ko.

"What?! No! Wala!" Sigaw ko.

"Are you sure?" Tinignan nila akong dalawa na tila iniisip kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

"Yes! Mom, that is disgusting! Excuse me!" dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto ko. Grabe, ang bastos ng tanong nila ha!

Pagdating ko sa aking silid ay kumuha muna ako ng pantulog na damit bago pumasok sa cr para maglinis ng katawan.

Paglabas ko ay nakabihis na ako ng pajamas kaya dumeretso muna ako sa table ko para patuyuin ang aking buhok bago lumabas ng kwarto.

Napansin kong wala na sila tita sa sala kaya nagtungo muna ako sa kusina para magtimpla ng gatas bago muling umakyat papunta sa aking kwarto.

Ayoko muna na makita ako nila mommy dahil sigurado ako na kung ano-ano ang itatanong niya sa akin.

To be continued

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon